Skip to content

Instantly share code, notes, and snippets.

@RyannKim327
Last active June 28, 2025 15:49
Show Gist options
  • Save RyannKim327/eb870458fadf06fdf48255005d378c2d to your computer and use it in GitHub Desktop.
Save RyannKim327/eb870458fadf06fdf48255005d378c2d to your computer and use it in GitHub Desktop.
A gist data for bible quis repository
[
{
"qe": "Who is the first man?",
"qt": "Sino ang unang tao?",
"answers": ["Adam", "Adan"],
"threshold": 0.1,
"cs": true
},
{
"qe": "What is the name of Sarah, wife of Abraham, before he called as Sara?",
"qt": "Ano ang pangalan ni Sara, asawa ni Abraham, bago sya tawaging Sara?",
"answers": ["Sarai"],
"threshold": 0.1,
"cs": true
},
{
"qe": "What God gives as proof that he will never detroy the earth again?",
"qt": "Ano ang pinangako ng Diyos na patunay na hindi na nya gugunawin ang mundo?",
"answers": ["rainbow", "bahaghari"],
"threshold": 0.25
},
{
"qe": "What did God do as a sign of his convenent with Abraham's decendants?",
"qt": "Ano ang ginawa ng Diyos na palatandaan bilang pakikipag-tipan sa kanya ng lahi ni Abraham?",
"answers": [
"tuli",
"circumcision",
"pagtutuli",
"pagpapatuli",
"circumcise"
]
},
{
"qe": "Who was the wife of Isaac?",
"qt": "Sino ang asawwa ni Isaac?",
"answers": ["Rebecca", "Rebeca", "Rebecah"],
"threshold": 0.1,
"cs": true
},
{
"qe": "Who else was Abraham's wife besides Sarah?",
"qt": "Sino pa ang naging asawa ni Abraham bukod kay Sara?",
"answers": ["Ketura", "Keturah"],
"cs": true,
"threshold": 0.1
},
{
"qe": "What was the name of Abraham before he called as Abraham?",
"qt": "Ano ang pangalan ni Abraham bago sya tawaging Abraham?",
"answers": ["Abram"],
"cs": true,
"threshold": 0.1
},
{
"qe": "In which cave in Canaan did Abraham bury his wife Sarah?",
"qt": "Saang yungib ng Canaan nilibin ni Abraham ang kanyang asawa na si Sara?",
"answers": ["Macpela", "Machpelah"],
"threshold": 0.1,
"cs": true
},
{
"qe": "What bible verse is this: The Lord God is my strength, and he will make my feet like hinds' feet, and he will make me to walk upon mine high places. To the chief singer on my stringed instruments.",
"qt": "Anong talata sa bibliya ito: Ang Panginoong Diyos ang sa aki'y nagpapalakas. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan.",
"answers": ["Habakuk 3:19", "Habakkuk 3:19"],
"cs": true,
"threshold": 0.1
},
{
"qe": "From what book in the bible do you find this: [19] Wherefore, my beloved brethren, let every man be swift to hear, slow to speak, slow to wrath: [20]For the wrath of man worketh not the righteousness of God.",
"qt": "Saang aklat sa bibliya ito mababasa: [19] Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit. [20] Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos.",
"answers": ["James", "Santiago"],
"threshold": 0.01,
"cs": true
},
{
"qe": "How many months was Elizabeth, the mother of John the Baptist, when the angel Gabriel spoke to Mary?",
"qt": "Ilang buwan si Elizabeth, ina ni Juan Bautista, nang kausapin ng anghel na si Gabriel si Maria?",
"answers": ["anim", "anim na buwan", "6 months", "6 na buwan", "6 buwan"]
},
{
"qe": "What bible verse is this: Blessed are the merciful: for they shall obtain mercy.",
"qt": "Sa anong talaga sa biblita makikita ito: Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat sila ay kinahahabagan ng Diyos.",
"answers": ["Matthew 5:7", "Mateo 5:7"],
"cs": true,
"threshold": 0.1
},
{
"qe": "What chapter in the bible was recorded as longest chapter?",
"qt": "Anong kabanata sa bibliya ang naitala bilang pinakamahabang kabanata sa buong bibliya?",
"answers": ["Mga Awit 119", "Awit 119", "Psalms 119", "Mga Salmo 119"],
"cs": true,
"threshold": 0.1
},
{
"qe": "What was the name of Apostol Paul before he become an apostol?",
"qt": "Ano ang pangalan ni Apostol Pablo bago sya maging isang apostol?",
"answers": ["Saul", "Saulo"],
"cs": true,
"threshold": 0.1
},
{
"qe": "What does Jesus Christ job?",
"qt": "Ano ang naging trabaho ni Kristo?",
"answers": ["kerpentero", "carpenter"]
},
{
"qe": "Which apostle was not circumcised?",
"qt": "Sinong apostol ang hindi nagpatuli?",
"answers": ["Tito", "Titus"],
"cs": true,
"threshold": 0.1
},
{
"qe": "In which land did Moses die?",
"qt": "Saang lupain namatay si Moses?",
"answers": ["Moab", "Nebo", "Mt. Nebo", "Mount Nebo", "Kabundukan ng Nebo"],
"cs": true,
"threshold": 0.1
},
{
"qe": "How long does God created everything in Earth?",
"qt": "Gaano katagal ginawa ng Diyos ang lahat sa sanlibutan?",
"answers": ["6", "6 days", "anim", "anim na araw"],
"threshold": 0.1
},
{
"qe": "Who was the husband of Ruth which is also a close relative of Naomi?",
"qt": "Sino ang asawa ni Ruth na malapit na kamag-anak nina Noemi?",
"answers": ["Booz", "Boaz"],
"cs": true,
"threshold": 0.1
},
{
"qe": "What bible verse that says: [4] He that saith, I know him, and keepeth not his commandments, is a liar, and the truth is not in him. [5] But whoso keepeth his word, in him verily is the love of God perfected: hereby know we that we are in him.",
"qt": "Anong talata sa bibliya ang nagsasabi ng: Ang nagsasabing, \"nakikita ko sya,\" ngunit sumusuway naman sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. [5] Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos.[a] Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya.",
"answers": ["1 John 2:4-5", "1 Juan 2:4-5"],
"threshold": 0.1,
"cs": true
},
{
"qe": "Who wrote the most of the books in new testament?",
"qt": "Sino ang may pinakamaraming aklat na nausulat sa bagong tipan?",
"answers": ["Paul", "Pablo"],
"cs": true,
"threshold": 0.1
},
{
"qe": "There is reason why he can't go to the promise land, and it is because of his trespassed God among the children of Israel. Where did it happened?",
"qt": "May isang dahilan upang hindi maaaring makapunta sa lupang pinangako si Moses, at ito ay ang pagsuway nya sa Diyos sa harapan ng mga Israelita. Saan ito nangyari?",
"answers": [
"Meriba-cades",
"Meriba-Kadesh",
"wilderness of Zin",
"sa ilang ng Zin"
],
"cs": true
},
{
"qe": "There's one thing that Moses did, that's why he can't go enter to the promise land, what it is?",
"qt": "May isang bagay ang hindi nagawa ni Moses kaya ito hindi makakapapasok sa lupang pinangako, ano ito?",
"answers": [
"sanctified God",
"sanctified God in midst of the children of Israel",
"sanctified God in midst of the children of Israelites",
"hindi binigyang karangalan ang Diyos",
"hindi binigyang karangalan ang Diyos sa harapan ng mga taga-Israel",
"hindi binigyang karangalan ang Diyos sa harapan ng mga Israelta"
],
"threshold": 0.3,
"cs": true
}
]
[
{
"title": "Haligi",
"content": [
"Matibay na pundasyon",
"Maganda ang pagkakabaon",
"Sya ang pagod sa maghapon",
"Pandagdag tiis para din makaipon",
"Sa iba laking ligaya",
"Sa iba laking tuwa at saya",
"Sa iba masamang ala ala",
"Sa iba masamang di inaakala",
"Pasimple lang na patula",
"Parang kalabasa na pampalinaw ng mata",
"Literal na pangaral ang hatid nya",
"Strikto at magtapang at mahigpit sa sinturon pa",
"Literal na hinahanap ng mga kulang",
"Literal na ayaw ng ibang anak at nilalang",
"Literal na ingay ay katuwaan",
"Literal na asaran na umaabot sa pikunan",
"Masaya magkaroon sya",
"Masaya na kasama sya",
"Minsan nakakadala na",
"Minsan nakakasawa na",
"Sa isang pundasyong matatag at matibay",
"Sya ang haligi na laging naka alalay",
"Sya ang ama na nakasubaybay",
"Sya ang ama at minsan ay gabay",
"Maraming salamat sa lahat",
"Sa mga matitindi mong paghihirap",
"Kahit minsan ang sakit ay laganap",
"Sige ka parin para sa buhay na pinalangarap"
]
},
{
"title": "Ika-dalawampu (20:00)",
"content": [
"Nasa Pilipinas ako",
"Hindi alam kung bakit ganito",
"Masama ba ang mga ginawa ko",
"O sadyang natural lang ito",
"Sa oras mga oras na ito",
"May namatay sa kabilang mundo",
"Hindi ko masabi kung sino",
"Hindi ko masabi kung paano",
"Ilang siglo na ang nakakalipas",
"Sa isip ko minsan syay lumalampas",
"Mga latigo sa likod nyay inihampas",
"Pasan ang kahoy na mabigat at matigas",
"Ika dalawampu na ng gabi",
"Hindi ako mapakali",
"Ano ba ang aming pagkakamali",
"Hindi ko alam hindi ko masabi",
"Sa dasal ng pasasalamat",
"Mag dadasal ako na may pag hingi ng tawad",
"Sa kagustuhan naming hinangad",
"Ang disyerto at bundok ng bungo ay dumilim at kumidlat",
"Nagalit na sya",
"Hindi natin sya kaya",
"Makapangyarihan ang kanyang ama",
"Kaya ka nyanv kuhain sa lupa",
"Impunto eksakto",
"Walang lampas sagad sa dulo",
"Sa bawat pawis na tumutulo",
"Painumin sya ng suka sa labing tuyo",
"Inabuso natin ang anak nito",
"Alam ba natin ang kasalanang ito",
"Isang inosente ang namatay",
"At sa iniukit na bato sya nakahimlay"
]
},
{
"title": "Pitong Mali",
"content": [
"Mali din pala ang umasa",
"Mali din pala ang walang ginagawa",
"Mali din pala ang laging nakahiga",
"Mali din pala ang karaniwang ginagawa",
"Sa hirap na ginagawa ng aking kasama",
"Sa akin sila walang pag asa",
"Walang mapapala ni isa",
"Dahil isa akong batugang dambuhala",
"Pinahihirapan ang kapamilya",
"Sa araw at gabi nilang ginagawa",
"Patulong naman sigaw nila",
"Sagot ko ayaw ko nga",
"Isa akong matapobreng tao",
"Nagbibigay limos sa mga maskulado",
"Tinutulungan ko ba ito",
"O pinahihirapan ako",
"Sa trabaho kong ito",
"Ayaw ko na matatalo",
"Mas mataas dapat ako sa kahit sino",
"Dahil ang kwarta ang Dyos ko",
"Lahat ng santo tawagin nyo",
"Kahit na ang nagtitinda nito",
"At bibili ako",
"Pang display sa opisina ko",
"Pera pera pera",
"Mas masaya kung maraming pera",
"Mabibili ko nga ba talaga",
"Maliban siguro sa isang ligaya",
"Isa akong taong masama",
"Masama ang loob sa lahat nakikita",
"Galit na tila walang tapos",
"Kahit ang hininga ko ay kapos",
"Sasabihin ko pagkatapos",
"Lilipas din ito sa isang haplos",
"Kahit sa isang bagay na maling nakita",
"Mali din ba kapag aking ginawa",
"Masama ba ang magalit talaga",
"Poot na tila nakakasama",
"Hindi mo alam ang takbo at nakikita",
"Sa bawat oras tabihan mo ako sinta",
"Sinta kong kay lambing",
"O kay sarap mo kahit amoy kang kambing",
"Dito ka sa aking piling",
"At kita ay mag sisiping",
"Oh kay libog mang isipin",
"Isang sundot pasok sa aking damdamin",
"Kahit na masamang gawain",
"Masarap naman sa feeling",
"Patawarin nawa ako",
"Kahit alam ko ang ginagawa ko",
"Tara sa kama at nalilibugan ako",
"Sinta ko maghubad na tayo",
"Kainin natin ang bawat sandali",
"Magpakabusog habang kinikiliti",
"Higupin ang likidong malabnaw",
"Walang dumi at kay linaw",
"Kumain tayo wag nang magtira",
"Magluluto pa naman sila",
"Inumin ang alak na isang dosena",
"Dosenang sebesa",
"Pulutan natin ay chitcharon",
"Samahan natin ng matamis na pulboron",
"Sa makatuwid",
"Magpakasiba hanggang masamid",
"Buti pa kayo ganyan anv ginagawa nyo",
"Ang sarap din siguro kung ganyan ako",
"Masarap sa hapag nginangabngab ko",
"Hanggang sa mabusog ako",
"Buti ka pa nakaraos sa hirap mo",
"Sana may kasintahan din ako",
"Para hindi lang kamay ang gamit ko",
"At para may kapareha din ako",
"Mabuti ka pa maraming pera",
"Di tulad ko wala sa isang dukha",
"Kami ay isang kahig isang tuka",
"Tamad kami at hindi gumagawa",
"Sus ang hihina nyo naman",
"Ako nakamit ko nang lahat yan",
"Nawala lang ng biglaan",
"Pero babalik din kami jan",
"Wala pang patunay sa ngayon",
"Medyo matagal pa ang panahon",
"Bago uli kami maka ahon",
"Sa hirap ng maghapon",
"Pag pasensyahan nyo na lang",
"Medyo mahangin ang isang yan",
"Walang magawa sa buhay ang",
"Hambog nyang nila"
]
},
{
"title": "Thanks (Haiku)",
"content": [
"Oh thank you my God",
"For giving me a new life",
"Good morning people"
]
},
{
"title": "Api",
"content": [
"Nakikita ko ang lambutin na binata",
"Kasama ang babaeng barkada",
"Tigasin sa harap ng pamilya",
"Tinutukso sa pamilya",
"Kaibigan kong mabuti",
"Sa bawat hirap kot pighati",
"Sa bawat hampas ng sinturon sa balat kong maputi",
"Nag kukulay pula na at ube",
"Masakit man nating isipin",
"Pinipilit kong maging tigasin",
"Pero ako talaga ay lambutin",
"May pagka pusong mamon aking inaamin",
"Dalagang kay tapang",
"Sa bawat laban walang inuurungan",
"Pero pag nalaman ang pagkakakilanlan",
"Pinapasuot ang bistidang iyan",
"Tigas tigas na parang bato",
"Walang makasira sa puso nyang bato",
"Barkada nya, lalaking puro",
"Sa resbak pa na walang tatalo",
"Dalawang nilalang pinagtagpo",
"Parehas na magkaiba ang anyo",
"Iba at parehas ang pagkatao",
"Parehas ng kasarian bilang tao",
"Sila ay ang mga nilalait",
"Sa bawat salita umaaray sa sobrang sakit",
"Nagsasama na may kasamang panglalait",
"Masaya parin sa kabila ng pait",
"Lalaki ka na may matres",
"Babae na may tubo ng lalaki",
"Sino ang mag sisilang ng isang anakis",
"Ang ikaw ba o yung asawa mong binabae"
]
},
{
"title": "Paalam",
"content": [
"Magkikita pa ba",
"O baka hindi na",
"Ikaw, oo ikaw nga",
"Lumapit ka at yayakapin kita",
"Masama ang aking nararamdaman",
"Pero ano ba ang pakiramdam",
"Ako ay naguguluhan",
"Habang unti unting napatak ang luhang yaan",
"Mahigpit baka maging huli",
"Sana magkita tayong muli",
"Mamimiss kita ang sabi",
"Sabay kuha ng litrato ng magkatabi",
"Sa lugar ng liwanag at dilim",
"Sa mundo ng kapayapaang hindi pansin",
"Sa mundo ng gulo at sakim",
"Alin ang hantungan ko, liwanag o dilim",
"Sabi ko akoy babalik",
"Wag kang mag alala ako pa ay hahalik",
"Sa harap ng altar na hindi makitid",
"Na may taling di mapapatid",
"Batid ko ang kalungkutan mo",
"Lumapit ka at ikwento mo",
"Pero bakit ganito",
"Hindi ka na nakibo",
"Luhang mabilis na tumulo",
"Takot na baka iwan mo ako",
"Sinabi mo na ba ito",
"O baka tinatakot mo lang ako",
"Narinig ko ang isang kataga",
"Katagang hindi na mawawala",
"Dahil sa aksidente sya ay nawala",
"Kinuha na ba sya ng may likha",
"Sa purgatoryo akoy humagulhol",
"Sabay ubo na parang tumatahol",
"Luha na hindi mapigil",
"Habang yakap ka ng gigil na gigil",
"Sa huling hantungan kita'y hinatid",
"Malungkot ako at inyo yong batid",
"Yung paalam mo noon ay syang tumatak",
"At mga ala ala ay pilit kong hinahatak"
]
},
{
"title": "Bukas (Requested by Charles VT)",
"content": [
"Hinihintay ko lang ang panahon",
"Hindi man ngayon",
"Bukas man matuloy yun",
"Ok lang kahit habang panahon",
"Hindi ko alam kung anong mali",
"Sa totoo lang pag kaharap akoy torpe",
"Pero kahit ganon ok eh",
"Kesa tuluyan kang mawala sa aking tabi",
"Walang pag asa kahit magpakailanman",
"At least loyal akong matitingnan",
"Hindi ko sila kalangan",
"Kahit masasakit pa ang husgahan",
"Malungkot ako na masaya",
"Kahit hindi para sa akin at para yun sa iba",
"Ok lang basta maalala",
"Bukas makasama ka sana",
"Walang araw ang lumilipas",
"Ang mga paniki ay nasa labas",
"Ang lalakas ng pagaspas",
"At nakatitig sa litrato mo habang ang oras ay lumilipas",
"Ako ba ay ako na ako pa rin",
"O ako ay ako na may hangarin",
"Maaaring ako ay ako na ikay mamahalin",
"O ako ay ako na nag hihintay pa rin",
"Mahirap man sabihin",
"Na ikaw ay mahal pa rin",
"Sa bawat kwento mo sa akin",
"Ngumingiti ang iyong paningin",
"Masaya ka sa kanya",
"Habang ako ay hinihintay na makasama ka",
"Kahit habang panahon pa",
"Kahit imposible na",
"Nakamit ko ang kaligayaha mo",
"Pero hindi ang matamis mong OO",
"Pero kahit na ganito",
"Maghihintay ako, asahan mo"
]
},
{
"title": "Rizal (Requested by Charles VT)",
"content": [
"Matalino at maangas",
"Sa mga kalaban di nakaligtas",
"Sa bawat kasabihan at nobelang nilabas",
"Mararamdaman mo ang kanilang danas",
"Sa aking kataga na inilabas",
"Walang nang pag asa sa dami ng mandurugas",
"Sabihin nating matino pero mas marami ang ungas",
"Kabataan natin kahit kailan di mahuhulas",
"Saan ang pag asa na inaasam",
"Sabi nya sa amin kami ang pag asa ng bayan",
"Pero paano mangyayari eh puro kababuyan",
"Jan kasi magaling, yan ang aming alam",
"Sumuko laban sa kanila",
"Sa watawat nasa taas ang pula",
"Tara lumaban para sa kanila",
"Ngayon nag papasakop na sa mga banyaga",
"Matyaga syang nagsulat",
"Kahit na latay ang balat",
"Lumaban kahit tamaan ng salat",
"Para sa bayan, para sa lahat",
"Sinabi ko, sinabi sa inyo",
"Walang nakikinig, walang kung ano",
"Sa mga nasapaligit, sa mga tao",
"Wala nang pag asa, isinuko na tayo",
"Malungkot man isipin",
"Pero laging gawin",
"Iisa ang aming hangarin",
"At yun ay kayoy palayain",
"Pag asa ba talaga o purwisyo",
"Mga iresponsable na mga tao",
"Walang galang patu respeto",
"Kahit ang bayan binababoy nyo",
"Mali man akong pag isipan",
"Sa nga lihim na sinasabi ng bayan",
"Mga sikreto ng senadong mang mang",
"Wala naman ginawa dahil mukha pera lamang",
"Wala kayong pinagkaiba sa mga kastila",
"Amerikano at hapong banyaga",
"Pero di kayo nabuhay kaya di nyo nakita",
"Pero ngayon ay inyo nang ginagawa",
"Sikretong malupit, pwedeng pabulong",
"Wag kang mag alala isisigaw ko pa tsong",
"Kahit ang mahirap kinakain ang panis natutong",
"Mga kurakot na yan walang pakeelam dun",
"Bayan ko, bayang minamahal",
"Sanay unawain at inyong ipagdasal",
"Mga kasalanan patawarin nyo mahal",
"Sana ay maisip na nila ang ginawa ng mga hangal"
]
},
{
"title": "Buwan",
"content": [
"Isa akong makikita sa gitna ng gabi",
"Gabi na walang makitang katabi",
"Kundi ang bituwin na mapuputi",
"Na sa akin nagpapangiti",
"Ako ito nagbibigay liwanag",
"Sa madilim na walang maaninag",
"Kasama ko ang kampon ko at alagad",
"Tanging liwanag at daan ang syang hangad",
"Sa kadiliman na puno ng kasamaan",
"Nandito ako nakadungaw handa kang damayan",
"Samahan hanggang mawalan ng kadilawan",
"Na nagbibigay sayo ng landas at daan",
"Ang alagad kong mga bituwin",
"Syang gagabay at sayoy sasambitin",
"Tama ba o mali ang iyong gagawin",
"Ikay magpakabuti at sumama ka sa akin",
"Marahil nakita mo ako pagkatapos",
"Sa krimen na walang bahid ng galos",
"Sa isang buhay na sya mong tinapos",
"Malungkot ako sa ginawa mong walang tinapos",
"Akoy nagmamakaawa na sanay pagbigyan",
"Sa pagkakataon sana ay inyong paknggan",
"Ang buwan at bituwin sa kalangitan",
"Pagmasdan at sya ang magiging daan",
"Malayo pa ang umagang nakasilaw",
"Mag diwang ka muna sa ilalim ng putinf ilaw",
"Sa isang bilog na nagkukulay dilaw",
"Na parang kulay ng manggang hindi hilaw",
"Sana ang boses ko ay makita",
"Sa landas na aking inilalathala",
"Gamit ang utak at kaisipan ng mga makata",
"Sa huli ang buwan ah inyong makikilala"
]
},
{
"title": "Liham",
"content": [
"Mali man kung iisipin",
"Sa mga kasalanan at dahil sa damdamin",
"Uunahan ko na, mawawa din",
"Sa lubid na nakalambitin",
"Sa isang matinding emosyon",
"Dahilan ng proposyon",
"Pagwala ng matinding aksyon",
"At tila ito lang ang natatangint solusyon",
"Matatapos na ang aking paghihirap",
"Sa kabilang buhay di ko kayang humarap",
"Sa Dyos na parang di nakaharap",
"At sa gagawin kong walang hinaharap",
"Paumanhin aking kaibigan",
"Pamilya at aking magulang",
"Sana ay inyong maunawaan",
"Ang syang depresyong naging dahilan",
"Nakatali na ang mahiwagang lubid",
"Ang aking kagamitan sa buhay mag papatid",
"Ng landas patungong langit",
"At ni isa sa kanila walang makakabatid",
"Unawain nawa ako",
"Sa pagiwan ko sa magulong mundo",
"Sa paglisan ko sa inyo",
"Paalam na, paalam na po"
]
},
{
"title": "Halik",
"content": [
"Isang dampi, lapit ng labi",
"Isang pagmamahal, aking masasabi",
"Sa likod nito, lihim na nakakubli",
"Kataksilan sa likod ng pagdampi",
"Salamat sa iyong pagmamahal",
"Sa isang masarap, mapangahas na hangal",
"Sa kinabukasan, winasak ang kainosentehan",
"Wala nang magagawa, halik ang pinagmulan",
"Sa bawat lapat, may kapalit na baon",
"Sa bawat lubog sakit ang bawat tuon",
"Masakit sa akin masarap sa kanya",
"Para sa kasintahan, na wala ang pasya",
"Isang anak nya, tinaksil ng iba",
"Sa pag lapat ng labi para makuha",
"Dinakip nila, ang syang dakila",
"Sa isang paghihirap, sa halik lang nagmula",
"Pinuno, prinsipe ng mundo",
"Isang mabigat, sa kahoy pinako",
"Kapalit ng galit, kasalanan ng tao",
"Pagliligtas niya, pagligtas ng mundo",
"Sa lambing ng labing matamis",
"Mapula na di namintis",
"Mga salita, walang bahid, malinis",
"Mga sarap, halik, at pawis"
]
},
{
"title": "Iglesia",
"content": [
"Tahanan ng sanlibutan",
"Gusali, ginawa ng mamamayan",
"Nilamanan ng santo ng ilang mga hibang",
"Sa akalay tama, maling tinahak na daan",
"Ang tahanan ang syang bingi",
"Katotohanan, ay syang nakakubli",
"Wala ni isa ang makapagsabi",
"Bakit ba may santo, sa altar mg pari",
"Iglesiang makasalanan",
"Tinubos na ang iyong kasalanan",
"Ama, ang iyong tahanan",
"Gumagawa na sila ng kabalbalan",
"Hindi ako banal",
"Nagsasabi lang ako bilang",
"Libre ang salitang dasal",
"Pero pinepeke ng iilan",
"Salamat iglesiang sanlibutan",
"Nawa ang lahat magising sa katotohanan",
"Maiwasan nawa, ang syang kasalanan",
"At ang liwanag, sumisilas sa sanlibutan",
"Iglesia, oh iglesia",
"Niyurakan na ng iba",
"Mga iglesia na nagmula sa lupa",
"Lupa na syang tungtungan ng iba",
"Salamat sa inyong kahibangan",
"Kahit papaano, ako'y may nailaan",
"Tula ng makatang walang pagkakakilanlan",
"Makatang syang nagbibigay ng sariling liham",
"Iglesia mo ay iglesia nya",
"Ikaw na iglesia na gawa sa lupa",
"Lupa na ayaw kong mapagaya",
"Sa iyong kahambugan, walang napala",
"Iglesia ng Dyos ay ikaw",
"Nakatira sa puso na di matanaw",
"Napapaos na kasisigaw",
"Para sa isang dasal, busog na ang ilaw",
"Gabay mo ako sa piling mo",
"Ang iglesia ko ay maiiwan sa mundo",
"Sana ay makapiling ko kayo",
"Pag dumating ang pag panaw ko"
]
},
{
"title": "Hagulhol (Requested by Charles VT)",
"content": [
"Hoy, oo ako nga",
"Kamusta ka na",
"Naiyak pa ba",
"Sana iyong makaya",
"Bakit ganito",
"Napatak na, natulo",
"Hindi ko kontrolado",
"Habang nakatingin sa malayo",
"Sa silay ng tila walang hanggan",
"Nangiti, isang salita lang",
"Isang pangjngusap man",
"Syang sumira, pagsasama nawala",
"Masabi lang ba?",
"O, baka naman nakikiuso na?",
"Totoo pa ba?",
"O, pinaglalaruan na?",
"Sinira mo ang realidad",
"Sa mga pekeng salita ng murang edad",
"Sa pagmamahal na hinangad",
"Na tanging makukuha lang kay God",
"Salamat sa pangaalipin",
"Narito ako, naiyak pa rin",
"Walang mababago, magkaibigan pa rin",
"Walang magagawa, kundi tanggapin",
"Nalakad ng patalikod",
"Walang tsinelas, nakaluhod",
"Baka iyong mapanood",
"Masilayan ay halikan muli kahit sa likod",
"Matisod man, di iindahin",
"Sa malayo man, ako sayo'y nakatingin",
"Sa isang malungkot na damdamin",
"Mahal kita, yan ang kayang sambitin"
]
},
{
"title": "Kalsada",
"content": [
"Mahaba man o maikli",
"Sa malayo na kulay puti",
"O medyo abo sa kalhati",
"Darating tayo sa ating huli",
"Sasama ka ba",
"Maglalakbay tayo sa",
"Buhay na mahulong kurbada",
"Puno ng tinik, hirap, na may pag asa",
"Sa tuwid na patag sila nag punta",
"Ni isa sa akin walang sumama",
"Sa liwanag na nakakasilaw ko sila nakita",
"At ako ay nasa dilim na walang makita",
"Pag asa bang hatid nito sa akin",
"O talagang walang sasambitin",
"Nakikiusap ang mata kong may ning ning",
"Bigyan ng konting ilaw ang walang hanggang dilim",
"Mula sa malayo, ako'y may natanaw",
"Salamat sa mumunti mong ilaw",
"Na sa akin ay pumukaw",
"Tumulong sa paghihirap ng pagpanaw",
"Puro dugo, ang syang talampakan",
"Pero sa ganito, may paraisong dalampasigan",
"May pag asa at pananampalatayang aking tangan",
"Ang Dyos ang aking sandata at dahilan",
"Sa kalsada ng buhay at problema",
"Pag nahihirapan, lumapit sa kanya",
"May pagkakataong walang lananampalataya",
"Tayo'y manangin, ipikit ang mata",
"Malapit na ako sa dulo",
"Narinig ko ang kauring tao",
"May harang sa pinanggalingang dulo",
"At natutunaw na ang semento",
"Isang tila malaking apoy",
"Gusto kong tumulong sa inyo'y",
"Walang maisip na paraan kung ano'y",
"Napansin ko ang tulay na kahoy",
"Ako'y biglang humiyaw",
"Kayo'y tumawid sa kahoy na aking tanaw",
"Sa kanilang malaking pag ayaw",
"Walang tiwala, mapuputol daw",
"Wag mag alala kaibigan ko",
"May Dyos na gagabay sa yo",
"Pag tawid sa kitid ng kahoy na to",
"Tyak na makakaligtas kayo",
"Salamat, kanilang sambit",
"Wag sa akin sa ama na syang may batid",
"Sa inyo na syang naghatid",
"Ako'y instrumento lang na kanyang ginamit"
]
},
{
"title": "Banta",
"content": [
"Kababayan, makinig",
"Sa bawat pangungusap, ililinaw ang pantig",
"Para lahat, kanilang mabatid",
"Sa buhay natin, na syang naghahatid",
"May badya, sa buhay natin",
"Mga kalamidad, na papatay sa atin",
"Mag ingay, yan lang ang akin",
"Wala sana, ipagluksa natin",
"Banta ng kalamidad",
"Pinapatay kahit anong edad",
"Na kahit isa walang may hangad",
"At pag nagliliparan ang bubong, mapapa Oh My God",
"Sa sobrang tindi ng panalangin",
"Hindi marinig, sobrang daming hiling",
"Walang patawad, pasasalamat man din",
"Ni bibliya nga, di mo kayang basahin",
"Kapatid, lumuhod ka",
"Kalugdan ka nawa",
"Ng Dyos na sayo ay lumikha",
"Humingi ng tawad, magpasalamat sa kanya",
"Walang makakaligtas",
"Mahina man, o ang pinakamalakas",
"Sa tahanan, walang lumalabas",
"Sila ay nawala, natabunan ang mga taga labas",
"Yumayanig, tumataas",
"Kanselado, lahat ng antas",
"Sa kalamidad, iisa ang nakaligtas",
"Syang nakaluhod, umiiyak, di nagpupunas",
"Syang sa iyo ay nagpakita",
"Sa panaginip, syang may babala",
"Pinakita nya, ang mangyayari sa",
"Hinaharap, mamamatay na"
]
},
{
"title": "Sino",
"content": [
"Isang simple, itong tila idulo",
"Sa aking natanaw, daig pa ang simbulo",
"Ang sya mukha, anong halimuyak mo",
"Sa isip gumulo, puso ko'y nalilito",
"Sa pagiisip, ng tulad kong walang isip",
"Sa mga paraan, hokage para sumipsip",
"Para lamang, ako'y iyong masilip",
"Kahit na minsan, kahit panaginip",
"Salamat sa paalala, aking mahal na pamilya",
"Sa aking paglalakbay, ika'y aking nakita",
"Di makakibo, pisngi'y namumula",
"Para bang namaga, nakagat ng langgam na pula",
"Sa ating pagtatapos, tatlong taon ang lumipas",
"Di ka makalimutan, kahit hangi'y malakas",
"Ako pa kaya'y maalala, ng dalagang malakas",
"Ang syang karisma, tila walang kupas",
"Di edad, di itsura ang nakita",
"Ugali mong kay bait, walang maikumpara",
"Sa bawat saglit, gusto kang makita",
"Nawa ay mabasa, ang pasimple kong tula",
"Hanggang imahinasyon, jan lang masilayan",
"Ako'y nangangamba, na baka ay iwan",
"Sa lahat ng makasalamuha, ako ay nilisan",
"At di ko na alam kung sila'y nasaan",
"Di ko alam, kung bakit nasulat",
"Itong tula, na syang aking inaklat",
"Sa pag iisip, naitim na ang balat",
"Kasabay ng pawis, mala dagat sa alat",
"Hanggang saan pa ba ito",
"Bigyan ako ng simbulo",
"Ama tulungan mo ako",
"Sya ba ang itinakda mo",
"Hanggang saan hahantong, katapusan nitong tula",
"Bubuklat pa ba, padalawang akda",
"Salamat sa mga bumasa",
"Simpleng handog, 19n0r3, isang makata",
"Sa huli, simpleng pahabol",
"Makasama kang muli, ngiti di hagulhol",
"Sana ay masilayan, nakakaayang mala marmol na mukha",
"Nakinang na tila, tubig na kristal sa ganda"
]
},
{
"title": "Sa Amin",
"content": [
"Maligayang pagdating, sa simpleng tanawin",
"Presko ang lahat, lalo na ang hangin",
"Di ka masisisi, kahit anong bilhin",
"Sa lahat, sana'y inyong muling bisitahin",
"May ilan dito, palayang taniman",
"Pwedeng mamasyal, mag ingat lamang",
"Dito sa amin, tahimik lamang",
"Baka maligaw, i google maps mo lang",
"Di ka magsisisi, sa inyong pagbisita",
"Mga tanawin, talagang nakakaaya",
"Kaya mga turista, sana'y mabisita",
"Ang aming bayan, parteng hilaga",
"Mag kalesa, lakad sa kalsada",
"Mag uli man, kasama ang pamilya",
"Bawal ang malumbay, dapat maligaya",
"Para sa huli, tanawin ay inyong madama",
"Malapit lang naman, wala kami sa labas",
"Di kailangan ng eroplanong, ang lipad ay mataas",
"Bus, jeep ay sapat, papuntang itaas",
"Pumunta sa amin, lumbay ay may lunas"
]
},
{
"title": "Baliw",
"content": [
"Tawa ng tawa",
"Tila may kausap na di makita",
"Nandito na sila",
"Mga taong mapanghusga",
"Walang natulong, kahit na sino",
"Mas madalas duraan, batuhin ng bato",
"Mga mag aaral, mga walang respeto",
"Tatawanan ka, kahit nasa kanto",
"May alam ba talaga sila",
"O para lang wala?",
"Naiisip ba nila, kung tama ba?",
"O sadyang kasiyahan, ang mga mapanghusga",
"Nagsalita na ang pipi",
"Nagalit, at sinabi",
"Ano ang kasalanan ng lalaki",
"At kung ano ano ang pinagsasabi",
"Lingid sa kanilang kaalaman",
"Ang pipi, sign language lang ang alam",
"Hanggang may dumating na mangmang",
"Tinalo nya ang mga may alam",
"Lumipas ang araw at gabi",
"Patuloy nila akont inaapi",
"Hindi ko sila kilala man",
"Ni di nila alam, ang aking pagkakakilanlan",
"Sana naman, ako'y pagbigyan",
"Mag salita, sa harap ng mga nilalang",
"Syang humusga, mga tao at mamamayan",
"Na hindi alam, aking pinagmulan",
"Batid ng araw at buwan",
"Nasa daan ako, lampas ng ilang bwan",
"Pinagdaanan ko na, pang aalisputa ng kabataan",
"Nasa media na, at pinagtatawanan",
"Kilala nyo ba ako?",
"Isang dating kilalang guro",
"Syang nag tuturo sa kahit na sino",
"Sa daming alam ako'y naluko",
"Kilalanin nyo muna ang baliw",
"Bago ang sarili ay ialiw",
"Sa maduming katawan, kayo ay mapapa eww",
"Kahit mas amoy anghit, di maamoy sa aliw",
"Sayang ang syang kasabihan",
"Ang kabataan ba, pag asa ng bayan?",
"Mga mapanghusga ng mamamayan",
"Mga tao na talagang mangmang",
"Ako ay ginamot, ang syang gumaling na",
"Nakita ako, ng mga nang aalipusta",
"Sa di inaasahan, tinuturuan ko sila",
"At sa bandang huli, ako'y kanilang nakilala"
]
},
{
"title": "Rodina (Pamilya)",
"content": [
"Namimiss ko na ang dati",
"Yung tipong tayo ay magkakatabi",
"Walang magagawa, nalaki eh",
"Pero sana ating magawa muli",
"Masaya, malungkot",
"Nakangiti, madalas nakasimangot",
"Naaaliw, at laging nababagot",
"Mapagpatawad, walang galit o puot",
"Salamat, sa inyo, oh aming rodi\u010d",
"Pinatunayan nyo, sa bawat luwag at sikip",
"Sarap ng yakap nyo't halik",
"Na tila walang bukas, walang patid",
"Sana magawa nating muli",
"Maging pagod man, o hindi",
"Yung lahat masaya, syang nakangiti",
"Yung parang walang problema, masaya lagi",
"Nakakamiss yung halik, masarap na halik",
"Sa bawat lapat, labi ko sa mga pisngi",
"Pagsasabi ng \"MAHAL KO KAYO\", na ngayo'y di madali",
"At batid ko na may nasasayang, napakaraming sandali",
"Nagkakaisip, kaming mga d\u00edt\u011b nyo",
"Nakakagawa ng tama, at mali sa inyo",
"Nagkakaintindihang napakalabo",
"Nagkakasundong napakagulo",
"Sana magkasama uli tayo",
"Sabay sabay sa iisang magandang litrato",
"Makulay, masaya at buo",
"Na parang walang darating na gulo",
"Sa bawat pagkakataon na naisip ko",
"Sa talento ng d\u00edt\u011b nyo",
"Patula, ang syang instrumento ko",
"Nag bibigay ng syang pagkaulila sa pagkabata ko",
"Sana magkasundo na ang lahat",
"Namimiss ko na ang pamumuhay na payak",
"Naglalaro ng habulan, nang nakayapak",
"Tagu taguan, sa punong mangga na akyat",
"Sa rodina, maaaring sapat na",
"Pagsasabi mo ng \"MAHAL KITA\"",
"Hindi lang dapat sa mga jowa",
"Iparamdam din, pati sa ating rodina",
"Nakakalungkot mang isipin",
"Ang dati, mahirap nang pabalikin",
"Ginto ang oras, anong gagawin",
"Bumuo ng bagong ala ala natin",
"Sana ay di pa mahuli",
"Ayaw ko na mag sisi",
"Sana magawa muli",
"Kahit sa litrato na itim at puti"
]
},
{
"title": "Larawan",
"content": [
"Masayang pagmasdan, walang pangamba",
"Tila ba ang ngiti, wala nang bukas pa",
"Makikita dito, masisiglang mukha",
"Tila ba, syang kimpleto at masaya",
"May naitabi ako, isang litrato",
"Larawan ng pamilya, masaya at buo",
"Gumagawa ng sigla, sa maitim na mundo",
"Masisilayan lang, itim, puting larawang ito",
"Batid kong di na mauulit pa",
"Pero sana pagbigyan pa",
"Kahit na isa pa",
"Masilayan ko muli ang ligaya",
"Ako man ay may lumbay, sa magulong buhay",
"Sa itim na mundo, nilagyan nyo ng kulay",
"Kahit sa maliit, masikip na bahay",
"Masaya at kahit, magulong pamumuhay",
"Ito ang syang larawan, naiipinta ng papel",
"Makulay, may palamuti, mula sa magagandang mga ngiti",
"At alam kong may nagabay na mga anghel",
"At di ko na mauulit pang muli",
"Sa larawang ito, napakaraming kupas",
"Sa bawat araw, wala man lang ang syang lumipas",
"Titigan ang larawan, ang syang bakas",
"Ang kahapon nasigla at di madudulas",
"Sana sa muli tayo tayo uli",
"Magkakasama, kapiling sa bawat tabi",
"Bisig ng bawat, isang larawan muli",
"Papalitrato ng masayang nakangiti"
]
},
{
"title": "Pabili",
"content": [
"Masaya na ba ako?",
"Kala nyo lang oo",
"Nakikita lang ba sa materyal?",
"Masaya lang ako sa literal",
"Sa likod ng ngiti, malungkot na buhay at pighati",
"Sa mga iniwan ako, at mga bumalik muli",
"Inspirasyon ko ay kayo, sana muli",
"Ako ay nag iisa, syang emosyon ay hati",
"San ba nakakabili, ng ligaya at saya?",
"Makikita ba sya sa tindahan ni aling Nena?",
"Mahirap talaga, naghahanap ako dati pa",
"Pabili naman ako, kahit konting saya",
"Sa kasama nila, swerte nyo",
"Di gaya ko, nag iisa at solo",
"Sa isang bahay, may madilim na kwarto",
"Na syang lumalarawan, ng munti kong mundo",
"Ako ay natuto, tinuro sa sarili",
"Timindig, lumakad, ka nang mabuti",
"Ok lang madapa, tumayo uli",
"At alam ko, matututo ka sa huli",
"Batid ko, na kaya ko ito",
"Pagsubok? sige kaya ko kayo",
"May sandigan, sandalan sa paghihirap ko",
"Ama salamat, sa mga problemang binigay mo",
"Salamat sa problema, mahirap bigkasin",
"Wala kang tiwala, sandigan maging",
"Ikaw ay lumapit, sa kanya ay manalangin",
"At humingi ng tulong, sa iyong suliranin",
"Sa angking dakila, may yamang kasama",
"Di ako tumitingala, sa mga pera",
"Kung kapalit nito, kalungkutan at walang kasama",
"Mas mabuti pa noon, kahit wala basta masaya",
"Sa simpleng kwento, ng kaibigang malupit",
"Sa bawat salita, may emosyong nakakapit",
"Di lumuhula, kalungkutan ay batid",
"Humiwalay, natutong tumindig",
"May pambili ako, wala lang nito",
"Ligaya na binuo, noong bata pa ako",
"Sa akin alaala, maaari ding mabuo",
"Mahihirapan na lang, pero sana magkatotoo",
"Ang tulang ito ay binase sa isang kwento",
"Mula sa malupit na kaibigan ko",
"Binigyang buhay, tila ba ay liriko",
"At patunay sa tunay nyang kwento"
]
},
{
"title": "Landas",
"content": [
"Sa akin, naglakbay patungo",
"Sa bukas ko, na di matagpo",
"Sa akin isip, tila ba nagtampo",
"Kaya umalis, nagpakalayo",
"Sa akin ang syang maging bansag",
"Dakila daw, may mga linyang basag",
"Sa mga salitang pili, maayos ang pagkakalatag",
"Sa isang bako bako, pilit kong pinapatag",
"Aking sinambit, mga salita, lirikong awit",
"Sa aking mundo, gagawa ako ng makabagong himig",
"Himig na syang gigising, sa natutulog na daigdig",
"At sa aking tinatahak, sa pagbabalik ako nasasabik",
"Ako ay yumabang, naligaw sa kagubatan",
"Napapunta sa bisyo, sakit na kasiguraduhan",
"Walang nakakakita, ni walang may pakielam",
"Pilit kong hinanap, ang landas at tamang daan",
"Ako ay patuloy, pabalik sa amin",
"Sa mundo ko na puno ng tanawin",
"Na biglang nawala, mga katawan ay batong dingding",
"Syang nagyatayugan, may kasamang itim na hangin",
"Madumi na mga bata, wala pa nung ako ay umalis",
"Mga taong nagnanakaw, tumatakbo ng mabilis",
"Ang landas ba ay tila, syang sa kanila ay nag lihis",
"Sa kasuotan nila, maduming walang linis",
"Nakita ko ang syang, sa akin ay repleksyon",
"Walang bantay tanod, wala ding aksyon",
"Mga nakakakita, sa kanilang posisyon",
"Binabalewala na para bang imyon",
"Sana ang syang, aking talento",
"Magbukas ng mata, ng milyon molyong tao",
"Na sana ay gumising, kumilos at magbago",
"Gamit ang himig, musika, tula, at liriko",
"Bumangon sa pagkakahimlay",
"Wag katamaran na parang patay",
"Kumilos upang mabuhay",
"Wag mainit ang ulo, maging malimanay",
"Lahat ay naligaw, wala ang kanilang gabay",
"Hindi makita, at di makapaghintay",
"Sa mga kasalanan, kanilang ginawang bagay",
"Sa pagbangon ko, ang baliko ay papantay",
"Sambit ng boses, hanging mabilis",
"Liwanag na tila, walang kasing linis",
"Nakakasilaw, nawala nang mabilis",
"Sa isang maganda, di pangbihirang boses",
"Tayo ay naninira, di nakakatuwa",
"Ang mundo natin, malapit nang mawala",
"Kesa pagkakalat, linis dapat ang gawa",
"Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagkakaisa"
]
},
{
"title": "Love",
"content": [
"Hindi lang yan basta salita",
"May kahulugan at masama",
"Sa pagkakabigkas, tila maganda",
"Pero totoo ba?",
"Ito ang syang dahilan",
"Magiging sanhi, pagkasira ng sanlibutan",
"Walang ititira, ni isa man",
"At ang mundo mababalot ng kasamaan",
"Isa sa madumi, isipan ng nakararami",
"Bubuo ng nasyon, magulo at marumi",
"Sa mga nilalang, mundo ng sabi sabi",
"Nagmula sa salita, binibigkas ng iyong labi",
"Sa aking pananaw, may isang malaking ilaw",
"Tanglad sa isip ko, tila nakakasilaw",
"Sa aking pagkahimbing, ang syang pumukaw",
"Atensyon ko, nawala at nanakaw",
"Batid ko ang lambing, ganda ng salita",
"Isang maladyamante sa kinang, hindi inakala",
"Isang bigkas, na di makikita",
"Nararamdaman, at saka ginagawa"
]
},
{
"title": "Krimen",
"content": [
"Ako ay isang binata",
"Laging nag iisa, nakatingin sa bintana",
"Ako ay kaaway ng libo libong madla",
"Tila ba ay tao, tao na walang silbi sa bansa",
"Sa gamit at letra kong binubuo",
"Mga mensahe ko na natusok sa inyo",
"Mga repleksyon na nasa mata ko",
"Makikita pag kausap nyo",
"Ako ay nabaliw, nawala sa sarili",
"Naligaw ng landas, baliw na nakangiti",
"Mga lungkot sa akin, balakid sa pag ngiti",
"Mga masayang landas, ngayon ay syang pighati",
"Sa gabi na ako'y nag uli",
"May nang alok, batong puti",
"Sambit na tila ba mapanlinlang ngiti",
"At ako ay sumaya at tila nasa langit",
"Aking pinagpatuloy, nagkaroon ng kaibigan",
"Nasangkot sa masama na hindi inaasahan",
"Mga gabay na dapat sa tama ang daanan",
"Na naghahatid sa akin, palayo sa aking tahanan",
"Nawala ang ipon, kabibili ko",
"Sa sarap, patuloy na nag babato",
"Libo libo ang kita, kahit pa gramo gramo",
"Hanggang natuto, kumikitil ng buhay ng tao",
"Bumulong na ang dakila",
"Sa aking impluwensya na tila masama",
"Sa aking isipan na lumilipad sa alapaap na",
"Puti at walang makita kita",
"Sumunod sinunod",
"Pumatay at pinaluhod",
"Sa bawat krimen ko, tila walang sahod",
"At dahil sa bato, ako ay nalunod",
"Sa panaginip kong bangungot",
"Walang ngiti at puro lungkot",
"Sa pag iwas na pilit, laging sangkot",
"At sa huli walang nasambot"
]
},
{
"title": "Sana all",
"content": [
"Ang gagaling naman",
"Di ko kaya ang ganyan",
"Isang malapambihirang kakayanan",
"Lalo na sa estado ko sa lipunan",
"Sumama ako sa paglalakbay",
"Sa libo libo, ako ang binibigyang gabay",
"Mga kabarkadang naka akbay",
"Nakikiuso nang walang patnubay",
"Baduy ako sa lahat",
"Nakikisali sa walang kwentang pangkat",
"Para makilala at sumikat",
"Tingalain ng libo libong aklat",
"Ako ay nahulog at masakit ang bagsak",
"Walang sumalo, walang nag akyat",
"Naluha at nilalait ng lahat",
"Itinapon na ako ng aking binuong pangkat",
"Mga tao na walang kasundo",
"Kaaway ko ang buong mundo",
"Sinasaksak nila ako sa likod ko",
"Habang ang tiwala ay walang hirap na bibigay ko",
"Batid ng naghatid na marupok ang lubid",
"Pundasyon ng aksyon na gumuho at napatid",
"Mga kasama, kapamilya at kapatid",
"Landas na mali, itinakwil at sa tama naghatid",
"Sambitin ko ang inggit ng kahapon",
"Sa nais makilala ng mundo ng dapit hapon",
"Nagsisisi ako mula pa noon",
"Hanggang sa nakita, ang itinadhana kong panahon",
"Tumitik ang itik na marumi",
"Nakarinig ng awit ang mahiwagang bingin",
"Sa madilim na noon, ngayon bukas ang bulag na nagsabi",
"Ikaw kaibigan ay mas maswerte",
"Bulag ang nagsyang sa akin nag dilat",
"Bingi ang syang nagparinig ng lahat",
"At ako ang walang imik nanilayuan ng pangkat",
"Na kahit sa buhay lagi lang tayong nag hihirap",
"Sa matagal kong nahimlay",
"Bumuo ako ng tula na naging tulay",
"Habang sinusulat, gamit ang kamay",
"Maiisip ko ang madla na sa akin nakaway",
"Sambit ng tagahatid sa akin",
"Mag ingat ka sa mundong madilim",
"Gumamit ng tenga at di lang paningin",
"Wag pairalin ang inggit, at ikaw ay manalangin",
"Sinubok ako ng malaking tukso",
"Pinipilit akong patikimin ng shabu",
"Pumilit ako na iwasan ito",
"At, oo, nagawa ko, nakaiwas ako",
"Nauso ang mga laro",
"Nag away away na ang mundo",
"Walang kwentang pagkakabuo",
"Pagkahambog ng madla at tao"
]
},
{
"title": "Edad",
"content": [
"Nataas ang numero na nakadikit sa akin",
"Mga numero sa akin ay sumasalamin",
"Tumatatak sa mukha hindi mahinhin",
"Sambit ng apat na letra, kataga na di maulit ulitin",
"Labing walong tao na ako",
"Sa mga kaarawan na tila laging gusto",
"Pag kinabukasan na, lakad doon at dito",
"At oo, nadagdagan na uli ng isa pang numero",
"Aking naisip ang kawalan",
"Pagkaraan ng napakaraming kaarawan",
"Na munting mga bata na walang alam",
"Na maaaring di maulit, dahil sa katandaan",
"Natural na tayo ay tumanda",
"Ang edad ay kaakibat ng madla",
"Masasambit mo kahit walang dila",
"At sumasalamin sa makinang na mga mata",
"Sa aking pagbatid na malaman",
"Walang babalik papuntang nakaraan",
"Tanging libro ang syang gabay",
"Mag hahatid, hanggang mahimlay",
"Tila ba isang sumpa",
"Na sa tuwing kaarawan, tayo ay matutuwa",
"Kaakibat ang pagsisisi na walang makakahalata",
"Ito ang sumpa sayo mula pagkabata",
"Letra lang ang kaya kong ibigay",
"Walang materyal o pinansyal na bagay",
"Ito ang mensahe ko at gabay",
"Mula sa aking sarili, gawa ng utak at kamay",
"Sa panahon na aking nasulat",
"Ang akda ko na EDAD ang pamagat",
"Iniisip ko ang maaaring reaksyon ng lahat",
"Na maaaring basahin ng mga taong salat",
"Sa bawat saglit, ako ay sumasaya",
"Ako ay nagkaisip, nakakapagsisi pala",
"Sa bawat dagdag, mukha ay nawawala",
"At syang lakas ko, tuluyang nawawalan ng sigla",
"Mga aktibidad noon ay nawawala",
"Mga boses ko na patanda",
"Mga balat kong makinis ay pawala",
"Isang pagbabago na maituturing na himala"
]
},
{
"title": "Bilin",
"content": [
"Mag ingat ka, oh kaibigang malupit",
"Sa dagok ng syang buhay wala na masyadong makakalapit",
"Sa mga problema, sa mga puno mo madasambit",
"Mga tinig mo ang syang syang sigaw, hiling at sambit",
"Inihatid ako dito sa munting kalupaan",
"Sa esdato ng mundo, unti unti nang niyuyurakan",
"Sa mga problema, walang solusyon ang bayan",
"Kung ikaw na mismo ay walang kapakinabangan",
"Sa labas ko, ikaw ay aabangan",
"Sa mga liriko, mga liko likong daan",
"Unti unti nawa ako'y inyong samahan",
"Sa mundong pag asa ay ang syang bayan",
"Sa aking sulat, bilin ko lamang sa inyo",
"Sambitin ng paulit ulit ang kataga na to",
"Patawad at di uulit bagkus ay magbabago",
"At sana magawa nyo din to, mga kapwa ko",
"Sa hatid na biyaya, talentong bigay ng Dyos",
"Sa bawat letra, salita ang syang humahaplos",
"Babago ng syang aktibidad, sa moderno patungo",
"Sana maulit ang mundo natin na maraming puno",
"Tayo ay taga bantay, hindi taga sira",
"Ng mundo na syang hiram, tahanan ng madla",
"Wala kang pag aari, anuman, ni isa",
"Dahil ang buhay mo ay hiniram mo lang sa kanya",
"Bilin sa akin, ng mahal kong pamilya",
"Ikaw ay tumulong, gabayan sila",
"Ikaw ang may isip, ikaw ang magpakita",
"Mga tao ay salaping bulag, idilat mo ang kanilang mga mata",
"Humuni ang ibon sa himpapawid",
"Isang himig ng hangin na lalong lumalamig",
"Karagatang itim na syang bumabalakid",
"Mga sementadong daan, binabaha nang di mo batid",
"Sa akin, kapwa, aking kapatid",
"Iisa ang mundo alagaan ang syang batid",
"Bago man mamahinga, sa lupaing walang patid",
"Mag hirap, magdusa, at ang nakasanayan ay gawing napatid na lubid",
"Putulin natin ang pagsira at hindi ang puno",
"Magtapon ng bagay at hindi basura sa kanto",
"Pulutin ang kalat, hindi kahambugan mo",
"Magbasa ng aklat, bibliya, hindi wattpad o kung ano",
"Ito ay sumulat mula sa aking kaisipan",
"Orihinal na mula sa isang kagandahan",
"Handog ng musika ng isang maging idulo ng bayan",
"Heal The World ang tutulo ng musikang napakinggan"
]
},
{
"title": "Bagoong",
"content": [
"Mga kalat na tila walang pakunabang",
"Mga basura na basta na tinatapon sa lansangan",
"Babara sa tubig daanan",
"Sasayangin, papabayaan",
"Makalat na, syang ating tirahan",
"Mga kalat ng sino, binabalik balikan",
"Nakakalungkot, kung ating pagmamasdan",
"Ang dapat gawin, ay ang gawang kabaligtaran",
"Mga bagay na sayang at di na magagamit",
"Binabara at maabot sa pangit",
"Sa pamamagitan ng pagsunod, ng apoy na mainit",
"Dahilan ng pagpawis dahil sa init",
"Sambit ng wika ay hatid",
"Tulungan tayo sa pagbalik",
"Magsaayos ng paligid",
"Mga basura na syang dapat iligpit",
"Walang pagsisidlan ang syang kalat sa lansangan",
"Mga iresponsableng tao at mamamayan",
"Ibang bansa ay ginagawa na ring basurahan",
"Imbes na gawin nating itong kapakipakinabang",
"Sama sama sa pagbabago",
"Iwasan ang pandidiri sa basurang mababaho",
"Na ikaw mismo, kapwa ko tao",
"Ang syang dahilan ng pag kalat nito",
"Mula sa mabaho, masarap pag ito ay natikman",
"Gawin nating silya ang bote sa daan",
"Gawing smpleng unan ang mga plastik, panagbalatan",
"Kesa sa gawain nating ito ay pinababayaan",
"Hayaan ang syang mga tsimosa sa paligid",
"Ikaw ang gumawa, ikaw ang may isip",
"Dahil ikaw ang may pakinabang, iyo yang batid",
"Wag mo ipagkaluno ang syang kaligtasan ng nakararami sa tsismorang marumi",
"Nalunod na tayo sa pagiging moderno",
"Napaka aarti na ng mga tao",
"Lalo na ang kabataang katulad ko",
"Na di mabubuhay kung walang bago",
"Pinaglumaan mo ay ibigay",
"Matuto tayong gumamit ng lumang suklay",
"Linisin ang budegang inaanay",
"Para sa bukas, mundo ay luminis at magkaroon ng kulay",
"Mga titig na nanlilisik",
"Mga alahas na tila ba dyamante ang hatid",
"Maging ligtas wag ipagmahili",
"Para di magsisi sa huli",
"Tayo ay tao, hindi hayop",
"Kumilos ng maayos at naaangkop",
"Wag sa moderno at banyaga magpasakop",
"Maging kontento, wag maging straw na sinusopsop"
]
},
{
"title": "Share mo lang",
"content": [
"Marami ang mga kumakalat",
"Nakakabuti, nakakasama sa lahat",
"Mga utak at isip natin ay mulat",
"Matutong gawin ang mas nararapat",
"Wala sa dami ng reaksyon",
"Kundi nasa dami ng aksyon",
"Sa pabago bagong panahon",
"Maglalaho ang pinaghirapang henerasyon",
"Sinambit sa akin ang isang awit",
"Gumamit ng pamingwit na nakaka akit",
"Mga isda sa pain mo lalapit",
"Sabay hila pataas, at ilagay sa timbang may tubig",
"Mga wika mo na nawawala na",
"Sinira nya ang tore sa babilonya",
"Ayaw nyang mangyari ang syang masama",
"Nasa aklat, matuto kang magbasa",
"Umawit na ang paos naagila",
"Ang kanyang tinig na puno ng pas asa",
"Na ang mundo ay bumalik na",
"May isang taon na syang walang pahinga",
"Pagaspas na syang walang humpay",
"Mga pakpak nya na tila sayo ay nakaway",
"Aawit ng tinig na dating walang kapantay",
"Sa isang iglap, makikita na syang patay",
"Lahat yan ay akin nang nakikita",
"Marami ang nagbabahagi nito sa pambansang media",
"Kinakalat pero walang magagawa",
"Mensahe nga ang syang handog, wala namang gawa",
"Saan ang ginagawa mong pag asa",
"Kung ikaw na mismo ay walang ginagawa",
"Paano ka makakatulong sa paraang gusto mo",
"Kung puro share lang ang kaya ng timeline mo",
"Mga dasal kuno na syang pasasalamat",
"Totoo ba o totoong ay lamat",
"Mga tunay ba na dasal",
"O mga shares lang ang nais ng syang hangal",
"Wag tayong magpakabulag sa katangahan",
"Mga tao tayo at may kasamang nilalang",
"Balewala kung ganyan lang ang iyong kagagawan",
"Walang magiging pag asa ang syang bayan"
]
},
{
"title": "Inihaw",
"content": [
"Nakakatakam, masarap, mainit",
"Nakakapagod, pawis, walang lamig",
"Sa bawat oras na aking sinasambit",
"Ginagawa pa rin ito ng paulit ulit",
"Sa malungkot na bukas ko",
"Walang bukas ang makaka abot nito",
"Mga tustang init na dinulot ng tao",
"Kasakiman ng mga luko luko",
"Nag iisip pa ba tayo, madla",
"Aking kapwa, tayo ay naninira",
"Ang mundong inaalagaan ay nasisira",
"Wala na, sirang sirang sira na",
"Nainit na ang ating mundo",
"Iniihaw na parang barbeque",
"Isaw na tig lilima kada piraso",
"Sa init na tila hindi na dama ng mundo",
"Antartika mo ay syang nawawala",
"Nauubos na ang blokeng yelo ginawa",
"Asam natin ang ginhawa",
"Pero lahat tayo ngayon ay nagdurusan",
"Oh syang aking kapwa",
"Mag isip tayo, wag puro gawa",
"Matuto tayong mag mahal mundong ginawa",
"Para tirahan, hindi paraasira",
"Wasak, hindi sa pag ibig kundi sa paligid",
"Wala na ang mga ibong, sa paligid nag mamasid",
"Na walang mensaheng maihatid",
"Dahil ang mga tao, hahaha manhid",
"Sambitin man ito sa inyo,",
"Tiyak walang kilos, manhid na tayo",
"Napakarami na ang nagpapauso",
"Ginagamit ang sitwasyon, para umuso",
"Salamat na lang sa walang kwentang ito",
"Ang syang tirahang umiinit ay sinira ng tao",
"Dinaig pa ang Dyos sa pag wasak ng mundo",
"Wag kang mag alala, nag susumula na po"
]
},
{
"title": "The Final Countdown",
"content": [
"I'm so getting tired",
"To give message that I have",
"To give knowledge",
"To add foods on my fridge",
"Me as on my young age",
"I wrote not so many poems on my page",
"But my words, put in a cage",
"And I want to share it to make a rage",
"Ten, nine, eight",
"Everyone has no faith",
"Seven, six, five",
"Just do a bible study on our secret hive",
"The future is comming",
"Here from Philippines, I having",
"Having request for all",
"To help, pray for people",
"Revelation is now ongoing",
"Stop that stupid belonging",
"Must know the limitations",
"Lessen your expectations",
"Four, three, two",
"I lose hope, but I pray for you",
"One, zero",
"I love you",
"Counting counter clockwise",
"A words of number revised",
"Lets make a move guys",
"Lets raise the hands, and say we will rise",
"Further more than words",
"The actions, creations of wonderful world",
"Lets make an electricity cord",
"Cord that connects to save the one world",
"What is destined, is what will happens",
"I saw million numbers of crying hens",
"A crazy poet who wrote his master piece",
"And it is on his top list"
]
},
{
"title": "Unang Parte",
"content": [
"Sa aking panunumbalik",
"Gusto ko magbigay ng halik",
"Sa aking nasalimuyak na pananabik",
"Unang bahagi, unang biik",
"Sampal ng katotohanan",
"Gumising sa aking higaan",
"Aking pagbabalik ng lathalaan",
"Sa aking salita ng tila makatotohanan",
"Tahanan ng aking mundo",
"Daigdig ng nilalang at tao",
"Bumuo ng malarepetadong siglo",
"Sa bawat hakbang, babaguhin ang nasyon na to",
"Salamat sa aking mabubuting kaibigan",
"Nag gabay patungo sa himlay ng kabutihan",
"Sa aking pinagmula nang mundong kadiliman",
"Kasamaan, at ang mundong makasalanan",
"Sambit ko ay sambit nyo rin",
"Sa bawat letra, salita na binubuo ng hangarin",
"Sa aking pananabik, sambitin",
"Ulitin, ulitin, ulitin",
"Maraming salamat, kapwa ko makata",
"Sa mga magagandang sinulat nyong tula",
"Sa aking mga inpirasyon, aking nakikita",
"Magaganda ang inspirasyon, mensahe, at akda",
"Salamat sa nakapangyarihan",
"Ama na kataas taasan",
"Sa talento, binigay sa pangkaraniwan",
"Sana sa bawat mensahe, lahat malinawan"
]
},
{
"title": "Sa Huli",
"content": [
"",
"Sa aking pagsapit, ako ay lumalapit",
"Sa matatalim na nakakahiwang masakit",
"Sa mga aral na aking narinig, mulat ng bawat sambit",
"Sa talim ng taning ng buhay, kaunti na lang ang nakakapit",
"Pagkakataon na to upang ilabas",
"Pagmamahal ng kapamilya na walang kupas",
"Sa bawat oras, lahat lumalampas",
"Sa bawat silay ng mga, hagulhol ay malakas",
"Lampas sa langit, ang syang nadarama",
"Ito ang pagmamahal na di ko pa nadama",
"Malungkot na hantungan, baha na ng luha",
"Iiyak, iiyak, punasan ng panyong pula",
"Binawian na ako ng aking hininga",
"Huling bitaw ng mga daliri ko sa mga kamay nila",
"Ang iyak na narirunig, unti unti nang nawawala",
"At ako ay lumutang, katawan koy hindi repleka",
"Salamat sa lahat, mabuti at masama",
"Sa mga dulot nyo, sa aking nadarama",
"Sa mga panlalait, walang humpay na mura",
"Sampal na walang sing sakit, mapula pula pa",
"Sa buhos ng mainit, hindi pagmamahal",
"Ako ay isang binatilyo, uto uto at hangal",
"Paulit ulit, akong nag darasal",
"Sana ay ginhawa, maramdaman ng pagmamahal",
"Magkita na lang tayo, mga kapatid",
"Walang sa atin, lubid na mapapatid",
"Lahat ay kakayanin, magkapit bisig",
"Ako a sisigaw, may kasamang himig",
"Huli na ako, magpapaalam na",
"Maraming salamat, pagmamahal na nadama",
"Kahit alam ko na ito ay huli na",
"Pero sana ay magbago, at kayo ay magdusa"
]
},
{
"title": "Share mo lang II",
"content": [
"Sa bawat saglit na akoy nagpalit",
"Pare parehas na mga litratoy paulit ulit",
"Walang magawa kundi skrol ulit",
"Hanggang matanaw ang kakaibang sambit",
"Daming reaksyon puro haha lang naman",
"Paulit ulit kong nakikita sa mga aking nilalaman",
"Nakalathala na lamang sa aking talaan",
"Para mabatid ko na kung akin pa bang nasilayan",
"Samakatuwid, di na nakakatuwa",
"Kahit pawang kasiyahang pansamantala",
"Pero ito ba ay syang tama?",
"O may dignidad at reputasyong nasisira",
"Buhay nila ay tuluyang nasisira",
"Mga tao ay paulit ulit na pinakikita",
"Pinagkakatuwaan kahit hindi na tama",
"Mga taong walang pake sa iba",
"Basta may mapakita sa midyang magulo",
"Kunware pa silang may pake sa mundo",
"Kung saan saan lang ang tapon, doon at dito",
"Kung makahahagi, parang inosenteng tao",
"Batid nyo ba talaga ang syang laman nito",
"Sasabihin lang na banal, iseshare ko to",
"Basta maging popular, famous kuno",
"Eh mukha lang silang tao, utak kuto",
"Kung makapanghusga parang perpekto",
"Eh ang nanglalait ay mas mukhang inpakto",
"Paano nyo nasabing maganda kayo",
"Kung puro dila lang ang kayang ilabas sa litrato",
"Baguhin natin ang lumang nasyon",
"Gumawa tayo nang puro aksyon",
"Wag puro bahagi, share ng kugon",
"Na walang ibang alam kundi ulo ng hipon",
"Basta sikat, hindi lamang sa araw",
"Ang kanilang pagiging kilala ay nakasilaw",
"Pero pag pinasagot, para lamang sabaw",
"Sabaw na nasa apoy na inihaw"
]
},
{
"title": "Halaga (Second version of Share Mo Lang)",
"content": [
"Pano ba ito nasabing mahalaga",
"Masyado na ang mundo ay mapanghusga",
"Wala nang saysay itong ating social media",
"Dahilan lamang na memes, patawa ng syang nakikita",
"Ako ay ngayong nalilito",
"Ano ba ang dapat na sambit dito",
"News feed pa ba ang tawag sa ganito",
"O binagong literal na ng mapanghusgang mundo",
"Mga talentong na aksaya",
"Sinayang at tinapong basta basta",
"Nag bigay ng oras sa pang aapak ng iba",
"Reputasyon, pag galang ay nawala na",
"Sayang ang ating modernisadong mundo",
"Kung yan lng ang laman ng mediang ito",
"Tao ang syang nagbuo",
"At tao ang sisira nito",
"Mga walang kwentang nakalathala",
"Pinapa haha lang sa mga masa",
"Upang kanilang matamasa",
"Ang pagiging clown ng social media",
"Mga taong naiyak, kapalit ng pagtawa",
"Tawang halakhak na tila ok lang sa iba",
"Mga tila robot na di makadama",
"At tila ba uod na walang ibang magawa",
"Naaawa sa mga taong lansangan",
"Kapalit nito ay isang larawan",
"Sabay sabi ng AMEN naman jan",
"Anong uri to ng kababuyan",
"Walang respeto sa tao",
"Pati ba naman sa Dyos nito",
"Hanggang kailan pa ba tayo",
"Tayo na aaksyon at gagawa ng pagbabago",
"Wag kang magalit kaibigan",
"Maaari na ikaw ay tinatamaan",
"Pero ito ay isipin na lang",
"Paano kung ikaw ang pinagkatuwaan ng di mo alam",
"Ang halaga ng tao ay walang tumbas piso",
"Kahit sabihin mong nandito ang kay Rizal na ulo",
"Pagtawanan nyo na parang walang ulo",
"At baka sakali doon matauhan kayo"
]
},
{
"title": "Katuwaan",
"content": [
"Kaibigan, nawa ikaw ay makinig",
"Ang hiyaw ng mga paos tinig",
"Ang abusong nilalang, mapanglait",
"Kakaunting katuwaan lang ang syang kapapit",
"Ang isang mang aawit na tila paos",
"Mga kamay nila, ating ginapos",
"Mula sa una hanggang pagtatapos",
"Daing ang sakit ng malaking lapnos",
"Panatang makabayan",
"Mapanghusga na ang mga kabataan",
"Bumuo si Rizal, pawang kahibangan",
"Kabataan daw ang pag-asa ng bayan",
"Ang talino ng utak, madla ay nawala",
"Sinanay sa mabuti, dyablo na ang sinasamba",
"Mga tao, bulag na di makakita",
"Pero ito syang nangunguna sa pag puna",
"Totoo ba na tayo ay ligtas",
"Mga katuturan, sa dalwa mong tenga lampas",
"Isang rebelde sa bawat hampas",
"At sumambit ang batang mapagmataas",
"Makikita sa balat ang latay",
"Masasakit, bawat hampas ni tatay",
"Kadiliman, imbes na kulay",
"Ang natatanaw sa kaniyang buhay",
"Gabay ay nawawala na",
"Masyado nang moderno, lahat nakikita",
"Paano pa magiging pag-asa",
"Kung binabastos na ang mga nakakatanda",
"Salamat sa inyo, matyagang nagbasa",
"Nawa ay naunawaan ang halaga ng tula",
"Mensahe aking nais, sa inyo ipakita",
"Mas nais ko sana, kabataan ang nakabasa"
]
},
{
"title": "Dahon",
"content": [
"Ang punong tumubo sa isang lupain",
"Marami ang may nais ankinin",
"Lumaki ay sumuloy",
"At ang sanga, dahon nagpatuloy",
"Ang munting dahon na maberde",
"Dirediretso na lang parati",
"Lumawak, at ngayo'y lumaki",
"Nagisip na sya ng mabuti",
"Kahel na ang kanyang wangis",
"Malapit na syang ihagis",
"Nalutong na ang kanyang anyo",
"Sa panahong pabago bago",
"Nalalapit na ang kanyang dapit hapon",
"Sa bawat danas na ginawa sa buong maghapon",
"Parang umisip na lang ng pagkakataon",
"At pinagsisiyan nya ngayon",
"Mapula na mala rosas ang kanyang kulay",
"Umiitim na ang dating mabuhay",
"Sa kanyang pinagmulan, para syang tinanggal bahay",
"At ngayon ay naging nang matamlay",
"Sabik sa pag laki noong sya ay bata",
"Nag kulay abo na sya nang makita sa lupa",
"Sa kanyang buhay na walang sigla",
"Ito pa ba ang syang matatawag na kawawa",
"Abusado sa lahat, marangya ayaw ng payak",
"Sa paglipad, ayaw nyang sa lupa'y lumapat",
"Sa kayang malilinis na talampakan",
"Lahat ay kanyang inapakan",
"Kahambuhan ay iwasan",
"Buhay, parang dahon lang",
"Maikli at masaya naman",
"Sa dulo ang iyong pagsisisihan"
]
},
{
"title": "Wala",
"content": [
"Sa pagkakataon na ako'y nagbabasa",
"Mga salita, sumasagi, pinapakita",
"Ano ba ang syang halaga",
"Para masabing may pahina",
"May numero at may letra",
"Tuldok, kuwit na makikita",
"Simbolo at mga salita",
"Litratong pang aliw sa musmos na bata",
"Papel at lapis ang gamit sa pagsulat",
"At isang plastik na stik ang panukat",
"Letra ang pangsipat",
"Tula ang aking pampamulat",
"Hangad ko na sa inyo ay magbahagi",
"Di lamang aral kundi pati ngiti",
"Mabababaw na wikaing munti",
"Ang pag iintindi ay maunawaang madali",
"Ang pahina sa kwaderno ay pawakas",
"Malapit nang matapos ang isang palabas",
"Ang sulat ay sumisigaw ng malakas",
"Lahat ng imik, salita ay nilabas",
"Ito ang ika-anim kong taludtod",
"Sa aking pag sulat, ako ay nakaluhod",
"Nais kong mensahe, pahiwatig ay handog",
"Kahit walang may nais, ayaw kong mapagod",
"Susulat ako ng mga tula",
"Para ipakita ang syang halaga",
"Kahit na maraming pahina",
"At papel ang maaksaya",
"Pag buo ng tugma ay madali",
"Sa bilang, ako'y hindi",
"Pero sana ay maaari",
"Sa inyo'y gustong ibahagi",
"Nais ko ay ning ning ng mga mata",
"Maaaring may aral kayong nakukuha",
"Na sa pahina ko'y nakalathala",
"Tanging ngalan noon ay ginamit sa social media",
"Salamat sa kapwa ko manunula",
"Mga dakila kayong makata",
"Kahit na anong genre ng tula",
"Saludo ako, nawa ay lumawak pa"
]
},
{
"title": "Damit",
"content": [
"Nakataklob ng kasuotan ng kasinungalingan",
"Ang hinahangad na katotohanan ng bayan",
"Nasa salwal ng lipunan",
"Nakatago ang tanging yaman",
"Hangad ng lahat ang ginhawa",
"Kaya pati mali ay kanilang ginagawa",
"Palit damit lamang para di makilala",
"At ang suot ay itatapon na lamang ng basa",
"Danas nya ang init at lamig",
"Sa bawat gawain, sya ay nanginginig",
"Bawat imik ng labi, ang mga pantig",
"Pumipiyok at tila nilalamig",
"Nakita sya ng kababayan",
"Tangan ang duguan nyang kasuotan",
"Damit na nababahiran",
"Ng libo libong kasalanan",
"Ang salwal na basa ay pula",
"Tumalon sa ilog tapos nyang mag droga",
"Habol ng pulis at pinagbabaril sya",
"At ngayon ay nakahandusay na",
"Ito ay isang naging saksi",
"Saksi na walang labi",
"Paano nya to masasabi",
"Na walang kinalaman sa nangyari",
"Damit, damit, damit",
"Damit na puting punit punit",
"Ang tanging suot ng batang paslit",
"At wala man lamang syang pamalit",
"Umiiyak na syang nakadapa",
"Sa bawat hampas sa latigo sa kanya",
"Katawang nag iiba na",
"Saksi ang damit na inalis sa kanya"
]
},
{
"title": "Ahas ng Lipunan",
"content": [
"Ito ay paksang pampuna",
"Mga taong tatamaan, wag mag alala",
"Dahil hindi lamang ito iisa",
"Damay damay na ang aking kapwa",
"Sa loob ng tatlong daan na taon",
"Naging bulag, tamad, at imyon",
"Kibit balikat at walang pagbangon",
"Inalupusta sa loob ng mahabang panahon",
"Pilipino ay syang ahas ng lipunan",
"Balat kayong alam ay katamaan",
"Katarantaduhan at kahibangan",
"Kataksilan at mga kasalanan",
"Masasabi na tama lahat ng sinabi",
"Na mga winika ni Rizal ay maaari",
"Oo matalino itong dakila, wala akong masabi",
"Pero kahibangan ang dapat ay gawi",
"Mamamayan ba o pununo ang may sala",
"Katamaran na ang ginagawa, nitong ating bansa",
"Paano ba mababasa ang iisang salita",
"Kung binubulag na ng imaheng replika",
"Kahibangan nga ng unang pangulo",
"Pinatay nya ang ama ng katipunero",
"Maaari sya ay heneral na totoo",
"Na binulag ng walang kwentang trono",
"Hangad ba natin ang pagbabago",
"Hindi nararapat sa atin siguro",
"Dahil mga ahas nga tayo",
"Hanggang pakitang tao",
"Taas kamay ang buong mundo sa atin",
"EDSA ang dahilan para patatagin",
"Sa kabila ng pag unlad natin",
"Ay unti unti rin tayong kinakain",
"Mali ba na isipin to",
"Magulo na ang bayan na to",
"Tapos uunahin pa ang kung ano ano",
"Wala halos aksyon sa tatlong taong pagkakaupo",
"Pera ay kay sarap isampal",
"Pang palit sa mukhang makapal",
"Kunware pang mapagdasal",
"Share dito pero sa buhay puro angal",
"Ang paglaya mula sa mga banyaga",
"Natuto tayong tumayo sa sariling paa",
"Sa kabila ng lahat na nagawa",
"Kabataan BASTOS NA",
"Palamura na kayang magalamon",
"Ng isang daang ankan na patay gutom",
"Bakit kaya ganon",
"Ang hantungan ng panahon",
"Wala na bang pag asa ito",
"Di naman kaya ng iisang tao to",
"Lahat ng magiging pagbabago",
"MAGSISIMULA SA IYO MISMO",
"Tao ka pa ba o hindi",
"Mala karit na ang talas ng labi",
"Mga winilang walang pasintabi",
"Sa skwela, bahay at kalye"
]
},
{
"title": "Kung tayo ay matanda na",
"content": [
"Ala ala ko ay sya ring sa iyo",
"Tumatanda tayo ng dirediretso",
"Ang pagiging bata ay tuluyang lumalayo",
"Nakakalimot, matanda na tayo",
"Bakas sa mata ni nena ang bawat saya",
"Habang inaalala nya ang kanyang pagkabata",
"Naglalaro ng piko kasama ang pinsan nya",
"Lampas ng alas singko, pinalo sya dahil gabi na",
"Ang luha nya ay hindi namalayan",
"Tumulo na ito ng tuluyan",
"Hanggang sa aking nasilayan",
"Ang ngiting walang napagpantayan",
"Ang bawat luha na tumulo mula sa mata",
"Bakas ang ala ala at ligaya",
"Na isa sa pinagsishan nya",
"Dahilan ng maagang nagka asawa",
"Nasa ika apat na taon na sa sekondarya",
"Nang kaniyang nakilala",
"Pepe ang tawag ng barkada",
"Tamad at di makikitaan ng pag asa",
"Unang lapit kay nena ay sya'y kinilig na",
"Habang si Pepe ay nasa tapat ng bintana",
"Tangan ang gitara nyang luma",
"Wag nang mag isip pa, sya ay nang haharana",
"Nais ng magulang ni Nena na matapos muna",
"Bago magpaligaw sa pursigidong binata",
"Pero pasaway ang ating bida",
"At di nya natapos ang sekondarya",
"Lahat ng ito ay kanyang kinuwento",
"Nakasulat pa ito sa luma kong kwarderno",
"Na sa tuwing ito ay binabasa ko",
"Naaalala ko ang simula at ang dulo"
]
},
{
"title": "Panaginip ni Juan",
"content": [
"Naniniwala ka ba sa kababalaghan ng buhay",
"Lantang bulaklak na wala man lamang kulay",
"Parang isang angkan ng lamay",
"Sa isang trahedya nag sabay sabay",
"Isa man sa di kapanianiwala",
"Mga wika at salita niyang may hiwaga",
"Mga naka lantang hilatang mga",
"Wala nang pagbabago, tyak na",
"Hindi man maiiawasan",
"Nakalathala na sa libro na makasaysayan",
"Literal na kaubusan",
"Walang matitirang nilalang",
"Tyak na ba ang kaligtasan",
"Kung isa ka sa namumuno ng karahasan",
"Sa gawain mong ito ay kadalasan",
"Libo libo ang nasasaktan",
"Tiyak ba ang iyong pagkaligtas",
"Sa batas tao at panlangit na batas",
"Sa mga sigang lumalabas",
"Away sa daan, disoras kadalasan",
"Naka apak na ng bubog sa damuhan",
"Ang pagkain ay kasakiman",
"Sa daluyong ng malakas na dagok",
"Sa hapdi at sakit, mapapalunok"
]
},
{
"title": "Ilusyon",
"content": [
"Nakikita, makikikita, nakita",
"Kita ng mga matang nakakakita",
"Pero ang katotohanan dito yaong tabon na",
"Mga kathang isip na lang",
"Samakatuwid, lahat ay nakatawid",
"Sa pansamantalang batid",
"Sa kasinungalingan ay inihatid",
"Na sa akala nila ay yun pala'y lingid",
"Sambitin, ulitin ang himig ng awitin",
"Awitin na syang bumubulag sa atin",
"Sige, pag pagpatuloy pa natin",
"Upang mawala ang mga isipin",
"Replika ng mga likha",
"Kopya ng mga gumagaya",
"Likhang sining na akala ay kanila",
"Sa ilusyon ay may ngalan ng gumawa",
"Oh syang kahibangan ng hangal",
"Mga dilang tabas balabal",
"Mga kunong padasal dasal",
"Akalain mo nga na talagang sya ay banal",
"Sakdal ay syang nanakal",
"Nagbantay at nagbigay kalakal",
"Makalaya at maiwasan ang kasalanan",
"Ibubunton sa walang muwang",
"Tao ba ay syang tao pa",
"May mas masahol pa sa daga",
"Na syang sa inyo ay sumisira",
"Ng kagamitan at mga likha",
"Sabihin pa ba na sasabihin ito",
"Ang ilusyon ay syang nakikita ng tao",
"Kasinungalingan ng bilog na mundo",
"Inuuto na lamang uli tayo"
]
},
{
"title": "Sa harap ng salaming basag",
"content": [
"Mga emosyon na binubulag ng mukha",
"Mga ngiti at masasayang mga wika",
"Pangangamusta na para sa iba",
"At ang sariling naiyak sa ilalim ng mesa",
"Malungkot na kung sa pagigingalungkot",
"Sa bawat sambit ng kamusta, walang halong lungkot",
"Wala namang makakatulong na makalimot",
"Kundi sarili mo na nakasimangot",
"Sumama ako bilang pakikisama",
"Pilit kong makibagay kahit hindi kaya",
"Masabi lang na may kaibigan pa",
"Baka sabihing na pabebe pa",
"Walang makadama sa aking lungkot",
"Mga kaibigan ay harapang nilulusot",
"Mga repleksyon ng ngiti sa salamin",
"Na sa likod ay may lungkot na di maamin",
"Habang ako ay nasa skwela",
"Napaisip na lang akong bigla",
"Totoo pa ba ang kanilang pinapakita",
"O baka ako na ay nahalata",
"Habang nag iisa sa madilim na silid",
"Halakhak ko ay di mabatid",
"Walang rason sa bawat hibik",
"Na kahit luha ay pumatak sa pagkasabik",
"Maaari man na ito ay di hamak na tula",
"Makatotohanan o replika nga",
"Kopya o orihinal na ginawa",
"Madla na ang mang husga",
"Di mababatid ang nadarama sa simpleng wika",
"Pwedeng pekein, pwedeng maiba",
"Sa harap nitong basag na replika",
"Ang ngiti ko at luha ay iisa"
]
},
{
"title": "SamBaboy",
"content": [
"Mala santo sa linis ni walang bahid",
"Panyong pamusnas, sa katawan pinahid",
"Mga samba sambahang hindi pa batid",
"Ang katotohanan sa kanya ay lingid",
"Sa kabila ng pagiging madasalin",
"Sa rosaryo ay mahigit pa sampung ama namin",
"Pero bakit ito ang ating gawain",
"Mga likha niya ay ating nilalaitin",
"Maitim na budhi sa malinis na kamay",
"Madasalin, manunugal kahit walang lamay",
"Kahit sa katangahan nakikisabay",
"Sa santo pa ay may pa alay alay",
"O yanong banal nitong si Nena",
"Binato nya ang nakaupong pusa",
"Mabait ba talaga itong ating bida?",
"Kuno man ang kanyang huwad na nakikita sa kanya",
"Pinalaya ko ang ibong agila",
"Binaril naman ng iba",
"O kaya ay hulihin para ibenta",
"Mga mukha pa ring pera",
"Mga huwad na banal",
"Kunong padasal dasal",
"Mga nilalang na Dyos mapagmahal",
"Na sa hayop ay nananakal",
"Ang bilis nating umunlad",
"Ito ang nais ng lipunang mataas ang lipad",
"Sa taas sya ay napadpad",
"Sa ilalim ng sibilisasyong di hangad",
"Sinisisi pag may di magandang kaganapan",
"Ang Dyos daw ang syang dahilan",
"Sila daw ay pinababayaan",
"Kahit ito ay pagsubok lamang",
"Mga ungas, abusado na tayo",
"Imbes na mag alaga, sinisira natin ito",
"Sa galit nya ay nagpapadala ng libo libong delubyo",
"Di naman nagtatanda, itong mga nilikhang tao",
"Nasaan ang sinasabi nyong palasimba",
"Nanlalait ka na ng iba",
"Mga huwad sa simbahang kay ganda",
"Matutulog lang pag nagmimisa"
]
},
{
"title": "Human Stupidity",
"content": [
"This media breaks my silence",
"My news feed full of non sense memes",
"How crazy mens and womens",
"Literally human stupidity",
"Similarity of old style living",
"Unfillment of popularity cause by memes",
"How to get better enviroment",
"If you as yourself is the man of non fullfillment",
"Once Albert Einstein said",
"There are two things are infinite",
"Universe and Human Stupidity",
"But he didn't sure on the universe",
"Now he told that",
"All of us, good things were forgot",
"The reason of popularity",
"You may get the human stupidity",
"Its better to be alone than to be socialized",
"Now I get realized",
"The name may got the more expenses may have",
"The more you got the lessen you give",
"You think out if you may help them",
"Think you out if you may learn",
"Think you out if it may help on the sad reacts",
"Think you out if you may give them help and respect"
]
},
{
"title": "Plastik at Papel",
"content": [
"Mas literal na kalat sa lipunan",
"Tangan ang yabang at kahambugan",
"Mga pinagsawaan ng bayan",
"Bara sa kanal, stero at imburnal",
"Sabihin na buo ang hangarin",
"Ayaw nya ng mali kundi tamang gawain",
"Sa likod ng kanyang salamin",
"Isa lang pala ang ilegal na gawain",
"Itong aking taga mga taga husga",
"Sa mundo ng social media",
"Mga perpekto at walang maling makita",
"Mga taong balat kayo, ika nga",
"Madali manghusga sa iba",
"Sarili man ay di mo makikita",
"Maliban sa salamin ng tama",
"Tugma sa iyong ginagawa",
"O kay kinang ng panloob nyang balat",
"Laman ng malutong ngunit maalat",
"Mga walang sustanyang laman",
"Kanser daw ito sa lipunan",
"Tangan nya ang pekeng katotohanan",
"Kahit totoong kaibigan ay pinagkaitan",
"Lahat sya at nilalait lang",
"Kaya napilitang makipag plastikan",
"Matagal matunaw kahit ibaon",
"Buo ng loob sa isang libo pang taon",
"Pero kahit na mag kaganon",
"Mabait pa rin kahit nasasaktan na sya non",
"Mas maaari ba ang mabuting panlabas",
"O ang maling pinapalabas",
"Parang pag aahit lang ng balbas",
"Dahan dahan para walang dugong tumagas",
"Sabihin mo sa kaibigan mo ang totoo",
"Ang ugali ba ay syang sa iyo",
"O baka naman panlabas lang ito",
"Maaaring ikaw lang ay nan loloko"
]
},
{
"title": "Ang Nakaraan",
"content": [
"Sa malatanawing paraiso",
"Magandang imahe na nasa litrato",
"Isang titig ang syang nabuo ng aking sigundo",
"Mga nabulong na mapang-akit na anino",
"Sa aking pag iisa, ikaw ang nais makita",
"Mga galit na sa aking katawan ay lubos na nawawala",
"Mga winika ko sa harap mo aking sinta",
"Mga kataga na totoo at hindi ginaya",
"Sapat nawa itong simpleng tula",
"Sa panunumbalik ng iyong nilikha",
"Aksidente ka muling nakita",
"Pero wala na akong madama",
"Nakaraan ko na parang bula",
"Hinanginan lamang para makita",
"Isang mala-kristal na bubog na nalipad",
"Mula sayo sa aki'y na padpad na",
"Masaya kita noong natatanaw",
"Habang nagiging kinang ang sinag ng araw",
"Ang imahe mo na nakakasilaw",
"Masasabi ko lang na nais ko pa rin ay ikaw",
"Iba na ang panahon",
"Sibilisasyon at modernisasyon",
"Bago na rin ang mundo ngayon",
"Mas mapayapa nga lang noon",
"Ikaw ay syang mapang-akit",
"Sabay sa musika ang iyong paglapit",
"Na habang natagal ay lalong sumasakit",
"Dahil ilusyon lang pala ito ng aking panaginip",
"Sana ay matupad na",
"Manumbalik ang dating sigla",
"Pero mas nanaisin ko sana",
"Kung ikaw ay aking makakasama"
]
},
{
"title": "UnderScore",
"content": [
"Mahirap lang ako at hindi kumpleto",
"Tao lang naman ako at tula lang ang binubuo",
"Simpleng manunulat ng akdang walang patungo",
"Gamit ang letra wika at salita ng mga ninuno",
"Mga literal na ang aking ginagawa",
"Panuklaw ahas ang bigkas sa aking akda",
"Buo ang syang madadaling salita",
"Para maintindihan ng batang nagbabasa",
"Akin ay sayo at sayo at atin",
"Mga bagay ay wag pagkaitin",
"Silaw ng ilaw mula sa madilim",
"Nakaupo ako ng mataimtim",
"Ang bigat na dala mula sa loob",
"Malakas na ang masasamang kutob",
"Ang baho ng damit na kulob",
"Kahit mas maputi pa sa sampung lublob",
"Siretong malupit, pwedeng pabulong",
"Sagasa ng matinding kalsadang lusong",
"Sa ilalim ng luma at butas na bubong",
"Nag kakaisa kami sa timbang patong",
"Ano na ba ang syang ginagawa",
"Tayo ba ay lumilikha pa?",
"O ang lahat ay sinisira na?",
"At ikaw mismo ay walang ginagawa",
"Nalapit lang sa oras na kailangan",
"Ang pananampalatayang, tila kahibangan",
"Mala lason na sumisira sa sanlibutan",
"At naganti na ang ating kalikasan",
"Sa ilalim ng mundong umuunlad",
"Isang apoy na bolang sayo ay bubungad",
"Hilahin ka at tutunawing pabilad",
"Ubos na ang iyong naging lahat"
]
},
{
"title": "Last Part",
"content": [
"Sa bawat iyak at patak ng luha",
"Mga hikbi ng dating bata",
"Luhod na walang awa",
"Ang hirap hirap talaga",
"Sa aking muling pagtulog",
"Permanente at walang nakikinig na tugtog",
"Nais ko na kayo ay masaya",
"Pero alam kong ito ay mahirap talaga",
"Aking himlayan ay naghihintay",
"Pahingahan ng mga walang buhay",
"Habang iyakan ay walang humpay",
"Na tila di tanggap nina nanay",
"Sa inyong lahat isa ang pumukaw",
"Walang iba kundi nag iisang ikaw",
"Ikaw na naging maliwanag na ilaw",
"Na sa malayo ko na lang natatanaw",
"Masaya sa maikling pagsasama",
"Hawak kamay sa tabing kalsada",
"Kaya ganyan ang pagsisisi ng sinta",
"Habang nag kukwento sa aking pamilya",
"Huli man na nalaman nya",
"Ang lalaki ay talagang gusto sya",
"Pero batid nya na wala syang magagawa",
"Hanggang litrato na lang ba talaga",
"Salamat sa lahat ng barkada",
"Mga adik sa bawat kami ay magkasama",
"Sa bahay namin ay naiyak sila",
"Habang binabalik ang ala ala",
"Salamat sa mga nag basa",
"Munting istorya na aking nilathala",
"Mula sa awit na aking nadama",
"Na gagong rapper ang gumawa"
]
},
{
"title": "Bihag",
"content": [
"Ikaw nga, isang mapang-akit",
"Kahit sa malayo, mata ko ang nalapit",
"Boses na dumadating, sa hanging malamig",
"Sa indakan, katawan mong malupit",
"Ikaw na syang mabait, pero matapang",
"Mala-siling labuyo, sa tindi ng halang",
"Bihag mo akong isang taong mang-mang",
"Na sayo ay nakatingin lamang",
"Iyong liwanag, ang sa aki'y sumilaw",
"Ikaw ang nilalang na sa aki'y pumukaw",
"Sa pag-uwi, ika'y tinatanaw",
"Ninanais ko na maging akin ang ikaw",
"Sa harap mo ay walang galaw",
"Parang natuyong papel na may gawgaw",
"Luto ang kagustuhan na parang inihaw",
"At handang payungan, sa ilalim ng initang araw",
"Hindi ko masasabi sa harap mo",
"Pasensya pinanganak na torpe ito",
"Pero kahit na papaano",
"Handa kang damayan kahit kaibigan lang ako",
"Sa mala-himig ko dinaan",
"Damdamin at kawikaan",
"Mga nais bigkasin sa iyong harapan",
"Di ko pa magawa dahil ako'y hirapan",
"Sapat na muna ang ganito",
"Bilang isang kaibigang binihag mo",
"At sana ay tandaan mo",
"Nandito pa rin ako para sayo",
"Pag-ibig na naging kasiguraduhan",
"Nagustuhan sa udyok ng kaibigan",
"Nalaman ko ang iyong nakaraan",
"Kaya ako'y hanggang intay na lang"
]
},
{
"title": "Talampakan",
"content": [
"Sa isang bilad ng matang sa gutom ay dilat",
"Ang kagustuhan na nais, pinagkait ng lahat",
"Tanaw sa nag-uuling nyang balat",
"Turing ng madla sa kanya ay kalat",
"Ninanais nya na makisama",
"Tumulong kahit hirap na hirap na",
"Habang ang tsinelas nya ay sira na",
"Makatulong lang ang tanging hangad nya",
"Kalyo na ang buong katawan",
"Milyong madla na sya ang pinagkakaisahan",
"Lait na walang hanggan",
"Para lamang sa inyong kaligayahan",
"Ito ay syang nasalo",
"Ang buong bigat mo",
"Manipis, madalas makalyo",
"Nasa paa mo lamang ito",
"Init ng araw ay sya ang napapaso",
"Parang panlalait sa kapwa mo",
"Di ba nga sabi ng mga tao",
"Gawin sa iba ang nais na gawin ng iba sayo",
"Sa hirap, sya ang nakasalang",
"Sa gingawa ay ikaw naman",
"Walang pagbabago sa kamangmangan",
"Kahit dekada na ang nakararaan",
"Hangad natin ang kasiyahan",
"Pilit inaapakan ang iba",
"Buhay nila ay sinisira",
"Para ika'y masiyahan lamang",
"Danas ang hirap ng kaniyang maghapon",
"Lakad mula dito hanghang doon",
"Pagod na sa paglalakbay",
"Lakbay na walang gabay",
"Iba na nga ang panahon",
"Malayo na sa nakasanayan noon",
"Mga tao ay pilit nakikibagay",
"Kahit masama ang uso, nakikisabay",
"Paltos na ang talampakan",
"Sa papainit na aspaltong lansangan",
"Pilit binabago itong bayan",
"Pag-unlad kapalit ng kalikasan"
]
},
{
"title": "Bakit",
"content": [
"Isang tikim lang, kahit gramo",
"Madami pa ako, bisita lang sa kwarto",
"Problema mo ay maglalaho",
"Pero ikaw ay maluluko",
"Matalinong mang mang",
"Nag iisip nang walang alam",
"Buhay ay sinisira lamang",
"Kahit na pake ay binalewala lang",
"Totoy bato, totoy bato",
"Magiging totoy bibo na to",
"Oh kay galing mo",
"Ang liksi ng lisik ng mata mo",
"Repleksyon mo sa salamin",
"Mga pagkakamali, sa harap ay di maamin",
"Kahit na anong gawin",
"Babalik pa rin sa dating gawain",
"Oh sira na ang buhay mo",
"Nilunok na ni darna ang bato",
"Naging syang super hero",
"Samantalang ikaw ay naging gago",
"Pantasya mo ang hubog ng pagkatao",
"Dating ikaw nang di nakalanghap ng bato",
"Matino at may pangarap na buo",
"Para sa sarili, at sa pamilya mo",
"Salamin ng ngayong kasalukuyan",
"Kaligayahang panandalian",
"Sa huwad na kadakilaan",
"Buhay ay na aksaya sa di malaman",
"Sabihin mo sa harap ng altar",
"Magsisi ka at mag dasal",
"Sarili ay isuko sa pinakamataas na banal",
"At pilit lumayo sa dating hangal"
]
},
{
"title": "Malayo",
"content": [
"Ikaw na sa akin ay nakatingin",
"Ikaw na mula malayo ang tingin",
"Akitin ng isang ako ay ganun din",
"Mula sa larawan, sulyap sulyapin",
"Magkatabing parang hangin",
"Ang paa mo sa nasa bangin",
"Hihintayin pa ba na ang buhay ay bawiin",
"Bago mo sila alalahanin",
"Ang impluwensya ay talagang mabangis",
"Mga asong may pangil na matutulis",
"Mga aninong hambog lamang",
"Wala pa namang napapatunayan",
"Akin na ang iyong kaisipan",
"Baguhin ang sistemang pang kaalaman",
"Skwela na tagasira lamang",
"Ng talento ng simpleng kabataan",
"Ukit dito dukit doon",
"Mga malalaswang kababuyan ng makabagong panahon",
"Patuloy na ginagago hanggang ngayon",
"Nagsisi nang may bunga ang pekeng relasyon",
"Mauli ang lahat sa mundo",
"Itong pag uuli din ang wawasak sayo",
"Babago sa dating matino",
"Wawasak sa bukas mo",
"Malayo na ang ating narating",
"Dating nag lalakad, may sasakyan na rin",
"Pero kahit ano man ang gawin",
"Kaibigan sa lupa lang yan at hindi pang lalangitin",
"Yabang ng kapwa ko kabataan",
"Mga utak, hangin ang laman",
"Mga salot na sa lipunan",
"Paano pa naging pag-asa ng bayan"
]
},
{
"title": "Tagsibol",
"content": [
"Sa bawat lakbay ng paang hiwalay",
"Sa akin naligaw, landas at gabay",
"Tanging dalawang kamay ko ang di mahiwalay",
"Sa lingkis, mala sawang di mawalay",
"Sa pagtahol ng aso ay darating ako",
"Ang alulong ng umuungot na kuting sa bawat kanto",
"Kakatok ako sa bintana at hindi pinto",
"Sasayangin ang lupa ay tutubo sa semento",
"Di ko batid ang bawat kataga ko",
"Naisip, dumaan na malaanino",
"Nakadikit sa paglatao ng iisang ako",
"At babalik ako sa pagsibol ng mundo",
"Lanta na ang gulay",
"Malapit nang masira ang kubong bahay",
"Itinatayo na lang ang matanda ng saklay",
"Pilit namumuhay sa lungsod na di gamay",
"Bukas palad para sa sawing palad",
"Mapalad ang sa mabuting inilalahad",
"Tanging kabutihan lang ang syang hangad",
"Laban sa kunong pag-ibig na huwad",
"Sa tagsibol ng punong kahoy, makikita mo",
"Magbabago ang pangit na mundo",
"Pilit na pagbabagong, nakakasakit na totoo",
"Na iyak na ang niyurakang mundo",
"Lantad ang lahat ng mga sala",
"Kahit banal ay walang kawala",
"Sa tukso ng dakilang masama",
"Pilit kang umiwas, para mabuhay ka",
"Tumindig na at sya'y nagbalik",
"Ang isa na tinaksil ng halik",
"Ang dakilang bihira ang imik",
"At magbabago na sa kanyang pagbabalik"
]
},
{
"title": "Minalas na magulang",
"content": [
"Habang ako ay hilaw na bata",
"Hinubog at hininog sa tama",
"Iniwas sa mali at nilayo sa iba",
"Dahilan ng pagiging iba",
"Sinangga ang bolang apoy na mainit",
"Sa inaangat sa ginhawang pilit",
"Sa bakas sa damit na punit punit",
"Sa maghapong bilad ang init",
"Pagod ay nawawala sa tuwing nakakakita",
"Anak nila na tila munting bata",
"Masayang naglalaro sa baba",
"Lapag at latag ang kumot na pula",
"Umedad na itong binatilyo",
"Natuto na syang humawak ng martilyo",
"Nagbago ang tama nyang pagkatao",
"Sinira sya ng barkada at bisyo",
"Ang ina na nag alaga ng mahabang panahon",
"At ang ama na nagpakahirap noon",
"Minura at dinuraang parang ampon",
"Dating mabait na naging masamang kampon",
"Mahal nila ang binatilyong barimbado",
"Habang ito ay sinisira ang pader na bato",
"Ang pundasyon ay tuluyan nang gumuho",
"Nakita na nya ang dating pagkatao",
"Lumuhod at umiyak",
"Sa di inaasahan, ang martilyo ay nakatarak",
"Sa ulo ng magulang nya na basag",
"Ang kanyang mundo ay bumagsak",
"Walang nagawa ang binatilyo",
"Kumuha ng lubid at tinali sa puno",
"Sabay nag duyan sya dito",
"Habang nakasabit ang ulo"
]
},
{
"title": "Luha",
"content": [
"Iiyak, tatawa, mag aalala",
"Mga saya ng kahapon ay ina alala",
"Mga namayapa, pilit isasama",
"Sa imahinasyon na may kasang pagluha",
"Sikip ng dibdib, bigat ng loob",
"Sama ng galit at puno ng poot",
"Nawala noong inalala ang kahapon",
"Habang pinapalo ng balat na sinturon",
"Tubong saging at asukal",
"Parang turon na nahulog sa kanal",
"Lumutang at mabilis lumubog",
"Sila ang dahil ng iyong bagong hubog",
"Imahinasyon na lang ang makakaya",
"Ang dati ay naibabalik pa",
"Pero ang oras na kasama ay hindi na",
"Sa putik na malabnaw ay itinago na",
"Sa hawak na larawan mo ay may napatak",
"Luha na puno ng pagmamahal at halakhak",
"Mga ingay na puno ng pag iyak",
"Nakaluhod ng masakit ang lahat",
"Ang batang pumanaw, pumukaw ng atensyon",
"Nabangga at nagpagulong gulong",
"Sa aspaltong kalye ng Mandaluyong",
"Sa matindung agos ng buhay ay paglihis na sumusulong",
"Mabigat ang dibdib at nahingi ng tulong",
"Sa pagulit ng naganap sa lahapon",
"Krimen na ginawa sa kanya noon",
"Hustisya na ginawa sa kanya noon",
"Salamat sa ala ala naming mahal",
"Sa mabuti, amin ay kayong ipagdarasal",
"Wag mag alala may kandila sa inyo",
"Habang puno ng luha, emosyon sa tabi nyo"
]
},
{
"title": "Pagtanda",
"content": [
"Mga alamat ng mga palabas",
"Aksyon, komedya at mga palatastas",
"Sa mukha na tumatanda ay bakas",
"Ang saya at tindi na iyong ginagawa hanggang wakas",
"Uulit ulitin ang mga ala ala",
"Mga naibahagi na saya",
"Ipapalita sa mga bata",
"Kung gaano kasaya noong una",
"Mga pagtanda na di mapipigilan",
"Masasayang memorya ng nakaraan",
"Mabilis na parang haging dumaan",
"At mga istilo na ngayoy pinaglulumaan",
"Maikli na ang natitira",
"Mga hininga ng bawat isa",
"May gyera sa ibang bansa",
"Nakakalasong walang takas pati ang bata",
"Sa tahimik na aking panaginip",
"Dito ako ay mamamalaging tahimik",
"Walang imik at kibong masikip",
"Matatanaw ang paraisong mala langit",
"Sa bawat oras na aking sinusulit",
"Labing walong taon na, pakiramdam ay bata ulit",
"Walang iniisip na mabigat na problema",
"Dinadaan ko na lang sa gawa at tawa",
"Masaya ako na sumusulat ng akda",
"Sa mundo ay aking pinapakita",
"Talento ko na sa akiy biyaya",
"Na habang buhay kong daldalhin hanggang pagtanda",
"Mamamahinga na muna ang bagitong may akda",
"Simpleng manunulat na walang kwenta sa tingin ng iba",
"Makatulong at hindi sa bawat isa",
"Sa buhay, maging tama ka at masaya"
]
},
{
"title": "Siga",
"content": [
"Nasa lupain ako ng siga at barumbado",
"Mga tigasin at laging hubad baro",
"May lumapit biglang matipuno",
"At hinamon na lang nya ako",
"Malabalagtasan ang bitaw",
"Kada bara sa kalaban, sila ay humihiyaw",
"Ang sabi ay matutulasan na",
"Nasa susunod pang mga linya",
"Aking binigkas, hiniyaw ng malakas",
"Mga siga at mang iinom lahat ay lumabas",
"Ang sanggang dikit ay malapit nang umaklas",
"At lalambot din lang sabi ay matitigas",
"Walang aksaya sa sigundong inabot",
"Sinabihan ko ung siga, kung lumakad ay nakembot",
"Mataas ang tingin sa kanya ay akin namang abot",
"Ay pina amoy ko ang ihi nya sa pader na may lumot",
"Birada ng mga salita ay kasama ang respeto",
"Nakakatanda pa rin itong si manong gago",
"Pero malapit na matapos ang oras ko",
"TIME!, sabi ng MC sa kumpulang ito",
"Sya ay tawang tawa na parang hibang",
"Pinakita nya sa akin ang maruming bang bang",
"Sa kanyang pagbuugaling samlang",
"Sinampal sya ng sinabing katotohanan",
"Hubad man ako, iyong titigan",
"Walang sinuman, sa aki'y lalaban",
"Pero ikaw batang lansangan",
"Iyong pagkatalo ay masasaksihan",
"Mga huling linya na binitaw",
"At ang MC ay sumigaw",
"Mukha sya noong manggang hilaw",
"Dahil batid na nya ang aking ibibitaw",
"Ang kanal na pinakita mo ay marumi",
"Ang pader na nangangamoy ihi",
"Sino ba ang syang may mali",
"Di ba tao, sa kanya ang sisi",
"Ang taas ng ihi ay biglang naudlot",
"At sabay bitaw ko ng medyo pasundot",
"Ang malaki man ang bato manong",
"Pero tandaan mo hindi laging matigas at lalambot din yaon",
"Nasabi ko ng buo ang bawat linya",
"Ang lakas ng hiyawan ng daan daang madla",
"Ang mikropono ay di na nagamit pa",
"Nablanko na itong sigang mama"
]
},
{
"title": "Sa Pasko",
"content": [
"Lumapit ka at tumabi",
"Kwento ng bata, sayo'y magsasabi",
"Salaysayang lathala ng normal at simple",
"Sa mga bawat likha ng utak na mauli",
"Bukod tangi, sa bawat pagkakataon",
"Nakikilala, lahat ay nakatuon",
"Pinakamasaya daw sa isang buong taon",
"Bago sumapit, puyatang magdamag, maghapon",
"Malasa ang kesong naka kahon",
"Nilahok sa spagetti na malasa",
"Ngiti ay matatanaw mo hanggang humilom",
"Ang kanilang kasiyahan, ay tanaw sa bawat isa",
"Tila ba ay nakapupukaw",
"Mga bumbilyang iba't ibang ilaw",
"Mga kalsada na sa mata ay pumukaw",
"At sa atensyon ko ay nag nakaw",
"Sya ngang nakakatuwang pagmasdan",
"Sa haba ng pila ng kapatid mo at pinsan",
"Ang tanging plato na kanilang tangan",
"Diretso agad sa hapag kainan",
"Sa kabilang dako ng kasiyahan",
"May mga taong nagugutom sa tabing lansangan",
"Mga tao na tila kalsada lang na dinadaanan",
"Tampulan ng mga pinandidirian",
"Di ba ang nais nya ay pagmamahalan",
"Hindi lait na sisira sa sinuman",
"Alipusta ang syang nararanasan",
"Diwa ng pasko ay di nila maramdaman",
"Abutan man ay nakalitrato pa",
"Good samaritan kunong kupal pa",
"Mga pakita at pasikat sa madla",
"Isang dahilan na nakakawalang gana"
]
},
{
"title": "Pananaw",
"content": [
"Ikaw na syang may alam",
"Katuturang di mailinaw",
"Magugulong mgaopinyon at pananaw",
"Sa lagit na asul, nawa ay matanaw",
"Alin ba ang syang nagpapalito",
"Mga isip at kuro kuro na nagpapagulo",
"Saan ba nag tagpo, saan ang dulo",
"Iyo na bang nahawakan ang sira sirang piso",
"Ang lata ng lipunang hilaw",
"Sugat ng isang gusgusin ay nilalangaw",
"Mga bungangang humihiyaw",
"Mga pipi na tenga ng bingi ay sumisigaw",
"Ikaw, oo ikaw nga",
"Kaalaman ay sa mali mo ginagawa",
"Mga talento mo na kung saan at para",
"Mga katamaran ng inutiil na bansa",
"Sa akin ay parang pangamba",
"Masisipag talaga, basta usapanfg pera",
"Para saan ba ang demonyong metal",
"Para lang malaman, kung mura o mahal",
"Mga batang gutom na gutom",
"Duraan ng mga taong hukom",
"Husga ng mala linis kamay",
"Nasa kubyertos, na puro lamang kanilang laway",
"Kababayan ang puting van",
"Siyang ngayon ay atin nang kinatatakutan",
"Pero ngayon ay para saan",
"At may kinikilalang Dyos ang lipunan",
"Salamat at inyo",
"Simple akda lamang ng pananaw ko",
"Nillikha ng naguguluhang isip ko",
"Sana ay nafgustuhan nyo"
]
},
{
"title": "Daluyong",
"content": [
"Sa pagsapit ng dilim",
"Hampas mo ay sa 'kin din",
"Sa lumang basag na salamin",
"Ang kwento ay ating alamin",
"Tila ba ikaw ang bukas",
"Sa ngiti mo ay tunay na bakas",
"Sa buhay na inihahampas",
"Na nagiging pampalipas oras",
"Ikaw na syang daluyong",
"Binuo ko at sinira lang ng iyong",
"Sa agos at bawat alon",
"Sa bagong taon ay malungkot na tatalon",
"Sakit na syang sisira",
"Kalikasan ba ang siyang tunay ma may gawa",
"Mga awit ng ibon ay patuloy na nawawala",
"At ang himig ng tugtugin na wala talagang kwenta",
"Sabihin mo oh aking kaibigan",
"Ito ba ang hinahangad mo na kalayaan",
"Ang salamin na nasa iyong harapan",
"Na puno ng letra at mga larawan",
"Sa sarili mo lamang ito makikita",
"Ang mundo mo ay patuloy na nawawala",
"Ang sariwa lang ba ang hinahangad",
"Na nakakakuha lang ay ang mapapalad",
"Nilunod ng bawat pagkakataon",
"Humampas ng tuluyan itong malaking daluyong",
"Sa lampas taong baha ay sumusulong",
"At ang lahat ay nahingi ng tulong",
"Pasko lang ay para sa bata",
"O ito ay para sa madla",
"Tayo ay talagang naligtas nga",
"Pero patuloy na nagkakamali ang bawat isa",
""
]
},
{
"title": "Karoling",
"content": [
"Mga ani mo ay nanghaharana",
"Mga bata at pati na matatanda",
"Piso minsan palimalima",
"Sa hampas ng garapon na stick-o na pula",
"Mga himig na sintunado",
"Maswerte ang nakikinig kung nasa tono",
"Kahit na papaano",
"Masaya pa rin na napapakinggan ng tenga ko",
"Ito na ang sampung gabi",
"Kasabay ng karoling, ang simbang gabi",
"Sa mga matatamis nilang mga ngiti",
"Ang mga masasayang himig na ibinabahagi",
"Ako nanaman itong nakikinig",
"Taas baba ang tono at kanilang himig",
"May kulot at mga boses nginig",
"Pampaganda daw sa kanilang inaawit",
"Kay sarap nilang pakinggan talaga",
"Kaso naubos na ang laman ng aking bulsa",
"Sa pag aabot ko sa mga matatanda kanina",
"Piso ang inabot nitong munting mga bata",
"Karoling na may tansang marakas",
"Tambol na garapong butas",
"Ang mahalaga ay malakas",
"Para ang may tao ay lumabas",
"Pasensya na po kami ay namamasko",
"Inbutan ng bayad ko ang batang ito",
"Ani mo ay nanghihingi lang ng piso",
"Di pa tapos ang kanta ay mabilis na syang tumakbo",
"Huling talata na ng tula ko",
"Simpleng handog bago mag pasko",
"Maligaya ako at naibahagi ko ito",
"Kahit matagal na namahinga sa naging hilig ko"
]
},
{
"title": "Daigdig",
"content": [
"Likha na nagmula sa wala",
"Ginawang paraiso ng ating ama",
"Patuloy ba natin itong sinisira?",
"O talagang balak lang nating guminhawa?",
"Isang palinis na papel",
"Simbolo ng kabutihan ng panginoon at mg anghel",
"Usok na lang ng tambutso",
"Lilikha ng itim na pabilog kuno",
"Puno at tubig",
"Ang mundo na dating pag-ibig",
"Ngayong na tao ang inuusig",
"Ng kalikasang matinding galit",
"Ito na ba ang resulta ng pag-unlad?",
"Patuloy na ang tao ba ay lumilipad?",
"O syang paa lang ay nakaliad?",
"Habang sa putikan ay naglalakad",
"Hindi na masama ang pag-unlad natin",
"Pawala na ng pawala ang kalikasan natin",
"Kailan ba ang pagbabagong darating?",
"Kapag ba ang lahat ng tao ay may taning?",
"Maligaya ka na ba sa lagay na yan?",
"Pawang pansamantala nga lamang",
"Lilikha ang magulo nating kaisipan",
"Kahit nakakasira na ng kapwa mong may pangalan",
"Pandaraya para umangat",
"Ngiping nasa gilagid ay pilit kinakagat",
"Maabot lang ang nasabi niyang pangarap",
"Para sa pamilya at para sa lahat",
"Pagbabalik ni Juan sa lupang sinilangan",
"Inglisero na at sariling wika'y pinagtabuyan",
"Para lang mahangad ang kasikatan",
"Pilit na mag iingles kahit mali mali naman"
]
},
{
"title": "Love yah",
"content": [
"Binilangan ang bawat hakbang",
"Mga isipan na nahihibang",
"Isang malawak na parang",
"Paraiso kung tingnan",
"Ito na ito na",
"Kaibigan kong nagbabadya",
"Mabuti ba o masama",
"Ang dulot ng sa aking pag iisa",
"Ikaw nga kaibingang malupit",
"Isa kang mataas at malabong makapit",
"Ikaw ang syang bumuhay, sa kaluluwang gipit",
"Pagmamahal mo ay talaga ngang hapit",
"Sinakal ako ng itim na daigdig",
"Ikaw ang gabay at ilaw na maningning",
"Nagsilbing liwanag sa gitna ng dilim",
"Sa panahon ng nalalapit na takip silim",
"Ang buhay ko na upos na lang",
"Pagmamahal mo ay sadyang makinang",
"Pumukaw ng iyong mamamayan",
"Nagkakaisa sa bilang isang lipunan",
"Ito na ang nalalapit",
"Ang talim ng manipis na sinulid",
"Sa iyo kami lalapit",
"Pag-ibig mong walang patid",
"Dapat nga na sa iyong binansag",
"Dakilang walang maiihalintulad",
"Di ka maabot kahit anong liad",
"Dahil sa pag mamahal mo kaya kami naangat",
"Patapos na itong nilikhang tula",
"Ang pagmamahal mo ay walang hangganan pa",
"Patuloy na akong lilikha",
"At ang araw na palubog ay may sisikat na pag-asa"
]
},
{
"title": "Sa likod ko",
"content": [
"Aking daladala ang ilaw",
"Walang ningning, walang silaw",
"Walang pansin, kahit pukaw",
"Taging panggabay sa naliligaw",
"Isang lakad sa daang matuwid",
"Sa bawat pagkakataon ay kapit bisig",
"Biglang may nagsaliang bibig",
"Lumakanta humihimig",
"Tukso ay lumapit",
"Agad umaklas at doo'y kumapit",
"Di nilayuan bagkus pinilit",
"Ang ilaw ay nawala at ako'y parang nakapikit",
"Ang daan ay batuhan",
"Ang talampakan, ngayon ay duguan",
"Mga bata na luhaan",
"Pumipilit na sila ay tulungan",
"Lakad nila ay matuwid",
"Sa malayo, naghihintay at nagmamasid",
"Nagbabakasakaling sila ay bumalik",
"At umiwi sa tahanang tahimik",
"Ang ilaw ay nawala at patuloy na naghihintay",
"Ito ang nagsisilbi sa akin na gabay",
"Isa itong pagbibigay ng buhay",
"Sa isang pilay na walang saklay",
"Daan na syang patutunguhan",
"Layon ang mapabuti ang bayan",
"Sa tama ay silang gabayan",
"At hirap man ay kanila ding mararanasan",
"Isang luhod ay bubuhatin",
"Iaangat ka ng ama natin",
"Manampalataya lang ay iyong gawin",
"At ang amang nasa langit ay sambahin"
]
},
{
"title": "Ako",
"content": [
"Ito nanaman ulit ako",
"Simpleng tula, simpleng kwento",
"Mga bagay na may kuntento",
"Sa loob ng mundong nagbabago",
"Isa akong simple at normal",
"Marami ang umaaway sa personal",
"Sila lang yung mga taong hangal",
"Sa buhay ay iilan ang nagmamahal",
"Mga lakad sa bukirin ng lolo",
"Sa isang malayong baryo",
"Natisod ay nadapa ako",
"Litrato at trending nanaman ako",
"Ito ang syang literal nagawain",
"Mga perpektong kuno na mapanghusga sa gawain",
"Kanila na itong susulitin",
"Magulang nila ay di kaya syang paluin",
"Disiplina ba sa tao ay nawawala na?",
"O syang iba na ang natakbo sa isip nila?",
"Ano na ang nangyari sa mga kataga",
"Kabataan ba talaga ang pag-asa ng bayan",
"Mga tao ngayon, masyadong mataas",
"Mala-langit ang ranggo nila sa lupa",
"Sa panahon na naghihirap na nga",
"Pilit pa silang manglalait ng iba",
"Ito ba ang pinangarap natin",
"Bayan na ganito ang kayang gawin",
"Paano masasabing kanilang pauunlarin",
"Kung bata pa lang ay sutil at suwain",
"Batid ko pag nabasa ng magulang",
"Pero ito ang nagiging katotohanan",
"Walang tulak kabigin sa mga iyan",
"Kahit ako ay kasama nila diyan"
]
},
{
"title": "Sakit",
"content": [
"Sa panahon ng pangamba",
"Mga kababayan ko ay tila nawawala na",
"Mga iskinita, at malalaking kalsada",
"Wala na halos tao na makikita",
"Ito ngang sakit ay talagang mapanganib",
"Sa katawan ng kahit sino ay sumasanib",
"Kakaunti ang masasabing pag asa",
"At may butas na nakita itong ating syensya",
"Ito lang ba ay kagustuhan din nila?",
"O talagang trip lang na mangpuna?",
"Dapat ba natin silang husgahan?",
"O dapat intindihin na lamang?",
"Sa aking pag uuli sa news feed ko",
"Nakikita ko ang malilinaw na mata ng mga tao",
"Kaunting butas para lang daw sumaya",
"Ay itong gagawin, ang pumuna ng mali ng iba",
"Sa oras na aking nililikha itong simpleng tula",
"Ako man ay nalulungkot sa aking kapwa",
"Talaga ba ang nakatataas na nakalimutan na",
"At patuloy na tinatabunan ng maling gawa",
"Ikaw ba tutulong para mag pasikat?",
"O tutulong para sa sariling kagustuhan?",
"Batid nyo ang kahulugan",
"Wag na lang mag maang maangan",
"Literal na sakit ng katawa at sakit ng lipunan",
"Tao lang din naman ang nagiging dahilan",
"Lahat ba ng tsino ay dapat iwasan",
"Gayong mas marami ang koriyanong naimpluwensyahan",
"Madaya nga talaga, itong ating lipunan",
"Paburan lang kung ano ang kasikatan",
"Porke ba tsino ang syang dahilan",
"Dapat na ba lait laitin na lang"
]
},
{
"title": "Panunumbalik",
"content": [
"Kamusta ang paligid, ng aking mga sinta",
"Mga ini-irog kong mga kapwa",
"Maaliwalas na, kay ganda at nakikita",
"Wala ngayong usok, sa buong Maynila",
"May mabuti ding naidulot, itong epidemya",
"Ang ingay ay bumawas, usok ay di na makita",
"Batid kong ito ay pansamantala",
"Pero samantalahin natin para masaya",
"Boding ng mga anak, kapatid, kapamilya",
"Bihira na halos, tayong mag kita kita",
"Dahil sa epidenya, nagkaroon ng oras na",
"Para sa lahat, para magsama sama",
"Totoo nga ang syang kataga",
"Lahat ng bagay, may dahilan nga",
"Ito ang syang panghawakan na",
"Kesa puro negatibo ang nasa isip ng bawat isa",
"Oh kay ganda nga ng balita",
"Sa telebisyon, naganda na ang Maynila",
"Ang paglubog ng araw ay mapapansin na",
"Sa tuktok ng batong pader, masisilayan mo pa",
"Ito na ang magandang balita",
"Sa kabila ng malas ng ating mahal na bansa",
"Pilipino, talagang nagkakaisa",
"Sa panalangin, at pagpapakumbaba",
"Tuloy natin ang pagsubok ng Ama",
"Sa mga Pilipino, atin itong kaya",
"Walang susuko, lahat makakaya",
"Di lang tayo basta nag iisa",
"Sa mga frontliner jan sa kalsada",
"Hospital at mga nag iimbestiga",
"Salamat ngang talaga",
"Sana sa susunod ang sakit na to ay mawala"
]
},
{
"title": "Ang Alaga kong aso",
"content": [
"Sa bahay kong munti, sya'y naka abang",
"Tanging buntot, kanyang panlibang",
"Tanaw ako sa malayo, unti unti syang hahakbang",
"Sabay wagayway ng buntot, at damba sa aking baywang",
"O kay saya ng aso kong paputla sa lupa",
"Siya ang kaibigan kong makulit pa sa bata",
"Medyo maliit, at cute na parang tuta",
"Pero ito ay nanganak na, maraming beses pa",
"Lakad ko ay takbo nya",
"Sa bawat hakbang na akin syang kasama",
"Masaya at nakikipag laro pa",
"Tatakbo ako, at tatakbo din sya",
"O kay lambing nga, itong munti kong alaga",
"Sa gabi, minsan ay katabi pa nga",
"Minsan mabaho at ang paliligo ay kinatatamaran pa",
"Pero ganyan talaga, itong aso kong alaga",
"Panlima na bersikulo, nitong aking tula",
"Puro ala ala at puro masasaya",
"Sa isang beses na sa amin, sya ay nagpakita",
"Matamlay at nagsusuka na ang aso kong alaga",
"Ang bawat tahol nya ay may laway na pula",
"Minsan pa ay berde, base sa pakiramdam nya",
"Ganito nga ba talaga ang aso, pag alaga",
"Pag may nararamdaman, natahimik na",
"Batid ko na alam nyo na, itong wakas ng tula",
"At batid ko din ang iniisip ng bawat isa",
"Sa mga pet lover jan, nakakalungkot ika nga",
"Kasi itong aso, para nang myembro ng aming pamilya",
"Hanggang sa isang araw ng lunes",
"Sa labas, si mama ay nagwawalis",
"Ang aso namin, wala sa kanyang tulugan",
"Di pa nauwi at tila ba, tuluyang lumisan",
"Hinihintay ko ang aking aso sa pintuan",
"Nagbabakasakaling babalik at di kami iiwan",
"Pero mukhang wala na nga ang aming alaga",
"Tanghaling tapat na, ngunit ni anino ay di pa nakikita",
"Ika-sampung bersikulo na, nitong aking tula",
"Naglilibang, at sa tula inilathala",
"Ang makulay na kwento, ng mabait kong alaga",
"Na tanging gumamot sa aking Cynophobia"
]
},
{
"title": "Sleeping City",
"content": [
"My dear come and listen",
"The noisy vehicle become silent",
"The industry fell like so sick",
"The world is helping for this pandemic",
"Lazy getting lazier",
"Poor become Poorer",
"Dry become wet",
"Cold is now hot",
"City is now a ghost town",
"Walking dead are still unknown",
"Because of illness connected to the crown",
"And reigns for killings anyone",
"I walk though my door",
"I washed my clean floor",
"I opened my dirty window",
"I cant see any human shadow",
"So sad like so sick",
"A piece of coin must be disinfect",
"Making lovely noise will give peace",
"And a peace will lead the rest",
"I drink my coffee without creamer",
"I didn't fear for any screamer",
"I didn't fear for the scammer",
"I fear for the last breath that I have",
"The wind whistles like a bird",
"The cloud protects like an umbrella",
"The leaves fell to my bed",
"And make me realized something",
"The sleeping city is now dreaming",
"That this reigning pandemic will make us free",
"That dream make the world happy",
"And make the children laugh happily"
]
},
{
"title": "Drop (Haiku)",
"content": [
"We can rise up then",
"Just hold faith for believing",
"Be thankful your live"
]
},
{
"title": "Why",
"content": [
"The city and the province keeps in mind",
"The generation, takes stupidness rather than goodness",
"Breaks my loneness and craziness",
"The silence remains and noise reigns",
"Walk and run, jump and roll",
"Avoid those debris, in your head may fall",
"Hailing, and snow are falling",
"Roaring lions, shouting on the seashore",
"Respects are gone, and still unknown",
"The eyes are totally ate by their phone",
"As what the health, they almost weaken",
"As their additivity, lessen the activity",
"Those influencers are so damn",
"Where those trends are came from",
"Does the world, is forgotten",
"The reality, never be in",
"Look from the left, even to the right",
"Those people, fight for nonsense",
"Debating that are really dont need",
"Fighting that causes killings",
"Walk on the road side",
"Dirt and trash thrown by anyone",
"Those street sweepers heroes of nature",
"The only paid people who really care",
"Generations are getting worst",
"Those taglines, just make stupidness to all",
"I die and never come to this crazy world",
"Little mind people eaten by social media platforms",
"Really do you care",
"I don't really think you are",
"Do you see the reality",
"I don't think you are"
]
},
{
"title": "Globe",
"content": [
"I walk, I run",
"I shout, I whisper",
"I cry, I laught",
"Im awake, I sleep",
"In my everyday, these are not a common thing",
"I silent whole day, I speak little then I say",
"Do people really know what do the problem?",
"Do people knows what is the solution",
"See the sea with raging waves",
"Anger of the winds, came from the east",
"Sing a song, with unknown meanings",
"Dance a hiphop, sway like a bird",
"Look the blue sky, with black clouds",
"Deseases that can kill innocents",
"Show to the children, teens and adults",
"What is the message of nature to you",
"Lovely faces, and their sweetest smiles",
"Their loving eyes, pleasing that theres a peace",
"A crow behind a lonely tree is happy",
"By the child that no wonder what we are doing"
]
},
{
"title": "Huling teksto",
"content": [
"Isang beses, isang araw, walang linaw na batid",
"Iniwanan, pinaiyak, wala kahit liham na hatid",
"Sa librong makapal, nasa lamesa sa silid",
"Kulay lupa ang balat, at may dalwang piso sa may gilid",
"Tila ba ay syang nawala, mga kwentong namin noong bata",
"Mga litratong magkatabi, noong kami ay tumatanda",
"Mga ala-ala na tinalikuran, para sa salaping kakaunti",
"Di na muli pang maibabalik, ang matatammis naating mga ngiti",
"Ito na nga ang siyang, nakatadhana sa atin",
"Iiwanan ang isa't isa, walang kaarawan ang ako ay babatiin",
"Kahit na yata mga litrato, unti-unti mo na siyang susunugin",
"Habang nagdarasal, panginoon ako ay patawarin",
"Ako ay pumilit, habang sa buhay inaaalat",
"Dating pamumuhay na maaiilalarawan sa salat",
"Tila ba minalas, ang bote ay syang nagkalat",
"Habang utak ko ay dinidikta, sy syang aking sinusulat",
"Wala akong maisip, kahit na pamagat",
"Ang sakit kasi, pag ang dila ay nakagat",
"Medyo dumudugo, at malansang di maipaliwanag",
"Pero wala pang sasakit, ako ay iwan ng walang kaliwaliwanag",
"Oh kaya ba ok lang, buhay ka pa kaya",
"Salamat sa pang-iiwan, nabuhay ako ng mag-isa",
"Sa lakad at lakbay, paltos na ang aking paa",
"Noong nakita mo ko, ni wala kahit kamusta",
"Iniwan na lang ba, na tila walang pinagsamahan",
"Ako ay binuo mo, sakit ang aking higit na nalalaman",
"Di ko batid kung ano, dahilan ng pag-iwan",
"Dahil ba sa ako ay dukha, ay may pera syang dala",
"Sinabi sa akin, ale na talagang magaling",
"Akala ko ay di totoo, ngunit nadiskobre ko din",
"Bale wala ang bulag bulagan, kung aking mapapansin",
"Kung tutuusin pa nga, ang walang alam ay sya kong nanaisin"
]
},
{
"title": "Pa (AMA)",
"content": [
"Oras na sa aking relo, alas dose imedya",
"Batid ko na batid mo, ang dugo natin ay iisa",
"Masasabi mo ba, na talagang ako na nga",
"Sabihin na mahal kita, sa harap mo ay di pa kaya",
"Oh bakit kaya ganito, kay hirap na sabihin",
"Pasaway pa akong anak, at di kayang aminin",
"Sa panahong wala ka, batid mong galit pa rin",
"Kahit na alam kong pagod, ka ay kay hirap paatawarin",
"Sa likha ng tula, ng anak mo aking ama",
"Sana ay mabasa, namnamin mo ang salita",
"Nais kong magpasalamat, huminhi ng tawad pa",
"Alam kong pagka-minsan na tatapakan na kita",
"Ikaw nga ang syang, masasabing mapagkumbaba",
"Makasalanan ka, ngunit bawat paaraan ay ginagawa",
"Kahit may pagkamalabo, respeto ay ibalik pa",
"Patuloy mo pa rin, ipinapakitang nasisisi ka",
"Sa tula ng makata, mong anak na nilikha",
"Sana ay mabatid mo, na mahal pa rin kita",
"Kayo ni mama, di ko lamang talaga",
"Masabi sa harap nyo, dahil ako pa ay nahihiya",
"Ako pa ay pasaway, wala pang napaapatunayan",
"Ako ay para lamang, kahiya-hiyang nilalang",
"Kahit ipagmalaki, ako ito pa ring mang-mang",
"Natuto ng saglit, ang kaalaman ko ay pinagyabang",
"Batid ko pa, na alam mo na to",
"Pilit kong sinusunod, bawat nais at utos mo",
"Basta ba ay syang kaya, dahil mahiyain ako",
"Walang tiwala sa sarili, kahit suportado nyo ako",
"Aking ama, salamat, paghihirap at pagsisikap",
"Isa pa ring ama, dugo't laman mo kaming lahat",
"Kayo ni ina, ang bayani naming lahat",
"Sa buhay ay tinaguyod, kahit pa ito'y mahirap"
]
},
{
"title": "Sa Huli",
"content": [
"Tangan tangan ang tinig, musika ko pati ang himig",
"Bawat bukas na hinititay, dinadaanan o ay mga yungib",
"Takot sa bawat hakbang, batid kong merong panganib",
"Sa inu-ulit ko na himig, aawit na lang ng may lamig",
"Sa sementadong na kalsada, masakit na ang paa",
"Napapaluha habang, sikmura ko nakalam na",
"Mga sigaw ngayon ng madla, bulong sa akin tila",
"May katabi na bata, umi-iyaw at lumuluha",
"Lakbayin mo ang baybay, nakadikta sa bawat kalye",
"Hindi ka maliligaw, gagabayan ka nyan pare",
"Basta isama mo si magta, ipakausap sa manong sa tabi",
"Mababatid mo kung pa saan, ang hantungan ng talampakan mong puti",
"Sinaglit ang bawat kainan, walang may balak tumulong",
"Baguhan lamang sa lungsod, nahihirapan syang sumulong",
"Ang abantang kay bagal, mas mabilis pa ng pagong",
"Nilalait ng matapobre, dinuduraan ng amoy bagoong",
"Sa gitna ng init, pawisan na ang damit",
"Sa kulay puti, dati nito ngayo'y liblib",
"Sa dati nitong maayos, ngayon ay punit punit",
"Makati sa katawan, ni wala kahit pamalit",
"Paslit man na ihalintulad, pagod ng sya ay mag-isa",
"Bawat araw na lumalakad, pagod na lagi sya",
"Bawat dais tinataboy, ng madadamot na karenderya",
"Samantalang sa pusa, nag-aabot ng pasadya",
"Kay damot talaga, oh di lang pantay ang mundo",
"Makikita ang kahambugan, maipakita lang sa tao",
"Mga ignorateng mga bobo, sa huli lang gagawin to",
"Ang sa amin ay tumulong, kasikatan ang kapalit nito",
"Ngayon ako ay, nasa taas ng daan",
"Kung saan mo dadaanan, papataas na hagdan",
"Dito muna ako sumilong, pansamantala lamang",
"Mga tao na tumititig, ako ay walang malay ng di nila alam"
]
},
{
"title": "Ikaw",
"content": [
"Sa panahon na lumipas, tatlong beses gumulo",
"Nawala na sa wisho, isipan ay nalito",
"Bakit pa kasi, bakit pa ba ako",
"Ano ba ang syang mali, kasalanan ko sa mundo",
"Habang ako ay nakaupo, nag pipindot sa may iskrin",
"Medyo malamig, saka medyo madilim",
"Tingin ang harap sa monitor, letra ang pinapansin",
"At iniisip kong muli, paano ba muli kong babanggitin",
"Ito ang panahong, una kitang nasilayan",
"Mala manika ka noon, o anghel na bagong hirang",
"Natulala ako sayo nun, syempre malamang",
"Pero todo ang tanggi pag tinatanong mo akong harap-harapan",
"May pagkatorpe talaga, ako sapol bata",
"Mahina nag loob, nilalait pa ng iba",
"Sadya nga ang takot ko, nasa isipan ko nga",
"Mas takot pa sa buhay, kesa sa mga multo kong mga kasama",
"Bawat titik na dinidikta, ng utak kong malikot",
"Sa isip ko ay ikaw lamang, medyo nahihilo sa pag-ikot",
"Matapilok ka man, wag ka lamang matatakot",
"Dahil may panahong madadapa ka, at ako ang sayo'y sasambot",
"Sasabihin na lang sa iyo, hija mag ingat ka",
"Pero sa dampi ng buhok mo, ako ay tuwang-tuwa",
"Ang pakiramdam na ako mismo, ang siyang nakagawa",
"Pakiramdam na tila, walang hihigit pa",
"Mambabasa, wag masyadong kiligin",
"Ito'y wala pang katotohanan, tanging nasa isip pa rin",
"Sunod sunod ang mga akda, sabihin na buhay pa rin",
"Medyo namahinga lamang, pero babalik pa rin",
"Sinta ko na mabait, wag ka lamang mag babago",
"Kung ano ka noong dati, yun pa rin ang gusto ko",
"Hihintaayin kita, at hintayin mo rin ako",
"Marahil di pa handa, ang isang katulad ko"
]
},
{
"title": "Mula",
"content": [
"Natapos uli ang isang araw, ngayon ay gabing muli",
"Mga isipan ko na lamang, ang laging nakakauuli",
"Iba't ibang demensyon, ng mundo kahit munti",
"Imahinasyon ko na lang, ngayon ay kakaunti",
"Hakbang ko lang sa pagbasa, isa isang salita",
"Nauna sa a, hanggang u nung umpisa",
"Kahit na medyo maahirap, dikta ng kanilang mga dila",
"Aking pa rin tong nabatid, natutunan paisa-isa",
"Sa gitna ng itim, may liwanag sa higaan",
"Dahilan ang monitor, may ilaw na nilaan",
"Para aking masilayan, titigan ang mga letra",
"Na bumubuo lang dito, sa panibago kong tula",
"Dinikta man ng isipan, itong mga kataga",
"Habang ang musika, na aaliw na sa aking tenga",
"Minsan ay paulit-ulit, minsan ay nag iiba",
"Dito minsan nakukuha, iba't ibang paksa",
"Di makalabas ng bahay, di ako makasilay",
"Sa malalayong lalakbayin, kalsada man o tulay",
"Nais pa rin itong mga letra, ang magsilbi nating ugnay",
"At nag nanais na sa dulo, bibigkasin ito ng sabay sabay",
"Kaway-kaway bawat hakbang, mula sa una at huli",
"Sa aking imahinasyon, nagsisiya pa rin muli",
"Pilit ko na makaiwas, sa kalungkutang hindi batid",
"bigla na lang na lilitaw, lungkot ma'y mapapatid",
"Sa muling panunumbalik, kahit pansamantala",
"Mag-iisip pa ako, marami pang mga paksa",
"Mensahe ko lang ito, idadaan ko sa tula",
"Mahiwaga man sa isipin, simple lang ang mga wika",
"Bawat bagay sa lipunan, maliit o malaki",
"May halaga ito, maaaring di mo pa nasasabi",
"Sa panahon ng sakit, sentimo ay imporante",
"Sa pag-aaral mo na natigil, mag-aral na mag diskubre"
]
},
{
"title": "Under de saya",
"content": [
"Maliit man o malaki, nandito ako parati",
"Bagay na ikakagalit, lalayuan ko palagi",
"Ikaw lamang talaga, walang ibang maakakasali",
"Dahil buo na ako, kahit na anong mangyari",
"Ayaw kong ika'y lumayo, batid mo yan sinabi",
"Ko noon ang sa harap mo, sa'yo lang kung maaari",
"Lalayuan ko ang ayaw mo, lalo na ang babae",
"Para sa tabi mo, malapitan kong muli",
"Tigasin ako sa bahay, walang magagawa",
"Dahil nais mo yan, ito na lang ang ginagawa",
"Para ang pagmamahal, mo sa'kin ay di mawala",
"Pipilitin ko gawin ang lahata, ikaw lang ang mapasaya",
"Ito man ang sinasabi, sa akin ng iba",
"Kesyo ako daw ay under, anong pake nila",
"Ito ang nais ko, para di ka mawala",
"Susundin lahat ng utos, wag lamang mga masama",
"Ikaw ang syang araw, ng mundo ko na madilim",
"Bawat ulan na dumarating, ako ay nilalamig din",
"Subalit ikaw ang ina-alalaa, lalo pa at ikaw ay sakitin",
"Kaya ikaw ay tatawagan, para lamang kamustahin",
"Minsan ay mabait, madalas massungit",
"Ako minsan na mabait, nasasampal ng masakit",
"Ngunit di aalis, ako ay nandito pa rin",
"Wag kang mangamba, ako ay sa'yo pa rin",
"Subalit bakit ganito, naramdaman ko isang araw",
"Nanlamig angg pag-ibig mo, wala nang init na nakakapukaw",
"Di ko na madama, pag-ibig mo sakit noon pa",
"Bigla na lang naglaho, parang pumutok na bula",
"Lahat na kasi nakakasaksi, ginagawa mo na sa akin",
"Para lang daw akong alipin, walang sahod kahit kaunti",
"Kaya ako ay nag uli, nakita na lang kita",
"Kasama mo ngayong lalaki, marami pala syang pera"
]
},
{
"title": "Ito na",
"content": [
"Higapos na ang madla, at syang kulakalam na sikmura",
"Sa pagkakahinto ng gawain, trabaho, at mga kinikita",
"Kababayan ang sandigan, at dalangin sa Lumikha",
"Ang natataging sandata, para tumatag pa",
"Sadya ngang kay tindi, at di basta matinag",
"Kahit sakuna at sakit, di basta matibag",
"Sako sakong tulong, kanilang iniaamag",
"Malugi man ang iba, tulungan ang kababayan ang nakakahabag",
"Kababayan nakikita, ang pagdadamayan",
"Sa likod ng sakal, ang lubid ay niluluwagan",
"Sa pag durusa, sama-sama at nag tutulungan",
"Ganyan tayo, dahil isa tayong mamamayan",
"Kapit-bisig ang kataga, mahigpit sa kapit",
"Tulong na mismo, sa atin ay lumalapit",
"Salamat at palakpak, at malalakas nating mga tinig",
"Ang syang nagpapalakas, loob ng bayaning masusugid",
"Ito na ang hudyat, atin din namang bigyan titulo",
"Hindi ang panlalait, pagmamaliit sa mga ito",
"Sila ay tulungan, wag itaboy sa malalayo",
"Suporta ang nararapat, hindi pag mamaltrato",
"Akda nanaman ang naisip, bilang bigay suporta",
"Nais ko ay ligaya, ayaw ko ng giyera",
"Buuin natin ang bansa, pagmamahal at pagkaka-isa",
"Nang kabataan sa susunod, bumuti at ugali'y gumanda",
"Sa hamon ng kapwa, makatang matitindi",
"Pero nais ko din, ang suportang di pansarili",
"Batid ng madla, hirap na iniinda",
"Basta lang kumapit, sa kamay ng bawat isa",
"Ito man marahil, ang huli para sa iba",
"Makaligtas ka, ay isang malaking biyaya",
"Ihandaog ang sarili, at hayaan ang Lumikha",
"Ang sa iyo ay gumabay, hanggang sa huli mong hininga"
]
},
{
"title": "Imahe",
"content": [
"Kamusta na muli, sana'y mabuong muli",
"Medyo may pagka-imposible, na mabuo ang imahe",
"Hindi ko pa mabatid, bukas nating di puti",
"Kung magkakasama muli, at bubuo ng imahe",
"Sana, ay matupad, bawat ko na hiling",
"Sa iyo ay yayakap, habang medyo umiiling",
"Sa bisig mong, umiimik na tila walang sinalaysay",
"Ang kapit ng mahigpit, ng may dungis na 'yong kamay",
"Sabay na lang sa agos, buhay ngayo'y kapos",
"Hindi pa binatid, buhay ba, ngayo'y tapos",
"Hampas ng latigo, ng lupang syang pinagmulan",
"Sinag nga ng liwanag, binungad sa nilalang",
"Ito na 'kong muli, sasabay sa mang-aawit",
"Bibigyan nating ng himig, musika na ng pag-ibig",
"Isisigaw ng malakas, gamit ang aking bibig",
"At ang magbibigay pag-asa, ang mahiwaga ko na tinig",
"Sabay sa panahon, ngayo'y tila batid",
"Bukas natin, pag-asa, sigurado bang hatid",
"Wala minsang magbabalik, sa magugulo na kapatid",
"Hihiyaw sa maghapon, magadamag na di mapapatid",
"Sa huli na darating, kapusan ay tatabi",
"Sa iyo man o sa akin, kalungkuta'y di makukubli",
"Tatabi na lang sa mahal, sa buhay na natitira",
"Iiyak sa kanilang piling, tangan ang imahe nila",
"Sisigaw ng malakas, salamat sa lahat",
"Mga ala-ala nating kay saya, kahit merong paghihirap",
"Sa ating pag-unlad, puno ng pagsisikap",
"Kahit pa minsan ang buhay, natin ay sadyang maalat",
"Sa lahat ng kapisan, payo lamang ang syang tangan",
"Mga luhang pag pawisan, na walang paroroonan",
"Di batid ang daan, kung saan siya lilisan",
"Ang batid niya lamang, na siya ay nasa larawan"
]
},
{
"title": "Kapag",
"content": [
"Matatagpuan ako, sa isang silid na madilim",
"Ang tanging kaharap, panulat na puti at tintang itim",
"Sa aking pag-aaliw, ay aking narinig",
"Mga liriko ng masayang awit, na malungkot ang himig",
"Ang mensahe ng awit, ay sadyang kakaiba",
"Habang nasa silid, inuulit ko ang kanta",
"Ang sa aking isipan, ito ay kakaiba",
"Lalo lang bang pinatutunayan, ang pagmamahal nya",
"Nang dumating na ang wakas, awitin nyang masaya",
"Aking nalaman na, wala na pala ang kanyang sinta",
"Kung aking isipin, sa una ay simple lamang ika nga",
"Ina-anyayahan akong makinig, sa kanta niyang komedya",
"Tama nga ang marahil, itong naiisip ko",
"Ang bawat bagay, sa dulo ay maglalaho",
"Nang di pa mababatid, kailan pa o paano",
"Gumamit man ng paraan, kahit pa pang syantipiko",
"Ang bagay pag nawala, talaga ngang masakit",
"Yaong iiyakan mo nang lubos, at di matatanggap na totoo",
"Ok lang ang mensahe ng awit, wala nang magagawa",
"Nandito na talaga, tanggapan na lamang talaga",
"Madali man sa iba, kung ito ay sasabihin",
"Ayos ka lang, kahit alam nila na hindi pa rin",
"Di man nila batid, o marahil ay naranasan nila",
"Sadya ngang sa iyo, ay nagawa lamang ng pampakalma",
"Ika pitong bersikulo ng aking tula, wala pa rin akong maisip",
"Konsepto na marahil, nanggaling man sa awit",
"Ang mahalaga, ating isipin",
"Mga bagay na masasaya, noong panahong sila ay kapiling",
"Sa titulo ng awit, ito ang masasabi ko",
"Kuhain ang unang titik, mula una hanggang ika-limang bersikulo",
"Doon ay mabibitid ang pamagat, ng awit na sinasabi ko",
"Na batid kong, batid na ninyo"
]
},
{
"title": "Titigan mo",
"content": [
"Kapusukan ang babalot, sa nananahimik na daigdig",
"Ang unang pagkakasala, inggit at galit",
"Papalitan ang masama, ang mabuting binatid",
"At ang panahon ay mauubos, at di na mauulit",
"Naririto na ang huli, at ito pa ang inaatupag",
"Gago't gaga sa paligid, na sa tao ay bubungad",
"Yaong dapat iwasan, ay siya pang nilalapitan",
"Aayon ang panahon, sa panahong puro nilalaitan",
"Ripas ang takbo, at pilit magpapakasagip",
"Itong kasalanang lubos, sa kapwa nanglalait",
"Hari na ang pipili, kung kasali mang tama ang gawa",
"At ang bunganga ng tsismosa, walang tigil sa pagngawa",
"Nandito tayo sa lupa, at wala tayo sa langit",
"Ang lakas ng pwersa, pera ang sandata",
"Tapon sa kanal, mga dukha na kumikita",
"Kurakot at pamumulsa, sa perang di kanila",
"Ako ay walang pinababatid, ni anumang pangalan",
"Santo at santa, kung ituring ng mamamayan",
"Abot kamay sa kampanya, bingi pag nasa silya",
"Kapwa nila ay nilalamangan, wala silang kwenta",
"Isipin na natin, kung ano ba ang tama",
"Masamang gawain, masamang tao ay ibalewala",
"Ang mga bagay na di dapat, iwaksi para sa tama",
"Nakikita ng bata, matanda ang bawat ginagawa",
"Isipin mo ang nakaraan, ng bayang pinagmulan",
"Bagong henerasyon, na walang nasisimulan",
"Ito ba ang masasabi, tigre sa silangan",
"Ang ilan sa nakaupo, pera lang ang kailangan",
"Malabo na bang magkatotoo, ang pangarap ng bawat bata",
"Ang kanilang kalayaan, mag-uli sa kalsada",
"Kung ang kapahamakan, sa kanila ay nagbabadya",
"Na ating aasahan, ang pagbabago ay malapit na"
]
},
{
"title": "Buhangin",
"content": [
"Walang hanggang pangarap, na batid kong hanggang doon",
"Ang oras kong maghapon, sa isang lugar naiipon",
"Lambak ng pader, kisame at haligi",
"Kisap ng mata, sa dilim ikinukubli",
"Walang humpay ang kaway, sa bintanang itim",
"Ikubli ang lungkot, sa maraming nakakakilala",
"Tinapon ang luha, sa pansamantalang saya",
"Hihimig muli, pagsapit ng takip silim",
"Malabo nang masilayan pa, ang maliwanang na mata",
"Enerhiya kong nauubos, pag sapit ng umaga",
"Bayaran ng salapi, ang buhangin sa langit",
"Yaong mailap ang dilim, na sa akin ay saglit",
"Bilisan ang takbo, at ako ang iiwas",
"Entrada ng pintuang sarado, pilit kong ibinukas",
"Lambot ang katawang lupa, takbo sa isang yungib",
"Lalo pang pinahina ng hapo, ng hanging mapanganib",
"At ngayong sa panahon, na nakilala",
"Taong magbibigay ng saya, matagal ko nang kilala",
"Hapit ang saya, walang pagsidlan",
"Oras na nalalabi, kasama siyang inilaan",
"Rumaragasang mga luha, sasapit sa dapit",
"Nang magbigay na ng yakap, na labis ang higpit",
"Eksklamasyon na ng buhay, na waring nalalapit",
"Sabay kapit, sa kamay niya na mahigpit"
]
},
{
"title": "Sa darating na ako",
"content": [
"Isang beses pa, batid kong mapupuna",
"Ang pantalong maong, ang laylayan ay tastas na",
"Ang kodiko kong tula, nabasa na bulsa",
"Habang nag hihintay ako, sa harapan ng tahanan mo sinta",
"Ito na ay nasilayan, an ngiti mong pambihira",
"Isang beses sa isang buwan, kung ikaw ay makita",
"Mapalad na ako, kung aksidenteng makatabi ka",
"Dahilan sa strikto, ang mayaman mong pamilya",
"Dadaan pa lang sa harapan, ay parang kakagatin na",
"Ako ng mga asong, mas malaki pa sa aking dipa",
"Kahit na liham sa may pinto, sa iyo ay di makakapunta",
"Dahil sa kuya mo lang, paniguradong punit na",
"Ito na ang isa, sa mga araw kong pinakahihintay",
"Makakatabi ka sanang muli, kahit sampung tao ang bantay",
"Pakilala sa akin ay kababatay, upang di mahimlay",
"Dahil sa tingin ko naman, aso silang naglalaway",
"Minarapat mo na muna, sa akin ay makipag-usap",
"Sa teleponong mumurahin, kahit na mahirap",
"Tanging dalawang numero lang, ang nakatatak",
"Ang isa ay kay inay, at sayo na ang ngalan ay galak",
"Subalit ganito, sadya ngang pag minamalas",
"Isang gabing maulan, ang hangin ay medyo malakas",
"Sinabi mo sa telepono, pilit magsama patakas",
"Upang makasama mo, hanggang sa ating wakas",
"Ito na ang ginawa, bilang aking hudyat",
"Agad akong bumalikwas, at daliang umakyat",
"Kumuha ng gamit, luma at medyo sira",
"Habang hinihintay ako, sa lumang karinderya",
"Nakita ako ng kapatid mo, hinarang nilang agad",
"Sinaksak sa gilid, at binaril nang nakatiad",
"Kay lungkot nga lang, pero ayos na rin lang",
"Masisilayan pa rin kita, dahil ako ay nasa inyo na ring tahanan"
]
},
{
"title": "Sa huling bahagi ng buhay mo",
"content": [
"Sumama ka muna sa akin, patungo sa yungib na paraiso",
"Ang ngiti mo nawa ay masilayan, kahit na kakapiraso",
"Hanging humahawi sa mukha mo, ang siyang nagpapabago",
"Ulilain man ako, sapat na tayo'y naging buo",
"Lubos ang saya ko, ngunit labis din ang pighati",
"Ini-iwasang panahon, na tayo ay mag-iisang muli",
"Nang matapos mo ang lista, sabi mo na handa na",
"Gabi na, at nais nang magpahinga",
"Bahala na ang bukas, kung pagbibigyan man",
"Ako na nasa tabi mo, tamang hintay na lang",
"Hanggang sa pagbabalik, kung sakali man",
"Ala-ala mo sa larawan, hanggang sa malikot kong kaisipan",
"Ginawa na ang lahat, ngunit paraangwakas",
"Iniwan na ng tuluyan, at hindi umabot ng bukas",
"Naging tanging silayan, larawan mong sa kwaderno",
"Gabi at mga umaga, na wala ang ngiti mong nakakabago",
"Buhayin man ang diwa, wala pa ring magagawa lakas",
"Ulang malakas, ang bubuhos sa higapos na landas",
"Harapin ang hirap, mula ngayon hanggang sa mga bukas",
"At pilitin na ang mga lungkot, ay wag hayaang lumakas",
"Yumayabong na ang puno, na ang bunga ay ala-ala",
"Mahal pa rin kita, mula noong sa una",
"Oras mo na lumipas, lalasapin sa bawat saglit",
"Upang maibsan, at tuluyang mawala ang sakit"
]
},
{
"title": "Pagbati",
"content": [
"Sisingkad na muli, ang bagon kabanata",
"Bagong titulo, sa na iyong maihahayag",
"Bagong buhay, at taon na makukuha",
"Sa barko ng buhay, na ikaw ang naglalayag",
"Simula noong bata pa'y, may angking talento",
"Mula sa musika, hanggang sa pagpapatawa ng tao",
"Makulit at mabait, kabaligtanran kapag sinumpong",
"Mag-ingat palagi, malayo pa ang dapit-hapon",
"Sa bawat maling nagagawa, pagsisihan at mag tanda",
"Ikaw ay bata pa, wag mag madaling tumanda",
"May panahon sa mga bagay, hinay-hinay sa pag-usad",
"At matatamo mo, ang inaasam na pag-unlad",
"Lakad mo ay gabay, naming nakatatanda",
"Hindi lamang sa buhay, maging sa pagtanda",
"Magkakaisip ka, na sana'y gamitin sa tama",
"Ikaw din ang babago, ng buhay na pinaubaya",
"Ang kulit mo, ay patuloy na mawawala",
"Maaaring minsa'y madama, maaaring hindi na",
"Maaaring magbago ka, maaaring hindi na",
"Ngunit kung magbabago ka, sana ay mapatungo sa tama",
"Matagal pa ang pagsasama, kaya wala munang mga luha",
"Magsasama bilang pamilya, kaya mas marami pang drama",
"Nasa iisang bubong, tayong tumitira",
"Dadami pa ang kulit, na sa dulo'y ipapaalala"
]
},
{
"title": "Sino, Ano, Bakit",
"content": [
"Lilikha ng panibago, mula sa bangungot na nakaraan",
"Sinampal ng malakas, nitong tawayi'y katotohanan",
"Lima kong mga daliri, sa kaliwa at sa kanan",
"Na parang naging pasmado, at nanginginig na kalamnan",
"Sambit na lang ng ala-alang, 'di batid kung ito'y mauulit",
"Sabay sa lakas ng hanging, maging ulap ay sumisikip",
"Bigat na dala-dala, hanggang sa huling pagsapit",
"Lalo pang lumalamig, habang pasko'y papalapit",
"Luhod nang dahilan, sa hindi inaasahan",
"Iniwanang luhaan, at hindi binalikan",
"Parang tag-lagas, na walang katapusan",
"Tangan lamang ay ang larawan, at kahon na 'yong iniwan",
"Pangako mo sa akin, ay ang isang pasalubong",
"Nang 'di namamalayang, maging ito ay natapon?",
"Nang 'di ko na muling mayayakap ka, tulad kahapon",
"Nang 'di ka kasama, hanggang sa huli kong panahon",
"Ilang araw pa ang lumipas, hindi pa makalabas",
"Sa aking hinagpis, na kung nararapat?",
"Maging ako man ay nagulantag, nang litrato mo ay nakalabas",
"Hanggang sa huling nasilayan, ngiti sa mukha ang nakalapat",
"Sa'yo ay maraming salamat, magkaroon ako ng ala-ala",
"Na hindi para sa akin, kundi sayo mga ginawa",
"Hangganf ngayon ay syang tangan, at gamit na ipinapakita",
"Na dahilan, para ikaw ay aking gawan",
"Konsepto ko ay pinaghalo, pasadyang kayo'y maguluhan",
"Dalawang magkaibang istorya, habang malungkot ang pinapakinggan",
"Siya, na naging isang kaibigan",
"At siya, na hango sa kwento lamang",
"Ito na siguro ang huling, bagsak ko sa buhangin",
"Huling beses din, na sa'yo ay nagkagusto rin",
"Na mula sa duyang, malakas ang pag-uggoy",
"Kaya ang aking luha, ay mabilis na tumuloy"
]
},
{
"title": "Motibasyon",
"content": [
"Puro na lang problema, sa mundong nalalapit",
"Sa darating na panahon, ang lahat ay mahahagupit",
"Paghihirap ay sasapit, at tuluyang papalapit",
"Mundo ay liliit, at tuluyang sisikip",
"May ilang buwan pa, bago ito lumisan",
"Sa init ng panahon, tuluyan kang pagpapawisan",
"Bawal sa labas, kaya sa loob ng tahanan",
"Sakit na kumakalat, kaylan pa mawawala",
"Pik, pak, pew",
"Bibilang hanggang pito",
"Sa isang linggo ng waring walang katapusang delubyo",
"Mas mahihirapan pa tayo",
"Apat, inalat na datihang salat",
"Sapat ang lahat, o labis pang ipinkakalat",
"Salamat ay nawawala, tuluyang iniakyat",
"Iniwan na tayo, ng positibong hinaharap",
"Labing-dalawa, swerte ika nila",
"Sa loob nito ay ngingitian kita",
"Kapalit ang ngiti mo sa kanila",
"Kahit peke, basta maibsan ang paghihirap nila",
"Labis na nga, kung tutuusin",
"Puro na lang mali ang nakikita natin",
"Kaylan magpapasalamat, sa hanging natatanggap",
"Kung ikaw mismo, pansarili ang hinaharap",
"Isa, dalawa, tatlo",
"Tatakbo at sisigaw ako",
"Tatayo kapag natalo",
"Hanggang manalo sa dulo",
"Titindig ang bayan nya, at magpapasalamat",
"Maghubunyi, at ngingiting walang anumang alat",
"Mula sa pito hanggang apat",
"Labing-dalawang paghihirap"
]
},
{
"title": "Hibang",
"content": [
"Ito ay nakakabwisit, panahon pa na mainit",
"Isinama sa malapit, masilayan ka ulit",
"Itsura mong malupit, sa isipan ay nakakapit",
"At mukha pang lalapit, iniiwasang araw na sasapit",
"Bilangan ang mga panahong nalulumbay",
"Mga panahong ang sarili ay nakaantabay",
"Habang nasa gilid at gumagabay",
"Bigla kang dumating at nakisabay",
"Ito ang lantay ng patay na buhay",
"Sabay sa bahay ng kung sinong kaibiga'y",
"Makulit na ikaw sa isipan ay",
"Gumulo sa aking walanh kamalay-malay",
"Ilang beses nang nasilayan, subalit kakaiba na",
"Noong dinala ng kaibigan, ay tinimbang pa",
"Na higit di mabilang, ewan ba't nga ba",
"Sa ilang minuto ay hirap nang huminga",
"Sabi na nga ba at kinain",
"Mga sinumpa at mga wikain",
"Sabihin na lang ito sa akin",
"Ano ang maaaring gawin",
"Pang-anim na bersilulo, subalit parang kulang",
"Ayaw na parang, gusto kang masilayan",
"Bwisit na pang-yayaring, wari'y ewan",
"Subalit sa larawan, ka masilayan",
"Desisyon ko, na parang ayaw ng Ama",
"Naming na sa langit na",
"Ayaw maganap, at tila",
"Nais nya na kabaligtaran pa",
"Tila nga ay tunay ang kataga",
"Kung kailan dumating ay bigla bigla",
"Magugulat ka na lang 'di ba",
"Hindi mo mamamalayang gusto mo na sya"
]
},
{
"title": "Halik sa ambon",
"content": [
"Teka, teka muna, bakit laging ganto",
"Aking nadarama, titig sayo",
"Na tila, ba, walang hinto",
"Kahit na, saan, pa at paano",
"Di ko sinasabi, na gusto kita",
"Di ko sinasabi, na ikaw na nga",
"Ang syang nag bago, buhay na nawala",
"Pariwala, naniniwala na ako",
"Sa amang syang lumikha",
"Iyo na lang, pinakita mga",
"Bagay na, kamangha mangha",
"Na di basta, maipaliwanag",
"Ng syensya, na ito",
"Ang isipan, ay nalilito",
"Nagugulo, ang sarili ay nalilito",
"Ako sayo'y natuliro",
"Ang kulit mo, syang totoo",
"Ako ay napapa-isip, paano",
"Ba ang nagawa, at nagkaganito",
"Na ako, nang dahil sayo",
"Liriko na awitin, habang nakikinig",
"Sa melodrama na, awiting nakakakilig",
"Nanginginig, para bang kinabahan",
"Dahil sayo, nagkalaman",
"Ang tula, mabilis nailaman",
"Saloobin, nais na sayo ay maamin",
"Sasabihin, uulitin para malaman",
"Mo na rin, kung ano ang gagawin",
"Tula ba to, o isang awitin",
"Liriko ko na inawit, tula ang nais gawin",
"Sayo pa rin, nakatema itong gagawin",
"Para sayo, ay gagawin",
"Wag lang, labag sa damdamin",
"Ng ama, na lumikha, sa atin",
"Pagkat, sya lang ang dahilan ng ating",
"Pagtatagpo, at kapalaran, siguro natin",
"Na ito, lilikhain, ang tula",
"Inilaan, pinagtuunan ng oras",
"Isipan na panandaliang bukas",
"Ikaw pa ba? ang sa isip ko na tulala",
"Ginagawa, patuloy pa rin",
"Ilang bersikulo, ay gagawin",
"Ko pa rin, anong gawin, sasabihin",
"Ko sayong, ikaw na din",
"Nilalaman, ng isip ko",
"Habang, ginagawa ko ito",
"Tula na, para sayo",
"At ito, na ang dulo, salamat sayo"
]
},
{
"title": "Isipan ko",
"content": [
"Lumilipas ang panahon, tila ay nakalalimutan",
"Masaya nating pagsasama, mga panahon na tangan",
"Pa natin ang mga bagay, bagay at mga ala-ala",
"Na syang tumatak na lang, sa isipan ng isa't isa",
"Dalawa, dalawang beses na biglaang nawala",
"Memorya ko nakalimutan, ba kung sino ka",
"Sa pighati na nakakapit, sa mukha mong ka ganda",
"Luha na pumapatak, di mabilang ilan na ba",
"Hanggang sa ganito, sa malayo nakatanaw",
"Hanap ko ang puti, at maliwanag na ilaw",
"Na ikaw, ang naging kamay, alalay ko at syang gabay",
"Sa kamay mo ay nakakapit, habang bulag akong inaakay",
"Sabay sabay, ating mga paa sa pag hakbang",
"Isipan ay sumasakit, tila ba'y nahihibang",
"Lumulutang, parang ako, nawala sa katinuan",
"Katinuang hindi ko mahanap kung nasaan",
"Na ako, bakit ganito, nalilito",
"Pa rin ako, mga larawan na pinakita mo",
"Sa akin na, medyo pula, nakikita ng mata",
"Ko na ito, tuluyan bang nalilito",
"Ang isipan, hindi ko pa rin ito tangan",
"Mga himig, na pamilyar lamang, hindi alam kung saan",
"Narinig, ang mga ito, sumasalit na ang ulo",
"Ko kakaisip, kung paano, ko nalaman ang mga to",
"Dahil sayo, na di sumuko, nanjan pa rin",
"Para sa akin, kahit anong gawin ko, ikaw din",
"Ang nasa tabi, ko habang, inaalala ang mta to",
"Dahil sayo, gumagaling na ako",
"Naalala ko, na din ang ma bagay, salamat sa",
"Iyo, ikaw ang dahilan kung bakit ako",
"Bumalik, sa ala-alang nabuo",
"Salamat, sa iyo, ito'y buong puso, para sayo"
]
},
{
"title": "Liham sa kaibigan",
"content": [
"Sabi nga nila, bigla na lamang darating",
"Tao, na para sa atin, sa panahong di natin",
"Aasahan, magugulat na lang",
"Bigla kang matutulala, para bang nawala sa",
"Katinuang hindi maipahiwatig",
"Lugalig, ng damdaming, nanginginig, nangungulit",
"Paulit-ulit, ang mga himig, sa aking isip",
"Panaginip, na umu-ulit, sa iyo napapa-isi",
"Ang kulit, mga panahong hindi mo nais pang isipin",
"Mga bagay na ayaw mo pero laging nandiyan pa rin",
"Kahit na ankng gawin ay pilit na kakalimutin",
"Ang mga panahong nasilaya ang isang katulad mong",
"May pagkamabighaning hindi basta maipalagay",
"Sa isipang may kalituran, katuturan na para bang",
"Nahihibang na sa iyo, tuloy ako ay nalilito nanaman",
"Laging ganito, ewab ko ba, please lang tantanan mo",
"Na rin akoz sa pangatlo, na yugto nitong tulang",
"Ginawa, para sayo, maihayag lamang ang, nararamdaman",
"Nitong isipan, na nakabase, sa awiting pinakinggan",
"Habang ikaw, iniisip, tinutula, binigkas, nililikha",
"Para sayo, pa rin iyo, wag ka nang mag-alala",
"Mangangamba, sa tabi ko, ay sana nga",
"Ganyan na lang, sa isip mo, para ako ay",
"Iwan, iwanan mo, nang sa wakas, nitong yugto ay maglaho",
"Nadarama, magpatuloy na ako",
"Sa paggawa, nitong tulang, inilaan",
"Para sayo, inulit ko, dahilan na ako'y",
"Nalilito, nasaan pa ba, mga sinabi ko, masisi ba ako",
"Kung sa iyo, nagkagusto, hay naku po, sana ito ay mawala",
"Dahil sa bagay, na ayaw ko na maganap, sa hinaharap, makakalap pa nga itong",
"Mga dahilan, mga rason, na hindi mo, aasahan, at luluha ka nanaman",
"Kapag ako, nasaksihan mong basura lang, sa ganito ayos na ako",
"Masaya na, ang tulad ko, pag masaya, ka na diyan, sa tabi nya, kahit ako'y",
"Nag-iisa, ipagdarasal na lang kita, aking sinta, iniirog nung simulang",
"Makita ka, kakatawa, hindi maamin sayo di ba, nawawala, kasi ako, sa katinuang",
"Hindi ko pa ma kontrol ang sarili ko, dinadaga, lagi ako kapag kausap ka",
"At sana nga, kahit papaano, sumaya ka, makita ka, na masaya gang pag tanda",
"Kasama nya, ay ako man ay natutuwa, at sana nta, aking sinta, ay mahalin ka rin niya",
"Katulad nang, pagmamahal na binigay, ko rin sayo, basta ako'y nadirito, karamay mo",
"Kahit hindi, tinadhana, pero pinagtagpo, pa rin tayo, nitong tadhana na mapaglaro, mapagbiro",
"Kahit ganto, ay ayaw kong magsisi ka, sa huli na, masisilayan mong",
"Gagapang na, sa lupa na, magdudungis sa 'king mukha, lumuluha, ngayon ako",
"Ng pula, pulang dugong, hindi ko mapahalata, pagkat ika'y ayaw kong, mapaluha, at maawa",
"Sa tulad kong, isang lampa, kahit lampas, ang mga wika, sa akin, pariwala, na ako",
"Sa panahong, tulad nito, naguguluhan na ang isip ko, sumusunod",
"Na ang mga liwanag sa aking mata, mga luhang di mapabatid, di alam kung paano ba",
"Masasabi sa iyo kung ayaw kitang habambuhay pa na magdurusa, sa katulad ko na nag-iisang",
"Nakatadhana na panahon, sasalubungin ki na lamang mag-isa ang pasko at bagong taon",
"Pero kahit na ganun, ay nanaisin pa rin na makasama ka",
"Ikaw ang nais mag ayos ng aking pagkamatay, oh aking sinta",
"Maging masakit man sa iyong damdamin ay mas nanaisin pa rin",
"Na maging abo na lamang, at isaboy kung kailan mo to gustuhin",
"Kahit na papaano ay, nasasa-iyo pa rin, bilang kaibigang matalik",
"Ko na tila ba ay mas nanaisin pa na ilamay ako, sa ganito",
"Na mga bagay ay masisilayan mo, nababatid ko, na ikaw ay luluha na tulad ko",
"Makikita sa panaginip mo na luluha rin, ang tulad ko pag nawala",
"Ang tulad ko dito sa mundo ng mga mortal",
"Hindi naman kasi tayo mga Diyos upang buhay ay maging immortal",
"Pero kahit na sa maikli na panahon ay nagpapasalamat pa rin",
"Nang dahil sa isang katulad mo ay nararandaman ko din",
"Ang importansya, ang halaga, na hindi ko nakuha pa sa iba",
"Salamat ha, sana lahat ng ito ay maisaganap, pagkatapos mo na ito ay mabasa",
"Basta bimpo, kulay puti, ang ipahid mo sa yong mata",
"Lumuluha basta huwag, lang lalampas nang isang linggo, ok lang ako",
"At masaya na ako, sa ganito, ang liham ko, nawa ay mabasa mo"
]
},
{
"title": "Sin",
"content": [
"In times I get mad, the shapes of my shadow hides",
"Prides and anger wins, underneath the rays",
"Of face, craze and praise in trace of race",
"In the field, of what I've held, need much of help",
"In a call, of a nature, of a mature, unity of society",
"Is the key, to see the every value, the word for two",
"In me and you, created by them, who are the author, narrator",
"Nothing can change, sorry would never do",
"Inspector of the texts that I'd written, seing me in the dark room",
"My home, still alone, without any you, them or any people who",
"Believed that, I'll never changed this, even a big promise",
"Of a belief of whom feared by who, or what should I do",
"But now I'm in front, of this crazy challenge",
"The anger and pride, was tryin' to left for my sake",
"As a sick-ness of the crazi-ness for nothing else",
"Without you, its imposible, but because you do, it was possible",
"As a thank, gave a tank, for a funk of a hint",
"Or a clue, as you give, as you do, as I can't",
"Explained, this things never been regret, that the end",
"Of this time, of this poem should be the beginning",
"And hinting me, on the race, as making fast",
"And easily finished, this challenge, as you give to",
"Me, to believe with you, without any doubts of true",
"Meaning of love, never ends even the world burns",
"Or even explodes, and feel like its gonna end",
"But now thank for this change, as making me better",
"And forever be with you, as you want, as you do",
"And for two, words makes possible, like I'm sorry can be forgiven by you",
"Like the end, as neven been known, still",
"And knowing, whats happen to the next",
"Years, months, weeks or days, or hours even minutes",
"As all of our sin had been forgiven"
]
},
{
"title": "Malaya?",
"content": [
"Bayan kong magiliw, na kinahahangaan ng",
"Mga banyaga na sa atin ay dumadayo pang",
"Walang alinlangang tumatangkilik sa, tradisyon inspirayon nila ang",
"Mga tao kalikasan at mga hayop na naririto, bakit ganto",
"Pasimuno muna ako sa ganitong, istilo",
"Ng tula ko na taas noong ibabahagi, sa iyo",
"Na ako, ay tunay na pinoy, ang banyaga, panahon na ito",
"Ay sinakop, pinagtanggol tayo, ng mga bayaning totoo",
"Inspirado, sa paglikha, nitong tulabg liriko, liko liko",
"Nalilito ba kayo, saan ito ihahantong, ipapatong ang wika",
"Na syang ginamit, pilit nilalim, ang ginagamit, pasasalamat na malupit",
"At kumakapit, ng paghangang pinipilit, na nilalapit, sa tula kong inilambag",
"Kahit libag, o ang dungis sa mukha ng mta, katipunerong nakapula",
"Natulala, na lang ako, bakit wala nang respeto, sa bayani nating Pilipino",
"Isigaw mo, kung totoo kang taga dito, ililha mo, ibahagi ng buong puso",
"Pinoy ako, walang tatalo, dahil noon pa ay tunay na panalo tayo",
"Laban sa, nagtatangka, na kumuha, nitong ating kalayaan",
"Kahalayan, sa tin iniwan, mga hapon noon pa man, tumatatag",
"Pinatatag, tayo ng ating paniniwala, pananampalataya, sa Ama nating",
"Lumikha, ng langit at lupa, kinakapa, pa rin ang tunay nating laya",
"Bilang ngayon, ito ang araw, simbolo ng liwanag ng bukas natin na mailaw",
"Nakakasilaw, pa to sa una, panahong di pa kilala, mga tanyag na tagalikha",
"At taga mulat, nitong mata, gaya ni Rizal na utak lamang, ang syang ginamit pero ngunit",
"Nasan na, itong kataga, na nasa kabataan ang pag-asa nitong ating bayan",
"Parang napabayaan, at hinayaan, na sakupin muli ng kung sinuman",
"Sumpa man, sa harapan, ng kung sino ang nakakasilay, nitong mga salitang binigay",
"Ko sa inyo, laging ganto, mas nanaisin pa nating mga Pilipino",
"Ang mga kano, ibaba, ang kapwa natin, kaysa sa itaas",
"Nasaan na, ang salitang magkaisa, kung tayo ay watak na",
"Nagsalita, walang wala lamang tayo, sa problema, na binigay",
"Naging gabay, ang ma aral na binigay, sakripisyo na inialay",
"Mga dugo, nila ay nakaratay, sa lupain na ating tinayuang bahay"
]
},
{
"title": "Halimaw",
"content": [
"Isang ilaw ang kailangan, sa madilim ko na tahanan",
"Na syang pinagkaloob sa akin, ay nag-iisang",
"Ikaw, na bilang regalo, na magbago, patungo sa tama na hangad",
"Sayad man sa lupa, itong aking mga tuhod, ay pilit lalakad",
"Ililipad ka, sa himpapawid na, bilang pasasalamat",
"Sa isang ikaw na tinuturing na alamat, sapagkat",
"Ikaw ang liwanag, sa aking hinagpis, at inalat",
"Na parang patis, na may kamatis sa aking nilalakaran",
"Nakaraan, ko na mapoot, tila ay walang patawad",
"Sa aking mga naranasang, kasalanang di manlamang hinangad",
"Kinaladkad na ng dyablo, itong aking pag-uugali",
"Sa huli ay pipilitin pa ring ngumiti, para makita ang halaga ng tunay na puti",
"Sa uulitin ko na lamang na hindi ko aasahang",
"Hindi mabatid ninuman, o sinuman, sumpa man ang nararamdaman",
"Ang galit at poot, bitbit mulasa nakaraan, pagkaraan",
"Pa ng ilang dekadang mermorya, ay patuloy pang naaalala",
"Hindi maawa, o maawat pa na mawala",
"Parusa na habang buhay na dala-dala noong magmula",
"Pa nang ikaw ay dumating, ay syang lakig tuwa",
"Ko na nawala, o mas naising naiibsang talaga",
"Pinapakita, mo sa a-kin, na sasabi-hin, at uuli-tin na babanggi-tin",
"Sasabi-hin, ng mahihin-hin mong mga ti-nig, na timbreng nakakakilig",
"Nanginginig ang kalamnan, ko na hindi ko makontrol, man kahit",
"Na inulit, at sinapit, ang pait ng kahapong paulit-ulit",
"Sambit ng libo-libong bukas, sa milyon kong nakaraan",
"Ikaw ay iiwanan, pagbabago at pait ay kakalimutan, at sasaktan",
"Lang ako, nitong aking ala-ala, pagbabago, ay tutungo, at magpapatawad na",
"Salamat sa ilaw, na ikaw ang nagdala, kasama ang puti, kalapati, at ang lumikha",
"Sa papahulint bahagi, ay patuloy ang salamat, sa iisang ikaw, ay binago ang lahat",
"Winalis mo ang dumi, at milyon milyong mga kalat, na basura lamang sa paningin ng pangkat",
"Sapagkat iyong binago, ay patuloy nang naiibsan, sakit na nadarama, mula pa noon pa man",
"Sa liwanag mong tangan tangan isang tula ang binigay kong kasagutan, bilang pasasalamat sayo kailanman"
]
},
{
"title": "Dungis",
"content": [
"Sa mukha nila ay makikita, higapos at walang pera",
"Gutom na sa init, gutom pa sa lamig na mas napalala",
"Walang unan walang kumot, walang kanin, kahit kakarampot",
"Na salapi, humihingi, lungkot nilang hindi mailubli",
"Samahan pa, sa kanila, ng libo libong mga mapanlait",
"Sa buhay nilang puro hirap na lamang at pait",
"Bakit ang sakit, isipin na sa edukado pa nanggaling",
"Mga masasakit na salita, na ibinabato pa natin",
"Titigan ang langis, dungis sa kanilang mga mukha",
"Hiwaga ng mundo ay iyo din sa kanilang makikita",
"Mga wika ng pagtangis, parang hinagpis, sino ba ang may sala",
"Tayo ba, o silaz o mga magulang ba",
"Mga hirap na dinanas, na panyayaring parang bakal na rehas",
"Na walang absweto at pang habang buhay, at hindi makakalabas",
"Panoorin man o basahinz o ihango sa paborito monh palabas",
"O kahit pa sa mamahalin at masasama na patalastas",
"Magpabango na ng pagalan, ngayong nalalapit",
"Mga batang lansangan, pangala'y pilit sinasabit",
"Sa panahon na nakaposisyon ay di matulungan, kahit nakapikit",
"Kasangkapan lang siguro o hagdanan para sa taas mapalapit",
"Ito ba ang masasabi, tunay na riyalidad",
"Mapabata, dalaga, binata o may edad",
"Walang pakialam, ano man ang sakit na tila sagad",
"Pa hanggang buto't nakaluhod na sa semento",
"Ito ba ang syang pangako, nitong magulo nating mundo",
"Mga bata na naghihirapz pinahihirapan pa lalo",
"Mula pa sa simula hanggang sa sukdulang dulo",
"Nagbibisyo din daw lamang, magulang batang ito",
"Inuuto, kinukuha pa ang kokonting salapi",
"Nakula at nalikom, sa aspaltong kalsadang madumi",
"Habang sila ay nagugutom na, ay wala pa ring pake",
"Mga magulang nila, ay lumilipad na sa ere"
]
},
{
"title": "Bagsak",
"content": [
"Saklap ba nitong kapalaran, o talagang mapaglaro lang",
"Mga bagay na seryoso, tunay at pang bitukang halang",
"Galang sa bawat tao nitong sakripisyong ibinibigay",
"Sa mga nakakatanda, pati na kay nanay at tatay",
"Ay patay, sakay na ako sa malayuang byahe",
"Ginulangtang ng kung ano mang katotohanang nangyari",
"Subalit, sa kanila pa ito nanggaling, na mas nanaisin ko sila ay sinungaling",
"Sa akin pa sabihin at pinagkumpara din, sa lahat ng bagay, ako ay wala pa rin",
"Pasubalit man ang mga kaganapang hindi maipabatid",
"Mga simple lamang na wikain, sasahihin ng nakapikit",
"Mahal ko ang mga magulang, pero bakit sila mapanlait",
"Imbes na suporta ang makuha, kutya pa at mga panlalait",
"Masakit man sa damdamin, pero ito ay tagusan lamang",
"Hindi maipahiwatig ng iisang talata lamang",
"Nguniy maiintindihan mo sa iisang salita lamang",
"Ang aking nararamdaman, sa kung paano bigkasin ng tuluyan",
"Tila ba ako ay binibiro na, nitong makulit nating tadhana",
"Mga pagkukumparabpa rin ang natatanggap ko mula sa kapwa",
"Walang mapapala, walang patutunguhan ang kanilang winikika",
"Sa iba ma'y ayos lamang, sa aking puso ito'y tagusan",
"Talamak na ang panlalait ang sakit na nadarama na hindi maipahiwatig",
"Sa akin tila ba ay ayos, labag ito sa naninikip ko na dibdib",
"Para ba akong pinapaso, nitong sigarilyong nakaka adik",
"Hindi ko na sa kanila magawa, kahit sa pisngi ay humalik",
"Nasasabik na po ako, kaylan tayo babalik",
"Mga panahon natint nasayang kailan manunumbalik",
"Sa pagmamahal nyong nawala, nais kong maranasan ulit",
"Ayaw ko na mangyari lamang sa bangungot naa aki'y panaginip",
"Sinampal ng riyalidad na ako ay para lang daw isang basura",
"Mga tao sa paligid na walang alam kung sino at ano ba talaga",
"Mga nararanasan ng isang katulad ko, mas masaklap pa ba sa kanila",
"Na tanging nais lamang ay pagmamahal ng aking ama't ina"
]
},
{
"title": "Liham ko sayo",
"content": [
"Salamat aking besprend, sa ating pinagsamahan",
"Hindi ko na ngayon batid, ikaw ba ay nasaan",
"Kung papalarin man na masilayan, akin itong papasalamatan",
"Pero sana ang paliwanag, ako ay iyong pagbigyan",
"Mga panahon at kabataan, kasama ka ang na alala",
"Ikaw ang syang babae na sa akin ay kasakasama",
"Panahong inaaway ka, sa akin nagsasabi at di sa kanila",
"Naiyak ka man ngunit, batid ko na matibay ka",
"Paumanhin kung ikaw ay aking naiwan jan",
"Ako man ay bumalik, subalit pag hahanapin ay di mawari kung nasaan",
"Ka o kung matatagpuan pa ba, itong aking kaibigan, panandalian ba?",
"Kung diyan pa ba ako nag aral, maalala mo pa rin ba?",
"Ikaw ang syang matalik, at naiisang kasundo",
"Ikaw ay namama-alam, nakaway kapag sinusundo",
"Na kami ng pinsan ko, ng ama niya kapag ala-singko",
"Na ng hapon, kasi nga uwian na noon, at kinabukasan ay magkatabi uli tayo",
"Parang magkapatid, itong ating turingan",
"Kasama ka palagi, magtungo man kung saan",
"Kapag dinalhan na ng pagkain, ng tiyahin ko sa kainan",
"Kasabay kang kumain, tatlo kasama si insan",
"Ngunit batid kong nalungkot ka, noong araw na iyon",
"Kami ay papa-alis na, at ang bag ko ay nasa ating room",
"Bagyobagyo nong panahon, at katapusan na ng buwan",
"At mga panahong, kami ay lilisan kinabukasan",
"Ngayong nagka-edad na, ay wala nang balita",
"Ikaw pa ba ay kilala pa ako, o tuluyang kinalimutan na",
"Mga kaibigan mong nasa tabi, sa luha man o sa tawa",
"Mga kaibigan mong nandiyan, at hindi ka iniwan mag-isa",
"Salamat na din kahit papaano, ikaw ay aking nakilala",
"Kahit ba papaano, nakabuo tayo ng masasayang ala-ala",
"Mula ikalawa, hanggang ikatlong, baitang sa elementarya",
"Bunuo mo na rin, makaroon ng kaibigang matalik na kahit di kakilala"
]
},
{
"title": "Bakit, Paano, Gaano",
"content": [
"Kausap na kita, ngunit bakit nagkaganto",
"Ang aking nadarama, parang pinukpok ng bato",
"Malakas, ika nga, ang tama sa iyo",
"Na tutulang bigla, pag nadiyan sa, harapan ko",
"Isipin man natin ito ng mas malalim",
"Wala pa ring mag sasabi, sanhi nitong damdamin",
"Ngunit, subalit, paulit ulit lamang din",
"Wala akong magawa, kundi matawa sa twing iisipin",
"Araw at gabi, ikaw ang siyang dahilan",
"Babangon sa umaga, ngunit ninais kang iwasan",
"Pagtawanan, mo man ako, anong mapapala",
"Dahil sa tawa mo, ako'y napapadala",
"Araw, at gabi, naiisip, ka pa rin",
"Ang kulit nga e, nitong aking damdamin",
"Uulitin pa ba, kung sa iyo ay aamin",
"O mas nanaising umuwi, na lang sa namin, pasensya kung di pa ma-amin",
"Mga sanhi ng kalungkutan, isa ka sa dahilan",
"Hindi man ito ninais, ngunit ito ang naramdaman",
"Wala nga ni isa kung ano ang, nagustuhan",
"Sa iyo, kaya paano ito ma-papatunayan",
"Nasasaktan lamang ako, nung aking nabalitaan",
"Ako ay nahuli na, ng lubos at nang tinuluyan",
"Ayaw, namang mang-agaw, dahil yan ang kaligayahan",
"Nagparaya na lamang, para ikaw ay maging masaya, sana'y alagaan",
"Araw at gabing hindi kita makalimutan",
"Kahit ano ang gawin kong limot, akin nang pinagtripan",
"Ngunit sayo ay nais, ganoon ba yun talaga?",
"Grabi, namang kapalaran, nakakatawa",
"Araw at gabing paulit ulit na lamang",
"Para akong batang, walang kalaban laban",
"Bakit, pa kasi, sa iyo pa may nasaksihan",
"At ang bawat oras, nais sayo lamang ilaan",
"Bakit ba ganito",
"Bakit pa nagkaganito",
"Paano ba ito",
"Paano na ako, sayo, sayo, sa",
"Araw at gabing nakatulala pa rin",
"Grabi na ang karamdamang iniwan mo sa akin",
"Wala nga yatang gamot, kahit limot ay balewala rin",
"Saan mang bahagi naroroon, nasislayan ka pa rin",
"Araw at gabing nais ka nang kalimutan",
"Ngunit isipan ko'y pilit kang binabalik balikan",
"Hindi namang naging tayo kaya paano nangyari ang",
"Bagay na imposible, na puro lang kakulitan",
"Malapit na kitang makalimutan, noong hindi ka natatanaw",
"Sa aking paglalakad, kahit mainit ang sikat ng araw",
"Kahit nakakabahing, dahil sa sobrang nitong silaw",
"Walang natatanaw na nag-iisang ikaw",
"Ako ay natutuwa kasi hanggang sa ikaw ay dumaan",
"Nasilayan kang muli, at naalala ka nanaman",
"Paano makakalimot, kung lagi kang naririyan",
"Hindi na nga nagsasalita, kapag ika'y nasisilayan"
]
},
{
"title": "Haligi dos (Haligi part II)",
"content": [
"Tatak na sa mukha, mga kanyang dinadala",
"Mga pagod na di batid, kung saan ba nagmula",
"Sakit ng katawan, sa maghapunan niyang gawa",
"Trabaho na todo todo, para may makain ang pamilya",
"Niya na hihintay, sa kaniyang pag-uwi",
"Isang mano sabay yakap, ng pagsalubong sa muli",
"Niyang pagbalik, mula sa napakalayo",
"Sa ganitong mga gawain, saludo ako sa inyo",
"Mga ama, mga tatay, lalo na sa aking papa",
"Kahit na galit, pag minsan ay may unawa",
"Na kahit hindi makita, marahil ay ayos pa",
"Na aking nanaising, galit, init ng ulo'y lubayan na",
"Salamat sa mga sakripisyong ito, na pinapakita nyo",
"Kayo nga ang haligi, nakatindig, nakatayo",
"Ang syang pilit na gagabay, aalalay sa anak",
"Na katulad ko, na tumatanda at uniedad",
"Ikaw ang saklay, sa panahong ako'y pilay",
"Kasama ang ina, ko na akin ding gabay",
"May buo, at may kulang, na hindi kumpleto ang pamumuhay",
"Marahil ay naiwan, iniwan, at nilubay",
"An ng ama, o kaya kanilang ina",
"Subalit merong lolo, lola pa nakasama",
"O marahil ay wala, at lubusa na ulila",
"Na sa ngayon, nag-uuli na ang pamilya",
"Samakatuwid, ikaw ang nagtuwid",
"Mga baluktot na pananaw, na pinatingin sa himpapawid",
"Para maitama, pagkakasalang batid",
"Man ay hindi, pa alam ng mga musmos sa paligid",
"Mga gabay na sa pamilya, patunay na nag aayos",
"Mga sirauling anay, na sa haligi ay tatapos",
"Ilaw ng tahanang, walang lingas, kahit lubos",
"Ang problema na wawakas, at solusyon ang tatapos"
]
},
{
"title": "Paglisan",
"content": [
"Sa gabing kay dilim, liwanag na di maaninag",
"Sarap sanang sulitin, ngunit parang hindi mapanatag",
"Ang loob kong kirutin, na parang malaking pag payag",
"Na hahantong sa suliraning, batid na ikakapahamak",
"Titingala na muna, sa yungib nq kalangitang",
"Itim na ulap, tanging aking nasisilayan",
"Ang wakas, yaring istorya at tanghalan",
"Na kurtinang pula, habang nakayuko sa karamihan",
"Hinagpis at pait, ang syang mararamdaman",
"Na sa huling yugto ng kwentong, tayo ang tauhan",
"Pangunahin, paumanhin, bakit kailan",
"Ang lambing mo sa akin, waring nag papa-alam",
"Yakap na mahigpit, ang sa aki'y iniwan",
"Na sa'yo ay ginawa, ngunit doon lamang sa larawan",
"Mong kupas, kahit lipas na ang mga oras",
"Na sa aking isipan, doon ka nakikitang malakas",
"Bugso nitont unos, na tila ay sinadya",
"Mga dilubyo, mga luhang bumaha",
"Mga hinagpis at poot, namayani sa bawat isa",
"Sa huling makitang naka ngiti, bakit sa larawan pa",
"Ikaw ay bumangon, ito ay bangungot lamang",
"Nagkukunwari ang sinta, na ako ay iniwan",
"Bumangon ka't nananaginip lamang",
"Sana nga, ay gano'on na lang",
"Mga yakap mo at mga bisig, na akin pang tangan",
"Basa na ang aking unan, kaluluha sa aming tahanan",
"Pagkain kong nilalangaw, na parang sila na lang",
"Ang kakain nito, dahil sa ako'y walang gana kahit takam",
"Ikaw nga'y nagpakita, at sa aki'y nakangiti",
"Natikman na muli, ang mapupula mong mga labi",
"Ngunit bakit naglaho kang muli",
"Sa harapan ko, aking binibini"
]
},
{
"title": "Kaibigan",
"content": [
"Isa sa pangarap, ang maging kaibigan mo",
"Kasama kahit saan, magpunta ay kasama ako",
"Luluha sa tabi ko, at nakasandal sa balikat ko",
"Habang hindi maintindihang damdamin, sa tuwing nag kukwento",
"Tila imposible, dahil isa akong mababang antas",
"Hindi nga kapansin pansin, kahit mahsuot pa ng butas",
"Na damit, makamit ang minimithi, ay lilipas",
"At agarang mag aayos, pagsapit ng bukas",
"Ninais ko na maging matalik mong kaibigan",
"Sa gano'on bagay, ay malapitang masisilayan",
"Samahan man, at hindi ako makabigkas salita",
"Ayos lang, mahalaga, kasama mo saan man magpunta",
"Ninais man na hawakan, ang malalambot mong kamay",
"Patunaybna hanggang sa ala-ala, ako'y kaagapay",
"Mangyaring tag-init man, ay magsisilbing pamaypay",
"At para kang idulo, sa iyo ay kumakaway",
"Subalit, paumanhin kung hanggang dito lamang",
"Nasisilayan, daang mentro ang ating pagitan",
"Ayaw namang, gawin itong sapilitan",
"Ngunit ako, mukhang pang alalay lang",
"Winasak ng luha, at binaha ang batis",
"Mga lungkot, na labas pati pawis",
"Mga halont emosyong, kasama kang nag hihinagpis",
"Na hindi batid, kung ito ba ay tunay at kanais nais",
"Dinamayan ang kaibigan, na kaibigan din ako",
"Sinamahan ang kaibigang, na kaibigan din ako",
"Pinakinggan ang kaibigan, na kaibigan din ako",
"At niyakap ang kaibigan, na kaibigan din ako",
"Nandito ako at nakasubaybay, nais maging siya",
"Subalit bilang sukli, niyakap kayong dalawa",
"Nais maging isa, sa matalik na kakilala",
"Subalit ganito, ang lahat ay huli na"
]
},
{
"title": "Ika-siyam na baitang",
"content": [
"Mahirap man maamin, mahirap ding isipin",
"Ikaw nasa damdamin at laging panalangin mapasa akin",
"Ang katulad mo, halintulad ang titulo",
"Na para sa'yo, masaya ako, pag ganito",
"Dinadaga, lagi sa'yo, ni hindi nga alam kung paano",
"Aamin na, na totorpe, sa madaliang sabi",
"Ay hindi, mapakali, pag sa tabi, ay kumportable",
"Ka pa rin, kahit parang uod na binudburang asin",
"Hindi man maamin, sa akin at ayos pa rin",
"Ikaw ang syang ninanais makapiling",
"Sa tuwing, magkatabi, tayong dalwa'y ang ngiti",
"Hanggag tenga, sa saya mong kasama",
"Pero bakit ganito, takot pa rin, na mawala",
"Ka sa 'kin, nanaisin, nais maamin na",
"Gusto ka, kahit hirap, gano'on pa rin, sa'yo pa rin",
"Nagkagusto, sa ganda mo, at ang bait, nakikinig pag ako",
"Nag kukwento, tungkol sa 'kin, na baka gusto mo din",
"Pero bakit, tila ganon, hindi dama, batid na may gusto kang iba",
"Hanggang doon ba? kaibigan lang ba? ang kayang ipadama",
"Sa tulad ko, na may gusto, sa iisang katulad mo",
"Batid mo din, siguro ito, hanggang dulo kasama ko",
"Sa entablado, na nag tapos, at naglayo, sa ikaw at ako",
"Na nandito, habang ikaw ay nandyan, sa malayo",
"Ay tanaw pa rin, larawan mo magmula, nang makakilala tayo",
"Sa madaling sabi ay hindi makaya, na hanggang kaibigan ang syang turing",
"Sa mga panahong kasama ka ay hindi mapakali, at para bang napapraning",
"Paparating, na ang kapatid mo, at nakakatakot pang isipin",
"Dagdag pa ng isa, sa makulit na kaklase natin",
"Kinilala, kitang lubos, nang sa gayon",
"Ay hindi, magsisi, hanggang ngayon",
"Pero subalit, paumanhin, hanggang dito na lang ito",
"Aking tula, na lirko, na nilikha para sa iyo"
]
},
{
"title": "Kulit ulit",
"content": [
"Makakalimutan din kita, ito ang sinumpaan",
"Ko noong mga panahon, ikaw ay palaging nandiyan",
"Saan man, magtungo, ika'y kasama ko",
"Kahit saan, kumain, ika'y aking kasalo",
"Sa likod at harap, sa gilid nandiyan",
"Pag lagi mang wala, tinatanong kung nasaan",
"Bakit ba, palagi, ka na lang sa tabi ko",
"Bakit ba, palaging, hinahanap ay ako",
"Ito maari, ang, sa aki'y binigay",
"Kaibigan, matalik, sa aki'y laging bukas kamay",
"Kasama ko, sa hirap, ginhawang kailan",
"Ako ay karamay, magbuhat ng nasilayan",
"Hindi nga nagbago, iyong pakikitungo",
"Inaalok ng ulam, sa tanghaling ako'y kasalo",
"Ang daldal, at kwento, kahit patapos na ako",
"Sa pagkain, at ikaw, di mangalhating totoo",
"Subalit nag-iba, ang ihip nitong hangin",
"Nang kinabukasan, ako'y nilayuan mo rin",
"Ang mga, bagay, na dating nakasanayan",
"At nagbago, na lang, nang madalian",
"At tila, nalumbay, at tuluyang nag-isa",
"Nang ako, ay tila, nakalimutan na",
"Bakit, ba tila, ikaw ay nag-iba",
"Na akala, ko dati, ay kayang mag-isa",
"At biglang, nagulat, isang araw ay wala",
"Ka sa ating, silid, lalo sa 'yong silya",
"Maghapon, ako, tila ba'y tulala",
"At nagulantang, na lang, biglang may nagbalita",
"Ikaw ay namatay, at tila di na umabot",
"Ikaw pala'y, may sakit, nakakapangilabot",
"Ang tumor, sa iyo ang syang tumapos",
"At ang pagsisisi, ko, ngayon ay lubos lubos"
]
},
{
"title": "Dalagang Pilipina",
"content": [
"Dahilan man ito, patunay na ninaanis",
"Alagaan ka, hanggang dulo, malaman ang pagtangis",
"Laban ko, sa iba, sayo ay nagkakagusto",
"Ant yaman, itsura, sa aki'y pag-ibig na totoo",
"Gano'on man ang mangyari, nawa ay lalarin",
"Ang dumampi ang palad, mo sa palad ko",
"Na syang pinangarap, lalo kung iyong nanaisin",
"Ganda at buti, ng kalooban, at kikilalanin ang pagkatao",
"Pansinin nawa, ang simple kong tula",
"Ito ma'y pag-isipan, salungat ang gawa",
"Labis na pagnanais, sa ika'y nais matuwa",
"Itong malambot na pisngi, nawa ay pumula",
"Panahon pa noon, ang gamit na istilo",
"Isipan ang gagamitin, lalo na ang puso",
"Nang mangyari man, sa aki'y magkagusto",
"Ay aking ikatutuwa, at aking isasapuso",
"Damhin man ang tula, ang saya ay aking dama",
"Alam mo na alam nila, ang aking ginagawa",
"Laging pinapanalangin, sa akin, ika'y makasama",
"At ang magiging buhay, masaya kasama ka",
"Gampanan ang iniatang, sa akin ng kapalaran",
"At ikaw ay gano'on din, kasama ang pamilyang may aliwan",
"Nang pagtangi sa bawat isa, na dala ng kapalaran",
"Gano'on din ang Amang Lumikha, na gumuhit sa atin ng dadaanan",
"Pansinin ang gawa, ng isang manliligaw",
"Itong aking mga wika, sa bunga ay hilaw",
"Lipasin lang ng panahon, at ang panahon ng ilaw",
"Isasabit ang titulo, ilaw ng tahana'y ikaw",
"Pag-iibigan, ng dalawang nilalang",
"Itong tadhanang tila, pinaglalaruan lang",
"Nitong labis kong nararamdaman, unti unting nalisan",
"At nang sa wakas ng tula, ako na ang lilisan"
]
},
{
"title": "Anak",
"content": [
"Magandang umaga, ang syang pambungad",
"Ikaw na syang sa akin ay biyaya, na aking hinangad",
"Pinapamgarap magmula, nang makita",
"Ang laging hanap, gabi, tanghali o umaga",
"Mga ngiti mong tila, nakakaulit sa mata",
"Mga matang may bighani, na nakakatulala",
"Habang hawak ang kamay, daliri ay kay saya",
"Bilang isang ako na, nais kang habangbuhay kasama",
"Walang sawa, akong sayo'y nakatitig",
"Uminit man ang umaga, at sa gabi'y malamig",
"Ikaw ay yayakapin, ng mahiglit sa aking bisig",
"Ikaw ay kukumutan, sa panahong nilalamig",
"Ilang beses man itong gawin, ay hindi ako mapapagod",
"Ikaw ang magmamasahe, kapag nangangalay ang likod",
"Ako ang sayo'y sasalo, lalo kapag natisod",
"Ako ang magsisilbing gabay, hanggang ako'y maging ugod-ugod",
"Sapagkat ikaw, ang sa aki'y biyaya",
"Mga panahong nalulungkot, ika'y tatawa",
"Sa iyong mga labi, makikita ang saya",
"Lalong magiging matibay, sa masasaya mong mga mata",
"Mga unang salita, ay patuloy na inihintay",
"Ilang panahon pa ang lilipas, akin pa ring hinitintay",
"Isa akong masaya, kapag narinig ang salitang papa",
"O mama, mula sa mga labi mong kay ganda",
"Babasahan ka ng libro, kwentong magaganda",
"Mga bagay na may aral, sa'yo ay magbibigay disiplina",
"Masaya na ako, kapag yumakap ka",
"Mula sa trabahong kakapagod, kamay mo ang hahagod",
"Mga ngiti mo sabay sigaw",
"Papa ang tawag, ng iisang ikaw",
"Lakad mong pabilis na, aking natatanaw",
"Kakaway sa malayo, pag aalis na sa araw"
]
},
{
"title": "Simpleng Ikaw",
"content": [
"Isang beses napansin, ako'y biglang natuwa",
"Sa isang katulad ko, sa iyo'y parang balewala",
"Tanging larawan ko lang, hangad ko aking sinta",
"Na aking matititigan, kahit gabi hanggang umaga",
"Ang ngiti mo, ay tila nakakahawa",
"Wala akong maisip, kung personal na makikita",
"Sa isang katulad mo, na simple ang itsura",
"Walang kolorete, o kahit anong make-up sa mukha",
"Bakit pa kasi ganyan, ang iyong katangian",
"Nang makausap isang beses, isa ka sa hiningian",
"At mga binigay mo, mga awit pang kalangitan",
"Maaaring may ugali ka, pero nais ko ang ganyan",
"Mga kamay mong natatanaw, kahit mukhang magaspang",
"Ay ninanais ko pa rin, ito'y mahawakan",
"Ang ganitong nadarama, parang nasa kalawakan",
"Saksi ang lumikha, maging ang kalangitan",
"Subalit, akin mang ipagpapaumanhin",
"Nais ka man, ngunit sa aki'y ayaw rin",
"Mas nais nga, na ako'y ayawan mo din",
"Nang sa huli, wala kang pagsisisihin",
"Hindi ko na batid, kung pang-ilan ka",
"Sa katunayan, isa sa dahilan kaya ayaw pa",
"Masaktan ka, o kahit ang iba",
"At sa iyo, tuluyang magkasala",
"Gano'on pa man, nawa'y huwag kakalimutan",
"Ikaw man ay iba, at nawa'y iisa na lamang",
"Ayaw ko na rin naman, sarili ay paglaruan pa",
"Pumilit ng nanaisin, para makasabay sa kanila",
"Sa huling yugto, nitong aking likha",
"Kung mapapansin man, ay aking ikatutuwa",
"Iyo mang pag laanan, kahit ilang minuto na",
"Basahin ito, na para sa iyong talaga"
]
},
{
"title": "Hayaan mo sila",
"content": [
"Simulat ko ito, hindi para magpa-awa",
"Ito lamang ay katotohanang, hindi basta nakikita",
"Mga kalalarang kay saklap, sa nilikha ko'y sa kanila",
"Na walang langamba, at pakitang suporta",
"Tiklop tuhod, na kung magmaka-awa",
"Kaunting respeto, na pinagkait sa kanila",
"Mga makasalang, pilit nagmamataas pa",
"Na sa kanila, ay pilit pang ibinababa",
"Wala na ba talagang pag-asa, ang isang nigaw ng landas",
"Daang matuwid nga ba, itong may lumot na madulas",
"Pilit mang mag-ingat, mali pa rin ang syang bakas",
"Sa mata nitong nilalang, na tumatahak sa piling landas",
"Habang nililikha, itong tulang pangbungad",
"Sa panibagong yugto, nawa'y ating imulat",
"Kung kailan lang kailangan, ay sya itong hagilap",
"At pag hindi na'y, nilalait pang kay hirap",
"Ikaw man ay isa, sa kanilang nakakaranas",
"Wag mawalan ng pag-asa, kausapin mo ako madalas",
"Ako man ay makikinig, sa problema mong dinaranas",
"Umiyak ka sa akin, palakas nang palakas",
"Aking ikararangal, kung magbago ka",
"Kung sabihin mong dahil sa akin, ako'y kasangkapan nya",
"Isang kasangkapang, ginamit nya",
"Dahil nakikita nya, ang hirap na iyong nadarama",
"Ikaw at ako, makasalanan maging sya",
"Wag matakot magkamali, dahil doon ka mapapasatama",
"Hayaang mapanlait na kapwa, ang sa iyo'y pumuna",
"Dahil hindi sila ang hahatol, kung hindi ang Amang Lumikha",
"Tiklop tuhod na pagmamaka-awa, ang syang paghingi ng tawad",
"Ang gjnhawa'y ibibigay, na syang iyong hangad",
"Ako ay ngingiti, sa panahong ika'y lilisan man",
"Dahil ang lait at paghihirap, hindi mo na mararanasan"
]
},
{
"title": "Kinig",
"content": [
"Ako man ay nandito lang, kung ikaw ay may problema",
"Handang makinig, iyakan, kahit pa mabasa",
"Mga balikat ko nang dahil sa, luhang napatak sa mata",
"Subalit tila imposible, dahil napakalayo ka",
"Ito man ang simula, wag ka na lang mahiya",
"Ako ay gawin mong kasangkapan, para lungkot ay lubayan na",
"Maganda ba o hindi, dulot nitong problema",
"Isa akong kaibigan, matatakbuhan lang kapag may problema",
"Kung sa akin man mapasa, itong mga dinadala",
"Wag kang mag alala, at ako na ang syang bahala",
"Kayang humawak at isa ayos, bawat problema ay tinatawa",
"At hindi na ipababatid, ang iba pang ginagawa",
"Sandalan mo ako, sa iyong kinauupuan",
"Ikaw man ay pagod, ika'y aking pakikinggan",
"Ayos na ang salitang salamat, kung pakiramdam ay gumaan",
"Subalit hindi ako ang may gawa, kundi ang aking pinanggalingan",
"Isang mapait na yugto, isambit mo nang mabigat",
"Madamdaman ko ang pighati, buhay mong kay alat",
"Gumaan man ang pakiramdam, sapat na ang salamat",
"Maaari mo akong irekomenda, nang ngalan ko'y di pinapakalat",
"Waring tandaan, problema lamang yan",
"Gawing kalsada itong buhay, at yan ay dumadaan",
"Wag kang hihinto, at wag mong tambayan",
"May sulusyon o wala, pilit mo na lang iwan",
" ",
"Gawin mong inspirasyon, ang iyong pinagmulan landas",
"Kahit na mahirap, matinik at madulas",
"Sa paghihirap, hayaan mong sya ay lumipas",
"At ang problema ang mamomroblema sa wakas",
"Kay ganda ng mundo, maging ang musika",
"Bakit hindi syang gamitin, upang makalimot ka",
"Pansamantala, o permanente sa problema",
"O kahit isambit sa akin, at ako'y makikinig pa"
]
},
{
"title": "Salamat",
"content": [
"Taas kamay, ganyan ako kapag kausap ka",
"Mga panahon bagsak, iyo mang nakikita",
"Lakas ng loob, ito ang nagbibigay tatag",
"At sa bawat hamon, nagsisilbi kang kalasag",
"Ako'y natutuwa, dahil natagpuan ka",
"Tila imposible sa bulag, na ito'y makakita",
"Ngunit sa wika mo, natupad ang hiling nya",
"Isang matamis na ngiti, tagumpay na katamasa",
"Bawat oras na lumipas, sa panahong pabago bago",
"Ikaw ang syang sandalan, sa magulong mundo",
"Ikaw ang pahinganan, sandigan at guro",
"Tagapagpayo sa tama, itimumpak ang mali ko",
"Kasulatan dati ay, hindi pinaniwalaan",
"Dahil sa daang taon, at pagsasalin na lamang",
"Maaaring mabago, nang kahit na sinuman",
"Ngunit ang balita nilahad, laman ay kabutihan",
"Bukal man sa puso, ang amin pasasalamat",
"Ang katapusan ng mundo, unti unting lumalapat",
"Marahil di alam, kung ano ang nararapat",
"Gabay mo ang kailangan, kailangan naming lahat",
"Hindi man masama, kung gawan ko ito ng akda",
"Sa kasulatan nakasaad, ang gawai'y wag ilahad",
"Ituri mo na lamang, ito'y aking pasasalamat",
"Na ipinagmamalaki ka, gamit ang likhang tula",
"Nakakatakot marahil, ang maaaring kasunod",
"Sa batong di makita, alalayan mo nawa nang di matisod",
"Mabilis na papayapa, ang sa iyo'y lugod",
"At tanging sa iyo lamang, titiklop itong tuhod",
"Ang lahat ng naisin, iyong ibinibigay",
"Sa tamang panahon, kung ito'y nababagay",
"Sinabi man na mahalin, itong aming kaaway",
"Ito man ay gagawin, pagmamahal ay patunay"
]
},
{
"title": "Kape",
"content": [
"Higop sa umaga, habang ninanamnam ang lasa",
"Ang pait na kakaiba, aromang nakakaganda",
"Ng umaga, sa problema ay bumubura",
"Isang uri ng inumin, na hindi maaari sa iba",
"Mahal ko na ata ito, tila nais nang kasama",
"Sa hirap at ginhawa, kasama ko'y tanging sya",
"Karamay sa problema, ang solusyon ay siya",
"Ang itim nitong kulay, ang sa aki'y nagpapaligaya",
"Malamig o mainit, man ang maging panahon",
"Lumipas ang dalawang dekadang, kasama ko hanggang ngayon",
"Tanging siya lamang, umaga hanggang sa hapon",
"Lumamig man sya, ay papainitin ko pa rin iyon",
"Isang tasang sa akin, lubos na pagmamahal",
"Walang katumbas sa akin, kahit ito ay iyong haluan",
"Kalokohan na nagaganap, sa paligid ay parang wala lamang",
"Habang nasa tabi ko, akin din syang kakwentuhan",
"Ag sarap sa pakiramdam, sa panahong nasisayan pa",
"Nag-aalburuto ang ulo, kapag naubos na sya",
"Hinagpis tila sa akin, kapag walang laman ang tasa",
"Ilang saglit pa'y, mauubos na ang natitirang lasa",
"Sa kanila'y pampagising, sa aki'y pampatulog",
"Parang hinehele ako, kahit malakas pa ang kulog",
"Iniaangat nya ako sa panaginip, sa panahong ako'y lubog",
"Pakiramdam na may bantay, sa himbing nitong tulog",
"Yakap ng kumot, sa lamamig na panahon",
"Yakap ko ang unan, sa pag-upo ko ngayon",
"Saksi ang higaan, nitong makalipas na panahon",
"Kape pa rin, noon hanggang ngayon",
"Barako man o hindi, three in one o stick",
"Babalikbalikan ko, walang patumpiktumpik",
"Maubos man sa lagayan, hinihintay ang pagbabalik",
"At sa unangagay, ako'y sa kanya'y sabik na sabik"
]
},
{
"title": "Distansya",
"content": [
"Salamat sa lahat, panahong nanjan ka",
"Sa aking tabi, pakiramda'y di nag iisa",
"Mga lumbay na ako, ikaw ang tagapagligaya",
"Nang di batid, kung ano at sino ba",
"Ako sa iyo, bilang isang hindi",
"Batid, kung nasasaad muli",
"Ako man ay syang nag nais, sana'y di pa huli",
"Ang lahat, sapagkat ikaw ang ngiti",
"Sa mga labi, sa mukha mong mayumi",
"Masabi ba lamang na ako, ay tao kaya uli",
"Ako nag nais, hinangad ka mang huli",
"Na ang lahat, sapagkat hanggang kaibigan lang muli",
"Liham ko na inanay, na sa iyo'y di maiabot",
"Mga kamay mong nahawakan, na napakalambot",
"Subalit sa panaginip lamang, sa riyidad ay bangungot",
"At ang mga nadarama, aking pilit na nililimot",
"Sa pagkakataong tayo'y magkita, akin kitang yayakapin",
"Luluhod sa harap, nawa'y iyong parawarin",
"Sa marahil ay di dapat, tanggap na kaibigan lamang",
"Subalit anh tiwala, nawa'y huwag namang lumisan",
"Pagbalik ko sa iyong tabi, akin nang tatanggapin",
"Ang patak ng mga luha, sa gabing napakadilim",
"Saksi man ang bituwin, kahit ang langit ay kulimlim",
"Baka mas naisin na lang itago, itong natatanging lihim",
"Nakaharap sa tubig, sarili ay tinanong",
"Kung ano ang hakbang, sarili ay ikinulong",
"Nakasuplong sa kapalarang, hindi nakatuon",
"Sa buhay na kay saklap, wala na bang gano'on",
"Kung iyo mang mabasa, nawa ay magustuhan",
"Itong aking tula, nawa ay madamdaman",
"Mo na may isang, natatangi pang kaibigan",
"Na kahit malayo, iniisip ay ikaw lamang"
]
},
{
"title": "Paalam (sa iyo)",
"content": [
"Bakit, tanong sa aki'y umuusig",
"Pilit, akong pjnapaamin ng lamang nanginginig",
"Subalit, ano pa man ay walang balak umamin",
"Ulit, ulitin ma'y hindi ko pa rin sasabihin",
"Madamot ba ako, kung sayo'y ipagkait",
"Pagkakatanong malaman, ang ayaw ipabatid",
"Konsensya ba ito, o sadya lang pinipilit",
"Parang naghihilahan lamang, nag napakatibay na lubid",
"Pasasalamatan lang kita, dahil isa ka sa rason",
"Kung bakit ako'y nagbabago, binigyang pagkakataon",
"Hindi mo man batid, o kahit mabasa sa panahong",
"Aking inilathala, na asa pa ring mabasa mo ngayon",
"Luha na ang syang saksi, sa aking pagpaparaya",
"Pilit ka nang kinalimutan, bakit bumalik ka pa",
"Ito ba ang sumpa, sa aking pagnanais mag isa",
"Sa buhay na hindi sagana, ayaw ka mapasama",
"Maintindihan ko na sana, subalit biglang nagbago",
"Ang iyong maamong wangis, sa akin ay naglalaho",
"Bigla lang na parang, ako'y muli pang nagbabago",
"Sa larawan ka sinisilayan, kapag ika'y nalakalayo",
"Ito na ata ang wakas, subalit isang mali",
"Ang tinahak na landas, lumuluha nang umuwi",
"Nanonood ng palabas, ngunit lutang ako parati",
"Pilit ko mang binagtas, subalit ako'y sawi",
"Gitara ko ay syang tutunog, at kakantahan kita",
"Sa likod ng mga ngiting, kailanma'y di na makikita",
"Hanggang saan mauuwi, itong aking pag-iisa",
"Kung makapiling ka, ay imposibleng magawa",
"Nawa ikaw ay masaya, kung san man naroroon",
"Sa iyong paglisan, Diyos ang kasama mo ngayon",
"Kamusta mo ko dyan, at malayo pa ang aking hapon",
"Ikaw ay mamahinga, ngitian mo ko kahit di ko kita ngayon"
]
},
{
"title": "Kailan nga kaya?",
"content": [
"Nais kong humiling, sana ay musmos na lang ako",
"Walang iniisip na problema, puro lamang ako laro",
"Iiyak pag inaaway, inaagawan ng kalaro",
"At salitang di bati, kinatstakutang totoo",
"Babalik pa kaya, itong mga panahong",
"Pera perahan nating, mga papel at dahon",
"Maglilinis ng katawan, sa pagsapit ng hapon",
"At ang tulog na mahimbing, sa bukas na babangon",
"Babalik pa bang muli, itong mga ala-ala",
"Mga bagay na imposible, kung mabubuhay pa ba",
"Mga likha nitong isipan, hanggang plastik na basura",
"Gagawan ng paraan, at magiging kotseng de hila",
"Mga panahong mapalalo, dahil sa sobrang kulit",
"Mga panahong nakakamiss, ang sarap bumalik",
"At ayaw magpaiwan, kaya sa ina o ama ay hahalik",
"Madali pang sabihin, Mahal kita mama, o papa sabay sa pisngi ang halik",
"Mga panahong sabik, kapag aalis at babakasyon",
"Tapos bibiruin iiyak, pag hindi natuloy iyon",
"Itong mga panahong, nakakaiyak sa ngayon",
"Magtatampisaw na lang kapag, lumakas itong ambon",
"Ginagawa mga shower, itong tunggaan sa probinsya",
"Panahong kay saya, kapag kasama mo sila",
"Mga pinsan kapatid, kalaro at magulang pa",
"Mga lolo mo at lola, mga tito at mga titA",
"Mga kulitan, biruan, harutang kay saya",
"Kailan ba aatras, panahong lumayo na",
"Kailan ba sasapit, muli itong aking umaga",
"Kailan ba babalik, itong aking pagkabata",
"Hiling ko ay ninanais, kasi walang problema",
"Walang iniisip, inosenteng mga mata",
"Walang muwang sa riyalidad, kung saan makikita",
"Marahas nitong mundo, kung saan ang buhay ang taya"
]
},
{
"title": "Rason",
"content": [
"Ikaw naman ay gustuhin, subalit akin nang binawal",
"Itong nararamdaman, sayo na pagmamahal",
"Sa isang munting rasong, di mo naman mauunawaan",
"Subalit hayaan mo ako, na ikaw ay paringgan",
"Pakinggan ang tinig, ng isang nagmamaka-awa",
"Lubayan akong nawa, ang katulad mong dalaga",
"Kahit kailanman, hindi ko nais na makuha",
"Pasakit at pahirap, tanging mailalagay sa kamay niya",
"Ang guhit ng kapalarang, ako na lang ang nag nais",
"Wala nais na madamay, kahit na mayroong pagtangis",
"Sa lapat man ng kamay, mong punong puno ng langis",
"Isa lang ang aking hiling, maaring sayo ay labis",
"Subalit aking inulit, akin ding pinagdasal",
"Na sana ay mapabuti, itong aking minahal",
"Iwasan ang galit, sa pag-ibig na sakal",
"At ako na lang nandito, nalikha ng tulang makapal",
"Bilang inspirasyon ko, ikaw ay naririto",
"Sa aking tabi, kung kailan ayaw ko",
"Na makita kang muli, dahil nagiging tukso",
"Dahil sa isang bagay na nasa aking, pinagdadamot ko",
"Walang araw na hindi iniisip, kahit napakahirap",
"Bawat sikip nitong dibdib, habang hangin ay di lasap",
"Sa aking pagtulog, ikaw lang ang hinahanap",
"At doon sa panaginip, kasama ang aking pinapangarap",
"Ngunit nanaisin, na hanggang dito na lamang",
"Panahong kay saya, at wala ni isang karamdaman",
"Na tanging ako, kami lang ang nakaka-alam",
"At ayaw ipabatid, ko sa kahit na sinuman",
"Isang ako na sa iyo, ay magpalahirap lamang",
"Walang matatamong ginhawa, sa tulad kong nilalang",
"Paano bang ang ako, ay iyong mararamdaman?",
"Sa pagpatak ng gabi, ikaw ay aking tinabihan"
]
},
{
"title": "Magulang",
"content": [
"Maghapon kang nasa bahay, at nag aalaga sa amin",
"Dama minsan ang iyong lagod, liwanag ay nalupundi rin",
"Di mo man sabihin, sa ami'y nagagalit din",
"Subalit tila sulit, itong sakripisyo mo sa amin",
"Iyo na kaming minulat, ginabayan sa tama",
"Sa iyo ay inuulat, sa maghapon naming nagawa",
"Mga bagay na nakakagulat, sa amin ngunit sa'yo normal na",
"Mga bagay na aming tinatawa, pagod mo ay nawawala",
"Habang likha ang isang akdang, anak nyo ang lumikha",
"Mahal kong mga magulang, batid ninyong talaga",
"Bagay kong pinadarama, at hindi binigkas na salita",
"Yakap na aking nanaising gawin, pag hindi na ako problema",
"Aking ina ang syang ilaw, liwanag at kinabukasan",
"Kahit kailan ay batid, ng isang ako na hindi iiwan",
"Gagabayan ako kahit pa, mabigat ang pinagdadaanan",
"Sasabihin lamang nya, idasal mo na lamang",
"Laman ka ng trabaho, sa maghapon ay pagod",
"Sa umaga ko pagkagising, ikaw ay tumutuloy sa pagkayod",
"Ikaw ang haligi, sa amin ay nagtataguyod",
"Kahit sa pagsapit ng gabi, masakit ang iyong likod",
"Ikaw ay pinasasalamatan, nang di mk nalalaman",
"Ikaw ang katuwang, nitong ilaw ng tahanan",
"Ikaw ay nais ding makasama, subalit bihira lamang",
"Dahil sa maghapon, trabaho ang mas lamang",
"Mga bagay na di koasusuklian, kundi karunungan",
"Isang karangalang, ako ay isinilang",
"Ikaw na akin, bilang ama ay pinasasalamatan",
"At akin ding gagantihan, mga bagay na sa amin ay inilaan",
"Mga magulang kong minamahal, saludo ako sa inyo",
"Isang yakap ang ibabahagi, sa oras na tumibay na ako",
"Sa hirap nitong buhay, tinuruan ninyo ako",
"Ng kung ano ang tunay, at hinubog ang pagkatao"
]
},
{
"title": "Takip-silim",
"content": [
"Umaga pagkagising, ako ay nangangapa",
"Paanong itong araw, paano magagawa",
"Mga bagay na gagawin, nararapat lang ay tama",
"At mga pagsubok sa akin, ay tuluyang masasagupa",
"Isang araw malalaman, kung ano ba ang 'yong dapat",
"Gagawin mo sa iyong araw, bagay na dapat maganap",
"Sa liwanag na bumubulag, pilit kang hinaharap",
"At sa tirik ng araw, bagay ay hindi mo mahahagilap",
"Sandaang lubak man, ang iyong pagdaanan",
"Huwag kang mapapagod, tumindig ka at lumaban",
"Harapin ang syang hamon, sa iyo inilaan",
"At iyong makakantan, sa panahong pagninilayan",
"Hapon na subalit, ikaw ay mayroong tungkod",
"Tila ikaw ay matutumba, at uugod ugod",
"Ang isipin mo ay ang Diyos, na tiniklupang tuhod",
"At magpasalamat sa kanyang, kalugodlugod",
"Ibang saya ang madarama, sa pagsapit nitong wakas",
"Takip-silim na hindi batid, may darating pa bang bukas",
"Mga luha sa paligid, lungkot ang syang bakas",
"At aalalahanin ka nila, sa panahong lilipas",
"Latiguhin ka man sa likod, nitong ating pagsubok",
"Sa iyong noo, isang baril ang nakatutok",
"Huwag mangamba, sapagkat sa iyo man ay hinihimok",
"Sa masamang gawain kaibigan, huwag kang makilahok",
"Gabi na at ang anino mo, ay malapit nang lumisan",
"Mga tao sa paligid mo, pilit kang pagmamasdan",
"Sa lubak na kalsadang, iyong mga dinaanan",
"Sa huling yugto, iyong tinatawanan lamang",
"Ikaw ay humiga na, at ninanamnam ang saglit",
"Mga tao sa paligid, ay mga nakangiting pilit",
"Ayaw kang pagmasdan, na ngayon ay pipikit",
"At ang nararamdaman, sa huli ay pait"
]
},
{
"title": "Salamat nga Bayani",
"content": [
"Sa bayan kong magiliw, iyong sinakripisyo",
"Mga buhay ninyo para sa bayan, binigyan naming respeto",
"Sa inyo na itong araw, bayani ng Pilipino",
"Na hindi magdadalawang isip, ipagmalaki sa buong mundo",
"Kayo na itong dakila, at lubos ang pagmamahal",
"Kahit sabihin ng iba, para kayong nagpatiwakal",
"Sa aming paningin, walang karangalang makakatumbas",
"Para sa bayang mahal, mahal ninyo ng wagas",
"Itong panibagong kaganapan, kayo pa ay nadagdagan",
"Dumadami at lumalawak, kahit saang panig ay matatagpuan",
"Kayong mga bayani, ng bayan at lipunan",
"Kulang ang salitang salamat, sa inyong kabayanihan",
"Inakda kasama ang kape, habang hinahayag",
"Mga kwento nilang tunay, sa aklat ay sinasaad",
"Kapatid ng kalayaan, ay buhay ang ibinayad",
"Kalayaang nakamit ng bayan, bayang magiliw",
"Sa perlas ng silangan, sa gawing timog kanlunran",
"Si Rizal ay isinilang, pambansang bayani ng bayan",
"Siya ang isa sa nagmulat, nagbunyag ng katiwalian",
"Upang ipaglaban ang bayan, bayang sinilangan",
"Si Andres ay isa, sa gumamit ng dahas",
"Kumitil ng mga kalaban, at libo-libong ahas",
"Ahas sa kapangyarihang, dulot ng banyaga",
"Banyagang nagpapahirap, sa bansang Pilipinas",
"At sa kasalukuyan, nararanasan nating kalamidad",
"Mga bagong bayani, salamat sa lahat",
"Sa walang sawang pagtulong, sa may sakit at nangangailangan",
"Sa may sakit nakababayan, at sa may karamdaman",
"At sa wakas nitong akda, paulit ulit na paanyaya",
"Sa ating kababayan, unawain nating nawa",
"Tayo ay binuwisan ng buhay, para maging malaya",
"Huwag sanang sayangin, ang sakripisyon nilang ginawa"
]
},
{
"title": "Saludo",
"content": [
"Ikaw ang syang ina, ama at kapatid",
"Kaibigang mapagkakatiwalaang matalik",
"Sa larangan mo na labis, natututo pa rin kahit",
"May mga bagay na hindi, mo basta basta mabatid",
"Sa iyo ay saludo, at babalik ng taas noo",
"Sa tinuring kont bahagi, ng nag-iisang ako",
"Maging matagumpay man sa buhay, isa ka sa bumuo",
"Kakamayan ka at yayakapin, pagbalik ko sa iyo",
"Mga luha na tumatangis, mas malabnaw sa langis",
"Emosyong kay bigat, pilit na lumalabis",
"Ikaw ang isa sa tumasa, sa ako na purol na lapis",
"Ako pa rin ay ako, magbago man ang aking wangis",
"Ina ko, ama ko, kapatid at kaibigan",
"Sa hirap at ginhawa, ikaw ang aking kakwentuhan",
"Salamat sa tyaga, pag-unawang kailanman",
"Hindi masusuklian, ng simpleng salamat lang",
"Kayo ang ilaw at haligi, ng isang iskwelahan",
"Kung mamarapatin man, ako muli ay inyong turuan",
"Kung sa paano pa bumuti, binago nyo naman",
"Dati ko na pag-uugali, na 'di gusto ninuman",
"Salamat po sa lahat, sa inyong katapatang",
"Labis pa sa inyong tungluling, kami ay paglingkuran",
"Sa panahong masaklap pa, ang aming nararanasan",
"Kayo ay laging nandiyan, upang kami ay gabayan",
"Kayo na aming mga guro, para sa bente uno",
"Sasaludo sa inyo, habang nakataas ang noo",
"Walang hanggang pasasalamat, ang ibibigay sa inyo",
"Na nagsisilbing mga bayani, na aming tagapagturo",
"Sa huli man na bahagi, nawa ay magustuhan",
"Aking simpleng tula, sa inyo ay parang liham",
"Nawa ay akin pang masilayan, ang iyong pagtanda",
"At makasamang muli, mayakap at makita"
]
},
{
"title": "Rodina (Part II)",
"content": [
"Marahil ang ilan, sasabihan na mapalad",
"Sapagkat nakamit ko, ang kanilang nmhinahangad",
"Bagay na naranasan, saglit man siyang huwad",
"Sa kasuotan kong kay linis, puro dungis pag hubad",
"Sikat nitong hari, tanglaw ko sa umaga",
"Mga pahirap sa 'king buhay, kailan ba mawawala",
"Ni tanong na kamusta, sa sarili ay di magawa",
"Paano ba sasagutin, kung ang sagot ay hindi makita",
"Isa man sa rason ko, itong ganitong pangyayari",
"Sa isang angkan, na hindi ko mawari",
"Mga bagay ba na dapat ikagalit, dapat mandamay ng iba?",
"O sa mahinahon na bagay, atin itong ipakita",
"Sila itong magagalit, sa simpleng bagay sa mundo",
"Lahat na lang ay napansin, hinahanapan ng gulo",
"Ito ba, ang syang pinapangarap nyo?",
"Kailan ba, babalik ang dating tayo?",
"Rodina, rodina, rodina kong mahal",
"Nasaan na yung dati nating pagmamahal",
"Nasaan na yung dating maligaya",
"Nalamon na ba nitong huwad na sistema?",
"Marahil mapalad, dahil sa buong pamilya",
"Sa ngiti, maging sa aktibo kong pinapakita",
"Mas nanaisin ko na humanap ng kalinga",
"Kaysa sa umaga pa lamang, maririnig ko ay puro bunganga",
"Ganito na ba talaga, ang aking kapalaran?",
"Mamumuhay mag-isa, kapalit ng masasabing kalayaan?",
"Na ang ligaya, ay tanging pakikipag-usap sa iba?",
"Na batid kong kahit kaila'y, ito ay pansamantala",
"Sabihin wari, nitong mga tao",
"Madali bang labanan, emosyong punong puno",
"Madali bang labanan, itong nararanasan ko",
"Na tanging gusto nila, ay away at gulo"
]
},
{
"title": "Galit",
"content": [
"Madadaanan, mararanasan, mamamasid muli",
"Mga galit sa dibdib, na puno ng pighati",
"Mga nais na kalimutang, muling ibinalik",
"Kapalit ng mga bagay, mapapait nitong mga halik",
"Pasimula pa ay sabik, matapos ay sawa",
"Bagay na ayaw balikan, iniiwasan at ayaw makita",
"Maalala ng nakaraang, pilit man nating takasan",
"Na pa sa hanggang ngayon, pilit sa atin nakikipagbalikan",
"Isa, dalawa, tat- ngunit aking pinutol",
"Tama na ang dalawang beses, na ako ay hahagulhol",
"Tama na ang dalawang beses, na ako ay luluhod",
"Sasabihing pagkakamali, ay tinatanggap kong malugod",
"Lumipas man ang panahon, at ako ay makakalimutan",
"Kasama ko ang pait, sa tuluyan kong paglisan",
"Pagkatandaan nyo lamang, itong aking ngalan",
"Na sa inyo ay umunawa, at pinakikisamahan",
"Sa aking paglaho, nawa ay magkasundo",
"Iwasan na ang away, na sa galit tutungo",
"Intindihan lang ay syang sapat, upang tayi ay matuto",
"At ang galit natin, sa katawan ay ilayo",
"Hindi lang sya, hindi lang kayo",
"Hindi lang ako, itong nakaranas ng epekto",
"Hindi lang itong pamilyang magulo, kundi pati ibang tao",
"Ibang taong nauumildi, sa ingay at away na ito",
"Magbago tayo, hangga't may oras pa",
"Ating bigyang daan, ang liwanag sa pamilya",
"Ang bagay na ating tahakin, patungo sa tama",
"Ang ating hangaring, mapabuti na",
"Sa ngayon, ako ay lilisan na",
"Salamat muli, kung iyo mang nagawa",
"Aking paki-usap, nawa ay makinig ka",
"At makinig, nawa din sya"
]
},
{
"title": "InaMin (Ina Namin)",
"content": [
"Ilan man ay mayroon, at ilan ay wala",
"Ilan pa ay kapiling, at iba ay ulila",
"Sa isang bahagi ng tahanang, tinatratong dakila",
"Isang gabay ay kamay, ilaw patungo sa tama",
"Sa marami man, ay hindi matatanggi",
"Sa kanya ay mas lumalapit, sa panahon ng pighati",
"Dalamhati at kasawian, at sa panahon ng pag ngiti",
"Kasiyahang nararanasang, sa kahapong mumunti",
"Ilang liham pasasalamat, ang alay sa kanya",
"Bilang isang dakila, mula nang ako ay bata pa",
"Bilang unang kaibigan, at aking kasama",
"Hindi lamang sa hirap, kundi maging sa saya at ligaya",
"Panahong aakyat, sa entablado",
"Una syang papalakpak, isisigaw ang ngalan ko",
"Panahong wala ang ama, ay sya ang sandalan ko",
"Sasabihan ng problema, kapag nalulungkot ako",
"Sa iniwan ay isa, itong kapighatian",
"Ang iba ay nakita, ang iba ay di namalayan",
"Ang iba ay nahagkan, ang iba ay tanging sa larawan",
"Ang iba ay kayakap, at iba ay iniiyakan",
"Marahil man ay mapalad, kung sya pa ay kapiling",
"Mayayakap pa, at mahahagkan pa natin",
"Hangga't may panahon, sa kanya ay ipakita",
"Pagmamahal na dapat, at mararanasan nila",
"Hindi basehan ang suhol, na sa kanya ay i-aabot",
"Sapat na ang lumago, na parang isang lumot",
"Mahirap man ang buhay, pangarap mo ay maabot",
"At sa panahong nakamit nya, ang diploma ay sa kanya i-abot"
]
},
{
"title": "Tanaw",
"content": [
"Parang kailan lang, mula ng ako ay mapabilang",
"Samahan na kailanman, di ko maramdamang kanilang",
"Ako sapagkat, isang mahinang nilalang",
"Sa gawain kong tila, gawaing pangbatugan",
"Isang di hamak na hampas-lupa, at walang natutunan",
"Nagkaisip subalit, wala kahit isang pinagkatandaan",
"Sa makitid ba namiskinita, akin na bang masisilayan",
"Mga kagaguhang taglay, ng bawat nilalang",
"Dumating na ang panahon, at ako ay magpapasalamat",
"Kahit sa maikling panahon, ako ay nahihikayat",
"Mga kwento ng buhay nyo, na ang aki'y di sapat",
"Ihalintulad ng sayo, ay wala pa sa kalahati ng lahat",
"Paumanhin subalit, ako ay nanghihina",
"Nakakabobo naman kasi, kung sa umaga'y may bunganga",
"Magmura ba ay masama, ika ng mga kupal na matatanda",
"Sunalit pasimuno, kapag nagagalit sa mga bata",
"Isang beses ay hinamon, ano ba waring kahulugan",
"Nitong binibigkas, ng bungangang walang alam",
"Tama ba o hindi, ito ba ang dapat malaman",
"O kung ano ba ang nakikita, sa aking sinasabihan",
"Ang lutong, talaga, nitong putang ina",
"Ni di nga nya maibigay, kahulugan ng salita",
"Nakakaangas ba ng dating, kung ipagpapalandakan pa?",
"Pumunta ka sa kanya, sahihing sa impyerno ipadala",
"Malakas ka na ba, sa datingang gangsta?",
"Naka leathet jacket na itim, at ulo'y may panyong pula?",
"Albularyo ka ba? o astang Robin Padilla?",
"Kung maglakad ay parang penguin, paika ika",
"Marahil ay malayo pa, na ikaw ay lilisan",
"Pwede pang magbago, tanggalin ang kayabangan",
"Buuin ang sarili, itiklop ang tuhod sa kanya",
"Humingi ng tawad, sa bawat pagkakasala"
]
},
{
"title": "Me as being I am",
"content": [
"In the middle of the crowd, I still feel alone",
"Their faces aren't mad, but I still confused all along",
"Seing those poor faces, are this is where I belong",
"Just like to separate, and live on my own",
"I was happy, to see you smile",
"It's just like a pleasure, for me to won't you cry",
"For all the things I can give, to be with you",
"As for you won't feel just like, an island or solo",
"With that face, is my own representation of success",
"For how you speak politely, with someone hapily",
"That's me, never gonna change",
"That's me, always by your side",
"I assign myself, to talk with you all the time",
"Checking if still alive, while busy or when your done",
"Looking for help, to me or anyone?",
"Doesn't really care, if you abuse me anytime",
"That's my mission, to help you to grow",
"I'm so happy, those finish product you've show",
"Never give up, those dreams where you go",
"I'll help you, all I can do",
"For God give me life, as he changed everything",
"I'm here now, coming from a nothing",
"Still be with him, before the time I'm coming",
"And be his vessel, now and then",
"Never get guilt, cause it's my decision",
"I give what he give, as part of appreciation",
"Listen to those voices, seeking for help and attention",
"A thing I want you to do, instead of giving me a creditation",
"Never involve me in any good, instead in bad deeds",
"For those who out of way, I can still retrieve",
"For the right path, I can still relocate",
"For them to see goodness, my God do the rest"
]
},
{
"title": "Sana all (Part II)",
"content": [
"Mapanakit, malupit, masakit kung iisipin",
"Walang katinuan, puro paninira ang nangyayari sa atin",
"Paanong pagkakaisa ang magaganap, kung sa kanila nagsisimula",
"Sigalot at gulo, paano maayos kung tayo tayo ay watak watak di ba",
"Sana all, sana all, nagkakaisa",
"Kapit-bisig sa tuwing, may isang inaalipusta",
"Magiging sangga, sa panahong may nanghihina",
"Magiging saklay sa tuwing, tuhod ay nanghihina",
"Sisigaw sa tuwing, may hindi makapagsalita",
"Magsisilbing boses, sa bawat nahihirapang nilalang",
"Hindi magsisilbing tinig, para mang-alipusta ng iba",
"At mga mayayaman pa, ang poprotektahan nila",
"Mga tinig na paos, kailan maririnig",
"Uunahin ang pansarili, kaysa sa panlahat",
"Buhay nilang maalat, ulam ay pawis sa balat",
"Puro nasa lungsod ang nakikita, at pilit pinapaunlad",
"Sana all, sana all, nakikita nyong lahat",
"Dahilan sa sigalot ninyo, mga paa ay kalat",
"Sa problema ninyong, nadadamay ang lahat",
"Na sa halip na tulungan, puro dungis ng puti ang napapansin sa balat",
"Bakit pa kasi may grupo, kung pwede namang isa",
"Bakit pa kasi ganitong, hindi na lang magkaisa",
"Dahil ba sa ayaw nyo, ang agenda ng isa?",
"O marahil ayaw nyo, lang ang isa't isa",
"Hindi kayo ang nahihirapan, kundi ang masasakupan",
"Hindi isantabi ang galit, at gawi'y makipagtulungan",
"Paano maisasakatuparan, ang hangad na pag-unlad",
"Kung puro dungis ang inyong nilalahad",
"Sa nalalapit na kampanya, lalabas muli ang mga huwad",
"Kakamay sa inyo, para sa suportang hinahangad",
"Eleksyon nga daw ang sagot, upang Covid ay mapuksa",
"At lahat ay unti unting nagbubukas, ang Covid ay humuhupa"
]
},
{
"title": "Hangganan",
"content": [
"Nalalapit na pagkikitang, tila ba ay naudlot",
"Bagay na may panghihinayang, na kamay mo'y maabot",
"Na kung mahahawakan man, marahil ay malambot",
"Sa pagkakataong pinagkait, na naising masambot",
"Bawat ngiti mong kay tamis, nakakapawi ng hinagpis",
"Hanggang sa wakas ng araw, nakatitig lang ang nais",
"Sa iisang ikaw, ako na puro hinagpis",
"Ang mayakap ka, at mahagkan n kay tamis",
"Subalit ganito, nawa ay ipagpaumanhin",
"Batid ko man na kaibigang, sa aki'y maituturing",
"Nakahanda pa rin, sa iyo ay aabang",
"Sandalan mo, masaktan ka man kung sakali lang",
"Subalit, bakit nga ba, hindi tayo gusto",
"Mga taong nais makasama, hanggang sa lumipas ang litrato",
"Na para bang may kalayuan, kahit magkalapit kayo",
"Na laging imposible, na maging kayo",
"Hawak kamay nating susuungin, ang agos na malakas",
"Pagsubok na tatatag, mula ngayon hanggang wakas",
"Kaibigan na matalik, o ka-ibigang ninanais",
"Na sa bawat oras, sa mata nakatago ang pagtangis",
"Ikaw na ako, na hanggang pinagtagpo",
"Tubig at langis, na impisibleng magkahalo",
"Iniingatang samahan, damdamin ay tinatago",
"Pag-uunawaan man, ay hindi na magiging malabo",
"Nilalakbay ang yungib, na walang kasiguraduhan",
"Kung magiging kasama ka pa, kung magiging kayo man",
"Tatanda subalit, mananatiling magkaibigan?",
"Na maging tadhana man, ako ay pinaglalaruan",
"Subalit gayon pa man, aking kinasasaya",
"Mananatiling maghihintay, na muli kang makasama",
"Mayakap ka, bilang kaibigan noon pa",
"Sabihan ng mga ala-ala, mula noon pa"
]
},
{
"title": "Anak (Part 2)",
"content": [
"Masilayan at makita, natanawang hiwaga",
"Naising malapitan, kausaping ikatuwa",
"Sa iyo na yata nasilayan, bagay nitong pambihira",
"Nakatitig lamang, sa nagmamaka-awa mong mga mata",
"Segundong lumilipas, subalit nakatitig",
"Sa ingay ng paligid, konti man ay walang naririnig",
"Naising lamang kung papalarin, ang maganda mong tinig",
"Habang simasambit, ng iyong mumunting bibig",
"Subalit papaano, ika'y napakalayo",
"Tanging sa larawan, nasa loob ng kalpi ko",
"Na minsa'y masisilayan, ngiti mong totoo",
"Nakakaiyak pagmasdan, nalapawi ang pagod ko",
"Ikaw ay yayakapin, oras na ika'y masilayan",
"Hihingi ng litrato, kasama kang nasisiyahan",
"Upang sa muling paglayo, ay may ala-alang titingnan",
"Kung sakali mang hirap ay, aking babalik balikan",
"Sayang nadarama, ngayon ay nalalapit",
"Sa iyong piling, makayakap ka ulit",
"Subalit tila ba, isa akong hamak",
"Na sa tabi mo, ay pilit mong itinutulak",
"Parang hindi kilalang, paanong hahawakan",
"Kung sa aking bisig, nagpupumiglas ka lamang",
"Sariling dugo't laman, pilit pinagtatabuyan",
"Na pilit iahon, at hirap ay hindi maranasan",
"Isa itong pangarap, na sa aki'y natupad",
"Isang anghel sa 'king buhay, patuloy na umuunlad",
"Subalit paano ba, ipauunawang pilit",
"Sa kinabukasan nya'y, makapiling ang pinagpalit",
"At ngayon ay ikaw, nawa'y matanggap mong muli",
"Ang aking kamay, at ang sa iyo ay magdampi",
"Kalungkutan at pangungulila, at lubusang mapapawi",
"Na lahit huling yugto, may alaala pag-uwi"
]
},
{
"title": "Sa tingin",
"content": [
"Matibay at walang lamat, kung ako ma'y masilayan",
"Sa aking paninirahan, sa tahanang walang laman",
"Subalit puno ng iilang, mahirap pakisamahan",
"Na ayaw sa isa't isa, at hindi makaunawa",
"Masaya man kung ituring, waring pamilyang nabuo",
"Kasamang kung minsa'y, nakakaumay na totoo",
"Naisin mang lumisan, subalit ayaw ko",
"Sa iisang taong, pinapahalagahan ko",
"Ako ba ay mapalad, sa kadahilanang buo?",
"O ako ba'y sawimpalad, na kami pa ay nabuo?",
"Ako ba ay masayang tunay, kung kasama ko kayo?",
"O ako ba ay malungkoy, sa tuwing kausap nyo?",
"Malihim ang lahat, ay ayaw mag salaysay",
"Maging kapatid at iba pang, marahil ay nakakaumay",
"Sa larangan ng paglikha na lang, aking ibinibigay",
"Marahil ay pagbigyan, gamit ng aking mga kamay",
"Minsan pa'y napapaisip, paano kaya kung ganito",
"Na hindi ko makapiling, ang pinakamamahal ko",
"Mararanasan ko pa kaya, ang buhay na magulo?",
"O mararanasan ang lumbay, na dinulot nito?",
"Kung mas nanaisin pa, sa internet maghahagilap",
"Kapatid na birtual, kahit minsa'y makakausap",
"Pagkabalisang, aking hinahanap",
"Kasama man sila, ay parang wala sa aking harap",
"Ito nga marahil ang mundo, imposibleng magkatotoo",
"Mga bagay na nais, sa iba ibabato",
"Ang sising sa kanya'y, biglang ibabawi",
"Iisiping bagay, sa loob ay magpapatindi",
"Salamat sapagkat, kayo ay nakasama ko",
"Sa ilang buwan na pananatili, sa taong hindi ako",
"Salamat sa lahat, sapagkat nanjan kayo",
"Salamat sapagkat, naranasan kong muling mabuo"
]
},
{
"title": "Ilaw ng aming tahanan",
"content": [
"Sa panahon natin, para syang meralco",
"Nagbibigay liwanag, sa bawat madilim na mundo",
"Sandigan sa hirap, at panahong gulong gulo",
"Kaibigang maituturing, magbago man itong mundo",
"Salamat ay salitang, para sa iyo ay kulang",
"Kahit isang libong halik, sa pisngi ay kulang",
"Sa gabay ay pagmamahal, na hindi man kinakalawang",
"Bagkus ay tumitibay, tumatatag na lamang",
"Kabiruan minsan, ay mas lalong napapalapit pa",
"Hayaang kaarawan mo'y, bigyan ka ng tulang kulang pa",
"Salitang mahal kita, namin man ay hindi natatanggap pa",
"Nahihiya dahil, kami ay pasaway pa",
"Kasama ng haligi, kayo itong tumataguyod",
"Sa araw-araw niyong, trabaho'y pagod",
"Sa bawat pasaway, malingas ka pa rin",
"'Di napupundi, itong ilaw namin",
"Kami man ay pasaway, minsan pa'y matataray",
"Pasensya mo sa amin, ay walang kapantay",
"Ganyan ka, ikaw bilang nanay",
"Mama, ina, kaibigang tunay",
"Kaunti pa kung tutuusin, kumpara sa hirap",
"Dinaranas nyo man na hirap, may kapalit din yang sarap",
"Nandito kaming nag-aaral, patuloy na nagsisikap",
"Matupad lang namin, ang sa ami'y inyong pangarap",
"Sa iyong kaarawan, munti lang itong handog",
"Akda na nilikha, pasasalamat kong lubos",
"Naedad man, at nawawalang alindog",
"Ikaw pa rin ang inang, pasasalamatan ko ng lubos",
"Wag kang malulumbay, kahit ikaw ay tumanda",
"Ikaw pa rin yan, nag-iisa naming mama",
"Kasama at kasangga, sa hirap at ginhawa",
"Ilaw ng aming tahanan, liwanag na nagpapaginhawa"
]
},
{
"title": "Ako?",
"content": [
"Mga bagay sa mundo, ay di batid talaga",
"Magulong pangyayaring, pahiwatig at hiwaga",
"Tao man, o yaring tadahanang gumawa",
"Bagay na may ilang, hindi makakaya",
"Sa aking pagmumuni muni, na minsa'y nakakaumay",
"Sa bawar salitang, pawang aksaya ng laway",
"Ito ako, handang makipag-away",
"Hawak ang kamay, at sabay maglalakbay",
"Madamot bang maituturing, kung aking nanaisin",
"Sa aking paghihirap, ni isa ay walang papansin",
"Bawat paos na boses, ay isisigaw pa rin",
"Na ang naranasang hirap, sa inyo'y palalampasin",
"Kung pansin man, nawa ay huwag ipabatid",
"Nais maging matatag, ng nakababata nyong kapatid",
"Lakas ng loob, ang puhunang ihahatid",
"Na sa inyo nanaising, ako ang maghahatid",
"Sa ngalan kong dala-dala, na nais patunayan",
"Hayaan nyong ako lang, at kayo ay pasalamatan",
"Na kung tutuusi'y, kulang na kulang",
"Na sa inyong binigay, kumpara ng sa akin lamang",
"Hayaan itong likha, nawa ay mabasa",
"Hindi lang ng iisa, kundi ng tinuring na pamilya",
"Waring hindi pa batid, ng ilan, san ba nagmula",
"Na may isa ring tao, dahilan kaya nagawa",
"Damayan ko kayo, sa tuwing may problema",
"Pagaanin ang kalooban nyo, habang pumapatak ang luha",
"Samahan ko kayo, hindi bilang ako",
"Samahan ko kayo, bilang kapatid nyo",
"Sa gabing ito, nais kong magpasalamat",
"Gayon din, ang humingi ng tawad",
"Pawang nasa harapan mo, nakatayo at nakangiti",
"Na papalayo, nakaway at pa-uwi"
]
},
{
"title": "Aking Ama",
"content": [
"Pagod ka nanaman, sa araw ng kaarawan",
"Imbes na pahinga, naghahanap buhay ka nanaman",
"Kapakanan namin, nais mong makaman",
"Guminhawa itong buhay, sumakit man ang katawan",
"Kahit ilang beses pa, ako pa rin ay lilikha",
"Suporta mo sa amin, ay patuloy nadarama",
"Galit ka man lagi, ay amin kang inuunawa",
"Tulad sa kung paano mo kami, inalagaan noong bata",
"Walang hihigit, sa pagmamahal ng ina",
"Subalit walang hihigit, sa pagod ng ama",
"Kasangga at sandalan, sa panahon ng may problema",
"Kaarawan mo, bakit ako ako nagdadrama",
"Limampu't isang taon ka na, at patuloy na matatag",
"Bawat pawis na napatak, sa ngiti mo ay nagpapanggap",
"Bawat gawa mong laruan, na aming hawak hawak",
"Gawa ng iyong talentadong kamay, na ako ay pumapalakpak",
"Ganyan ka man pa, mahal kita",
"Kahit laging galit, mahal kita",
"Ikaw yan e, hindi mag-iiba",
"Baligtarin ko man ang mundo, ama pa rin kita",
"Mahal kita, maaaring higit sa iyong inaakala",
"Hindi mo man nadarama, o di kaya ay nakikita",
"Ang pagbabago mo ay nais, nais kong makuha",
"Wag kang magtatampo, kung sa iyo ay nagtatampong bigla",
"Taas noo ako, at pinagmamalaki ka",
"Nang dahil sa iyo, nagkaroon ako ng magaling na ama",
"Magaling na talentong, kaya kong ipagmalaki sa iba",
"Magaling at mapagmahal na ama, na sa ami'y ipinapakita",
"Huling yugto na, nitong aking likha",
"Nawa ay nagustuhan, kahit di mo man makita",
"Masaya ako, dahil nasa tabi kita",
"Namin, na iyong pamilya"
]
},
{
"title": "Paalam (Ikaw at Ako)",
"content": [
"Nanjan ka pala, hindi ko napansin",
"Kahit wala ka, nasa tabi ka pa rin",
"Salamat sa ginawa mo, na ako'y palayain",
"Ang tulad mo, nawa ay pagpalain",
"Kapalarang akala'y tulay, ay syang naging hadlang",
"Sa akala kong tuwid, at makitid na daan",
"Ikaw ang isa, sa aking natagpuan",
"Na akala'y kasama, hanggang sa magkauban",
"Paumanhin sa akalang, ito ay tatagal",
"Pansamantalang di batid, pilit pang sinugal",
"Higapos sa hangin, na tuluyang nagkukulang",
"Ako at ikaw, hanggang dulo ay lumalaban",
"Hawak natin ang kamay, ng bawat isa",
"Sabay na bibilang, sampo hanggang isa",
"Ikaw na lumuluha, ay parang hindi ko na kaya",
"At ang init ng bisig mo, sa aki'y nagpapakalma",
"Larawan na lang, sa atin nagbubuklod",
"Subalit ang panahon, tayo'y pilit pinagbubukod",
"Subalit pinipilit ko pa rin, na ikaw ay yakapin",
"Kahit sa panahong parang hindi kaya, subalit ikaw pa rin",
"Ito na ako, ito na ako",
"Ngingiti sa iyo, habang papalayo",
"Huwag nawa malungkot, dahil naluluha rin ako",
"Ganito pala kasakit, ang sa iyo ay malayo",
"Ako at ikaw, ay parehas naging tapat",
"Ako ay ibinalik mo, sa landas na dapat",
"Ikaw ang gumawa ng paraan, kaya sa iyo ay salamat",
"At nawa, aking kahilinga'y lagi kang mag-iingat",
"Ngumiti ka, at ngingiti rin ako",
"Ilalapat ang mga labi, habang papikit ang mga mata ko",
"Tawag na nya ako, at patuloy naglalaho",
"Pakatandaang, palagi akong nasa tabi mo"
]
},
{
"title": "Halal",
"content": [
"Daming mong sinasabi. na sya ang magaling",
"Siya ang may nagawa, may talino at galing",
"Sa tinubuang lupa man magmula, ay huwag nating ibaling",
"Ang galit at panlalait, paninirang gawain",
"Ito ang naman ang akin, at iyan naman ang sa iyo",
"Walang siraan sa tao, nang dahil lamang sa pulitiko",
"Ating pakatandaan, lagyan natin ng respeto",
"Kung hindi man magkaparehas, ay huwag mong sasabihang bobo",
"Napatunayan mo man o hindi, o maging ako man ang gumawa",
"Sa bawat katagang bibigkasin, ikaw ba ay siyang maniniwala?",
"Hindi sapat ang talino, kung ang lider na makukuha",
"Ay tuso, at walang awa sa kaniyang kapwa",
"Lahat tayo'y gising na, at mulat sa katotohanan",
"Mga batang bati bati na, matapos ang malaki nilang alitan",
"Bakit hindi natin gawin, kung iyon ang tinuro natin sa kanila",
"Tayo pang mas nakakatanda, ang mas gumagawa ng masama",
"Sa darating na halalan, iyong pakatandaan",
"Walang mali sa gagawin mo, dahil ikaw ay pumili lamang",
"Maging ako ay gayon din, kaya sana ay iwasan",
"Itong pag-aaway away, na sila lamang ang makikinabang",
"Huwag magsisihan, dahil naganap na",
"Huwag tayong magkalaiti sa galit, lalo nansa ating kapwa",
"Lahat tayo ay tao, natutukso sa mga salita",
"Kung ikaw ang nasa posisyon nya, hindi ba't masasaktan ka",
"Kung ikaw man ay ibang kulay panig, iyong aalalahanin",
"Ang pagkakaisa, ang nararapat nating pairalin",
"Kung ano ang makakabuting sa tingin, syang ihahalal natin",
"Para sa kinabukasan, ng bawat isa sa atin",
"Tayo ay iisang lahi, na dapat magbuklod",
"Iwasang magwatak watak, para sa ating ikalulugod",
"Sa ganitong mga bagay, dapat maging tapat tayo",
"Para sa kinabukasan, ng bawat mamamayang Pilipino"
]
},
{
"title": "'DI Sinadya",
"content": [
"Nasaktan ka, nasaktan din ako",
"Bawat gabing nanjan ka palagi sa tabi ko",
"Tanging ala-ala ang syang, napapapatak ng luha ko",
"Tanging ala-alang hinangad, ko ay mapasayo",
"Walang may mali, at walang masama",
"Walang may batid, nagkulang bang talaga",
"Walang may nais, sadyang dito na lang talaga",
"Minsan ay masakit, sa aki'y nawala ka",
"Hindi ka naman naglaho, dahil nandito ka pa",
"Ikaw pa rin ang gusto, sa bawat araw na biyaya",
"Bawat panahong kasama ka pa, ay aking ligaya",
"Na parang malabo, sa ating mangyari pa",
"Siguro ay panahon nga, panahon nating dalawa",
"Panahong pagpahingahin, puso nating dalawa",
"Nandito ako, at nandiyan ka",
"Labis pang masasaktan, kung ipipilit pa",
"Masaya pa rin ako, subalit sana'y alagaan",
"Katulad ng dating, hindi kita pinabayaan",
"Dating masasaya, noong isa't isa'y kailangan",
"Mahirap pa ring bumangon, sa bawat kong kinabukasan",
"Hihintayin pa rin ang panahon, kung pagbibigyan man",
"Na ang ikaw at ako, ay muling magkabalikan",
"Ngiti sa isa't isa, sa labi ay muling masilayan",
"At yakap na mahipit, na parang walang darating na kinabukasan",
"Marahil nga'y hindi pa handa, ang bawat isa sa atin",
"Para lang bang pinilit, ang ika'y aking mahalin?",
"O hinayaang ang panahon, na tayong dalawa'y paglapitin",
"Na ang nangyaring, sakit ang sasapitin",
"Hindi ko naman sinasadya, at batid kong maging ikaw",
"Para lang isang bumbilyang, nauubusan na ng ilaw",
"Maghilom man ang sugat, ikaw pa rin ang nais ko",
"Hindi pa rin madali, dahil ikaw ang gusto"
]
},
{
"title": "Kaarawan",
"content": [
"Sapat na bang maging basehan, ang tagal ng paninirahan?",
"Sa mundong ibabaw, lamang ang nanggugulang",
"Masasabi bang mas may karunungan, kung edad lang ang pagbabasehan",
"O masasabing mas may karanasan, dahil sa taglay na karunungan",
"Ito nanaman at nalalapit, isang taon sa aki'y lalapit",
"Ayaw ko mang dumating subalit, oras ang nagsasambit",
"Masasabi bang ako ay kaawa awa, kung ako ay ganitong nilalang",
"Walang alam kundi, magpasarap lamang",
"Binuhay tayo para, ating namnamin ang buhay",
"Hindi tayo binuhay, para magpakahirap lamang",
"Pagsubok ay tarating, upang tayo ay subukan",
"Ang baduy lang isipin, kung dito umiikot lamang",
"Ilang araw na lang, at darating nang muli",
"Araw na kahit kaila'y nais kong di maulit",
"Numerong senyales sa aking, dapat na bang magmadali",
"Numerong sa una'y, noong bata nakakapagpangiti",
"Sumasalamin sa mukhang, tila ba'y tumatanda",
"Masasabi bang mapalad, ang kaedad kong mas mukhang bata?",
"Oras sa mundo, ay unti unti nang nauubos",
"Sa puting hibla ng buhok, na sumisibol na halos",
"Sa araw na darating, na sana'y walang makabatid",
"Araw na kung maaari'y, lalaktawan ko na lang",
"Araw na ako'y, binigyang hininga",
"Araw na paalalang, ako'y isinilang na",
"Mabilis nga ang taon, at ako ay tatandang muli",
"Parang kailan lang, sa lansangan ako'y umuuli",
"Sa madungis na mukha, nakapinta ang napakagandang ngiti",
"Problemang ay balewala, himingi ng tawad ay simple",
"Nais ko sa araw man na darating, ako'y bumalik",
"Kahit sa panaginip manlamang, ay maranasan kong muli",
"Malipaglaro sa kaibigan, matalik man o hindi",
"Kahit batid kong, hindi na mangyayari ulit."
]
},
{
"title": "ROC (Rex Orange County)",
"content": [
"Pansin sa matang, tila'y may dinaramdam",
"Pilit mang itago, kalungkutang nararanasan",
"Kahit ang labi mo'y nakangiti, ay di pa rin maiiwasan",
"Ayos man ang iyong sagot, batid kong hindi naman",
"Bukang liwayway pa lamang, at naghahanda na",
"Ang araw ay darating, ano mang oras pa",
"Hanging kay lamig, habang nag-iisa",
"Yakap ang unang puti, sa higaang ako lang mag-isa",
"Araw ay sumisilip, at nagsisimula ka nang mamukadkad",
"Tila ba'y isang bituing, hinahangad ng lahat",
"Mula sa dilim, ng kahapong hirap",
"Ngiti ngayon ang tangan, hanggang sana'y sa hinaharap",
"Hindi mo man sabihin, na may lumbay pa",
"Maglihim ka man sa iba, sa sarili'y malabo pa",
"Masaya bang talaga? ang maging mapag-isa?",
"Masaya bang talaga, na sa iyo ay walang makakaunawa?",
"Mula sa planetang malayo, tila'y tinakwil ng lahat",
"Maliit at parang, sa araw ay huwag ipanglalapat",
"Lamig sa tayong, nag-iisa sa buong pangkat",
"Walang nadamay, walang kasabwat",
"Tila nga ay malayo, ang araw at ang ako",
"Parang isang tagahangang, nais makalapit sa iniidulo",
"Milyong tao, ang pilit na umiinsulto",
"Sa itsura nilang magarbo, laban sa ako na pulubing humahanga sa'yo",
"Masakit mang isipin, tanggapin ang katotohanan",
"Haharapin ang bukas, na ako lamang",
"Nais mang maging magaling, subalit wala lang",
"Magaling ka sa mata ng iba, subalit sa kanila ay basura lang",
"Hindi pa rin sapat, hindi pa rin sapat",
"Gawin man ang lahat, subalit sa kanila'y may katulad",
"Subalit bakit ganito, at di pa napapatunayan",
"Ang Maykapal ay kinuha silang biglaan",
"Sila man ay masaya, at ako'y nag-iisa",
"Lugmok at umiiyak, sa kadahilanang wala na",
"Huli na ba ang panahon, para bumawi pa?",
"O kahit wala na sila, ay magagawa ko pa",
"Matibay muli, matapos ang pagsubok",
"Mula bukang liwayway, hanggang takip silim",
"Sa araw na mainit, at sadyang nakakapagod",
"At pahinga na lang, sa kwarto kong dilim",
"+xi-",
"Sa panaginip ay nasilayan ka, kababata at kaibigan",
"Pilit mo mang ibahin amg sarili, mas nais kitang di ganyan",
"Simpleng itsurang, sana'y wag tanggalin",
"Dahil sa katangiang ganyan, maganda ka sa paningin",
"Hindi mo kailangang tumulad, sa masama",
"Kung nais mong sumikat, mas mainam sa tama",
"Kaysa sa nakilalang, puro sa maling gawa",
"Para tatak sa mundo, lupaing pinagmula"
]
},
{
"title": "Sana (A political related poem)",
"content": [
"Nalalapit na ang panahon, at boses ng madla ay mananaig",
"Sa panahong yaon, tiwala ng karamihan ang syang ipipilit",
"Mamumuno sa sinilangang bayan, nawa sa mabuti ka pumanig",
"At huwag ang masamang, sa iyo ay lalapit",
"Kung sa huli man ay pagkakamali, isipin na lamang natin",
"Sa pamimuno sa bayan, wag lamang gobyerno ang sisihin",
"Lahat ay may pagkukulang, lahat ay dapat sisihin",
"Kung ikaw mang makulit, ang mali mo ay sadyang nakakapuwing",
"Kung lahat ba sila ay mauupo, lahat ba sila'y magkakasundo?",
"Kulay ba ang basehan, na masasabing iisa nating dugo?",
"Respeto na dapat manaig, isinasantabi ng bawat tao",
"Para makipag-away, at sabihing mas nararapat ang isang tao",
"Kung ikaw man ay isa, sa naghalal ng isang pulitiko",
"Maliit ang pag-asang, kilala ka nito",
"Hindi masamang ipaglaban, ang iyong iboboto",
"Basta huwag na lamang manira, para wala na ding gulo",
"Nawa sa araw, na ikaw ay maluluklok",
"Ikaw na pilitikong, nangako na tututok",
"Iyong patunayang, di sayang, itong aming bawat boto",
"Dahil ang hangad namin, ay buhay na angat at totoo",
"Wala sa diploma, o sa galing ng mloamamahala",
"Ito ay nasa gilas, liksi ng kanilang paggawa",
"Nasa talino, at katapatang mamahala",
"At aagapay, hindi magpapabaya",
"Huwag haluang pangrelihiyon, ang pulitikang dumihin",
"Kayo mang dapat gumabay, marapat na batid nyo din",
"Hindi dapat mangendorso, habang kayo ay sasabihin",
"Na habang nagmimisa, sa harapan namin",
"Kaya ba masasabi ko na lang, na ang dalawang relihiyon",
"Ay syang pawang nag gigyera, sa panahon natin ngayon",
"Dahil ang isa ay rosas, at ang kabila ay pula",
"Na parang hanggang wakas ng buhay, malayong magkasundo pa."
]
},
{
"title": "Ina",
"content": [
"Pangarap na bumalik, sa aking nakaraan",
"Panahong nayayakap, ang aking pinagmulan",
"Masasabing ako'y, kanyang dugo't laman",
"At walang humpay na siyang, ako'y ginagabayan",
"Bisig nyang kay init, iyong mararamdaman",
"Pagmamahal na tunay, sa babaeng naglaan",
"Sa iyo ng panahon, hubugin at bigyang kaalaman",
"Karunungan na syang, iyong mapapatunayan",
"Kulang ang salitang salamat, dahil sa iyong sakripisyo",
"Sa bawat pagod at gawa, na aking napagtatanto",
"Patunay ngang mahal, dahil inaalalay mo",
"Ikaw ang liwanag, daig mo pa ang meralco",
"Kung isa ka, sa anak na di tunay",
"Ikaw ay huwag magtampo, sa iyong natatanging nanay",
"Niluwal ka nya sa mundo, kahit ipinamigay",
"At may bagong magulang kang, sa'yo ay gumagabay",
"Sa dilim ng landas, na iyong tinatahak",
"Napupuno man, iyak at saka halakhak",
"Sa panahong di nagkita, sa puso'y may galak",
"Galit ka man o hindi, nawa kabutihan ang sa iyo'y humatak",
"Ina, nanay, mama, mommy",
"Ermats, kung ano pang katagang, taguri ng labi",
"Ikaw ay nag iisa, sa aki'y natatangi",
"At sa araw nyo, nawa ay puno ng ngiti",
"Hindi lang sa araw na ito, kundi sa bawat oras",
"Ikaw ang kasama, larawan natin ma'y kumupas",
"Walang araw, ang sa ami'y lalampas",
"Panahong lilipas, mahal ka pa rin noon, ngayon at bukas",
"Sa ina ko, lola at mga ina nyo",
"Hindi lang sa araw na ito, dapat ipakita ang pagmamahal nyo",
"Kundi sa araw araw, na sila ay kasama natin",
"Pahalagahang sila pa ay nasa tabi natin"
]
},
{
"title": "Ala-ala",
"content": [
"Siyam na taon na rin, nang huli kang masilayan",
"Tangan ang tungkod mong, dati kong kinatatakutan",
"Ikaw ang nagturo, sa buhay dapat may tapang",
"Lakas ng loob, na hanggang kamataya'y mapapakinabangan",
"Larawan mong nakatago, sa kalpi ay nag iisa",
"Subalit sa puso't isip, hinding hindi ka mawawala",
"May galit man sa puso, nais na bumalik ka",
"Maghirap mang lubos, mahalaga kasama ka",
"Madaming nagbago, sa loob ng syam na taon",
"Pagbabagong, hindi aasahan mula noon",
"Ang dating ako na iyakin, patuloy na aahon",
"Tangan ang mga aral mong, sa isip ay nalabaon",
"Iyong kamatayan, ika dalawampi't syam",
"Sa buwan ng mayo, araw na kami'y nilisan",
"Ang saya noon, kasi pahinga ka na",
"Ang paghihirap mo kapag maglalakad, maging tungkod mo na luma",
"Sinamantala ang gabing, ikaw pa ay kapiling",
"Nais kong bumalik, ako'y sa tabi mo pa rin",
"Hindi tayo maglasundo, dahil sa aming bunso",
"Na sa tuwing iiyak, kami ang pinapalo",
"Tatay, lolo kong naging makulit",
"Sana isang araw, makausap ka ulit",
"Kwentuhan tayo, kahit sa panaginip",
"At bawat sandali, aking sinusulit",
"Ang apo mong huli, na syang bagong bunso",
"Mahal ko na marahil, sa kanya ay natagpo",
"Mga ugali mo noon, sa kanya nakikita",
"Makilit at makatwiran, na madalas mali na",
"Tatay, miss ka na namin",
"Lalo na siguro si nanay, na di namin din kapiling",
"Sana'y wag mo muna, sa amin sya'y kunin",
"Pagkatandaang nawa, sa kanya ang ala ala mong nasa amin"
]
},
{
"title": "Pansamantalang Himlayan",
"content": [
"Di ko batid, kung dapat ba kong maging masaya",
"Nang ang isang araw sa buhay ko, ay bumuhay ng aking pag-asa",
"At nang araw ring yaon, au syang kaarawan ng aking kapamilya",
"Araw na ang aking sarili'y, ponagsakluban ng langit at lupa",
"Ano na ba ako ngayon, o marahil ay sino na ba ako?",
"Nang pawang maging ang aking katauha'y, di ko mawari kung anong landas itong tinutungo",
"Naising umiwas sa madla, subalit di ko magawa",
"Naisin mang mawala, subalit di ko magagawa",
"Parang masaklap na kapalaran, na sa aki'y nakikipaglaro",
"Ang dati kong naranasang, ayaw kong muling itungo",
"Subalit nawa ay matupad, at sarili'y huwag sumuko",
"Sa panahon parang binabalik lamang, ang nangyari sa kahapon ko",
"Hindi ako mabibigo, dahil kinakaya ko",
"Hindi man kasing hirap, ng dinadala nyo",
"Hindi man katulad, ng bawat nararanasan nyo",
"Hindi nyo basta, mauunawaan ang isang tulad ko",
"Ang aking dahilang, ayaw kong inyong mabatid",
"Mahal ko kasi kayo, bilang aking mga kapatid",
"Na kung maaari'y ako ang pumasan, sa inyo kapag natalapid",
"At ang humila, ng inyong malalaking lubid",
"Susubukan kong bumalik, sa panahong batid ko",
"Kapag alam kong kayang muli, ang makausap kayo",
"Nawa ni isa, ay huwag akong alalahanin",
"Na sana ni minsa'y, huwag nyo na ding isipin",
"Hindi ako ang babalik, dahil batid kong kinaya ko",
"Dahil may pagbabago, na ang karanasan ang nagpatuto",
"Dahilan upang tumindig, mula sa pagkakaupo",
"Dahilan ng hindi mawaring, kaisipan kong kay gulo",
"Sa huli mga kapatid, muli nyo akong makikita",
"Subalit nawa, wala kayo sa aking maalala",
"Lalo ng masasamang bagay, sa inyo'y aking nagawa",
"Paumanhin kung kayo ma'y, aking iniwang bigla."
]
},
{
"title": "Takot",
"content": [
"Sa isang sulok, nitong aming tahanan",
"May nilalang, kasama naming naninirahan",
"Ang anyo ay hindi batid, maging kanyang ngalan",
"Tangan ang bulong, na binabalot ng kadiliman",
"Hindi sya babae, maging hindi rin lalaki",
"Walang kasariang, inyong masasabi",
"Sa lihim ng aming tahanang, walang makakaintindi",
"Na pawang saan man magpunta, susundan nya pa rin kami",
"Hindi na nakakatuwa, dahil nangangamba ako",
"Hindi na kumpleto, ang bawat gabing pagtulog ko",
"Sabi nila, nababaliw na raw ako",
"Paanong masasabing totoo, kung ako lang ang testigo",
"Madalas nya akong tinatakot, mula pinto at kusina",
"Maging sa pagligo, nakaupo sya sa kubeta",
"Hindi na normal, parang demonyong nakikita",
"Walang mata miski mukha, kundi aninong talaga",
"Bubulong nanaman sila, at ito nanaman ako",
"Babatuhin ko sila, tamaan ma'y tumatagos dito",
"Nakakabwisit na, sabihan pang baliw ako",
"Paano na ba, may paraan pa ba para takasan ito",
"Kung anong kulay ng ulap sa gabi, sya ring kulay nya",
"Ang anyong itim, minsa'y may matang pula",
"Tangan nya ang bagay, ni kahit kaila'y di pa nakikita",
"Na anumang oras, hahatakin nya ako sa baba",
"Mag-isa ako, kahit marami kaming nasa bahay",
"Hindi na normal, itong aking pamumuhay",
"Takot ang dama, gabi man o umaga",
"Na syang pawang may galit, at poot syang nadarama",
"Walang araw na magaan, bawat umaga paggising",
"Kapamilya ko ma'y nariyan, sa aki'y nalambing",
"Naiiyak pa rin ako, sa tuwing sila'y kapiling",
"Dahil ngayon na ko hinila, nitong sinasabi kong dilim"
]
},
{
"title": "A-Ba-Ka-Da",
"content": [
"Alipin ng bagay, na dati'y nais makamit",
"Biyaya ba? itong laging ginagamit",
"Karunungan ay taglay, na pawang sa ila'y pinagkait",
"Daghang pagkakataon, na sinayang na gamit",
"Ito ang bagay, sa ati'y nakalakip",
"Gamit mo umaga, gabi maging sa panaginip",
"Halimaw madalas, lalo pa sa mapanlait",
"Labis na aangat sa lupa, at babagsak ng may sakit",
"Malabo ang mata, kung mababaw ang pang-unawa",
"Naisin mo man silang itama, lalabas na mapanlait sa kapwa",
"Oras ba ang dahilan, maging ang basehan",
"Panahon ba ang batayan, masasabing ikaw ay maalam",
"Sumasalamin ba sa kasuotan, itong ating karunungan",
"Tangan ang dungis, kahirapan ng mas maaalam",
"Walang humpay mula isilang, maging ika'y mamaalam",
"Yaring bagay na di nanaisin, kung sa iba ang 'yong hangganan"
]
},
{
"title": "Hangarin",
"content": [
"May panahon, na tila naglalaho",
"Mga bagay na kada taon, na ginagawa ko",
"Ano pa bang saysay, kung mananatili ako?",
"Ano pa bang bagay, ang nararapat na gawin ko?",
"Isang araw, ang isang ako ay darating",
"Sa oras na hinding hindi, mararamdaman at aakalain",
"Pawang kung kailangan mo ako'y, kusang dadaitin",
"Hanggang ang nais kong isagawa, ay magawa nyo na rin.",
"Ako ay lilisan, isang araw na di aasahan",
"Masayang kwentuhang, ako'y mawawala na lang",
"Ito ang bagay na nais, at ginagawa kong uulit ulitin",
"Na sa huling oras, hindi ko nais pang sulitin",
"Sa panahong parang ako'y wala na, o di na muli pang kilala",
"Ako'y babalik, at sisilipin ka",
"Kung di ka matanawan, ikalulugod ko mang talaga",
"Hindi pamamaalam, bagkus isang bagay na patunay na kaya mo na",
"Hindi ko man naranasan, maging napagdaanan",
"Daan nyong nilalakaran, hanggang paroroonan",
"Hindi nyo man ako mahaligap, nawa ay wag asahan",
"Sa aking kadahilanang, hindi na ako kailangan",
"Para akong araw, sa madilim na kalawakan",
"Sa umaga'y saksi ko, ang ginagawa nyong kalokohan",
"Bagay na di kanais nais, maging hindi dapat pang ipagmayabang",
"Maging sa takip silim, patuloy pa ring tinatanghal sa tanghalan",
"Hindi ka mag-isa, at maging ako rin",
"Hindi mo ako kasama, maging sayo rin",
"Sapat na maisagawa, itong aking hangarin",
"Makinig sa bawat bagay, kahit di lahat sa akin nanggaling",
"Para akong ibon, malayang nakakalipad",
"Parusa ang bawat bagay, kahit kaila'y di ko hangad",
"Kay sarap lasapin, buhay na hinahangad",
"Kapalit lamang ang bagay, maniwala kang sagad"
]
},
{
"title": "Saranggola",
"content": [
"Lipad na matayog, habang tinutulak ng hangin",
"Tataas kung malakas, bumababa kung mahinhin",
"Mainit sa labas, maaraw saan man tumingin",
"Waring panahon, upang muli ko syang paliparin",
"Nang masilayan ng madla, itong aking gawa",
"Marami ang namangha, marami ang natuwa",
"May tunog maging kulay, ramdam mo ang sigla",
"Ang nakakakita, tumatalon sa tuwa",
"Darating aalis, lilipas ng mabilis",
"Sa tuwid na sinulid, sa dulo'y nalihis",
"Hindi sya tuwid, maging aking ibigkis",
"Sa aking latang, kung saan ko inimpis",
"Hila doon, hila dito",
"Hila kung saan, tatayog ang saranggola ko",
"Wala mang hangin, ay aking ipipilit",
"At sa maging sa wakas, babagsak lamang ulit",
"Isang araw maulan, at muli kong sinubukan",
"Aking pinalipad, saranggolang pinaghirapan",
"Tali ay naputol, at ako'y kanyang inuwan",
"Pawang sa panahong iyo'y, di na nya ako kailangan",
"Kinabukasan nasilayan, sa sanga ng mangga",
"Doon nakasabit, nung akin syang makita",
"Hindi na kasing sigla, buhat noong huli kong nakita",
"Hindi na kaaya-aya, at butas butas na",
"Pinilit kong ayusin, takpan bawat butas",
"Aking saranggola'y, naligaw ng landas",
"Akin paring pinatunayan, nandito ako hanggang wakas",
"Kahit itong kanyang kulay, ay tuluyan nang kumupas",
"Muli ko syang pinalipad, matapos ko syang iayos",
"Muli na syang nakakalipad, nung sinubukan pagkatapos",
"Di man kaaya-aya sa ngayon'y, natutuwa pa rin akong lubos",
"Dahil ako pa rin itong sumagip, at sa kanya'y umayos"
]
},
{
"title": "Juan Tres",
"content": [
"Isang bagay, ang sa aki'y binigay",
"Dito nagsimula, at patuloy akong namuhay",
"Dati akong naligaw, subalit ibinalik sa bahay",
"Isang lugar na puno, puno ng kulay",
"Hindi ka na mag-iisa, at ito ng aking nadama",
"Bagay na akala kong, hindi ko kaya maging mag-isa",
"Pag-ibig kong hanap, nasa kanya lamang pala",
"Kakaibang saya, itong aking nadamama",
"Hindi nya ako iniwan, subalit lumayo ako",
"Subalit ibinalik nya, sa kanyang piling ang tulad ko",
"Karapat-dapat pa ba ako, na sa samahan ako?",
"Kung sya nga'y, hindi kayang samahan ng isang tulad ko",
"Kakaibang pag-ibig, higit sa araw-araw mong nadarama",
"Pag-ibig na hanggang kabilang buhay, iyong makukuha",
"Sa paniniwala mo'y, makakasama mo sya",
"Sa kanyang tahanan, makakaramdam ka ng saya",
"Sa iiwan mong iglesya, na madaling maglalaho sa lupa",
"Bagay na akala ng ilan, pawang katawa tawa",
"Bagay na animo'y, ginagawa lang kapag wala kang magawa",
"Hindi ba masakit, kapag gawin ka lang pangalawa?",
"Sa pag-ibig nya, sa ating kanyang mga nilikha",
"Sariling anak ay binigay, pantubos sa kasalanan mong mana",
"Gawaing hindi mo nanaisin, kung ikaw ang ang nasa lagay nya",
"Gawaing kahit kailan, hindi mo nanaising iba pa ang magdusa",
"Ginamit nya ang anak, tulay patungo sa kanya",
"Anak na nagkatawang tao, upang sagipin ka",
"Subalit, ano itong iyong pinili?",
"Nang dumating ang liwanag, sa dilum ka pa rin kumampi",
"Madali lang, upang ikaw ay makapiling nya",
"Maniwalang may Hesus kang, iniligtas ka",
"Kung nagkasala ma'y, huwag nang ulitin pa",
"At magpatuloy, na magpuri sa Ama"
]
},
{
"title": "Pag-ibig ng umiibig",
"content": [
"Madalas nais, minsa'y ayaw",
"Maraming parang hadlang, sa iyong maningning na ilaw",
"Sabik bawat sandaling, sa malayo'y natatanaw",
"Na pawang ngiti ng anghel, ang sa aki'y pumukaw",
"Nais kong makasama ka, subalit ayaw pa",
"Nais na makasama, subalit maiiwan ko sila",
"Parang akong iyong anak mo, ay hindi kayang lumayo",
"Batid kong nasa tabi kang lagi, subalit ako ang tupang laging tumatakbo",
"Mas matapang ka pa sa kape, kaya mo akong ipaglaban",
"Iyong pangako sa aki'y, hawak kong pang walang hanggan",
"Iba man ang rason, nang akin kang makilala",
"Subalit dahil rin sa kanila, lubos na kitang nakakasama",
"Hindi man kasing lalim, ng kanilang pananalig",
"Ang kanilang katapatan sayo'y, di ko man madaig",
"Batid kong batid mo, kung ano ang aking pag-ibig",
"Pag-ibig sa iyo, sa kung paanong dapat ay gawin ko"
]
},
{
"title": "Takip-silim (Part II)",
"content": [
"Liwanag ay unti-unting, magtatago sa sanlibutan",
"Itong paunti-unting darating, itim na kalangitan",
"Init ng paligid, paunti-unting pinalalamigan",
"At sa araw ng gawaing, oras ng kapahingahan",
"Nais kong minsang makalimot, ako ba ay nabubuhay",
"Aking nadarama ang paligid, at patuloy nakakasilay",
"Darating ang pag-asa, kasabay ng bukang liwayway",
"Na ang bawat oras, parang buhay mong iniaalay",
"Kasabay ng bawat titik, habang ito'y binibigkas",
"Nais makamit ang langit, na napakataas",
"Na isang araw man marahil, makakatikim ng ubas",
"At makakakain pang muli, ng niluluto mong bigas",
"Kailan ba tatahimik, ang ingay ng paligid",
"Mapalad bang maituturing, ang binging nagmamasid?",
"Sa ayaw ko na nais nya, at nais nya na ayaw ko",
"Na minsa'y di kanais nais, subalit para kong ginugusto",
"Ngayon ay simula, at tila nagpapatuloy",
"Ang binhing palay, nasisilayan kong sumusuloy",
"Hindi sila tuwid, subalit iba ang kanilang tukoy",
"Iba ang nais ng puso, isipa'y nag-aapoy",
"Isang araw marahil, mababatid mo ito kapatid",
"Isang araw masisilayan, ng bulag ang paligid",
"Mapalad syang matupad, pangarap nyang nakamit",
"Piping naka-iimik, maging bingi ay makarinig",
"Subalit aabot pa ba siyang, sa kakapusan ng panahon",
"Tila matapos nitong araw, ay makakamit niya iyon",
"Ang kapahingahan mo, at tila lahat ay itatapon",
"Para saan ang paghihirap mong, pinagsikapan sa isang maghapon?",
"Lulubog na ang araw, maging ang makikinang mong mga mata",
"Masisilayan ang bawat sandaling, sila ay kasama pa",
"Kung bukas man ay darating, panibagong binhi na",
"At marahil ang lahat, hindi mo na maaalala"
]
},
{
"title": "Basura",
"content": [
"Minsan napaisip, nararapat pa ba?",
"Bagay na ang sagot, hindi ko pa makita",
"Hindi ko na kilala, ako maging mga kasama",
"Sa aking pagmumuni-muni, wala akong napala",
"Puno na ako ng galit, na pawang nais kong ilabas",
"Subalit pinipilit, kimkimin sa loob ng rehas",
"Isang bagay kong ayaw, sa katawa'y maka-alpas",
"Hanggang kailan ko kaya, kayang di itakas",
"Ang sakit sa dibdib, bagay na nakikita",
"Masakit din sa akin, bastusin ka ng mas bata",
"Di hamak na walang bisa, walang galang na tuta",
"Na tanging ginagawa, ay ang bumuntot sa ina",
"Kaya ko pa kaya, bagay na itinatago",
"Hanggang kailan kaya, sarili'y pilit ilito",
"Bagay na ayaw, makita sa akin ng ibang tao",
"Bagay na tila, sarili ko na ang nagbabago",
"Hindi pa ba sapat, itong aking ginagawa?",
"Pagpapakita ng asal, na dapat ay nasa kanila",
"Para akong pinarusahan, ng langit bigla",
"Parang di ito pagsubok, kasi di ako nag iisa",
"Tanging ang kayang gawi'y, itikom anh sarili",
"Luluha ang mga mata, sa tuwing sasapit ang gabi",
"Sa higaan kong maliit, unan ay nababasa parati",
"Ar ang bawat paghagulhol, pilit di sinasabi",
"Tanga mang masasabi, ang tanong tanga ba?",
"Di hamak na mas nararapat sabihan, mga taong walang gana",
"Nilalang na sa ngayo'y, parang pakalat kalat na basura",
"Hindi na nakakatulong, nakakapurwisyo pa",
"Huling hirit na ito, nawa ay pagbigyan",
"Mga hipokritong nilalang, nawa ay inyong iwasan",
"Hindi kayo banal, kundi basura ka lang",
"Hindi ka kaaya aya sa mata, nakakasilaw ka lang"
]
},
{
"title": "Ako at ang ako",
"content": [
"Sa dinami-dami ng bawat, hakbang sa aki'y papalapit",
"Pilit kong yakaping, bagay na kapit-kapit",
"Umalis man ikaw, pinipilit kang ilapit",
"Ang akalang nasa tabi lang, nahihirapan nang subalit",
"Kapiling pa man, subalit parang wala ka",
"Iyong katawan lupa'y kasama, subalit wala ang diwa",
"Iyong anyo ay nasisilayan, subalit tila anino na",
"Hindi ko mabatid, kung nakikilala ka pa ba",
"Tila ikaw ang paraiso, paro paro sa hardin",
"Halaman mong lalapatan, pawang nag didilim",
"Tama pa ba yaring landas, sa aki'y palapitin",
"Kung itong bagay na mangyaring, sa aki'y pasakitin",
"Tila isang kalapating, kay tayog ng lipad",
"Sa kalangita'y masilayan, sa malayo napadpad",
"Ang sa aki'y bumalik, ang natatangi kong hangad",
"At kung ang pagkakatao'y lalapit, hahayaan kang lumipad",
"Ngayon ay nasaan ka? Tila wala ka sa paraiso",
"Hinahanap kita, sa taas man o baba ng puno",
"Harap at likod, maging sa gilid at dulo",
"Di ka matagpuan, tila ba ay naglaho",
"Hinahanap ka pa rin, dito sa tila kawalan",
"Ang takip-silim ay darating, malabo kang masilayan",
"Paanong makakapiling, kung ika'y di matagpuan",
"Pagod na ang sariling, subalit may pag-asang muli kang mahawakan",
"At isang minuto na lang, bago araw ay lumisan",
"Ikaw ay nasilayan, sa yungib ng walang hanggan",
"Pili kang inaabot, subalit ako ma'y nahihirapan",
"Hanggang isang di inaasahan, hinlalatok mo'y nadampian",
"Luha ko'y pumapatak, at ang katawa'y bumibigay",
"Tila ang araw, puso kong namamatay",
"Ikaw na ako, ako na ikaw ay nagkasabay",
"Ako ang nasa yungib, yungib ng mga nakahimlay"
]
},
{
"title": "Parang nakadroga",
"content": [
"Ikaw na hindi ko kilala, ni hindi nga ginusto",
"Bagay na nakakapagtakang, hindi alam kung paano",
"Ang kakaibang bagay, na parang sabog sa kanto",
"Sabog nang bagay na, laging nasa isip ko",
"Para akong nakikinig ng rock n' roll, kasi nakakahilo",
"Hindi ko mahampas ang ulo, sa pader namin na bato",
"Ang ngiting may gayumang, pilit iniiwasan ko",
"Bagay na tila isang gamot, na di ko kayang kapag naglaho",
"Hinahanap ka pa rin, subalit ewan",
"Laging nasa isip, andoon ka at naiwan",
"Di naman kagandahan, maging hawig kay paraluman",
"Hindi rin masasabing, ikaw ang kailangan",
"Marahil nga ay ganoong, sa iyo'y naaalala",
"Kasakasama ko, noong ako'y musmos pa",
"Habang nililikha, itong aking akda",
"Bukod sayo, ay nakikinig pa ako ng kanta",
"Ayos ka pa ba, bagay na hindi ko matanong",
"Nasaan ka, bagay na nais kong matanong",
"Kung maaaring sa maghapo'y kasama ka, buo nang araw ko",
"Subalit may ayaw, ayaw kong magkatotoo",
"Para akong adik, sa tuwing kasama ka",
"Parang nalipad sa langit, sa tuwing kausap ka",
"Parang gumamit ng droga, tuwing nandiyan ka",
"Misan may nabulonh bigla, sya na ba?",
"Pilit mang ipagbawal, tila ayaw tigilan",
"Larawan mong natatanaw, akin laging tinititigan",
"Ngiti sa aking labing, di maiwasan",
"Na sa tuwing natatanaw nila'y, biglang naguguluhan",
"Huling bahagi na, subalit ikaw pa",
"Hindi ka na makita, kaya lumbay na",
"Sa susunod na muling pagkikita, nawa ay may kwento na",
"Yaong masasaya, para mas maraming ala-ala"
]
},
{
"title": "Noon hanggang ngayon",
"content": [
"Nakita kita, sa isang parang",
"Lugar kung saan, sa malayong masisilayan",
"Ikaw na nakatayong, parang walang kapaguran",
"Na tanging hiling lang, ang ako'y tingnan",
"Lilipad na parang isang paro-paro, ang itim mong mga buhok",
"Habang parang ibong malaya, kung ikaw ay umiikot",
"At akong bilanggo, sa iyo'y nagtatago",
"Araw naasilayan mo ako'y, tila napakalayo",
"Sambit ng labing tila, uhaw na uwak",
"Mukhang malayong lumapit, kalapating may magandang pakpak",
"Sa bawat tapik, malabong makahawak",
"Kung ang katulad mo'y, parang isang bulaklak na humahalimuyak",
"Sa parang na kay layo, at akong nakabilanggo",
"Ikaw na itinataas, at ako na tinatago",
"Marahil sa iyong, anghel na lumalago",
"At ako na pawang, pulubing napakabaho",
"Bakit tila napakahirap, ang ika'y maabot",
"Suntok sa buwan, madampian ang kamay mong malambot",
"Sa'yo lang nais, ang katulad ko na umikot",
"Subalit tinataboy, ng mga nakapalibot",
"Nang araw na iyon, napansin mo rin",
"Tila kahiligang, tinupad ng langit sa akin",
"Ako ay natuwa, ay agad na yakapin",
"At iyo rin akong niyakap, at binulong sa akin",
"\"Ako ay lubayan, kung maaari lang sana",
"Ako ay mananahimik, at ikaw at sa iyo lang muna",
"Hindi batid ng iilan, maging aking mga kakilala",
"Ikaw na akin noon pang tagahanga, pinagsabihan kong bawal maipakita\"",
"Huling at unang, mga binigkas mo sa akin",
"Lubos kong ikinalungkot, sabay halik sa akin",
"Hindi ko batid kung ano, subalit nais alamin",
"Nang biglang, natumbang bigla ka sa akin"
]
},
{
"title": "Sa isang...",
"content": [
"Isang sulyap, na hindi maiwasan",
"Sa tuwing nasisilayan, tila kinatutuwaan",
"Isipang hindi maintindihan, tila pinaglalaruan",
"Iba mula sa nakaraan, itong nasa aking kasalukuyan",
"Anupa't tila, milagro itong gumawa",
"Sarili kong sumpa, tila syang sumira",
"Binasag tong katahimikan, maging pag-iisa",
"Nang dahil sa iisang, hanggang ngayo'y hindi makuha",
"Likhang may awit, musika at himig",
"Ramdam ang lamig, kamay kong nanginginig",
"Tanging nais ay mapag-isang, tila hindi dininig",
"Sa isang pagkakataong, batid kong madali ring mauusig",
"Lipad ng ibon, sa malawak ng himpapawid",
"Mainam pa syang batid, patutunguhang hatid",
"Mula sa taas, kaniya akong namamasid",
"Na ngayo'y tila, bigla na lang akong nasamid",
"Bawat tunong nitong gitara, na rinig ng bawat tainga",
"Simpleng himig na tila, sa aki'y ligaya",
"Itong sya kong sandigan, kung parang wala pa",
"Na kung nanaisi'y, huwag nang makita pa",
"Tindig na pilit, at nais ay matikas",
"Pakiramdam kong mahina, pilit kong maging malakas",
"Sa isang bagay na gawai'y, pilit akong iniiwas",
"Sa bagay na yao'y, doon ako naglalabas",
"Nakakatuwa mang isipin, kung mababasa mo",
"Mukhang kathang isip, na mukhang totoo",
"Dala ng himig at tunog, kung kaya't naisulat ko",
"Bagay na sana, ay maging parehas tayo",
"'Di ako malinis, magaling o bihasa",
"Isa lang akong nilalang, na binibigyang biyaya",
"Hindi man karapat-dapat, subalit batid ng likha",
"Sa huli kong mga wika, nawa'y iyong nakuha"
]
},
{
"title": "Higapos",
"content": [
"Minsa'y napapa-isip, ito ba'y parusa o pagsubok",
"Ang katatagan kong tila, unti unting rumurupok",
"Parang haligi, sandigang anumang oras ay luluhod",
"Iiyak sa sandaling, para akong napapagod",
"Ngiti na lang at musika, sandigan kong mapag-isa",
"Sarili ko'y tinatanong, \"Ano buhay pa ba?\"",
"Na parang oong hindi, ewan ko ba",
"Itong malamig na panahong, malamig maging relasyon",
"Ang ngiti kong pinakikita, nawa'y sakyan nyo",
"Huwag nawang itanong, kung ayos pa ba ako",
"Sa dahilang ayaw kong ni isa'y mabatid, bawat problema ko",
"Na hanggang tula na lang, kung naiibahagi ko",
"Wala namang nagbabasa nito, kaya ako'y malaya pa",
"Hindi pa nakabihag, sa yakap ng kadena",
"Na syang aking pawang tangan, saanan ako magpunta",
"Na hindi masilayan, maging sino pa sya",
"Buhay pa ako, at inunahan na kita",
"Ang lakas ko ay wala na, tangin nasa reserba na",
"Tula at Lumikha, tanging nakakasaksi",
"Ng bawat araw, sa aki'y nangyayari",
"Mata ko na lang ang bahalang, magsalaysay ng lahat",
"Tula ko naman, ang magsisilbing pamagat",
"Tawa ko at kulit, ang magiging banghay ng lahat",
"At ako na mismo, ang magiging taga-ulat",
"Ito ang bagay, na ayaw ko nang bumalik pa",
"Pinagdaanang, ang tulad ko'y nagdusa",
"Bumalik lang, pitong taon ang dumaan",
"At nawa ay hindi na abutin, ng pitong taon kong pagdaanan",
"Salamat sa bagay na noo'y dumaan, at muling dumating",
"Kalakasang sa aki'y, napupugnaw unti unting",
"May luha mang masilayan, bawat kong ngiting",
"Batid kong ikaw man, pinag-daanan mo rin"
]
},
{
"title": "Ang tahanan ni Lola Ana",
"content": [
"Maligaya ang taong, naninirahan sa tahanan",
"Na datin tahimik, doon sya'y mag-isa lamang",
"Tangan ang tahanang, kanyang kinalakihan",
"Kung saan din isinilang, anak nya't apong naglalakihan",
"Maaliwalas at makulay, na isang beses lang sa isang taong",
"Kaganapang tila, mas madalas pa itong ambon",
"Kaganapang tila, mas matagal pa ang lamig ng panahon",
"Kaganapang tila, laging huling pagkakataon",
"Si Lola Ana na umiindak, noong kanyang panahon",
"Syang isinasayaw, isa isa ng anak at ilang inampon",
"Ang ngiting abot tainga, na tila panapanahon",
"Na hindi kayang ibalik, lalo na sa ngayon",
"Setyembre pa lamang, syang nakasungaw na",
"Sa bintana ng tahanang, ninuno pa nya ang tumira",
"Tahanang kung saan, sya ay nagsimula",
"Tahanang minana pa, mula sa lahi nya",
"Mula sa daan, iyong masisilayan",
"Ang ngiti ni Lola Ana, tila walang hanggan",
"Disyembre ang buwan, kanyang nais maramdaman",
"Panahong tahanan nya, ay magiging makulay ay makinang",
"Nagsisimula nang dumating, ika-dalawampu ng buwan",
"Doon magsisimulang, tahana'y kulayan",
"Habang nag aawitan, kanilang pinakikinang",
"Ang tahanang magabok, puno ng agiw at animo'y usok",
"Magkakasama pa rin, ang kanyang mga anak",
"Maging mga apo nya'y, punong puno ng galak",
"Sabik sa araw, na inaasam ng lahat",
"Habang sa pagdating yaong, araw ay iiyak",
"Mapapaisip ang gabing, tila malamig",
"Matanda ay maligaya, at sabik na sabik",
"Na syang nahimlay na kay tagal, at tanging tahanan ang babalik",
"Ala-ala ni Lola Ana, na doon lang nila nakakamit"
]
},
{
"title": "Umay",
"content": [
"Gusto ko na ayaw, itong bagay na hindi nakakaaliw",
"Sa iba ay nais, na kung minsa'y nakakabaliw",
"Isang nilikha ng Diyos, na nais maging giliw",
"Na parang ayaw, sa aki'y maaaliw",
"Para kang gusto, na parang ayaw ko",
"Para kang sininta, at ako na irog mo",
"Parang bagay na nabubuong, kina-aayawan ko",
"Pagkakatao'y masasayang ba, kung iiwasan ito",
"Tuwing nakikita, ako'y natutuwa",
"Nasasabik sa bawat araw, na ika'y nakikita",
"Nakakausap na minsa'y, naaaliw bigla",
"Naadalas, hindi na ako natutuwa",
"Hindi ka nagbago, subalit ako lamang",
"Hindi ka pampalipas oras, o maging panglibang",
"Tuwa at sayang di tulad, ng mga panahong kasabayan",
"Na pawang sa tingin lamang, na ito'y panandalian",
"Hindi ko masambit ang kataga, batid ko namang ayaw na",
"Ang bawat oras na lilipas, tila ay naaaksaya",
"Hindi na maganda, sa aki'y nabubuong mga bunga",
"Marahil nga ay may dahilang, ayaw kong malaman mo pa",
"Tandaan mo na lang palagi, na ako'y kaibigan mo",
"Sandalan sa panahong, may nais kang ikwento",
"Huwag mabahala, hindi ako nagbabago",
"Lumalabas lamang ang nakatago, nalatagong pagkatao",
"Hindi na mawari ang dahilan, maging masilayan ka lamang",
"Tila ay naglalahong bigla, kaya nasabing panandalian lang",
"Kung sa bawat pagkakataong kasama, nawa'y huwag kaawaan",
"Dahil mas madalas, kinakausap kita sa larawan",
"Masabi man, na ikaw ay aking gusto",
"Subalit may isang salita ako, at mayroong pangako",
"Ipagpaumanhin mong nawa, mga bagay na tinatago",
"Mga nakatagong, lalo sa iyo'y ayaw matamo"
]
},
{
"title": "Sa muli",
"content": [
"Sambit ko sa hangin, hiling na makapiling",
"Makasama sa saglit, dagit ng lambing",
"Walang katulad, miski sa iba'y ihambing",
"Bawat dampi ng ulo, sa balikat ko't yakapin",
"Di naman daw masakit, na akala ng iba",
"Sa una ay mahirap, subalit ganito naiyak pa",
"Ikaw kasi, nandiyan ka na",
"Ni hindi ka man lamang nanghintay, o di kaya ay sumama",
"Salaping nalimbag, paano ko pa gagamitin",
"Ni hindi ko na nga alam, paano pa ba kumain",
"Dalamhati at pighating, hindi ka na kapiling",
"Na kahit kailanman, hindi ka na magiging akin",
"Larawan mong luma, itim at puti na tinta",
"Walang kulay, walang buhay na ala-ala",
"Luha kong napatak, nang ika'y nawala",
"Ito ba ang langit, nadama kong pansamantala",
"Iyong bawat ngiti, bungisngis mong nakakakiliti",
"Hindi na mababago, sa isip ay nakasipi",
"Batid ng Maykapal, na ninanais kitang lagi",
"Subalit ito ba ay pagsubok, na sa huli ay pighati",
"Kung muli man akong isilang, nawa ay makilala ka",
"Ikaw na aking sinta, aking ala-ala",
"Kahit ilang taon, yaring agwat ng edad",
"Nanaisin kang pilit, parang papasok na kalamidad",
"Ikaw at ako, nawa'y magsama pa",
"Makilala natin ang isa't isa, sa panahong kahapon pa",
"Mga ala-ala ma'y mawala, babalik sa panahong magkasama",
"Patunay na nawa, ikaw at ako ay magiging iisa",
"Ikaw ay nandiyan na, mahimlay ka munang saglit",
"Di kita nanaising bumalik, labag man sa aking pilit",
"Ikaw ay malalayo na sa akin, sa himlayang maliit",
"Paalam lang saglit, sa iyo ako ay babalik"
]
},
{
"title": "Kaibigan (Ka-ibigan)",
"content": [
"Para lang tayong naglalaro, oh irog kong dukha",
"Tila magkaribal, isang pusa at daga",
"Hahabulin pa rin kita, kahit isa kang pinsala",
"Ikaw ang syang nais, pilitin kong huwag mawala",
"Liwanag mong tangan, langlaw ng kalangitan",
"Hiwaga mong di mawari, akin pa ring pinasasalamatan",
"Hindi mo batid, dahil ayaw kong ipaalam",
"Naisin mo mang malaman, ililihin ko na lang",
"Isang bagay na sa aki'y, ayaw kong masira",
"Bagay na ikinatatakot, maglahong bigla",
"Isang hindi madali, sa'yo ay makuha",
"Na kung mangyari yaong, bagay ay mawala",
"Isa kang bagay, na ayaw kong mawala",
"Higit pa sa ginto, pilak sa pitaka",
"O maging halagang, kayang makuha",
"Dahil isa kang kaibigang, matalik at ligaya",
"Walang pagsisising, sa aki'y ginawa",
"Ang nais kong ilihim, hinding hindi masisira",
"Pangako na yan dahil, nais pa kitang kasama",
"Sa bawat araw na magkikita, ngiti mong makakaaya",
"Kaibigan kang matalik, kaya hanggang doon na lang",
"Hindi ba nakakatawa, para na akong nahihibang",
"Kung sila ba ang tatanungin, parehas ba lamang?",
"Sa iyo'y huwag ipabatid, marahil naguguluhan",
"Libo-libong titik, daan-daang tinig",
"Daan=daang himig, ang nais kong isambit",
"Sa dambanang batid, na ang sarili'y ilapit",
"Kundi tangan ang gitarang, ikaw ang laman ng awit",
"Wakas na ng liham, nawa'y iyong naibigan",
"Irog kong kahit kailan, hindi ko malalapitan",
"Kung sakaling masabi kong, nais kang awitan",
"Marahil isang araw, akin na lang tatawanan"
]
},
{
"title": "Salat",
"content": [
"Isang gabing malamig, sa kahabaan ng lansangan",
"Ako ay naglalakad, nang aking naisipan",
"Paano nga ba ang mapalapit, nang hindi mo namamalayan",
"O paanong maging malapit, nang walang pag-aalinlangan",
"Nasa bingit na, itong aking pinanghahawakan",
"Nawa hanggang dulo, akin pa ring tangan-tangan",
"Nanaisin pa bang lumisan, para lamang makantan",
"Matupad ang pangakong, aking pinanghahawakan",
"Sanay na ako sa iba, at sanay na akong ganito",
"Pawang bagay na gusto, pilit inaayawan ko",
"Para sa isang kahilingang, nawa ay makamit ko",
"Hiling na hindi para sa akin, subalit ninanais ko",
"Ang dapat bang gawi'y pabayaan, gayong bagay na yao'y pawang normal na lamang",
"Dapat na bang iwasan, para hindi na matuluyan",
"Gayong ang ganda ng dagat, ay panglabas lamang",
"Subalit may dilim, kung nanaisin mong masilayan",
"Ikaw na ang mahihirapan, kung iyong pababayaan",
"Hindi sa nais, o ayaw kang makamtan",
"Kundi sa kahilingang, nais ay iyong kaligayahan",
"Nang sa wakas ng buhay, hindi mo pagsisihan",
"Hanapin ang sarili, subalit nakakubli",
"Tinatago ang aninong, ayaw pang makitang muli",
"Subalit sa liwanag na bungad, pilit sinasabi",
"Anong bagay ang ayaw, makita't ipagsabi?",
"Yugto ng buhay, sa ika-pitong bahagi",
"Hindi sa ayaw, subalit nais kang ngumiti",
"Tanging bagay kong nais, ang halakhak mong nakakakiliti",
"Dahil sa bawat bungisngis mo, sakit ay unti-unting napapawi",
"At sa muling pagwawakas, nawa ay makapahinga ka",
"Huwag mo munang isipin, kung maari pa",
"Nawa ay paglipas ng panahon, makalimutan mo na",
"At hayaan mo ako, itong maiwang mag-isa"
]
},
{
"title": "Sa Nekslayp",
"content": [
"Ibawing ang pighating, parating nararanasan",
"Kalungkutan, kapighatiang, pangmatagalan",
"Higit pa sa labis, araw-araw na lang",
"Subalit babangon pa rin, at hindi susukuan",
"Matutupad pa kaya, itong aking sinumpaan",
"Bagay na kailanman, di ko lubos maunawaan",
"Subalit aking pilit pinatutunayan, at nais makamtan",
"Ako na ang kapalit, yaring mga kaginhawahan",
"Tinutukso ba ako nitong langit, o itong demonyong nakakapit",
"Kahit na sya'y malayo, ang lamok nyo ay makulit",
"Sa bawat pagkakamali ko, batid kong masakit",
"Subalit kahit gawin ko'y masasaktan ulit",
"Ikaw pa rin, oo ikaw nga",
"Lihim na lang na ako, ang Ama ay demonyo ang syang may hinala",
"Na ang isang ikaw, nawa'y wag mahula",
"Sa gayong mangyari man, hindi na muling lalapit pa",
"Saka na lang kita hihilingin, sa susunod pang buhay",
"Marahil sa panahong yaon, maari ko nanng mahawakan ang iyong kamay",
"Ang bawat ngiting matatamis, nang sa kanyang kadahilanan",
"Sa susunod, nawa ay ako naman",
"Ang ngiti mo, sa malayo ko nasisilayan",
"Subalit ganoon pa man, hirap ay naiibsan",
"Dahil batid ko, kahit di ako ang dahilan",
"Nakakamtan mo ang kaligayahang, di ko kayang iparamdam",
"Hindi na ang tadhana, ang syang kikilos",
"Hahayaan kong panahon, ang syang tumapos",
"Sa hanging kay lamig, ako ang iginapos",
"At sa wakas pa ng mundo, ay naghihigapos",
"Sa huling habilin, na aking ipababatid",
"Nawa minsan, ituring mong kapatid",
"Sandalan at sandigan, sa panahong di mo batid",
"Mga gagawin na alam mong, sa iyo'y sasamid",
"Hindi mo batid, kung gaano kitang ninanais",
"Kung sa sabon nga, masasabing wais",
"Hindi ka naman kasi magparamdam, at lalong nalihis",
"Na syang dahilan ko, bat ka na mimiss",
"Aking pilit na makamtan, ang mas mapalapit pa sayo",
"Subalit paanong lalapit, kung ikaw ay nalayo",
"Hindi ko batid ang dahilan, kung bakit ayaw mo",
"Kung ano ang nais, o sinong ninanais mo",
"Kaya nagbagong anyo, mula sa pagiging malungkutin",
"Masayahing nilikha, na sayo'y nagpapapansin",
"Parang isang bilanggo, na taong nakahabilin",
"Sa rehas na ang gumapos, ay tanging ikaw din",
"Habang natagal, lalo kang nawawala",
"Kaya sinukang ibaling, baka sakaling bumalik ka",
"Kasi ba naman, kada oras, hindi na kita makita",
"Na syang bagay na sa aki'y nangangamba",
"Lihim ko lang muna, baka kasi di tayo magkatulad",
"Kaya nang may lumapit sa akin, aking pinagbigyan agad",
"Baka kasi isang araw, sabihan mo ko na mag ingat",
"Dahil ayaw mong ang tulad ko, ay magkaroon ng kahit konting sugat",
"Ilang araw din ang lumipas, at sinabi ko rin sa kanya",
"Kanya iyong naunawaan, at binigyan nya ko ng ideya",
"Aming pinagpatuloy, kahit batid kong masasaktan sya",
"Ganon ata siguro, kapag nais ka nya",
"Ang mga ngiti ko, ito ay ilusyon lamang",
"Ang nga mata ko, yaring puno ng kalungkutan",
"Kahit ilang taon na din, na kami'y nag susuyuan",
"Wala talagang namamagitan, para na lang kaming magkaibigan",
"Subalit bakit gano'on, wala ka pa rin",
"Ano bang iyong lihim, ayaw mong sabihin sa akin",
"Nung sinabi kong isang beses, na sya naging akin",
"Kinabukasa'y umiwas na't, maging pakikipag-usap ay wala rin",
"Ilang buwan na din ang lumipas, at hinihintay kita",
"Sa bawat pag-uusao natin, anim na buwan nung huli pa",
"Ang sinabi mo lang noo'y \"BRB\", na akala ko, babalik ka",
"Subalit hanggang ngayon, wala pa, wala pa",
"Isang araw ay nagulantang, nang aking mabalitaan",
"Ikaw ay nasagasaan, habang nasa lansangan",
"Kaya't aking ilaman, saan ka matatagpuan",
"At sa huling pag-uusap natin, sinabi mo sa aking mag-ingat at paalam"
]
},
{
"title": "Lunod",
"content": [
"Sa nilalakaran, aking nasilayan",
"Tila bagay na sa aki'y, sisira ng kapalarang",
"Batid ko namang mainam, subalit kahihinatnan",
"Ang kagandahan, kapalit ng kasawian",
"Kalungkutang bumabalot, sa magulong mundo",
"Bagay na animo'y malinis, subalit gusot na litrato",
"Hindi man nakakatakot, ngunit nakakahilo",
"Hindi man nakakainis, datapwa't nakakalito",
"Likha ng akda, subalit hanggang dito",
"Patak ng luhang, pigil pigil ko",
"Habang nililikha, sinusulat at tinutuloy ko",
"Nang sa gayo'y maibsan, ano ba talaga ito.",
"Likha ng salitang, kay hiwaga nitong mundo",
"Ika'y pilit lilituhin, sa bagay na hindi mo gusto",
"Subalit tila nais mo rin, ngunit pilit mong binabago",
"Kapalarang nakatakda ba, na syang guhit ng palad mo",
"Mabasa mo man ito, nawa ay maguluhan din",
"Batid kong isang araw, mauunawaan rin",
"Ang araw mang yao'y dumating, ay ako'y maglalaho rin",
"Kadahilanang kahit kailan, ayaw kong sabihin",
"Batid na ng langit, yaring kasalanan ko",
"Waring matuwid na tulad ko'y, hindi mo masasabing totoo",
"Gayong sarili ang sakripisyo, biglang pagsisisi ko",
"Sa kasalanang ginawa, subalit di sinisi ang mundo",
"Nasa rehas na ko ng apoy, anumang oras ay magliliyab",
"Hindi mo makikilala, lalo na kung maglalagablab",
"Ito ang parusang matatanggap, sa aking hinarahap",
"Kung hindi ko pa kayang mabago, ako na lang muna'y magpapanggap",
"Gisingin man sa katotohanan, subalit lunod na ang diwa",
"Iahon mo mang pilit, subalit hangi'y tila naglaho na",
"Buhayin mang pilit, at iyo ring mahihinuha",
"At maging wakas ng mundo, nais kong walang makahula"
]
},
{
"title": "Sino ka mahal?",
"content": [
"Ako ay nagising isang araw, subalit sino ba ako?",
"Tangan nakaputing mga dalagita, sinabi nilang sila'y pamilya ko",
"Dumating ang lalaking nakaputi rin, at may sinasabing sa aki'y magulo",
"At natanawan kitang maluhaluha, sa harap ng pinto",
"Iba ang liwanag, naniyong dala-dala",
"Isa ka bang alitaptap, sa dilim ng hiwaga",
"Nakakabighaning hindi batid, sino ka bang talaga",
"At unti unting bumuka, at tila gusto ka",
"Hindi ko batid, kung anong kaganapan",
"Ngumingiti ka, maging mata mo'y tila luhaan",
"Sambit nila sa akin, ilang buwan akong nasa higaan",
"Tulog ay hindi batid, kung makakasabay pa ako ng umagahan",
"Hindi ko mawari, ano ba ang syang kaganapan",
"Nakatatak sa iyong mata, nais mo akong lapitan",
"May pagyingin ka rin ba sa akin, kaya mo ko tinititigan?",
"Kasi kung oo, tila napakapalad ko naman",
"Hawak ng Diyos, itong oras natin sa lupa",
"Subalit itong ala-ala ko'y hindi ko mahinuha",
"Subalit lumapit ka na't, ako'y kinabahang bigla",
"Sa tabi ng himlayang kinaroroonan, lumapit ka't lumuluha",
"Kaaya-aya ka sa paningin, at ako'y nahuhumaling",
"Para akong nilalang, na mapalad kung tutuusin",
"Dahil ang nais ko'y, tila nais nya rin",
"Na akala mo'y may nakaraang, may namamagitan sa amin",
"At hindi ko namalayan, habang nakatitig sa iyo",
"Biglang idinampi mo, ang labi sa labi ko",
"Nakakagulantang, na tila paano?",
"Gayon iyon ang unang araw na syang, nakita ang tulad mo",
"Hinawakan mo ang kamay, habang ika'y tumatangis",
"Wari ko ang tulad mo'y, mayroon ding pagnanais",
"Na tila ako ba'y gusto mo, higit pa sa labis",
"Sa paulit ulit na natikman, ang halik mong kay tamis"
]
},
{
"title": "Pagsisisi",
"content": [
"Ako'y itong nilikha mong, patuloy pinagpapala",
"Sa kabila ng habinaan, pinatitindig mo sa hiwaga",
"Itaas ka sa kalangitan, dahil sa ika'y dakila",
"Subalit waring biyaya, hindi ako karapat-dapat magtamasa",
"Higit pa sa bilanggo, itong aking pagkakasala",
"Batid mo ang kasalanan, hingi ng tawad nang may luha",
"Subalit nauulit pa rin, nang hindi man sinasadya",
"Subalit ika'y syang dakila, at lubos akong naluluha",
"Bakit ba tila napabuti, ng iyong ginagawa",
"Hindi ko batid kung para sa akin, bawat milago mo at himala",
"Kung ika'y isang katulad ko'y, mapupuno ka rin ng hinala",
"Bagay na hindi mo naman nais, at puno ka ng pagtitiwala",
"Tangan mo ang oras, anumang oras ay makukuha",
"Buhay ko dito sa lupa, napakaikling talaga",
"Ikaw ang syang gabay ko, libro mo ang syang sandata",
"Gabay at saklay ko, habang ako'y may hininga",
"Hindi nga ako nararapat, isa akong walang bisa",
"Anumang galing ko, sa iyo'y tila isang basura",
"Anumang bagay na natatamo ko, sa iyo lamang nagmumula",
"Kaya ano pang bagay ang ipapakita ko, kung ikaw din ang syang lumikha",
"Ama, oh Ama naming dakila",
"Salamat sa bawat araw, na ang tulad ko'y binibigyang hininga",
"Batid kong hindi karapat dapat, kaya't ano pa ang halaga?",
"Na ang isang tulad ko, na sa iyo'y nakalathala",
"Anak na syang tawag mo, subalit lagi namang nagkakasala",
"Salamat na muli, na ako'y binubuhay pa",
"Salamat sapagkat, ako'y inuunawa pa",
"Salamat sa mga biyayang, aking natatamasa",
"At patawad kung ang anak mo'y, patuloy pang nagkakasala",
"Salamat sa kakayanang, lumikha ng tula",
"Salamat sa mga kakayahang, aking nakukuha",
"Ikaw nga ang syang dahkila, ang tinaguriang tatlong persona",
"Ama. Anak, Espiritu Santong, gabay ko hanggang pagtanda"
]
},
{
"title": "Kapatid",
"content": [
"Sanggang dikit, mula pa noon",
"Dumaan man ang matinding init, o maging ambon",
"Sa bawat pinagdadaanang, hirao natin kahapon",
"Sipag at determinasyon, upang makaahon",
"Salamat sa sandigang, pinadala ng lumikha",
"Kami'y nakakaraos, kahitnisa ring dukha",
"Sa maliit na tindahan, kung saan sya'y nagtitinda",
"Kami'y tumutigil, upang magpalit ng paa",
"Sa umaga'y siya, at ako naman sa hapon",
"Kaming dalawa'y naglalako, gamit gamit ang kariton",
"Sigaw dito, sigaw doon",
"At uuwi nang aming tahanan, kung kailan lampas ang hapon",
"Ama naming nanghihina, at malubha ang sakit",
"Sa bawat araw, nakakaluha habang napapapikit",
"Kung kayo'y hirap na, kapag kayo'y pinagpalit",
"Kami nama'y sa kanya, pilit kumakapit",
"Higit pa sa ginto, yaring pagsasama",
"Kami'y laging magkasundo, hirap man o ginhawa",
"Kami'y laging diretso, sa liko-likong kalsada",
"Na kahit pa bato-bato, tinutulak pa rin ng pag-asa",
"Hirap na dinaranas, sa araw na lumilipas",
"Sapatos na pudpod, at butas na tsinelas",
"Pilit idinaraos, para sa aming bukas",
"Hindi na mauulit pa, ang hirap ng lumipas",
"Titindig sa harap, taas noong nangangarap",
"Salamat sa matandang, tumulong at tumanggap",
"Na syang naging katuwang, sa pagsubok na kinahaharap",
"At syang tumutulong, upang lubos magsumikap",
"Ang araw ay dumating, nang di inaasahan",
"Aking pag-asa'y, tila saki'y lumisan",
"Tila ang pagod, lubos kong naranasan",
"Subalit may naghandog, na nagbukas ng pintuan"
]
},
{
"title": "Manlilikha",
"content": [
"Handog mo ang buhay, oo ikaw nga",
"Salamat sapagkat, pagkakatao'y pinaubaya",
"Isa sa mapapalad, na nakatingtong sa lupa",
"At sa bawat araw na dumarating, lubos mong pinagpapala",
"Hindi ko linakahiya, bagkus pinagmamalaki pa",
"Wala nang makakatulad pa sa iyo, sapagkat isa kang dakila",
"Itong aking husay sa paglikha, sa iyo lamang nagmula",
"At ang galing sa pag tugma, sa bawat kong tula",
"Batid ko ang ilan, sa aking pagkakasala",
"Nais kong humingi ng tawad, subalit hindi ko magawa",
"Batid kong hindi ko kaya, sapagkat ako ay mahina",
"Gayong ay iyong pagkaunawa, lubos na nakakamangha",
"Isa ka at walang katulad, at lubos kitang makilala",
"Basahin man ang iniwang libro, subalit ang tanong ay inam pa",
"Hindi ko batid, kung saan ka nagmula",
"Gayong batid ko lamang, ikaw ang syang sa ami'y lumikha",
"Hindi nararapat sa akin, gayong mga pagpapala",
"Lubos mong pinagiginhawa, mula sa putik ng may sala",
"Iyong nilinis, binihisan nang maging kaaya-aya",
"Gayong salitang salamat, lubos na hindi sasapat pa",
"Ito lang ang handog, ng isa sa tumanggap sayo",
"Bilang syang nagligtas sa akin, mula sa madungis na mundo",
"Nilinis mo ng dugo, mula sa lugar ng pagkakapako",
"Sinalo mo ang kasalanan, at sa kanya'y hinatid mo ako",
"Lubos na nakakapanghina, gayong hindi ako ay di dapat",
"Matamis syang handog mo, at sa iyo ang alat",
"Inalalay mo ako, habang ika'y naghihirap",
"Kami'y pinatawag mo, at lubos mong tinaggap",
"Salamat sapagkat, kami ay nasa iyo na",
"Kami itong mapapalad, sapagkat ramdam ka",
"Hindi na kailangang, kung saan pa magpunta",
"Magbihis at maligo, nang higit pa sa lima",
"Iyong pinuno, ang aking sisidlan",
"Salat dati sa kahitapan, subalit iyong pinayaman",
"Batid kong pagpapala'y, sa langit makakamtan",
"Yaring mga bagay sa mundo'y, panandian lamang",
"Ako ay nilikha mo, upang ika'y papurihan",
"Gayong kapalit naman nito'y, buhay na walang hanggan",
"Ikaw ang syang ilaw, tanglaw sa aming tahanan",
"Gayong may sumisilaw, sa aming isang kalaban",
"Patuloy mong ginagabayan, habang kami'y humahakbang",
"Tangan ang lamparang, iyong ipinahiram",
"Na sa oras na ito'y mapuksa, lubos na lumisan",
"Sa piling mo ang sunod, na aming karoroonan"
]
},
{
"title": "Sorbetes",
"content": [
"Sa init ng araw, pawis ko'y masisilayan",
"Kumikinang na parang butuin, sa madilim na kalangitan",
"Sanlibutan ang saksi, sa kung anobg pinagmulan",
"Gayong maging sila nama'y, wala ring may pakialam",
"Hirap at pagod, sa maghapon yaring gawa",
"Hiwaga ng buhay, makulay na tula",
"Isang sulat na sa loob, aking inilathala",
"Gayong kanyang kaarawa'y, nawa maging maligaya",
"Ito ba ang buhay, na hindi ko talaga inaasam",
"Pinagkait sa akin ang bagay, na nais kong makamtan",
"Gayong hindi naman sa akin, kundi sa aking pinangangalagaan",
"Na silang lakas ko, sa umagang dumadaan",
"Sapat na nga lang sa akin, isang tasang kape sa umagahan",
"Inaabot ng tanghaling, walang laman tiyan",
"Gayon din sa gabing, sasabihing busog na lang",
"Gayong maging ang sa aki'y, lubos ang pagkalam",
"Ito ay para makaipon, para sa aking pinakamamahal",
"Bagay na unang beses, na sa kaarawan nya'y matitikman",
"Isang kahig, isang tuka nga lamang",
"Gayong batid ko ang ngiti, kung aking masisilayan",
"Kinabukasan na ang araw, na aking nais makita",
"Ang ngiti nya sa labi, batid kong hindi magkanda ugaga",
"Kahit sa isang sorpresang, sorbetes na aking madadala",
"Sa isang munting paslit, sa mata makikita ang saya",
"Ito na ang araw, na aking pinaka hinihintay",
"Hindi ko muna binati, ang munti kong inday",
"Kunyareng hindi ko batid, kaarawan nyang hinihintay",
"At palihim na umalis, upang sya'y bilhan ng isang bagay",
"Balita na sa labas, yaring nangyari sa isang lalaki",
"Isang sorbetes na tunaw, ang tangan at nasa kanyang tabi",
"Gayong may papel rin dito, ang syang nakalakip at nagsasabi",
"Maligayang kaarawan sa iyo, mahal kong anak na babae"
]
},
{
"title": "Pighati",
"content": [
"Maraming tanong, ang napasok sa aking isipan",
"Bagay na nais kong, hindi na malaman",
"Gayong sapat na sa aking, sa malayo ka'y masilayan",
"Sapat na ang ngiti mo, sa tuwing pinagmamasdan",
"Ganun pa rin naman, at walang nagbago",
"Marami mang dumating, na magagandang bago",
"'Di pa rin sapat sakin, sapagkat 'di batid ang pagkatao",
"Gayong maging ika'y nais matanong, kung talaga ba at sino",
"Batid nitong mundo, bagay na palaisipan",
"Batid ng Diyos, kung ano ang aking pawang nararamdaman",
"Batid ng mga daan, lansangang dinaraanan",
"Gayong sila sila lamang, aking mga pinagsadabihan",
"Naisip mo man sa unang, nawa ay tanging akala",
"Gayong mga bagay, nanaising huwag madama",
"Gayong 'di pantay yaring mundo, batid mong talaga",
"At hanggang wakas pa ng mundong, huwag nang makasakit pa",
"Sinulat ang liham, upang iyong maunawaan",
"Na ang isang ikaw at ako, ay malabo nang magkaintindihan",
"Sapat na nga rin siguro ang katagang, tangi lamang kaibigan",
"Dahil hindi lahat sasapat, kahit paminsan-minsan",
"Hindi mo mauunawaan, sa simple lang kataga",
"Gayong mga bagay bagay, masasabing sakim ngang talaga",
"Akin mang pinagdamot ang bagay, na ang iba'y sabik pa",
"Gayong sa mundong ginagalawan ko, 'di lang ako nag-iisa",
"Hayaan mo sa kabilang buhay, kung ika'y maaalala",
"Hahayaan kong tadhana, ang siyang magpasya",
"Subalit sa panahon nating ngayon, nais kong huwag na",
"Isa kang anghel sa akin, kung maangkin ka'y magkakasala",
"Liwanag ka sa lahat, gayong iyong nililinaw",
"Para kang bituwin, sa gitna ng kadiliman",
"Ikaw ang makinang na talang, sa aki'y pumupukaw",
"Subalit ikaw yaong tala, na di ko mahahawakan"
]
},
{
"title": "Patak",
"content": [
"Hindi naman masakit, nung ikaw ay masilayan",
"Gayong mas masakit sa akin, ang iyong naranasan",
"Kasakiman ng mundong, 'di batid ang katotohanan",
"Gayong nililito sila ng sinong, nililihis ng hangganan",
"Silaw ng araw, sa liwanag na dala",
"Waring 'di batid na ang kalawaka'y, itim naman talaga",
"Gayong isang bituwin ang syang sumasakop, sa sanlibutang may pagkakasala",
"Gapos sila ng akalang katotohanang, kahit kaila'y di naging tama",
"Tuwang tuwa sa akalang kasikatan, gagawin ang lahat ng kalokohan",
"Hahamakin ang lahat, para lamang sa pansamantalang kasiyahan",
"Tunay ngang ikaw at ang mundo, masasabing magkalaban",
"Dahil ikaw at ang mundo'y, malabong gawing isahan",
"Hawak na ng isa sa pinakamatanda, ang mundong iyong nilikha",
"Wala man syang kaya, subalit nanlilito syang bigla",
"Tunay nga sigurong matuwid dati, gayong batid ang librong ginawa",
"Ng iyong mga propeta, na ipinadala sa lupa",
"Hindi na nakikita ng mundo, kung ano ang tama",
"Gayong nililito lang tayo, ng kung ano-anong nililikha",
"Gayong mga tao ang syang may gawa, ng sariling pagkakasala",
"At masasabing masakit, sa tuwing ito'y nagagawa",
"Hindi hipokrito, gayong batid naman ng iilan",
"'Di ko na iisa isahin, dahil 'di naman pa kailangan",
"Sapat nang sa aki'y kilala ka, at batid ng iilang kaibigan",
"Gayong nais kong maging sila'y, makapiling kang lubusan",
"Iluminasyon ng nasyon, ang ambiyong walang katotohanan",
"Nililiyo ng mundo ang taong, walang ibang hinahangaan",
"Ang kasikatang maaaring para sa iyo, subalit pakunwari lamang",
"Gayong ang utos at bilin mo'y, hindi na batid ng karamihan",
"Batid nila ang isinaad, nitong magandang balita",
"Gayong utos at bilin mo'y, hindi patuloy na nagagawa",
"Mas madalas pa sa isang araw, yaring sila'y magkasala",
"Gayong batid na naman nila, ang kanilang ginagawa"
]
},
{
"title": "Kasangga",
"content": [
"Sa bawat oras na dumarating, tila ba'y nawawala",
"Naglalaho sa liwanag, yaring tila tinadhana",
"Hiwaga ng buhay, na syang gawa ng dakila",
"Lumikha ng lahat ng bagay, maging mga himala",
"Subalit tila, nililito na ng mundong nakakatiyak",
"Ang bawat kong gabi'y, may luhang pumapatak",
"Yaring ayos lamang sa akin, sa kinabukasang natatak",
"Ang ngiti kong bubungad, sa ay ilusyong tatak",
"Larawan ng ligaya ang hiwaga ng ngiti, na bungad sa umaga",
"Bawat halakhak na kay sigla animo'y huli na, subalit may kapalit palang luha",
"Ang hantungan ng takip-silim at daigdig na madilim, na ang sarili'y nakikita",
"Subalit sa harap ng madlang animo'y normal pa, subalit nagulhol bigla",
"Sintunado ang boses na animo'y normal, subalit kapalit ay ubong nakapapagal",
"Sa umagang nabungad nag pipilit, makapiling ang sariling pilit minamahal",
"Subalit sa tanghaling nag-iisa, nahuhuling nagdarasal",
"Gayong sa sarili'y animo'y, pilit nyang sinasakal",
"Ito ang mahal ko, subalit hindi ko sya kilala",
"Dati syang tahimik, subalit tila nawawala",
"Sya'y nandiyan lang, subalit wala ang kanyang diwa",
"Nainsa'y nagpapaalala, ano ba ang buhay sa kanya",
"Sa kanya mo dati mailalarawan, ang pagsisikap at paghihirap",
"Pagtulong na kadalasa'y, nais subalit labag",
"Nais nyang tumulong, subalit nalalabag ang kayang",
"Dapat ay nagsusumikap, subalit pinili ang kailangan",
"Ang tatak sa kanyang dibdib, ay hindi maglalaho",
"Subalit ang tatak na ito, ay hindi makikita ng tao",
"Yarin tatak na sinasabi ko, mararamdaman mo",
"At syang naging dahilan, kaya naging kasangga ang titulo",
"Hindi sapat yaring gawa nya, upang maligtas",
"Batid sa sarili nyang, ginawa nyang utos ng Amang nasa taas",
"Na nais nya'y makapiling, kung ang mundo'y magwawakas",
"At ang bawat kataga nya'y, nawa'y hindi kumupas",
""
]
},
{
"title": "Mahal",
"content": [
"Sino ka ba? Itong sa aki'y nabagabag",
"Sa loob balewala, at nagiging labag",
"Sapat na ang wika, dakilang hapag",
"Sa pagkakataong nakuha, waring dulot ng habag",
"Ikaw ang syang dahilan, kung bakit makulay na ang buhay",
"Subalit ikaw ang dahilan, kaya nagmumukhang lupaypay",
"Saksi yaring kalangitan, sa sinulat ng kamay",
"Nawa isang araw, akda'y huwag mong masilay",
"Pahayag ang damdamin, kaloob nitong langit",
"Imbes na makaganda, lalo pang pumangit",
"Ito ay hindi ko nais, at iniiwasang pilit",
"At sa oras na naiisip ka, mas ninanais na pumukit",
"Hindi na normal, dahilan ng ang araw ay darating",
"Oras ay kay bilis, sa tuwing ika'y aking kapiling",
"Kung nanaisin ng langit, na ikaw at ako'y pagtagpuin",
"Hindi ko batid, subalit may isa akong hiling",
"Kamay ng makasalanan, tila ba'y inihahandog",
"Handang hawakan, gising man o tulog",
"Gayong bagay na pamagitan, ang syang nag-usog",
"Sa kalangitan na lamang, aking ipagkakaloob",
"Mas mainam na 'di mo batid, upang masilayan ka",
"Kilala ba ng kapatid? Kung kanila akong makikita",
"Kapit langnsa lubid, upang hindi makawala",
"Pagkakatao'y inihahatid, ang tulad mo sa isang nilikha",
"Subalit sa wakas, hindi mo nanaisin",
"Papayag ba ikaw, kung sa akin sasapitin",
"Hirap ang daranasin, at pasakitbay lalasapin",
"Ang pagod ay walang hanggan, maging sa huling buhay natin",
"Hiling ko na sana, huwag mong malaman",
"Na itong sinulat ko'y, sa iyo nakalaan",
"Gayong iisang bagay lang, nais kong ipaalam",
"Ako na ang bahala, na ika'y iwasan"
]
},
{
"title": "Kasapi",
"content": [
"Pagkikita, tila hiwaga ng mundong syang nagawa",
"Kausap, sa tuwing mag-isa na tila mo'y akala",
"Madla, maraming bilang subalit walang babalak pa",
"Gayong lahat nama'y, hindi ka kilala",
"Marapat pa ba na ihayag, gayong mga simpleng pangyayari",
"Tagumpay maging kapalpakang, nagagawa rin naman ng nakararami",
"Gayong ang mundo'y, sa ibang puwing pumipili",
"Kung sasama ba ang isang nilalang, o malamang hindi",
"Pakunwaring batid ng lahat, waring kaganapan",
"Gayong 'di hamak sa atin, ang lubos pang nahihirapan",
"Gapos sa leeg mong, pilit mong kinawawalan",
"Gayong sarili mo lang naman, ang sya ring dahilan",
"Kaibigan, ako ba ay nararapat pang sumama?",
"Saya, na batid kong ni minsa'y hindi ko mararanasan sa lupa",
"Sila, gayong kasama subalit sarili'y mag-isa",
"Luha, sa bawat araw na uuwing nakakasama ko sila",
"Gayong bawat pighating, pakiwari'y mainam",
"Sakit at dalamhating, labis pinahihirapan",
"Nais mang mabawasan, subalit ni minsa'y 'di maiibsan",
"Gayong pilit ang sarili'y pinarurusahan",
"Litrato na natatanaw, sa tuwing kasama ako",
"Masaya man na naroroo'y, wala naman ang diwa ko",
"Nang ihambing sa araw, yaong wala ako",
"Mas mainam ngang gano'on na lang, na mag-isa muna ako",
"Hiwaga ng buhay, aral ang sya kong ginagawa",
"Mga bagay na naising matupad, yaring pawang itinakda",
"Gayong maypagkakasala, subalit patuloy nagagawa",
"Mas mainam na gampanang ganap, bagay na ikadadakila",
"Sa bawat pasya, yaring ipinababatid",
"Mensahe at aral, naising mabatid",
"Gayong matigas man ang ulo, ng iilang mga kapatid",
"Sa wakas ng talata, masakit na masamid"
]
},
{
"title": "Pahiwatig",
"content": [
"Isang araw napaisip, kung anong kaganapan",
"Nahihirapang mag-isip, gayong bagay ay pandalian",
"Hindi ko na batid, wari'y naguguluhan",
"Sa isang munting silip, batid ba ng karamihan?",
"Tindig sa yungib, na aking pinasok",
"Batid ng langit, tindi yaring usok",
"Lakas ng hamog, pawang sinusubok",
"Ika'y maghihirap, pagdating ng pagsubok",
"Gayon man ang langit, batid ang kahanapan",
"Sa hapag ng kayamanan, sisirain ng paglisan",
"Lilipas ang umaga, hanggang sa tanghalian",
"Ang init sa hapong, ika'y pagpapawisan",
"Wakas ng salaysay, ng isang makata",
"Maskarang nakikita, ngiting lumuluha",
"Gayong sindi nitong kandila, mapupugnaw bigla",
"Bagay na akala'y may sigla, subalit wala na pala",
"Naisin mang magpaalam, subalit di magagawa",
"Lilisanin ang bagay, na sya ring gumawa",
"Patungkol sa hirap, nais nyang sya lang mag-isa",
"Gayong wala sana, ni isa ang makakita",
"At sa wakas ay natapos, subalit mainit pa",
"Takip-silim na madilim, subalit hirap na",
"Hinihintay yaring hanging, kasing-lamig sa umaga",
"Nang sa wakas ng araw, ay maaaring mamahinga",
"Sinulat yaring akda, subalit ayaw ipakita",
"Ngiti sa mga mata, pagod ang iniaadya",
"Lungkot na mag-isa, gayong batid na talaga",
"At sa muling magkikita, ay kung magkikita pa",
"Sinabi na rin sa akin, ng isang talata",
"Tao'y huwag kaawaan, gayong sino ba sila",
"Kaya maging sarili ko, hindi ko na kilala",
"Maging sarili ko'y, 'di na kakaawaan pa"
]
},
{
"title": "Sarili",
"content": [
"Isang umaga ng linggo, ika-labing isa ng tanghali",
"Tao'y kay bibilis, at tila 'di mapakali",
"Sumasakit yaring ulo, at batid ang bawat nangyayari",
"Gayong ang kanyang pagod, isip ay umildi",
"Hindi na makayanan, bawat dinadaanan",
"Sa tuwing sasapit ang dilim, tila isa syang luhaan",
"Haplos ng malamig na hangin, sa init ng kadiliman",
"At nais nang lumisan, sa mundong kinagisnan",
"Panahon ay binibilang, at wakas ay nalalapit",
"Nais na isang araw, sa kanya'y walang lalapit",
"Mamroblema ka'y, nais sa kanya kumapit",
"Gayong mga bagay na sa kanya'y naganap, nais ay huwag sa kapatid",
"Gipit na sa panahon, at maging pagkakataon",
"Ayos pa sa kahapon, subalit hindi sa ngayon",
"Naisin mang mag-isa, subalit paano na iyon",
"Kung biglang may maghahanap, hindi na sya matatanong",
"Matuwid pa ang kahoy, na nakabaon sa lupa",
"Subalit sa loob, may anay na sumisira",
"Matatag sa panlabas, subalit sa loob ay hindi na",
"At kaunti na lamang, mailalabas na nga",
"Gabi ay dumating, at lubos ang pagluha",
"Hinanakit nya sa sarili, tila hindi tumutugma",
"Sakim sa kung paanong, siya'y mag-alaga",
"Gayong sabi ng iba, pinababayaan na nya",
"Winika sa sarili, na nais huwag mangyari",
"Nais nyang maging dahilan, problema'y huwag mangyari",
"Itatawa na lang sa hangin, kung dumating sa sarili",
"Gayong sa gabing ito, hindi na nya kilala ang sarili",
"Lubos ang pagbabagong, kinasisira ng isip",
"Nasisilayan man ng paligid, subalit pinipilit",
"Hindi mabatid ng karamihan, ang syang ganap sa sarili",
"Hindi na sya bumangon, nang bukas ay sumapit"
]
},
{
"title": "Tayo",
"content": [
"Mahiwaga ang buhay, isiping parang sugal",
"Kung hindi ka tataya, isa kang hangal",
"Akala mong kalayaan, subalit nakakasakal",
"Gayong walang gabay, ng isang nagmamahal",
"Iisipin mong mag-isa lang, gayong nalulunod na",
"Kailangang masagip, sa kumunoy na humuhila",
"Sisirain ang sariling, sya rin ang may gawa",
"Gayong mga bagay mong iniisip, lubos na pansamantala",
"Ang agos na dinala ka, na dapat kang sumalungat",
"Tumama man sa bato't, katawa'y magkasugat",
"Ang tamis ng tagumpay, nanggaling sa kahapong maalat",
"Sa pinagdaanang hirap, at ginhawang salat",
"Lapis at papel, ang syang panulat",
"Subalit mga titik lang, ang sa iyo'y mumulat",
"Iiyak ka lang saglit, at mahuhuli mo ang sarili",
"Yakapin ka sa dilim, ng liwanag na nakakubli",
"Sabihin mo sa hangin, yaring mga suliranin",
"Isigaw sa himpapawid, gayong sarili mo ang makakapansin",
"Ilabas mo ang galit, kung sapat ang paningin",
"Paanong magiging tuwid, kung isa kang duling",
"Larawan ng kalangitan, sa isipan nakatatak",
"Sa lupa masisilayan, likidong pumapatak",
"Tatawa sa harap, sa likod umiiyak",
"At ang tanging kasangga mo'y, tanging halimuyak",
"Kung batid mo ang lahat, sabihin mo sa nakikinig",
"Kung lubos ang pang-unawa, ay sya mong ipabatid",
"Giglid ang mga luha, sa lubos nyang pag-ibig",
"At isisigaw ang pighati, sa pamamagitan ng himig",
"Yugto ng mundong, kahit isang beses nawa'y huminto",
"Nang aking maranasan pang lalo, ang nais kong matamo",
"Bagay na hindi mauunawaan, gayong ipaliwanag pang lalo",
"At sa bukas na darating, ay magsasarado ng pinto"
]
},
{
"title": "Yakap",
"content": [
"Gabi na at oras na, ng aking pagtulog",
"Subalit dumating ang bagay, sa aki'y nagbulabog",
"Sarili'y hindi mapakali, at tila nagdadabog",
"Na parang inaring bagay, na sa aki'y naglubog",
"Ikaw ang nasa isip, kaya parang lutang",
"Kinausap kang isang beses, na parang wala lang",
"Katwiran ang basehan, kaya pinanagutan",
"Bagay na hindi mauunawaan, ng kahit sinoman.",
"Gabing ito'y nagising, nahuling luluha",
"Pagod yaring isip, at walang magawa",
"Naising isugal ang buhay, subalit may mawawala",
"Hindi ayaw mag sakripisyo, sa kapalit nanwala",
"Tatak sa noo, dibdib at laman",
"Hindi na ba mabubura, kasalan sa nakaraan",
"Ni malimutan man, hindi mapakawalan",
"Gayong ang sarili ko'y, parang nasa kalawakan",
"Sinisilip ko ang bintana, ng gabing yaon",
"Madilim man, subalit malinaw ang tugon",
"Nais kang kausapin, at yakapin hanggang huling panahon",
"At sa iyo'y sasambitin, ang katagang padayon",
"Nang sarili'y nakita, tangan ang isang unan",
"Basa na ng luhang, kalungkutan ang dahilan",
"Nangyaring pawang basahang, paa ang pinunasan",
"Subalit nasa dulo pa rin, tangan ang kawikaan",
"Natulog nang gayong, lumuluha sa bintana",
"Nagising isang umagang, tila may hiwala",
"Kaway mo sa harap, na tila ilusyong nagpakita",
"At totoo nga, hindi ikaw ang nakita",
"Nagulantang na lang ako, nang aking mabalita",
"Wala ka na pala, kaya ako'y tila hinati sa gitna",
"Hindi mo kinaya ang hirap, kaya nakasabit kang nakita",
"Nang oras na ako'y nabulabog na lang bigla, doon ka nila nakita"
]
},
{
"title": "Indak",
"content": [
"Tangan ang kamay mong kay lambot, animoy rosas sa hardin",
"Ngiti mong kay tamis, habang sa ati'y naihip ang hangin",
"Indak at pag-ikot mong, nakakaakit isiping",
"Yaring dalagitang, nagsasayaw sa harap ng salamin",
"Halimuyak mong saang magpunta, hindi maglaho gabi man o umaga",
"Yaring isa kang presensyang, nagsasaad ng konsensya",
"Na tuwing lilingon pa'y, ikaw ang syang naaalala",
"Silip sa salaming, kung saan ka nakikita",
"Luha ay pumapatak, habang natunog ang orasan",
"Para akong isang normal, nagkaroon ng kapansanan",
"Ikaw ang syang naging kulang, sa kumpleto kong nakaraan",
"Batid ng mundong ginagalawan, maging ang walang hanggang kalawakan",
"Wala nang pagdududang, iyong masisilayan",
"Wala nang kahirapan, ang iyong ipapasan",
"Bitbit mo na noon, na hindi mo na mararamdaman",
"Tanging ngiti mo lang, maging halakhak ang tangan",
"Sa daan kung saan, ika'y unang nasilayan",
"Nagsilbi kang biyayang, nagdulot ng kasalanan",
"Tila isang subok sa akin, kung paanong maranasan",
"Bagay na hindi ko nais mabatid pang, dulot ay dalamhati't kahirapan",
"Indak mo nung gabing yaon, habang hawak mo ang aking kamay",
"Sya palang dahilan, kung bakit nais mong ako'y sumabay",
"Dahil hindi ko batid, kung gaano kahaba ang buhay",
"Gayong isang kisap mata'y, nilisan mo habang kumakaway",
"Malayo ka na, at hindi ka na muling maaabot",
"Batid mo siguro, at nakikita ang aking lungkot",
"Walang gabing lumilipas, na hindi basa ang unan ko't kumot",
"Habang ang halimuyak mo'y, naamoy ko at nakakalungkot",
"Ang indak mo sa 'king panaginip, na laging nagpapaalala",
"Ang bangungot na sa aki'y, lubos nagpapaluha",
"Isang linggo na ang lumipas, subalit nais nang mawala pa",
"Ang pighati't dalamhating, lagi kong pas-an at nadarama"
]
},
{
"title": "Sandal",
"content": [
"Sa magulong mundo, na niyayanig ng hirap",
"Pagod ka man o hindi, asahan mong maaari kang umiyak",
"Gamitin mo ako, ang balikat ay magiging saksi ng lahat",
"At ang katulad kong, magsasaad sa langit ng lahat",
"Hindi man batid ng nakararami, o maging ayaw mong mabatid pa",
"Sa akin ay sabihin, at subukang tulungan ka",
"Gayong iyon ang syang bagay, sa aki'y itinakda",
"At ang kapalaran ko'y hanggang wakas, doon at doon lang mapapapunta",
"Hindi mo man kaibigan ang mundo, gawin mo akong kapatid",
"Isang taong nais makatulong, sa bawat problemang nababatid",
"Sa laro ng buhay na kay hirap, gayong hilahan lang ng lubid",
"Asahan mong sa init, yaring panaho'y mayroon pa ring tubig",
"Hawakan mo ang kamay ko, at kung maaari'y pang gigilan",
"Kung ito ang syang paraan, upang hirap mo'y maibsan",
"Hayaan mong ang kalangitan, ang syang magbigay ng kalakasan",
"Ang ngiti mo lang ay sasapat na, dahil biyaya iyang hindi mapapantayan",
"Titik at kataga ang syang gabay, sa tuwing tutula",
"Maging ang isang awiting, naririnig ay sya ring nakakalikha",
"Ang sarap lang ulit-ulitin, ngiti mo'y nakikita",
"Sa napakasimpleng bagay na sya mong nilikha, sya ring naiibsan ang hirap ng madla",
"Hindi na kailangan pang magpasalamat, kung ako ma'y makakatulong",
"Bagkus salamat sa iyong, nakikita kong masaya ka",
"Sa tagal na din ng panahong, hindi ka makakausap pa",
"Gayong kahit kamusta, hirap nang bigkasin pa",
"Hindi na kailangan pang malaman, dahil alam mo na",
"Hindi na kailangan pang makita, sapagkat nakita na",
"At iyong luha ay pumatak man, nandito pa rin ako't kakamusta",
"Nang sa gayong paraan, akong muli ay maging mong kuya",
"Huling bersikulo, at huling yugto ng tula",
"Gayong patapos na rin ang awit, na aking pinakikinggan pa",
"Salamat sapagkat, nabago ang buhay at pananaw na",
"Dating makitid na pag-iisip, pinalinaw at pinaunawa"
]
},
{
"title": "Ikaw pa rin",
"content": [
"Taon na ang lumipas, pagod na ay hagas",
"Nasayang man ang panahon, maging ang gintong oras",
"Hindi na masasayang, dahil sa ito'y wagas",
"Maging kasalanab ma'y, tanging kamay ay ihugas",
"Lipas nang bawat oras, nang ako'y nasa dulo",
"Luhang napatak, nang akala'y hindi totoo",
"Ako ma'y nauna, subalit nandito pa ako",
"Kapiling ang mga pusa, at aking nilalato",
"Hindi naman nagbago, nagduda lang ako",
"Hindi batid ng iba, subalit alam ng mundo",
"Kapiling na kita noon, nataong nauna lang ako",
"Makulit ang panahong, pinag-iba ang takbo",
"Kapit na nang mahipit, at sapilitang pinabitaw",
"Parehas pang mapait, nang dahil sa hilaw",
"Ang hirap lang isipin noon, ang ako at ikaw",
"Na syang nais ko mang matuloy, at ika'y umayaw",
"Hindi man nang iniwan, ang isang iniwanan",
"Patuloy pang nakakapit, kahit binitawan",
"Hindi man binalikan, subalit hinintay lang",
"Gayong panahong hindi maibabalik, at lahat ay nasayang",
"Hindi pa matatag, itong haligi at pundasyon",
"Wala nang sigla ang nangyaring, dumaan na aksyon",
"Lahat ay naglaho rin, maging walang solusyon",
"Sayang kung tutuusin, ang lipas na panahon",
"At ika'y umabot, kung saan man naroroon",
"Parehas nakamit, mga pangarap natin noon",
"Maraming kagustohan, liko likong tuksong ",
"Sa ati'y sumubok, kahit sa akin lang pala iyon",
"Hindi mo naman gusto, at ika'y gusto ko",
"Wakas na nga ito, huli at dulo",
"Dumating ka man sa tayong, parehas nating naipunto",
"Subalit wala pa rin sa atin, ang katagang ikaw at ako"
]
},
{
"title": "Liwanag",
"content": [
"Hindi matatawaran, pagmamahal at katapatan",
"Sa kanyang sinapupunan, ako'y unang inalagaan",
"Aruga kong kailangan, ama ko ang kanyang katuwang",
"At nang ako ay isinilang, hirap kanyang naranasan",
"Hiyaw na walang awa, at sa unang pag-uha",
"Ngiti sa kanilang labi, kakaibang saya",
"Ang tula kong ginawa, kulang pang kay inam nga",
"Sa simpleng pasasalamat, saya ay makikita",
"Ang paligid ay nababalot, panganib at dahas",
"Parang isang lipunang, napupuno ng ahas",
"Kamandag ang hatid, at lubos kang mahuhulas",
"Kahit pa na nalulunod, kaniya kang ililigtas",
"O, ina kong mabait, salamat lahat",
"Kulang ang salitang salamat, kung kaya't ipapalaganap",
"Ang nawawala kong pyesa, ikaw ang syang naghanap",
"At kumumpletong ganap, ang sariling hinahanap",
"Hindi ko sukat maisip, kung paanong pag-unawa",
"O ikaw aking ina, ang syang unang nagpakita",
"Naggabay sa aking buhay, ang nagpapakita ng tama",
"Nagpuna ng kamaliang, lagi kong nagagawa",
"Lubos ang iyong pang-unawa, kaya sabi nawawala",
"Napupunding nasasabi, tila nakakatuwa",
"Kung gayong kaparaanang, 'di batid ng iba",
"Ng bawat taong nasa paligid, na hindi ka nakikita",
"Mas lubos kitang kilala, kaysa sa kilala nila",
"Hindi nila nakikita, paghihirap mong gawa",
"Ako man ay syang hilaw, sa mundong ginawa",
"At sila ma'y hinog, subalit lamog na",
"Salamat po ina, sa hirap mong ginawa",
"Nararapat na salamat, subalit batid na kulang pa",
"Kaya hayaang aking gawa, ang sa iyo'y magpakita",
"Kung paanong pagmamahal mo, ang sa aki'y pinadama"
]
},
{
"title": "Panahon",
"content": [
"Pagod na araw, at ngayo'y nananaginip",
"Nawa sa paraiso, mapadaong ang ihip",
"Hirap na dinaranas, nais na hindi pa maulit",
"Gayong paghihirap mo noo'y, palaging nasa isip",
"Pikit matang tinaggap, at nalalabi mong mga araw",
"Hindi ko nasulit ang panahong, ika'y aking natatanaw",
"Gayong bilang sa daliri, kung magbabalik tanaw",
"Sa bawat ala-alang naiisip, panahong kasama'y ikaw",
"Hindi ko man ikaw nakasama ng lubos, subalit dama pa rin kita",
"Ikaw ang aking titong, parang aking tita",
"Nakakatuwa mang isipin, subalit tumutuloy ang luha",
"Ngayon panahong ginagawa, ako'y umiiyak at sa iyo'y masaya",
"Huwag nang mangamba, bagkus kumalma na",
"Tito kong naging parte, bahagi ng isang makata",
"Huli man ang panahon, mahalaga'y nakasama",
"Gayong limitadong panahon, na ika'y nakita",
"Buhos ang luha, ng mga nagmamahal",
"Ganyan talaga siguro, mabait ka't 'di hangal",
"Maibiging tao, ni minsa'y hindi pasakal",
"Gayong kung minsan lang, sa iyo'y nauutal",
"Sa bawat aalis, ika'y nauunang nawawala",
"Ngayong ika'y nawala, hanggang pagtulo na lang ng luha",
"Walang magagawa, hindi na muling makikita",
"Gayong mga huling araw mo sa higaa'y, nanamnaming mga ala-ala",
"Ikaw ay madaya, hindi ka tumagal",
"Siguro nga gano'on, kasi nung huli'y hingal",
"Pakiramdama na 'di maayos, at animo'y sakal",
"Makapiling mong nawa, ang Amang nasa langit at banal",
"Mahal ka namin, sa huling pagkakataon",
"Pangamba'y huwag bitbitin, at sa lupa'y itapon",
"Ika'y umalis ng mapayapa, tanggap ko na po ngayon",
"Hindi kami aalis, hangga't 'di ka pa napaparoon"
]
},
{
"title": "Atih",
"content": [
"Ala-alang sa lahat ay nakatatak, at malabong mabura",
"Tangan ang iyong halakhak, maging ang iyong gawa",
"Iingantang lubos, naiwan mo dito sa lupa",
"Hahanapin ka, subalit malaya ka na",
"Anupa't nararapat, sa dahilang ubos na",
"Tawag ka na ng Ama, at nais na kapiling nya",
"Iwasan mang mga bagay, lalo ang pagluha",
"Huling gabi mo na ngayon, at lahat ay masaya",
"Ang sarap sa pakiramdam, subalit mabigat",
"Tito kong madalang, ko na kaakibat",
"Itong panahong huli, na aking nilalasap",
"Hanggang sa isipan na lang, akin nang tanggap",
"Ayon man sa panahon, sa huli nating panahong magkasama",
"Tito kong matigas, subalit pusong mamon pala",
"Ikaw na naging tapat, kaibigan ng madla",
"Higaan mong kahoy ngayo'y, may mga kaibigang napapaluha",
"Aking kahilingan, sana may panahon pa",
"Tangan ang bawat salita mo, noong nabubuhay pa",
"Iyang kinalalagyan mo'y, huwag ka nang mag-alala",
"Hininga sa lupa ma'y wala, subalit jan ay malaya ka na",
"Ang mga katagang, may kaakibat na lakas",
"Tangan nito ang bagay, na syang bumibigkas",
"Isang bagay na syang, kahinaang naglalabas",
"Hinahong may lakas, nagbibigay ng talas",
"Aking ipipilit, bawat talata ay tangan",
"Tanging ATIH ng kaibigan, at titong maasahan",
"Isang naging lingkod ng Diyos, na sa kalooba'y nagpagaan",
"Hamon ba ito sa akin, upang ipagpatuloy yaring nasimulan",
"Aking tito, matulog ka na",
"Tanda ng mga nagawa mo, ipahinga na",
"Iiyak kami mamaya, sa oras na ibabaon sa lupa",
"Hangga't kami'y nabubuhay, ala-ala mo'y hindi mawawala",
""
]
},
{
"title": "Ngiti",
"content": [
"Minsan lang masilayan, tila pinagkait pa",
"Sa magulong mundo, na ikaw lang ay nag-iisa",
"Sarili'y pinagkaitan, bagay na syang kay ganda",
"Paanong bawat oras, ay syang magiging mahalaga",
"Ala-ala ang nabubuo, sa tuwing magkakasama",
"Ngiti sa mga labi, halakhak ng bawat isa",
"Sa dulo'y maluluha, malulungkot na lang bigla",
"Nang kadahilanang, bakit pa ba ito nagagawa",
"Hiwaga ang buhay, ang sa tuwing magkakasama",
"Masaya sa tuwing, nakikitang magkakasama",
"Dama na ang saya, basta't kapiling ang bawat isa",
"Subalit naluluhang bigla, sa tuwing nag-iisa",
"Kulitan at tawanan, kwentuhan ang syang ginagawa",
"Sa tuwing ang oras, bumibilis na lang bigla",
"Madaya ang panahon, sa kadahilanang nabagal kapag mag-isa",
"Sa tuwing nag mumuni-muni, napapaisip, gusto ko ring sumama",
"Ngiti ang syang ilusyong, kaya kong ipakita",
"Kunyaring masaya pa ako, subalit mayroon nang luha",
"Oras ang tinatapo, na hindi alam kung saan napupunta",
"At sa dulo'y magsisisi, subalit ayaw ring magkaroon ng ala-ala",
"At ito nanaman tayo, magkakasamang muli",
"Panahon ang syang gumagawa, bagay na magpapahikbi",
"Pinamumukha ba nito sa akin, na ang lahat sy 'di pa huli?",
"Gayong huling panahon na, huling yugto na ako'y kasali",
"Tatawa na lang muli, habang ito'y ginagawa",
"Iniisip nanamang muli, ano ba itong pinagkaiba?",
"At mangyaring maiisip, tapos mabibigla",
"At maiisip nanamang muli, bakit pa ba ginagawa?",
"Bagay na ibinawal, sa isang bagay na pangkalahatan",
"Bagay na kahit sino, hindi basta mauunawaan",
"Gayong kanilang ipipilit, gayong aking dapat ipagsapalaran",
"Isang huling ngiti, isang araw ay inyong mamasdan"
]
},
{
"title": "Pait",
"content": [
"Sapit ang dilim, subalit maliwanag",
"Ikaw ay dumating, tila hiwagang may bagabag",
"Kalungkutang gabap, kapiling ng galak",
"Luhang pumapatak, karugtong ng bawat halakhak",
"Sulyap sa malayo, gayong masayang pagmamasdan",
"Ang payapang hangin, sa aki'y malumanay na nadaan",
"Kinagisnan kong pinagmulan, lubos kong pinanghihinayangan",
"Gayong iisang bagay, sa aki'y malabong pakinabangan",
"Tangan ang liham, papel at panulat",
"Nais ring maranasan, kamay ay mahawak",
"At gayong isang ganap, pinagsisisihang lahat",
"Sa yugtong kinaroroona'y, malabo kahit magsikap",
"Ginawa ko man ang gawin mo, nang hindi mo namamalayan",
"Dati kong kinagisnan, nababalot na ng kadiliman",
"Pawang nasa isang lugar, na animo'y kalawakan",
"Ni hindi mawari, maging ng aking kaisipan",
"Sa wakas man ay gayon din, at walang mangyayari",
"Sapat nang ang sa wakas, masilayan ang ngiti",
"Ang iyong hakbang, papalapit ay maaari",
"Subalit paanong makikilala, gayong hindi rin mawari",
"Hindi ka pag-aari, paanong may karapatan",
"Ikaw pa rin ang isinilang, nais kong alagaan",
"Bago man gumulang, nawa'y mapagmasdan",
"Gayong minsan lang, at iisa ka pa lamang",
"Salamat sa pansamantalang saya, nang ika'y nabuhat",
"Ikaw na nasa duyang, may kakaibang halakhak",
"Sa tuwing nasisilaya'y, pagod ay nawawasak",
"At sa tuwing naaalala, luha'y napatak",
"Bunso ka man sa amin, subalit ikaw ang panganay",
"Maging bahagi nawa, kami ng iyong buhay",
"Sa mura mong edad, ngiti mo nawa'y masilay",
"Sa bawat mong hakbang, na hindi na makakaalalay",
""
]
},
{
"title": "Ilusyon [inspired from totoo]",
"content": [
"Hanapin ang ganap, at ang nawawala na kasalukuyan",
"Sa dilim at liwanag, na syang kungsino ang tumangan",
"Sa tahanang hindi masilayan, sa wangis na hindi naunawaan",
"Sa mundong walang hangganan, sa hirap na walang katapusan",
"Ikaw pa rin ang larawan, sa pitaka kong itim",
"Ikaw ang kasalukuyang, pinapanatiling lihim",
"Sa gitna ng liwanag, na binabalot ng walang hanggang dilim",
"Tanging ang tunay ay matatanaw, sa pasimula ng takip-silim",
"Ikaw ang kayakap sa dilim, at ikaw din ang nawawala",
"Hindi ka makita, sapagkat hindi ko mahinuha",
"Ang mundong ginugulo ako'y, tila binabalot ng libo-libong hiwaga",
"Na syang tunay bang may diwa, ang nais kong makuha",
"Sintidong sumasakit, sa tuwing nasisilayan ka",
"May mga nilalang na lumalapit, saki'y kinukuha ka",
"Itinakwil ang mabuti, at sarili ko na syang nagdurusa",
"Sa bagay na hanggang sa wakas ng buhay ko'y, hindi ko masasabi kung dapat ba",
"Diwa ang syang saksi, sa aking kinakausap",
"Tao ang syang nahusga, sa bawat natatanggap",
"Sa bagay na nasisilayan, at sila ay hindi mahagilap",
"Na ako ang nakakakita, at hindi nila makalap",
"At ito nga ang gabing, aking hinihintay",
"Isa isa isa sa paligid, ay tuluyan nang nahihimlay",
"Habol hiningang, animo'y wakas na ng kanilang buhay",
"Habang ang ibang nagliliyab, ang iba'y hinawakan ang kamay",
"Halimuyak ng bulaklak, ay iyong maaamoy",
"Mula sa kanluran, silangan ay sumasaboy",
"Lumilipad ang bawat bahaging, animo'y baga ng apoy",
"At sa bawat dampi nito, ay ang nakakapasong simoy",
"Bilanggo ako ng nakaraang, ni isa ay ayaw manilawa",
"Akalang katotohanang buhay, ang sa akin ay nawawala",
"At tuluyang ang tinutungtungang lupa'y, humihila pababa",
"At pilit na humahawak, sa sangang wala nang dagta"
]
},
{
"title": "\u1709\u1707\u1713\u1710 \u1708\u1705\u1714 \u170a\u1713\u1711\u170c\u1714",
"content": [
"\u1700\u1707\u170f\u1714 \u1700\u1705\u1714 \u1710\u1712\u170c\u1705\u1714 \u170a\u1713\u1705\u1707\u1714\u1735 \u170a\u1704\u1713 \u170b\u1710\u1713\u170e\u170c\u1708\u1714 \u1700\u1705\u1714 \u1711\u1712\u1708\u1711\u1707\u1709\u1714",
"\u1711\u1705\u1712\u1708\u1714 \u1700\u1705\u1714 \u1706\u1705\u1712\u1705\u1714\u1735 \u1702\u1708\u1705\u1714 \u170c\u1713\u170b\u170c\u1703\u1709\u1714",
"\u1703\u1712\u1710\u1714\u170e\u1709\u1714 \u1708\u1705\u1714 \u170a\u1712\u1706\u1713\u170f\u1712\u1705\u1714\u1735 \u1710 \u1704\u170a\u1712\u170c\u1714 \u170b\u1703\u1712\u1708\u1705\u1714",
"\u170c\u1707\u1712\u1705\u1714 \u1709\u1708\u1711\u1713\u1705\u1714 \u1703\u170c\u1714 \u170a\u1712\u170e\u1712\u1710\u1714 \u170e\u1713\u170b\u1712\u1709\u1710\u1714\u1735 \u1703\u1711\u1709\u1713\u1708 \u170e\u170b\u1705\u1714 \u1700\u170c\u1714 \u170a\u1704\u1713 \u1709 \u1711\u1711\u1703\u1714\u170a\u1705\u1714",
"\u170a\u1703\u1712\u1706\u1714 \u1703\u170c \u1700\u1705\u1714 \u170a\u170f\u1706\u1714 \u1704\u1708\u1709\u1714\u1735 \u1700\u170c\u1714 \u170a\u1712\u1711\u1712\u1707\u1705\u1714 \u1707\u1713\u170b\u1706\u1712\u1705\u1714\u1736",
"\u170a\u1703\u1712\u1706\u1714 \u1701\u1710\u1705\u1714 \u170a\u1712\u1710\u1712\u1710\u1714 \u170e\u170b\u1705\u1714\u1735 \u1700\u1705\u1714 \u1710\u1712\u1708\u1710\u170a\u1712\u1705\u1714 \u1706\u1703\u1712\u1709\u1714 \u1710\u1712\u170e\u1712\u170b\u1714\u1736",
"\u1710\u1709\u1706\u1714 \u170a \u1708 \u1710\u170a\u1712\u1711\u1712\u1705\u1714\u1735 \u170a\u1704\u170c\u1714 \u1708 \u1711\u1712\u1708\u1714\u1707\u1712 \u1706\u1713\u1706\u1713\u1702\u1736",
"\u1702\u1709\u1705\u1714 \u1701\u1709\u1703\u1712\u1706 \u1700\u1705\u1714 \u170a\u1704\u170c\u1714\u1735 \u1708 \u1700\u170c\u170f\u1714 \u170b\u1703\u1712\u1706 \u1708\u1705\u1714 \u1703\u1710\u170b \u170b\u1713\u1736",
"\u170e\u1712\u1703\u1711 \u1700\u1706\u1714 \u1706\u170e\u1706\u1735 \u1700\u1706\u1714 \u1710\u1712\u1708\u170e\u1712\u1708\u1714 \u1708\u1705\u1714 \u1711\u1712\u1708\u1714\u1707\u1712 \u170b\u1702\u1708\u170f",
"\u1711\u1712\u1708\u1714\u1707\u1712 \u170b\u170a\u1706\u1712\u1707\u1714 \u1708\u1705\u1714 \u1701\u170a\u1735 \u1704\u170c\u1713\u1705\u1714 \u1711\u1712\u1708\u1713\u1707\u1712\u1710\u1712\u170e \u1703\u170f\u170f",
"\u1710\u1712\u1708\u1707\u1714\u170c\u1705\u1714 \u1704\u1712\u1708\u170f\u1735 \u1702\u1709\u1705\u1714 \u170b\u1708\u1706\u1712\u170e\u1712\u1705\u1714 \u1711\u1712\u170f\u1704",
"\u1700\u1705\u1714 \u170a\u1704\u170c\u1714\u1735 \u170c\u1707\u1712\u1705\u1714 \u1710 \u1701\u170a\u170c\u1714 \u1700\u1708\u1713 \u170a",
"\u1702\u1707\u1710\u1714 \u1700\u1705\u1714 \u1710\u1712\u170c\u1705\u1714 \u1703\u1712\u1708\u1701\u1708\u1714\u1735 \u1700\u1706 \u1710\u1712\u170e\u170c\u1714 \u1710\u1712\u1708\u1713 \u1708",
"\u1707\u1706\u1712\u1705\u1714 \u1703\u1710\u170b\u1735 \u1705\u170c\u1713\u170c\u1714 \u1711\u1712\u1708\u1712\u1707\u1712 \u1708 \u1703\u170e\u170e",
"\u1708\u1710\u1700\u1708\u1714 \u1708 \u170a \u1700\u1705\u1714 \u1707\u1706\u1712\u1705\u1714\u1735 \u1710\u1705\u1714\u1704\u1705\u1714 \u1707\u1703\u1712\u1706\u1736",
"\u1708\u1704\u170e\u1702\u170c\u1714 \u1700\u1705\u1714 \u1703\u1712\u1708\u1707\u1713\u1707\u1713\u1702\u1708\u1708\u1714\u1735 \u1708\u1712 \u1711\u1712\u1708\u1714\u1707\u1712 \u1703\u1713 \u1708 \u170b\u170a\u1706\u1712\u1707\u1714",
"\u170e\u1713\u1711 \u1708 \u170e\u170b\u1705\u1714 \u1700\u1705\u1714 \u1706\u1705\u1712\u1705\u1714\u1735 \u1708\u1704\u1712\u1704\u1712\u1705\u1714 \u170f\u1712\u1703",
"\u170b\u1704\u1712\u1705\u1714 \u170b\u1705 \u170e\u170a\u1712\u170c\u1714\u1735 \u1700\u170c\u170f\u1714 \u1708\u1705\u1714 \u170b\u1704\u1714\u1710\u170e\u1712\u1706",
"\u170b\u1706 \u1703\u1713\u1705\u1714 \u1706\u1705\u1708\u1714 \u1700\u1705\u1714 \u170e\u1711\u1706\u1714\u1735 \u170e\u1712\u1711\u1712\u170b\u1714 \u1710 \u1700\u1703\u1712\u1705\u1714 \u170a\u170e\u1712\u1703\u1706\u1714",
"\u1709\u1707\u1713\u1710 \u170a \u1708\u1705\u1714 \u170a\u1713\u1711\u170c\u1714\u1736 \u1701\u1706\u1712 \u1700\u1705\u1714 \u1710\u1712\u170c\u1705\u1714 \u1709\u170b\u1704\u1706\u1714",
"\u1709\u1712\u170e\u1712\u1706\u1714 \u1708 \u1701\u1708\u1713\u1702\u1708\u170f\u1735 \u1704\u170c\u1713\u1705\u1714 \u170b\u1703\u1712\u1706\u1712\u1707\u1714 \u1700\u1705\u1714 \u1701\u1710\u1712\u1709\u1714",
"\u1703\u170c \u1710\u1712\u1708\u1707\u1714\u170c \u1700\u1706\u1714 \u1709\u1712\u1708\u1712\u170e\u1712\u1706\u1714\u1735 \u1702\u1709\u1705\u1714 \u1711\u1712\u1708\u1714\u1707\u1712 \u170b\u170a\u1706\u1712\u1707\u1714",
"\u170a\u1704\u170c\u1714 \u1708 \u1708\u1703\u1703\u1713\u170a\u1714\u170e\u1712 \u1710 \u1700\u1703\u1712\u170c\u1714\u1735 \u170b\u1708\u1706\u1712\u170e\u1712\u1705\u1714 \u1708\u1703\u1710\u1712\u170e\u1712\u1707\u1714",
"\u1700\u1706\u1714 \u1711\u170c\u1700\u1705\u1714 \u1709\u1708\u1711\u1713\u1708\u1714\u1735 \u1700\u1705\u1714 \u1710\u1712\u170c\u1705\u1714 \u170b\u1704\u1714\u1709\u170a\u1706\u1712\u1707\u1714",
""
]
},
{
"title": "Isang kurap",
"content": [
"Ako ma'y may hilig, na mangyaring apat pang taon",
"Bigyan ni bathala, ang tulad ko ng pagkakataon",
"Pangarap ko, na syang aking itinuon",
"Na parang sa oras, na ika'y yumaon",
"Nataong ang araw, na kami'y masaya",
"Sya ring araw na gumulantang, iniwan mong bigla",
"Ika'y malakas pa, at nakangiti ng huling nagkita",
"At ngayo'y pawang puot, bakas ang paghihirap sa lupa",
"Luhang napatak, gayong sa iyong kabutihan",
"Tinanggap ko ang katotohanang, nahimlay ka't nananahan",
"Ngayong kahilingan, iyong pakinggan",
"Ang galit man kung mayroon, ay tuluyang pakawalan",
"Minsang naging ina, sa tulad kong apo",
"Hindi masasabing puro, kundi galing sa kapatid mo",
"Gayong nawa ay magsaya kayo, kapiling ang Ginoo",
"Kayo ng kapatid mo, na aking mahal na lolo",
"Bukas palad ka, at may kasama pang yakap",
"Ganyan ka 'di lang sa akin, kundi maging sa lahat",
"Taon na syang lumipas, akala ko ay aking nasisilayan",
"Subalit nagkasala akong muli, at huli na nang nalaman",
"Mahanap mo ang kaligayahan, maging kapahingahan",
"Huwag intindihin, yaring mga naiwan",
"Malalaki na sila't, may mga gumagabay din naman",
"Ika'y mamahinga na't, mga luha'y nagsipatakan",
"Huling araw na masisilayan, subalit 'di matitigan",
"Sa tuwing haharap sa iyo'y, luha'y papatak nanaman",
"'Di ka naging iba, bagkus naging mahalaga pa",
"Gayong 'di ka lang sa ganyan, kundi sa buhay at naging parte pa",
"Tulog ka na, at tama na ang hirap",
"Damhin at lasapin ang sarap, na sa langit malalasap",
"Nawa'y Diyos ngang totoo, ang syang pinanampalatayanan",
"At nang sya ang makapiling, hanggang sa dulo ng hangganan"
]
},
{
"title": "Dati sa Ngayon",
"content": [
"Linihim mo ang gawang, sa iba'y malabong matupad",
"kahilingan at hangad, piunagkaloob ng tapat",
"Sapat nang masilayan kang ganyan, kahit sa loob ng tahanan",
"At ang bawat gawa mong nag-iiba, lubbos kong kinalulugdan",
"Sa tuwing nababatid, sarili'y kinukublli",
"Sa kadahilanang, may pag-asang 'di mawari",
"Sa oras mang dumating, aking lubos na masasabi",
"Salamat sapagkat, lubos ang binigay mong ngiti",
"Noong tangan mo sa bisig, ang isang tulad ko",
"Lubos na ipagpapasalamat, sapagkat tunay ngang totoo",
"Hindi mawari ng kung sinuman, ang ngiting nasa labi ko",
"Dahil sa ika'y mahal ko, higit pa sa kung sino ako",
"Ikaw nga ang haligi, at pinatunayan mo sa akin",
"Ang respeto at paggalang, na syang dapat ipataw galing sa amin",
"Nawa isang araw, kasamana ka sa iglesyang sambahayan",
"Kung saan ang Amang nasa langit, sabay sabay nating papurihan",
"Nilikha nya ang langit, lupa at karagatan",
"Subalit sa lahat ng nilikha, kayo ang lubos kong inaasam",
"Na kaniyang nilikhang, 'di ko nais lumisan",
"Gayong pinipilit kong lubos, dahil sa lubos ko ring pinagsisisihan",
"Wala man akong naiambag, sa kapatid na lumisan",
"Nais ko namang ika'y, nasa langit na kaharian",
"Upang masaksihan ang lahat, maging ang kaginhawahan",
"Maibsan ang dating paghihirap, maging naging kapighatian",
"Saksi kaming mga anak mo, kung paano kang nagluksa",
"Isa ba iyon sa simula, kaya nagbabalak bumalik sa kanya",
"Nais ko sanang tuluyan kang magbago, ama ko sa laman at lupa",
"Na syang dahilan, kung bakit ako nakatapak sa lupa",
"Noong ika'y laging galit, ngayo'y mapag-unawa na",
"Saksi sa pagbabago mong, tila isang malaki ring himala",
"Gayong isang bagay na tila, aking pinagsisihang talaga",
"At iyo'y makasama ka, sa araw na kasama ka nila"
]
},
{
"title": "ᜋᜒᜈ᜔ᜐᜑᜒ",
"content": [
"ᜋᜐᜐᜊᜒ ᜊ᜵ ᜃᜓᜅ᜔ ᜀᜃᜓ ᜉ ᜊ ᜀᜃᜓ᜶",
"ᜄᜌᜓᜅ᜔ ᜉᜇᜅ᜔ ᜆᜂᜈ᜔ ᜈ ᜇᜈ᜔᜵ ᜈᜅ᜔ ᜑᜓᜎᜒᜅ᜔ ᜈᜐᜃᜓᜐᜒᜑᜈ᜔ ᜃᜓ",
"ᜋᜅ ᜏᜄᜌ᜔ ᜊᜄᜌᜓ᜵ ᜈ ᜐᜒᜌᜅ᜔ ᜊᜆᜒᜇ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜋᜓᜈ᜔ᜇᜓ",
"ᜀᜆ ᜉᜈᜑᜓᜅ᜔ ᜑᜓᜋᜓᜊᜓᜄ᜵ ᜐᜃᜓᜅ᜔ ᜀᜈᜓ ᜀᜃᜓ",
"ᜈᜁᜐ᜔ ᜃᜓᜅ᜔ ᜋᜓᜎᜒᜅ᜔ ᜋᜇᜈᜐᜈ᜔᜵ ᜀᜅ᜔ ᜆᜓᜋᜏᜆ᜔ ᜐᜓᜋᜌ",
"ᜈᜁᜐ᜔ ᜃᜓᜅ᜔ ᜋᜇᜈᜐᜈ᜔᜵ ᜃᜓᜅ᜔ ᜉᜀᜈᜓ ᜋᜃᜒᜐᜋ",
"ᜈᜁᜐ᜔ ᜃᜓᜅ᜔ ᜋᜇᜈᜐᜈ᜔᜵ ᜀᜅ᜔ ᜋᜄ᜔ᜃᜇᜓᜂᜈ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜃᜁᜊᜒᜄᜈ᜔",
"ᜈ ᜉᜓᜆ ᜃᜁᜎᜈ᜔ ᜊ᜵ ᜀᜃᜓ ᜆᜓᜎᜓᜌᜅ᜔ ᜐᜐᜌ",
"ᜎᜑᜒᜋ᜔ ᜈ ᜎᜅ᜔᜵ ᜀᜅ᜔ ᜈᜁᜐ᜔ ᜋᜉᜈᜆᜒᜎᜒ",
"ᜑᜅ᜔ᜄᜅ᜔ ᜇᜓᜁᜈ᜔ ᜎᜋᜅ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜊᜆᜒᜇ᜔᜵ ᜈᜅ᜔ ᜋᜓᜈ᜔ᜇᜓᜅ᜔ ᜆᜄᜒᜎᜒᜇ᜔",
"ᜉᜀᜈᜓᜅ᜔ ᜋᜄᜒᜄᜒᜅ᜔ ᜋᜐᜋ ᜊ᜵ ᜃᜓᜅ᜔ ᜐ ᜆᜋ ᜈᜋᜈ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜐᜒᜌᜅ᜔ ᜉᜒᜈᜀᜅ᜔ᜌᜌᜇᜒ᜶",
"ᜄᜌᜓᜅ᜔ ᜎᜑᜆ᜔ ᜈᜋᜈ᜔ ᜀᜆ ᜐᜒᜎᜌ᜔᜵ ᜎᜒᜋ᜔ᜉᜓᜅ᜔ ᜑᜒᜈᜇᜒ ᜋᜃᜆᜒᜈ᜔ᜇᜒᜄ",
"ᜐᜄ᜔ᜎᜒᜆ᜔ ᜎᜅ᜔᜵ ᜈᜁᜐ᜔ ᜃᜓ ᜇᜒᜅ᜔ ᜎᜓᜋᜓᜑ",
"ᜑᜊᜅ᜔ ᜁᜈᜒᜁᜐ ᜒᜁᜐ᜵ ᜎᜑᜆ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜈᜇᜇᜋ",
"ᜑᜒᜇᜉ᜔ ᜈ ᜐᜒᜌᜅ᜔ ᜉᜓᜋᜉᜄᜓᜇ᜔᜵ ᜐ ᜆᜓᜎᜇ᜔ ᜃᜓᜅ᜔ ᜋᜄ᜔ ᜁᜐ",
"ᜄᜌᜓᜅ᜔ ᜈᜒ ᜁᜐ ᜈᜋ᜔ ᜐᜒᜄᜓᜇᜓ᜵ ᜋᜎᜊᜓ ᜋᜓᜅ᜔ ᜋᜂᜈᜏ",
"ᜊᜆᜒᜇ᜔ ᜋᜓ ᜎᜅ᜔ ᜈᜋᜈ᜔᜵ ᜀᜌ᜔ ᜃᜓᜅ᜔ ᜀᜈᜓᜅ᜔ ᜈᜃᜒᜃᜒᜆ",
"ᜊᜆᜒᜇ᜔ ᜋᜓ ᜈ ᜊᜑ ᜐ ᜎᜒᜃᜓᜇ᜔ ᜃᜉᜄ᜔ ᜋᜌ᜔ ᜈᜐᜒᜐᜒᜇ᜶",
"ᜀᜃᜎ ᜎᜅ᜔ ᜈᜋᜈ᜔᜵ ᜉᜈ᜔ᜐᜇᜒᜎᜒ ᜀᜅ᜔ ᜄᜏ",
"ᜄᜌᜓᜅ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜐᜒᜌᜅ᜔ ᜎᜌᜓᜈᜒᜈ᜔᜵ ᜀᜅ᜔ ᜋᜎᜒ ᜀᜌ᜔ ᜋᜁᜆᜋ",
"ᜎᜓᜋ᜔ᜉᜓ ᜈ᜵ ᜀᜆ᜔ ᜑᜒᜇᜉ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜆᜓᜋᜌᜓ",
"ᜑᜒᜇᜉ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜋᜄ᜔ᜁᜐᜒᜉ᜔᜵ ᜃᜓᜅ᜔ ᜉᜀᜈᜓ ᜊ ᜁᜆᜓ",
"ᜀᜅ᜔ ᜑᜒᜇᜉ᜔ ᜒᜄᜏᜒᜈ᜔᜵ ᜀᜈᜓ ᜊ ᜀᜅ᜔ ᜄᜓᜐ᜔ᜆᜓ",
"ᜄᜓᜐ᜔ᜆᜓ ᜈ ᜐᜒᜌᜅ᜔᜵ ᜇᜒ ᜋᜃᜉᜉᜑᜋᜃ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜆᜁ",
"ᜋᜌ᜔ ᜑᜒᜎᜈ᜔᜵ ᜃᜓᜅ᜔ ᜊᜃᜒᜆ᜔ ᜃᜓ ᜄᜒᜈᜏ",
"ᜀᜅ᜔ ᜊᜌ᜔ᜊᜌᜒᜈ᜔᜵ ᜁᜁᜎᜈ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜈᜃᜃᜊᜐ",
"ᜄᜌᜓᜈ᜔ ᜇᜒᜈ᜔ ᜐ ᜇᜑᜒᜎᜅ᜔᜵ ᜋᜊᜊᜄᜎ᜔ ᜋᜊᜐ",
"ᜐᜉᜄ᜔ᜃᜆ᜔᜵ ᜁᜐ ᜁᜆᜓᜅ᜔ ᜆᜅᜒᜅ᜔ ᜉᜇᜀᜈ ᜂᜉᜅ᜔ ᜋᜄ᜔ᜎᜆ᜔ᜑᜎ",
"ᜋᜇᜋᜓᜆ᜔ ᜊ ᜀᜃᜓᜅ᜔ ᜋᜁᜆᜓᜆᜓᜇᜒᜅ᜔᜵ ᜃᜓᜅ᜔ ᜀᜃᜓᜌ᜔ ᜈ",
"ᜐ ᜇᜋᜒ ᜈ ᜇᜓᜋᜇᜀᜈ᜔᜵ ᜁᜐ ᜃ ᜐ ᜋᜅ ᜆᜅ",
"ᜋᜐ᜔ ᜋᜌ᜔ ᜀᜎᜋ᜔ ᜃ ᜋᜈ᜔᜵ ᜐᜓᜊᜎᜒᜆ᜔ ᜋᜅ᜔ᜋᜅ᜔ ᜃ ᜉ",
"ᜀᜆ ᜐ ᜏᜃᜐ᜔ ᜈᜒᜆᜓ᜵ ᜉᜒᜉᜒᜎᜒᜆᜒᜈ᜔ ᜃᜓᜅ᜔ᜁᜆᜋ ᜉ"
]
},
{
"title": "Ano ang pasko",
"content": [
"Liwanag at dilim, sa pagkakataong nagdating",
"Pangkalahatang ang kaarawan, ng nag-iisang haring",
"Tumubos ng lahat, kasalanang kagagawan",
"Sangkatauhang batid, at naging isang hakbang",
"Sa araw na isinilang, 'di lahat natuwa",
"Gayong panahon nya'y may ganid, na nais ay sila",
"Ang kapangyarihang hawak, sinisilaw ng kanilang mata",
"Maging ang sarili lang ang nais, na iaangat pa sa iba",
"Liwanag ay dumating, na ito'y tinadhana",
"Subalit ang marami ay binalewala, ang dilim ang kinuha",
"Sa bawat oras na kanyang mga sinasambit, wala halos maniwala",
"Siya ang nagkatawang verbo, sa lahat ay higit na dakila",
"Ang kalangitan ay ibinaba nya, ipinakilala ang Ama",
"Inilahad nya sa mundo, ang kasalanang tinubos nya",
"Syang walang bahid ng pagkakamali, sya ang tumanggap ng parusa",
"Sa kadahilanang tanging kamatayan, ang pambayad sa kasalanan ng bawat isa",
"Liwanag nyang dala noon, tinatanggap na natin ngayon",
"Subalit nababago ang takbo, at hindi na ito ang itinutugon",
"Nais nating ganapin, subalit wala sa atin ang totoong rason",
"Na sa tingin ba natin, maiisahan pa natin ang Panginoon",
"Higit pa sa ginto, ang kanyang inihandog",
"Higit pa sa alok ng mundo, ang ginawa niyang niyang alok",
"Na gawin mo ang nais, ng Amang lumikha ng lahat",
"At ang nais ng Ama, maniwala ka sa Anak nyang tapat.",
"Batid man ng ilan, yaring kahalagahan",
"Subalit 'di lahat, ito ay ginagampanan",
"Ni hindi na magawang, pasalamatan ang pinahirapan",
"Ni hindi kayang pasalamatan, ang nagbigay ng kaligtasan",
"Lahat ma'y natutuwa, nang siya ay dumating",
"Subalit sa kasalukuyan, katotohana'y nababaling",
"Ginagawanbg katuwaan, ang hindi dapat pagkatuwaan",
"Gayong lahat na lang ay ginawa, respeto sa kanya'y pinagkaitan"
]
},
{
"title": "Bibliya",
"content": [
"Hiwaga ang dala, sinabing kay ganda",
"Bungad sa mundong, sa aki'y namamanipula",
"Lahat ay may gabay, subalit paano nga bang magsisimula",
"Sa anyong di batid, kung paano ba ako napasimula",
"Maraming nagsabi, na ito'y gawa-gawa",
"Hindi totoo, at tanging katha",
"Malilikot nitong imahinasyon, at puro hula",
"Subalit totoo, kahit saan pa kumuha",
"Aklat na pambihira, ito ang syang likha",
"Winika ng lumikha, ginawa ng mga propeta",
"Lingkod at nagtiwala, makasalanang tulad mo sila",
"Nagmula rin sa alabok, nagmula rin sa wala",
"Iba iba man ang wika, kung saan ito nagmula",
"Sinira man ang pagkakaisang, maging iisang wika",
"Subalit natuloy pa rin, upang ipahayag yaring balita",
"Maging matatalino noong una, ni hindi maniwala",
"Sa kanila'y, matuwid ka muna",
"Bago magsimula, sa aklat na ginawa",
"Subalit sila bang matuwid, o sila pang mas may sala",
"Sa kanilang ginawa, tayo'y tinubos na sa sala",
"Tanggap mo nga bang talaga, itong anak ng lumikha",
"Syang kasakasama, magmula pa ng pasimula",
"Kasama syang lumikha, maginng langit at nang lupa",
"Maging isa sa kasama, bago pa ang tao nagawa",
"Aklat na syang nagpatunay, na totoong may gumawa",
"Aklat na syang patunay, na ikaw ay sinalba",
"Aklat na syang nagpatunay, na sa sala nati'y may nagdusa",
"Aklat ng mga saksi, at patotoo ng mga may sala",
"Hindi masama ang hindi maniwala, lalo na kung ito ang tama",
"Hindi naman kasalanan, kung pagbubulaybulayan ng diwa",
"Isabuhay ang aklat, na sa iyo'y iwinika",
"Dinaan sa mga may akda, winika ng lumikha"
]
},
{
"title": "Ano pa't nakilala",
"content": [
"Hindi batid ang nangyayaring, papaanong nagmula",
"Tila ba isang lutang sa himpapawid nakatula",
"Habang bawat oras na dumarating, pumapatak ang bawat luha",
"Isang ikaw na sa sarili'y pangarap na malabong makuha",
"Sa larawang nakatitig, tanging ala-ala nga",
"Ang siyang magpapaligaya, kapag sa dulo'y wala na",
"Malabo pa sa malabo na matupad pa ang kahilingang ikaw nga",
"Sa kadahilanang parang ang isang ikaw, ay malayong makuha",
"Sa isang panaginip, na ika'y nakakasama",
"Nakakatuwa lang isipin dahil doon ka walang humpay na makikita",
"Sa kung maaari man na wala nang hangganan, ay akin nang lulubusin",
"Na ang tulad mo ay tanungin kung ako ba ay gusto mo rin?",
"Sublit ang pangarap ay tila nagiging bangungot",
"Na hindi kayang ihinto, at binabalot na nang lungkot",
"Bawat oras na lumilipas, pinipilit pa nh poot",
"At bawat poot, bawat kirot, bawat ala-alang nililimot",
"Katagang nais sabihing malabo na itong mapabatid",
"Dahil may iba na jan sa iyo na araw araw kang inihahatid",
"Kaligayahan mo ang syang nais, kaya hindi na maipaaalam",
"Sabihing katotohanang, binubulag ng salitang lihis sa katotohanan",
"Hipit na ng bawat yakap, sa unang araw araw nang basa",
"Iniwan na ngayon ang tulad mo, at sinukuang makita pa",
"Iiwasn kung maaaring, hindi na magutuhan pa",
"Subalit ganitong, malabo nga at hanggang umpisa",
"Pinilit pang limutin, at kakayanin ang hindi ka maala-ala",
"Salamat sapagkat, naging bahagi ang tulad mong dalaga",
"Isang hiwaga't pahiwatig na niyanig ang buhay na wala",
"Na himala na ginawa na isang tulad ng hindi naniniwala sa patunay ng makata",
"Ngayon ay siyang saksing, nais sa iyo'y ipabayid",
"Kung nanaising mang malaman ay idadaan sa malalirikong walang patid",
"Sa wakas man ay nanaisin pa rin, na king pagbibigyan pa",
"At kung pagbibigyan man ng panahong syang lungkot ay magiging saya."
]
},
{
"title": "Pansamantalang Pangarap",
"content": [
"Isang araw nagising, mula sa pansamantalang pagkakahimlay",
"Salamat sapagkat, ako pa'y binigyang buhay",
"Mukh mang madilim, at walang kakula kulay",
"Puno naman ng tuwa, nang maputol ko ang sungay",
"At ito'y pa ay dinagdag, nang di ako sumuway",
"Isang tila anghel, na sa aki'y inialay",
"Binigyan nya ng kulay, pinasigla pa ang buhay",
"At patuloy na kinilala, sa kung sino ang ibinigay",
"Ang saya ang sarap din naman pala",
"Magkagusto sa isa, sa hindi mo pa kilala",
"Sa iba, na hindi mo pa nakakasama",
"Sa isa, sa mga, nanaising makasama",
"Hinawakan ang sulatan, ang panulat",
"Gagawa nanaman ng yugto, sa nasimulang aklat",
"Ang binatang wala, ang siyang pamagat",
"Na saksing pinaginhawa, matapos ang panahong alat",
"Salamat sa lahat, at ngayon sya'y dumating",
"Akala ko ng una, hanggang dulo'y sya pa rin",
"Paanong sa kanya'y sasabihin, kung tingin ko'y ayaw nya rin",
"Lalayuan ko na syang pilit, at siya'y papalayain",
"Ang tadhana ay naghain, ng isang tukso",
"Kung saan ako'y sinubok, at lubos nagkagusto",
"Isipan kong maaliwalas, ngayon ay nililito",
"Tila ba ay ginulantang, ng dahil sa isang tao",
"Nang akala kong sya nga, at akin na itong sinabi",
"Salamat sapagkat, nangyari ang dapat mangyari",
"Ang akala kong pang walang hanggan, ay mapuputol sa huli",
"At tuluyang ginupit, ng gunting ang lubid na sa ami'y nakatali",
"Ito nang pangwakas na sa kanya'y inilihim",
"Hindi man sya maniwala, sa bawat ako'y umaamin",
"Sa bawat oras, na naisin ko mang sabihin",
"Sinasabi nang maaaring, subalit wala pa rin",
"Linilinaw ang panahon, hinihilom na ang sugat",
"Sa gabing madilim, nauudlot na itong pag-iyak",
"Hindi dahil sa manhid, subalit aking tanggap",
"Itong alok yaring tadhanang, pansamantalang pangarap",
"Inakalang kailangan, magiging kasama",
"Kabiak ko na sa sumpang, sa hirap man o ginhawa",
"Ang hinirang ng langit, na sa akin ay sisira",
"At babasag ng nananahimik kong mentalidad, ay isa lang palang diwata"
]
},
{
"title": "Pagputol",
"content": [
"Nilihim ang liham, at tinago sa silid",
"Sinulat ng nakaraan, para sa sarili'y ipabatid",
"Subalit sa lihim nyang kinukubli, tanging ngiti lang ng binibini",
"Waring lihim nyang binunyag, sisirain ng isang ngiti",
"Sundan man ang pangarap, tila wala nang pag-asa",
"Wala nang pagkakataong, ang siya ay mas makasama",
"Itinakda na sa sariling, walang mapapala",
"Piliin ang bagay na ikakabuti, kaysa sa kanya'y ikakasira",
"Kaligayahan na ng sarili, ang siya'y lumigaya",
"Gawin ang lahat ng bagay, na aking makakaya",
"Maging ang ilayo ang sarili, at iwanan ang tulad nya",
"Nang sa wakas ma'y, hindi na magkaproblema",
"Isang beses pang namulat, sa katotohanang nasilayan",
"Isang gabing naranasan, sa panaginip masilayan",
"Isang natatanging oras, na sya ay mapabilang",
"Isang pangyayaring, parang hindi na muling pagbibigayan",
"Sinundan na ang syang bagay, subalit sa dulo'y pinutol",
"Sakit na sa sariling, ang laging pagtutol",
"Pag-iwas sa bagay, na syang inihahatol",
"Na syang sariling pinaikot, katulad ng katol",
"Hindi na batid pa na mauulit, subalit pinaubaya",
"Ang bagay na syang pangarap lang, ay hindi na makukuha",
"Hindi na mauulit pa, ang muli syang makasama",
"Subalit masaya na kung maaari, ang sya ay lumigaya",
"Kinapos na ang tinta, kaya ginamitan na ng lapis",
"Ang pagkahumaling ba, ay masasabi pa na labis?",
"Kahit pa na ang minsa'y, malabong maging paro-paro pa ang ipis",
"Na sa tuwing iniisip, ay tanging magawa'y ang paagtangis",
"Hindi na kakaiba pa, ang nasasabing wangis",
"Maging sa kung sino ay, hindi masasabing labis",
"Sa wakas na syang itinalata, nitong maliit na lapis",
"Na syang nagpatotoong, wala ang lahat sa hugis"
]
},
{
"title": "Talimuwang",
"content": [
"Pinangarap nang minsa'y, ikaw ay makilala",
"Mapalapit tila'y tagumpay, na balak pang makilala",
"Paanong ang isang bagay sa una, magiging makatotohanang kataga",
"Katagang tila malabo, sa tulad mong 'di ko na makukuha",
"Hindi ko akalain, nang aking mang pilitin",
"Pinilit kong ilihis, itong nasasabing pagtingin",
"Subalit sa dulo'y bumalik, nang nalamang wala na rin",
"Gayong parang paraisong may kalat, na aking nais linisin",
"Salamat na rin sa iyo, nang aking mang nagawa",
"Sa sarili ang bagay, na hindi ko kayang isagawa",
"Aminin ang totoong, tila hindi ka naniniwala",
"Gayong pasasalamat pa rin, dahil sa bagay mong isinagawa",
"Tila ba ang wakas ay nalalapit, ang oras na sasapit",
"Panahong malamig, na bigla na lamang umniinit",
"Naisin pang ako'y lumayo, ay nais pa ring sayo'y lumapit",
"Nais na marinig, na sa tenga'y naglalaro mong tinig",
"Balisa na sa oras, na tuwing sasapit",
"Bawat oras na nasasayang, sa iyo'y kakaisip",
"Kahibangan pa bang maituturing, yaring pawang panaginip",
"Kahit anong pagkakataong mapag-isa'y, ikaw pa rin ang syang nakasilip",
"Nalalapit na ang panahon, at tila hindi ko kayang iwasan",
"Pagkakataong hindi ko kayang dumating, na lubos kong panghihinayangan",
"Sa ilaw na nasa taas, sa dilim ang saksi at may alam",
"Sa mga kaganapang naglalaro lamang, sa aking malikot na isipan",
"Tinitipid na ang tinta, nitong aking gamit",
"Isusulat ang ngalan mo, sa puti kong damit",
"Gayong sa oras na hindi ka na batid, ay masisilayan pang pilit",
"Pangalan ng taong, tao pa ako ang pagkakabatid",
"At ngayong nagising, ano nga ba ang simula",
"Ano nga ba ang totoong, parang naging ilusyong bigla",
"Hindi ko maalalang, saan ka nagmula",
"Bakit tila wala na, ako ba ay nakikita?"
]
},
{
"title": "Alipin ng Salapi",
"content": [
"Sa kapirasong papel, na matagal mong pinaglaanan",
"Panahon na akalay huhubog, subalit lingid sa katotohanan",
"Sa pinaghirapan ng taon, kapalit ng baryang iilan",
"Sa parang ng walang hangganang, hindi batid ang paroroonan",
"Inalam ang lahat, at inaral mula't mula pa",
"Isa ka sa pinakamatalino, noong kaklase pa kita",
"Subalit tila nagbago ang ihip, naging alipin kang bigla",
"Naging isang manggagawang, walang magawa",
"Hindi ka makareklamo, maging ang makasigaw",
"Nasaan na ang dating matapang, na nag iisang ikaw",
"Nasaan na ang taong nagpabatid, kung paanong lilikha ng ilaw",
"Kung ang hinahanap mo, ay hindi na muli pang masisilaw",
"Sa salaping pilak, na sa mababang halaga",
"Sinisira mo ang sarili, nilulunod ka sa gawa",
"Wala ka nang oras, maging ang maging masaya",
"Wala ka nang panahon, dahil sa nagmamadali na",
"Lilitaw ang larawan, na iyong tinititigan",
"Sa karterang mong sira, na nasa iyong lukbutan",
"Lulukan ng iyong kayamanan, na niluluhaan sa tuwing nasisilayan",
"Sa orasan na nais mong masilayan, na hindi mo kayang magkaroon ni minsan",
"Kapisan ang iba, na hindi mo pa gamay",
"Ni minsa ay, hindi pa nahahawakan ang kamay",
"Sa kadahilanang bahid ng dumi, buhat sa maghapong gawa",
"Bilad ka sa init, pag hindi'y sa gawai'y babad",
"Nais mo lang ay ang pagtanggap, na matrato ng tama",
"Ang makita ng nakatataas, ang hirap na nadarama",
"Na mabayaran ng tama, at sa pamilya ay mabigayan ligaya",
"Subalit tanging luha na lang ang kaya, maging tiis ng kinakaya",
"Lilipad na ang isipan, sa huling pagkakataon",
"Ika'y papagalitan, kahit tambak ka na ngayon",
"Ito na at gabi ang sumapit, pahinga muna ngayon",
"Bukas ay babawi, dahil sa alipin ng salaping ka ngayon"
]
},
{
"title": "Walang hanggang huli",
"content": [
"Madilim ang paligid ko, nang bigla kang dumating",
"Ihip ng hangin, habang sa himpapawid ay nakatingin",
"Bilanggo sa nakaraang, tila ay patuloy gumugulo",
"Dating walang patutunguhan, ginuhatan mo ang palad ko",
"Ang ibon sa himpapawid, ay kay tayog ng lipad",
"Nais ko ring sa balang araw, ako ay malayong mapadpad",
"Tatapak sa matigas na hakbangang, hindi lulubog sa sa putikan",
"Sa kadahilanang ikaw pa rin naman, ang alalay sa aking paghakbang",
"Ikaw na ang nagsilbing liwanang, sa panahong nasa kadiliman",
"Nilimliman mo ako, noong panahong puso'y nalamigan",
"Ikaw ang syang apoy, na sa aki'y papaso't pangangaralan",
"Ikaw ang syang apoy, sa liwanag na gabay ng pang walanghaanggan",
"Hindi matatapos ang huli, dahil pang walang hanggan",
"Ikaw ang nagsilbing hakbang, at aking hagdan",
"Ikaw ang nagbibigay ng daan, patungo sa dapat patunguhan",
"Sa bawat panahong naliko ako, ikaw ang syang nagbabalik ng daan",
"Pinangako ko ng sa unang, parang hindi ko matupad tupad",
"Subalit yaring kahilingan ko'y, iyo nang tinutupad",
"Tiwalang pinagkaloob mo sa aki'y, iyong hinihintay",
"Dahil sa panahon ng hangganan, matutupad ko pa habang nabubuhay",
"Sa itim at puti ng aking buhay, ikaw ang nagbigay ng kulay",
"Akala ko na ang gulay, ang magbibigay sa akin ng buhay",
"Subalik nagkasala ako, sa iyo na pala ang patunay",
"Na ang dapat sa aki'y binigay, tinubos mo ng buhay",
"Hilaw pa ako sa bunga, gayong ikaw ang syang puno",
"Sa iyo ako ay nakakapit, at pilit na mapapasayo",
"Hindi ako bibitaw, sa gayong inaalagaan mo",
"Ikaw ang nagbibigay ng buhay, upang maging hinog ang tulad ko",
"Bulag na sa katotohanan, lunod na sa kasalanan",
"Tinubos mo ang isang basurang, hindi karapat-dapat kailanman",
"Hindi ni minsan ay kayamanan, bagkus isang putik sa sangkatauhan",
"Subalit yaring pag-ibig mo, ang syang naging dahilan ng kabayaran"
]
},
{
"title": "Patotoo",
"content": [
"Pagod na yata ang araw, sa dilim pang sumasakop",
"Lupa na wala sa sarili, tubig ay tumataklob",
"Ninipis bawat hakbangan, sa bagay na tinutok",
"Sa sarado kong pintuan, may kumakatok",
"Angkop ba na papasukin, gayong ako ma'y di dapat",
"Sa tulad kong basura, sa gawa nyang tapat",
"Subalit sinampal akong muli, at mata'y imimulat",
"Anak binabangungot ka, wika ng umulat",
"Bulag na nga bang masasabi, gayong ako ay lumalayo",
"Nililisan ang dapat, ay ilapit ko pang lalo",
"Gayon ba ang bagay na itinakda, ng langit na guguho",
"Binigay nang lahat, subalit naging palalo",
"Humahakbang ng nakapikit, dahil mayroon nang gabay",
"May naalalay sa akin, maging humawak sa kamay",
"Salamat po ITAY, iyo pa ngang binubuhay",
"Nagpapatuloy sa dilim, na hinahaluan mo ng kulay",
"Lumuluha sa tuwing, ako ay nagsusumbong",
"Paulit ulit na gawain. buti di ka sinusumpong",
"Patuloy ang paghakbang, umaraw man o umambon",
"At itong aking ginawang dahil sayo, tulungan mong umahon",
"Ako ay iyong anak, at hindi mo inampon",
"Kabutihan ang hangad, gabay ko ang iyong kampon",
"Biyaya mo ang ambon, niliguan ng may sabon",
"At tutuwid muli yaring daan, na pinahihirapan ngayon",
"Tuloy pa rin, itong aking nais gawin",
"Itala ang nais mong ibahagi, sa patotoong hangarin",
"Tinitigan nang muli, ang sarili sa salamin",
"Kamusta ang katagang, lagi kong sasambitin",
"Umiiyak sa pasasalamat, anak mong nagsusumikap",
"Bumibitaw na sa pangarap, subalit pilit pang niyayakap",
"Sa bukas na butas, panahong di makakurap",
"Makikita ang sariling, kasama ka sa hinaharap"
]
},
{
"title": "Liwanag, Pahayag",
"content": [
"Nasa tayog ng himpapawid, nasa gilid at paligid",
"Nasa ibayo ng lupa, gitna ng tubig",
"Hinamon ng paligid, hanging nahimpapawid",
"Sa isang hakbang, namali ang pagtawid",
"Anak takbo, bilisan mo ang kilos",
"Ika'y 'wag lalapit, bilisan pang bagkus",
"Sasampalin ka ng katotohanang, hangin ang tatapos",
"Sa wakas mo'y, hindi ka pa makakakilos",
"Nasaan ka na, bakit ka biglang huminto",
"Sabi mo noong una'y pilit pa tayong tatayo",
"Langanin na ang paa, nasa sukdulan ng lupa",
"Daliri na lang ba ang pag-asa, kung tatagal ka pa",
"Anak, pilit pa ang pagkapit",
"Ako'y hinahabol rin, at pilit na lalapit",
"Sa iyo subalit, ililihis ko nang pilit",
"Ikaw ay titibay, sa isang sakripisyong kapalit",
"Hinga, habulin mo sila",
"Ikaw ang tatapos, kahit sila ang nag umpisa",
"Ikaw ang wawakas, ng walang hanggang sumpa",
"Ikaw ang syang papatid, ng tinanim na lubid sa mata",
"Huling sigaw, at gumisin ka na",
"Ikaway nasa bangungot, ng nakaraan nating dalawa",
"Ako'y lumisan na, matagal ka nang mag-isa",
"Ikaw na lang ang hahakbang, gamit ang sarili mong mga paa",
"Pilitin mo nang kalimutan, kung iyong mamarapatin",
"Paghihirap ang daranasin, kakapusan ang sasapitin",
"Pighating taon mo nang dinadaing, paano kang papalayain",
"Kung ikaw na mismo sa sarili'y, hindi mo nais pang alisin",
"Humakbang ka palabas, at tingnan mo ang liwanag",
"Gayong buhay yaring hiram, at sa sarili hihingi ng tatag",
"Pilitin mong gumawa ng mabuti, masama man ang nakaraan",
"Balutin ng pagmamahal, gayong ito ma'y sayo ay pinagkaitan"
]
},
{
"title": "Pagkalimot",
"content": [
"Matagal nang panahon, nang huli kong ilathala ang akdang",
"Kung saan ang yaman, ay aking tangan",
"Panahong kasama, ang aking pinagyayaman",
"At nilalasap ang sandaling, hanggang kailan",
"Hindi ko batid, kung hanggang kailan tatagal",
"Hindi ko batid, kung talaga bang magtatagal",
"Gayong ang liham, ay labis nang nalilimutan",
"Pasimula pa ng haligi, na pinagtitibay ng tahan",
"Saan na nga ba, o nasaan na nga ba ako?",
"Nasaan na ang lahat, ano ba kayo?",
"Hindi ko maaninag, maging mahinuha",
"Hindi ko mawari, kung sa anong paksa",
"Sa huling sandali ba'y, akin pang makukuha",
"Bawat sandaling kasama pa, kaibigan ko't pamilya",
"Panahon naming puno ng lumbay, pasakit at saya",
"Maaalala ko pa kaya, kung sino sino sila?",
"Ligaw na ang tupang, dati ay nasa landas pa",
"Ligaw maging ang isip, na dating nasa katinuan pa",
"Ligaw na ang mga bagay, na hindi ko makuha",
"Subalit tanda pa sa ngayon, mga kaganapan noong pagkabata",
"Paano ba ako makakaalis, sa isang napasukan",
"Ni hindi na makaalis, at baka hindi lalo malisan",
"Hindi makagalaw, baka hindi ko malaman",
"Kung saan at ano, ang aking pinagmulan",
"Hawak ko na lang ang lapis, na nagsisilbing liwanag",
"Nagbabakasakaling masilayan, o maging maaninag",
"At ako'y makabalik, sa aking nakaraan",
"Sa panahong wala, wala na akong nalalaman",
"Ako pa kaya ay makakakilala, ng mga naging kakilala?",
"Ako pa kaya'y makakaalala, pangalan ng nga nakasama?",
"Hindi ko na mawari, masakit na masakit na",
"Masakit na ang isip ko, sa pilit ko pang paggunita"
]
},
{
"title": "Paglipas ng oras",
"content": [
"Hindi pa wakas, subalit tila ba'y katapusan",
"Nasa huling kabanata, ng taong may hangganan",
"Lumilipas nang kay bilis, oras na dumaraan",
"Panahong larawan natin ngayon, mamaya ay lilipas",
"Kailan nga bang maibabalik, pangungulilang lubos",
"Ang buhangin sa dalampasigan, unti-unting nauubos",
"Isinanlang pagkakataon, iyo pa bang matutubos",
"Hangin na akala'y sapat, subalit bakit ba kapos?",
"Nais ko na lang maging patatas, sa lupa'y nakabaon",
"Limutin ang hirap, pagyamanin ng panahon",
"Huhukaying muli, at syang makakaahon",
"Hinubog ng panahon, pinagtibay ng pagkakataon",
"Hindi makakibo, ni makahinga",
"Hindi makalayo, ni makapagsalita",
"Hindi makadaing, kahit may iniinda",
"Pilit na kinakaya, kahit pa lumuluha",
"Kailan ba ang panahon ko? Kapag ba ubos na?",
"Kailan ba ang oras, na ako'y giginhawa?",
"Kailan pa ang pagkakataong, ako ay sasaya?",
"Hanggang kailan pa, kayo na aking makakasama?",
"Yamang binigay ng langit, bakit tila nawawala?",
"Kasama ko dapat sa hirap, lalo na sa ginhawa",
"Bakit tila madalang na, tayong nagkikitakita?",
"Bakit nga ba? Bakit parang wala na?",
"Sa okasyon kada taon, doon lang nagsasama sama",
"Dalawang beses may nalagas, tapos nauubusan na",
"Tatlo noong lumipas, subalit bakit walang nadadala?",
"Kailan pa ba muling maibabalik? Kapag ba ang lahat ay huli na?",
"Siguro nga, pagod na lang ang katawang lupa",
"Siguro nga, pagod ang isip at diwa",
"Pero siguro naman bukas, 'di muli ko pang makakasama",
"Pero siguro naman bukas, mas maraming bukas pa na makakasama"
]
},
{
"title": "Dilim sa nakaraan",
"content": [
"Iba ang halimuyak, ng kanyang kapaligiran",
"Nasisilayan ang liwanag, kakaiba ang kanyang kinang",
"Nang siya ay napadaan, sa lugar na hindi nya inaasahan",
"Natatanging lugar na tila, malabo sa paningin ninuman",
"Dito siya namulat, dito rin sya nagkaisip",
"Dito nga naalala, lahat ng naranasang sakit",
"Dito nya nakikita, maging kaligayahang nakamit",
"Dito sya namalagi, subalit kanyang ginigiit",
"Sa sarili'y pinagkakait, ang katotohanang nagmula",
"Sa lugar na nakikitang, kadilimang nakuha",
"Sa kinang na sa kanya'y nakikita, anino nyang hindi maikakaila",
"Tunay nga ika, lugar na ayaw nyang makita",
"Habang kanyang binalikan, ang kanyang pinagmulan",
"Luha ay pumapatak, habang kanyang nasisilayan",
"Nakaraang karumal-dumal, sa paslit pang nilalang",
"pagmamaltratong tila, hindi na nya malilimutan",
"Tuwid na ang likod, ng kubang bata",
"Sa bawat nakukuha, panghahambalos na bigla",
"Sinumpa sa sariling, di na mauulit pa",
"Sa kanya wawakasan, ang lahat ng hirap nya",
"Ayaw na nyang lumapit pa, subalit kanyang naalala",
"Kahapon lang ay nakita nya, amang nasa higaang luma",
"Humahagulhol sa harap nya, ni hindi na makuha",
"Hawakan ang kamay ni Juan, sa dahilang nanghihina",
"Sinabi nito tila, huling yugto na nya",
"Kanyang winika, \"Anak patawad sa aking mga ginawa\"",
"At pinagpatuloy pa, \"Nais ko sanang sa bahay ka na\"",
"\"Doon ay buoin mong muli, nang may masasaya pang ala-ala\"",
"Itong mga huling saglit, at huling bilin",
"Ng kanyang ama, bago pa nito sapitin",
"Ang pamamahinga, na kanyang sasapitin",
"Si Juan ay lumuha, subalit hindi nya ito kayang yakapin"
]
},
{
"title": "Kapighatian ni Juan",
"content": [
"Sa bawat salita, na pilit nyang binibigkas",
"Tanging paghingi ng tawad, hanggang sa kanyang wakas",
"Mabigat ang loob, at magkaiba na ang antas",
"Ama nyang nakaratay na, at sya na malakas",
"Hanggang sa paglabas, hindi nya magawa",
"Lingunin ang amang, hirap sa paghinga",
"Hanggang ang isang tunog, na gumimbal sa kanya",
"Sabay lingon sa likod, at ang ama ay wala na",
"Binalikan ni Juan ang katawan, ng ama nyang pagod",
"Sa tabi ay lumuluha, habang ito'y nakaluhod",
"Ang hindi na makakalakad pa, kahit bigyan pa ng tungkod",
"Ipinangako na lang nyang, sa bilin ay susunod",
"Balik sa kasalukuyan, sa tahanang luma",
"Kung saan ang nakaraan, nais nyang mawala",
"Babaguhing lahat, hanggang sa ito'y gumanda",
"Hindi mawawala ang dati, subalit aayusin ang bawat luma",
"Sa may sala pagpasok, kanyang naaalala",
"Noong bago pumasok, ang ama't ina'y tuwang tuwa",
"Ina nito'y kausap, habang butones ay isinasara",
"At tamang ihahatid sya ng ama, patingo sa iskwela",
"Lingid sa kaalaman, ng paslit at kamusmusan",
"Ang bagay na ito'y, hindi na masusundan",
"Ni hindi na nya masilayan, ang ama sa tahanan",
"Tanging kanyang ina lamang, kapiling nya sa hapagkainan",
"Hanggang isang araw ay dumating, at hindi inaasahan",
"Ang ama ay umuwi, lunod sa kalasingan",
"Sa hindi nila mawari, ano bang naging kadahilanan",
"At naging mitsa ng kalbaryong, di dapat niya mararanasan",
"Sa bagay na kanyang naranasan, na hindi na mauulit",
"Ang sakit na naramdaman, ang bigat ng bawat hagupit",
"Malaya mang maituturing, subalit nakapiit",
"Sa isang tahanang, punong puno na ng pait"
]
},
{
"title": "Hinahangad",
"content": [
"Isang araw ang lumipas, nag puno ng galak at kaligayahan",
"Itong itinatag na araw, sinasabing kaarawan",
"Kung saan ginugunita ng anak, ng isang makapangyarihan",
"O talaga nga ba? O sinadyang ipanlinlang",
"Hindi na masaya, katulad nang huling beses na naganap",
"Kahalintulang araw, subalit tila wala nang mahagilap",
"Tiyak na ang tinutukoy ng liwanag, ang agwat sa pangarap",
"Na tanging hangad lang, ay ang tanging hinahanap",
"Sabaw na ang pag-iisip, subalit wala nang sabaw ang ulam",
"Hindi na rin napapagalitan, sa tuwing nagtatampisaw sa ulan",
"Sa isang larawang nasa sala, kung saan ang ugnayan sa nakaraan",
"Tanging doon na lamang, ligaya ay nasisilayan",
"Pagod na sya noong pagkabata, dahil na uutusan",
"Ngayong nagkaedad na, hindi na nya maiwasan",
"Sinambit na sa sarili, sana gano'on na lamang",
"Hindi na sana nagbago, para wala na akong pagsisihan",
"Hindi na sa katulad ng dati, na tayo'y lumiligaya",
"Ginagawa na lang ang dati, para lamang sa nostagia",
"Hindi na rin masaya, kahit na may kasama na iba",
"Iba pa rin talaga ang dati, noong mga panahong kadugyutan pa",
"Silaw na sa karangyaan, uhaw na sa kaligayahan",
"Hindi na nababalot ng kasinungalingan, ang ating mga magulang",
"Dahil hindi na rin ba makakapiling, sa araw na inaasam",
"Hindi na ba talaga kayang ibalik? O baka talagang ayaw mo lang",
"Kung sakaling babalik, babalik ka pa ba?",
"Kung sakali gumawa na ang oras, ang tinakda ay babaguhin ba?",
"O hahayaang pagkakatao'y, iiwanan na ang lahat",
"Kunyaring kakayanin, kahit sa loob ay mabigat",
"Lubusan bang ikaaangat? O ikababagabag",
"Nais kunyari sa sarili, sa totoo nama'y labag",
"Matigas sa panlabas, subalit sa loob ay nakahahabag",
"Nahingi na ng kaunting pang oras, makamit lamang ang hinahangad"
]
},
{
"title": "Oras ng pag-iisip",
"content": [
"Muling tumingala, sa malawak na kalangitan",
"Totoo nga ba ang nasisilayan, o ako ba'y nililinlang",
"Kung sa walang liwanag, ang itim ng kalangitan",
"Subalit ang bituwing nagniningngin, bigla na lamanag lumilisan",
"Isang taon nanaman itong lumipas, ano nga bang bago?",
"Ito ang sa isipan, taon taong tumatakbo",
"Sumapit nanaman ang araw, kung saan ay ang dulo",
"At kinabukasa'y sasapit, ang taong panibago",
"Lagi na lang, walang pinagbago",
"Wala nang ibang makikita sa sarili ko",
"Wala nang iba pang masisilayan, kahit pa ano",
"Dahil ba hindi ko sinunod ang bagay, na dapat ginagawa ko?",
"Taon nanaman ang lumipas, at tinapong tipas",
"Hadlang ba ang panahon, kaya kumukupas",
"Hindi lang naman oras, ang mabilis na lumilipas",
"Kumurap ka lang saglit, biglang magiging sampo ang bukas",
"Nagawa na nga ba, ang mga dapat gawin?",
"Ito ang tanong, na sa sarili'y sambitin",
"Kung may mababago ba, o akin lamang uulitin?",
"Panahong lilipas, at laging uulit-ulitin",
"Sa isang linyang awit, tanging iisa ang bigkas",
"Wala na tayo sa simula, tayo'y nasa wakas",
"Mabilis umaandar ang oras, nagiging kahapon na lang ang bukas",
"Malalaman mo isang araw, kulang ka na sa oras",
"Salamat sa mga, nagbigay ng aral",
"Salamat sa mga, nagturo ng asal",
"Salamat sa mga bagay na tinunghayan ng buhay",
"Kung hindi ko ba ito naranasan, paano ko pahahalagayan ang isang bagay",
"Ito na ang oras, upang mag-isip",
"Ako na si Juan, ang nasa iyong panaginip",
"Huwag kang maghintay, dahil hindi ka maiinip",
"Hindi mo mamamalayan, mabibigla ka na lang pag-idlip"
]
},
{
"title": "Valley and tines",
"content": [
"Malinaw pa ang kahapon, nang ako ay kasama",
"Masaya't dala dala ang kahon, aking ibibigay mamaya",
"Ibinilang sa hanay, sa kamay ay di madarama",
"Maraming dinampiang palad, hindi lang pala ako ang kanyang nakakasama",
"Mapalad pa bang maituturing, kung ako'y pagpililian lamang",
"Gayong kung sa itsura lang, at maging sa mayroong karangyaan",
"Maging sa mga bagay na tangan, hindi na ako makakalamang",
"Kung sa layo ang pagbabasehan, ni anino'y 'di masilaysilayan",
"Ako man ang kausap, subalit hanggang doon na lamang",
"Nais ko mang lumamang, subalit malabong magawan ng paraan",
"Hindi na rin nakakausap, hindi na rin napagparamdaman",
"Hindi ko na alam, kung may pagkakataong malaman",
"Isang araw nga'y nataong, iba na ang inihayag",
"Hindi man binalita, subalit tila may napiling hayag",
"Ni walang pasabi, para 'di na maghintay pa",
"At sa araw na ginawa nya, naglaho nang parang bula",
"Ngayong isang araw nagising, at ngayo'y natauhang bigla",
"Sa taong laging magkausap, hinayaang sya'y magpadala",
"Hayaang pagkakataon, ang syang mag hahanda",
"Baka sakaling darating man, araw na pagbabalik nya",
"At kung iyon man at darating, ay huwag naman sana",
"Hindi na ako ang dati, dahil ayaw ko na",
"Hindi na nya ako makakausap, katulad ng sa nauna",
"Dahil sa ilang beses, pina-asa lang sa wala",
"Hindi sa ganti, kung hidi dahil dala na",
"Huwag na ding pilitin, kung ayaw ko na",
"Kung ikaw man ay sasaktan nya, malabo ka na",
"Hindi na kasi katulad ng ako ang lumalapit, na gusto ka pa",
"At kung iyon man ay mangyayari, batid kong alam mo na",
"Hindi na tatalab, ang patawad sinta",
"Hindi naman mabubuo, ang bagay na sinira",
"Sa pangalawang beses, pilit kong pagbigyan ka"
]
},
{
"title": "Isang Tanong",
"content": [
"Nais kong maunawaang lubos, kung ano ang nasa isang tanong",
"Isang bagay na malabo, malabong matugon",
"Sa iisang mumunting tungon, masasagot nitong panahon",
"Ang kay tagal na tanong, masagot nawa ngayon",
"Niliham na lamang muli, nilikha sa patulang talata",
"Bumabagabag pa rin, habang panahon ay sumisira",
"Isipang tila binubura ka, subalit nabalik na lang bigla",
"Hindi na matino itong kaisipan, nais ka nang mawala",
"Sino nga ba naman ang siyang hahangad, sa nag-iisa mong pagkatao?",
"Kung hindi rin naman sya ang nais, at iba ang nasa puso",
"Minamasid sa lilim ng daigdig, subalit lubusan nang naglaho",
"Hindi na rin lilitaw ang nakatago, dahil nilubig na sa yungib ng mundo",
"Nang nakaraa'y, winawari pa ang nararapat na gagawin",
"Kung paanong ang isipa'y, hindi na iisipin",
"Kung paanong ang nasira, ay aking aayusin",
"At paanong ang sarili, hindi na uulitin",
"Tinatakda ng panahon, kapag nais natin ang hinahamon",
"Sabi nga sa kape, para kanino ka bumabangon",
"Ngayon ang sagot, hindi para sa tao, kundi sa panibagong pagkakataon",
"Pagkakataong hanapin ang sarili, at hayaang hubugin ng pagkakamali ng kahapon",
"Sa inaakalang bubuo, siya rin palang sisira",
"Tipong akala mong tama, bigla na lang mawawala",
"Isang araw na darating, hindi ka na kilala pa",
"Isang araw na darating, sino ka pa ba?",
"Salamat sa pagkakataon, na ako'y iyong pagbigyan",
"Siguro nga ako'y lumabis, na ikaw ay hangaan",
"Nalimutan ang hadlang, na ako'y hanggang dito lamang",
"Subalit aking titiyakin, hindi mo na ito malalaman",
"Kasabay na sa paglimot, ang pighating bumabalot",
"Kasabay na sa pagbalot, ang sakit lungkot at puot",
"Kasabay ng sakit lungkot at puot, ang sa iyo;y paglimot",
"At sa huling pagkakataong hinimok, hindi na muling kakatok"
]
},
{
"title": "Long Lost Smile",
"content": [
"A fragrance of flower, in a sunny morning",
"Taking photos for someone, for a something",
"Saying nothing, just to lie in",
"My heart was singing, banging your name in",
"Lying on the grass, taking all the past",
"Saying how life goes, and life runs fast",
"And telling to myself, now at last",
"I can tell to you, why I urge and rush",
"The memories on my device, making my eyes cried",
"From that single moment, that makes myself hurt",
"Asking and telling why, why do I need to take this?",
"Why do I need to do such thing, that I can't resist?",
"Mom said: everything gonna be okay",
"Time may past, and nothing happens",
"That moment of mine, that I hope may",
"The hope, that will remain the same",
"It's a spring, and the blossom begins",
"The fragments blooms, as it turns sixteen",
"As it starts to seek, as a waited dream",
"A dream to be foreseen, but only a dream",
"While I'm alone, your from afar",
"Observing and stalking, taking nothing",
"But moments and time, and waiting that it come",
"The chance to notice, that I'm not alone so far",
"But those chances, wasn't been happened",
"Wasn't been known, wasn't been noticed",
"That never be happened, until the time came",
"You said to be before, while you're in a deathbed",
"These videos I have, is the only memory to me",
"Its been years, that you're with me",
"And thinking same on the same grounds. laying on those grasses",
"Sketching your smile, on the moon and stars"
]
},
{
"title": "Ano pa?",
"content": [
"Araw nanaman, ng sinasabing kamatayan",
"Ng Anak ng taong nagtubos, kasalanan ng sanlibutan",
"Panahon na rin upang, manahan panandalian",
"Magkasama sama ang bawat nakahiwalay, nitong kasamahan",
"Subalit paano pa bang babalik, sa aking pinagdipahan",
"Kung ang aking hinahanap, hindi na muli pang masisilayan",
"Mayakap at maging, aking mahagkan",
"Dahil hindi na muling masisilayan, at sila'y nasa ilalim nitong kahimbingan",
"Kung mga naging pananaan, ay aking lalasapín",
"Aking mas nanaisin, ang panahong sila pa'y kapiling",
"Kung aking mang sisilipin,nm at susumahin",
"Mas sila pa ang humubog, sa karunungang nanaisin",
"Taon na ang lumipas, ang lima sa ang biglang lumisan",
"Isa doon ay ni minsan, hindi ko natitigan",
"Hindi man lamang tumagal, miski isang oras sa karamihan",
"Bagkus mas madalas pang wala, at nasa kaniyang kaibigan",
"Sa madalang pang dumalaw, ni hindi pa mapagbigyan",
"Sa minsan ang pagkakatao'y, pinagkakaitan lamang",
"Mas kilala pa ng kaibigan, kaysa sa mga kamag-anakan",
"Kaya kung maaari'y, huwag n'yo nang pagtakhan",
"Ang isa ay lubos, na siyang bukas palad",
"Madaling lapitan, kung may hinahangad",
"Maging sa bagay bagay, at pangangailangan",
"Maasahan basta mayroon, at palaging nandiyan",
"At ang tatlo ay may kaedaran, at ngayong nasa hantungan",
"Sila lang ang nariyan, kapag may kailangan",
"Dumalaw ka lamang, tiyak kang bibigyan",
"Anumang gusto mo, kumuha ka na lang sa tindahan",
"Ngayon ay masasabi, kung ako ba ay makikihalubiho",
"Ni sila nga mismo, sila sila lang ang nasa isang pwesto",
"Ni makipag-usap, ay napakalayo",
"At silang lalapit lamang, kung may kailangan sa iyo"
]
},
{
"title": "Isang umaga",
"content": [
"Tila ba ay nakakapagtaka, nang dumating itong araw",
"Hindi ko inaakala, bigla sa tabi ko'y lilitaw",
"Inihanda ng tadhana, ang sinasabing balang araw",
"Araw kung aakalaing, magiging ako at ikaw",
"Sumusulyap na ang araw, nang ako ay gumising",
"Sabay sa tilaok ng manok, at lumiliwanag na lilim",
"Hindi batid ang mangyayari, sa araw na darating",
"Hanggang pinukaw ang pansin, at sinabi ang tinagong lihim",
"Inaakala ko na biro, subalit tinatawanang bigla",
"Madalas sinasabi, sana ay naging sino ka",
"Hindi na maramdaman ang nadarama, hindi na tangkaing makilala ka",
"Hindi na darating, araw na masasaktan pa",
"Ang sakit at kirot, ang siyang magiging dahilan",
"Ang dating mapagmahal, magiging bato ang kalalabasan",
"Ito ang magiging sandigan, ito ang kahihinatnan",
"Kaya kahit pa ikaw ay lumisan, hindi na muling masasaktan",
"Tinitiyak sa bawat oras, na hindi na babalik",
"Ang masarap mong mga yakap, maging matatamis mong mga halik",
"Hindi na muli pang mararanasan, hindi na muli pang tatangkilik",
"Hindi na uulit, hindi na magtatangkang mangulit",
"Isang bagay ang nakapagpabago, kaya ba nagtataka ka na?",
"Sabi mo ay hindi naman ako ganoon dati, bakit ikaw ba?",
"Noong sinabing ayusin, ikaw na ang nagkusa",
"Iniwan na lang sa himpapawid, na hindi alam kung mabubuhay pa sa baba",
"Isang maalamat, ang siyang nagtugon",
"Ang tanging makakapagpatibay sa isang tao, ay ang nangyari kahapon",
"Kahapon na iyong naranasan, kahapong ayaw nang balikan",
"Ang araw na syang, sana ay hindi na lamang dumaan",
"Ito ang naging sanhi, nitong umagang pagsulyap",
"Inaalala ang kahapong naganap, habang luha'y pumapatak",
"Ginising ng katotohanang, inaakalang pangarap",
"Lumipad sa himpapawid, ang ninanais kong kayakap"
]
}
]

Comments are disabled for this gist.